Share

Kabanata 101

Author: blackbunny
last update Last Updated: 2025-12-02 22:27:28

Si Lovi ay nakahiga sa kama, nakatitig nang wala sa sarili sa kasalang nagaganap sa damuhan hindi kalayuan mula sa kanila.

Privacy-proof ang salamin, kaya kahit bukas pa ang mga kurtina, walang sinuman ang makakakita ng nangyayari sa loob. Gaya kanina, nang nakahiga siya sa sahig sa tabi ng bintanang abot-hanggang kisame, sobra talaga ang hiya at kaba na naramdaman niya. Parang napakaraming matang nakatitig sa kanya mula sa labas, kahit alam niyang imposible iyon.

“Do you want to go there?” tanong ni Easton na kakalabas lang mula sa banyo, suot ang maluwag na bathrobe at mahinahong sumandal sa sofa. Malambing itong ngumiti at tumingin sa direksiyon ni Lovi.

Natatawang umiling si Lovi.

Nang makapagpahinga na sila sa kwarto, gabi na nagising si Lovi dahil sa gutom.

Dinala siya ni Easton sa damuhan malapit sa lawa, na tila ba inihanda na talaga para sa kanila. May mga mesa at upuang maayos na inayos sa lugar, na parang eksena sa isang pribadong date kagaya sa mga napapanuod niya sa mga p
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
blackbunny
thank you kay @LJS lang malakas, na patuloy na nag-aabang ng update ko ...️
goodnovel comment avatar
blackbunny
nabitin ba kayo? abangan n'yo ulit bukas yung update ko hahaha
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 103

    Habang kumakain sa cafeteria, naghanap si Lovi ng pagkakataon at hinila niya si Assistant Ren papunta sa isang medyo tagong mesa.Hindi na nagulat ang mga kasamahan nilang nakatingin mula sa malayo; sa tingin nila, matagal nang malapit ang dalawa at parang may sariling mundo na.Si Easton na naglalakad sa unahan, napakunot ang noo nang mapansing may dalawang kahina-hinalang tao na sumusunod sa likuran niya.May mga bagay pa ba talaga na hindi mo kailangang alamin? para bang iyon ang gusto niyang itanong habang tinitingnan sila.Hindi siya makapag-concentrate, kaya sa halip na sumabay sa kanila, naupo na lang siya mag-isa upang kumain. Sa kabutihang-palad, nakaupo sa tapat niya si Jenna, na tila naghintay na ring makipag-usap.“Lovi, ipapasa mo na naman ba si boss sa ibang babae?” biro ni Assistant Ren habang kumikindat, halatang may tinutukoy.Sumulyap si Lovi sa direksiyon ni Easton, at napansin niya ang nagtatakang tingin na ibinibigay nito sa kanya. Ngunit hindi niya iyon pinansin.

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 102

    Tiningnan niya nang may pagdududa si Tanya nang bigla na lamang itong lumapit sa kanya.“Ano’ng ginagawa mo rito, Tanya?” nagtatakang tanong ni Lovi.Nagpalinga-linga si Tanya sa paligid, at nang masiguro nitong wala pang ibang tao, nagsalita siya nang diretsahan, “I saw it.”Natawa si Lovi at nagtanong, “Ano bang nakita mo?”Ayaw na niyang makipag-usapan nang maaga dahil baka maapektuhan ang mood niya buong araw.“You and Kuya East—” Hindi pa man natatapos magsalita si Tanya, mabilis na tinakpan ni Lovi ang kanyang bibig.Pagkaraan ng halos kalahating minutong tahimikang tensyonado, dahan-dahan ding inalis ni Lovi ang kamay niya.“Binabalaan kita. Hindi magugustuhan ni Easton ang gagawin mo, Tanya,” babala ni Lovi na may halong kaba.Bahagyang napasinghal si Tanya at tumingin sa singsing na nasa kamay niya. Agad namang napaatras si Lovi at pasimple niyang tinakpan ang kanyang suot na singsing gamit ang kanyang isang kamay.“Alam na ng lahat ng senior executives na kasal na si Kuya Ea

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 101

    Si Lovi ay nakahiga sa kama, nakatitig nang wala sa sarili sa kasalang nagaganap sa damuhan hindi kalayuan mula sa kanila.Privacy-proof ang salamin, kaya kahit bukas pa ang mga kurtina, walang sinuman ang makakakita ng nangyayari sa loob. Gaya kanina, nang nakahiga siya sa sahig sa tabi ng bintanang abot-hanggang kisame, sobra talaga ang hiya at kaba na naramdaman niya. Parang napakaraming matang nakatitig sa kanya mula sa labas, kahit alam niyang imposible iyon.“Do you want to go there?” tanong ni Easton na kakalabas lang mula sa banyo, suot ang maluwag na bathrobe at mahinahong sumandal sa sofa. Malambing itong ngumiti at tumingin sa direksiyon ni Lovi.Natatawang umiling si Lovi.Nang makapagpahinga na sila sa kwarto, gabi na nagising si Lovi dahil sa gutom.Dinala siya ni Easton sa damuhan malapit sa lawa, na tila ba inihanda na talaga para sa kanila. May mga mesa at upuang maayos na inayos sa lugar, na parang eksena sa isang pribadong date kagaya sa mga napapanuod niya sa mga p

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 100

    Ayon sa receptionist, wala nang available na kuwarto. Lahat daw ng mga kuwarto sa B&B ay fully booked lalo na tuwing weekend, kaya sobrang higpit.Napasinghap si Lovi. Tiningnan siya ni Easton, iniabot ang maleta, at marahang sinabi, “Sit here and wait for me. Don't go anywhere.”Sumunod siya nang walang sinasabi at naupo sa sofa sa lobby. Mula roon ay nakita niyang nakikipag-usap si Easton sa waiter. Nakangiti ang waiter, parang may sinasabing nakakaaliw o nakakatuwa. Tinitigan siya ni Lovi, sinusubukang basahin ang kanilang pag-uusap, ngunit hindi siya marunong magbasa ng labi.Pagkalipas lamang ng wala pang dalawang minuto, bumalik ang receptionist at ibinigay kay Easton ang isang room card—para bang may milagro.Lumakad siya pabalik kay Lovi. “Akala ko ba walang bakanteng kuwarto?” usisa ng dalaga, hindi maitago ang pagtataka.“Did I?” nakangiting sagot ni Easton.“Paano ka nakakuha n’yan?” tila hindi pa rin makapaniwala si Lovi sa kanyang asawa.Ngumiti si Easton ng may kahulugan

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 99

    Natagpuan niya si Easton sa paradahan sa labas ng ospital. Nakaupo ito sa loob ng kotse, isang kamay ay nakasabit sa bintana habang hawak ang sigarilyong unti-unting nauupos. Ang abo ay nag-ipon sa dulo ng sigarilyo, bago ito tuluyang tinangay ng malamig na hangin ng gabi.Tahimik ang paligid tanging mahinang ugong ng mga sasakyang dumaraan, at ang pag-ihip ng hangin lamang ang maririnig.Binuksan ni Lovi ang pinto sa may passenger seat at maingat na pumasok sa loob. Paglingon ni Easton, saglit niyang tinitigan ang kanyang asawa—na parang tinatantiya niya kung totoo bang naroon ito bago muling ibinaling ang tingin sa labas ng bintana.Tahimik na inilapag ni Lovi ang thermos sa backseat, at sa isang kamay nito ay hawak ang coat. “Isuot mo ito,” mahinahon niyang sabi bago inabot ang coat. “Baka lamigin ka.” dagdag pa niya.Hindi sumagot si Easton. Sa halip, itinapon niya ang upos ng sigarilyo sa labas, sabay kuha ng coat at isinuot iyon na parang wala lang.“Ako na ang magmamaneho?” tan

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 98

    “Good morning, Ms. Jenna,” agad na bati ni Lovi. Kinakabahan man ay hindi niya ito pinahalata.Bahagyang nagulat si Jenna sa presensya niya, “Lovi? Why are you… here?”“Busy kasi si Assistant Ren, kaya ako na lang ang pinapunta niya—I mean ni Mr. President dito para maghatid ng pagkain. Aalis na rin naman ako pagkatapos nito,” mabilisang sagot ni Lovi.Halata sa mukha ni Lovi ang pag-aalala—tila ba nawalan siya ng maayos na dahilan para agad umalis.Nang marinig iyon, biglang dumilim ang mga titig ni Easton. Tahimik niyang inubos ang huling subo ng pagkain, saka dahan-dahang tumayo at naglakad papunta sa silid ni Phoebe. Sumunod naman agad si Jenna sa kanya.Habang nag-aayos si Lovi ng thermal box, tinulungan siya ni Easton, sanay na sanay na sa bawat galaw niya.Ngumiti si Phoebe at tinitigan sina Jenna at Lovi. “Aba, kumpleto na pala tayo rito,” aniya, may bahid ng ngiti sa labi ngunit malamig ang tono ng boses nito.Iba ang iniisip ni Lovi sa sinabi ni Phoebe—tila may nakatagong pa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status