LOGINHappy 12k views! 🥳🖤
“Nabalitaan ko mula sa HR na nag-resign na raw si Jenna… totoo ba?” tanong ni Lovi, walang bakas ng emosyon sa mukha.Si Jenna na bigla na lang naging manager sa head office ng design department para tulungan si Easton. At ngayon, bigla na lang itong nagbitiw sa trabaho.“Paano nagkaroon ng koneksyon ang pamilya ninyo sa ama ni Jenna? S-si Fernando Martinez, tama?” tanong ni Lovi.Tinanguan siya ni Easton. “Mahabang kuwento,” maikling sagot ni Easton.“Ah… okay.” Tumango si Lovi, pero malinaw na may mas malalim siyang iniisip.Sumagi sa isip niya ang kanyang ina, at sa isang iglap, napagtanto niyang hindi na niya kailangang hukayin pa ang mga bagay na matagal nang ibinaon sa limot ng kanyang ina.“Stop overthinking it. Kahit may koneksyon pa ang mga pamilya namin sa negosyo, wala na akong balak na makipagbalikan kay Jenna,” biglang sabi nito sa kanya.Napatingin si Lovi sa kanyang asawa. Iniisip niya kung tama ba ang kanyang mga narinig.“Understood?” tanong ni Easton.Tumango na lama
Lumingon si Lovi upang tingnan ang lalaking humarang sa pintuan ng elevator. Dahan-dahang siyang tumayo kahit iniinda pa niya ang sakit ng kanyang likod at ibinaon niya ang mukha sa dibdib nito, ang mga luhang matagal na niyang pinipigilan ay tuluyang bumuhos pababa sa kanyang mga pisngi.“Andito ka na… a-akala ko ‘di ka na darating,” umiiyak na bulong niya.Mahigpit siyang niyakap ni Easton, pinapakalma nito ang nararamdamang takot niya habang nasa mga bisig siya ng lalaki.“I’m sorry… I-I’m always late,” sabi niya sa banayad ngunit mabigat na tinig.“H-Hindi… ayos lang. Ang importante nandito ka na,” sagot ni Lovi habang nanginginig pa rin ang kanyang buong katawan at lalo siyang kumapit sa kanyang asawa.Mabilis na tumingin si Easton sa tatlong bodyguard na nasa tabi nila, abala ang mga ito sa pagbugbog kay Andrew.“Kayo na ang bahala sa kanya. You know what to do,” mahina ngunit may diin na utos niya.Pagkasabi noon ay yumuko siya at marahang binuhat si Lovi. Mabilis na yumakap si
“Hindi ba, hindi naman tayo close? Ganyan na ba talaga kakapal ang mukha mo, Mr. Santiago?” tugon ni Lovi na may halong pangungutya. “Ano bang bagay ang hindi mo kayang ayusin na kailangan mo pa akong hingan ng tulong?”“Narinig kong ginagawa ka raw ni Easton na… kabit? Is that—” Hindi pa man natatapos ang sasabihin niya, sinampal na siya kaagad ni Lovi, malakas at walang pag-aalinlangan.Nanginig ang kamay niya, ramdam niya ang hapdi ng palad, pero sa isip niya, hindi pa sapat ang sampal na iyon. Hindi na siya nagsalita pa at dali-daling naglakad palayo.“Lovi, wait!” hawak-hawak ni Lary ang mukha niya habang humahabol kay Lovi. “Pakinggan mo lang ako, hindi pa ako tapos sa sasabihin ko.”Saglit na tumigil si Lovi. Gusto niyang marinig kung ano pa ang mas nakakainsultong sasabihin nito.“Subukan mo pang magsalita ng ganyan, sasampalin kita ulit,” malamig niyang babala sa lalaki.“Tutulungan kitang gumanti kay Andrew, pero may hihilingin din sana ako sa’yo. Ikaw at si Mr. Dela Vega… m
Pagkaalis na pagkaalis ng ama ni Easton, agad na nakahinga nang maluwag ang lahat.Unti-unting kumalma ang tensiyon na kanina pa nakabitin sa ere.“Hindi mo ba talaga kilala ang magiging biyenan mo?” biro ni Lisa, sabay kindat sa kanya.Lulong-lumo ang itsura ni Lovi, para bang nawalan na siya ng pag-asa sa mundo.“Nagmamadali kasi siyang kumuha ng marriage certificate—wala man lang tuloy kaming naimbitahang ibang tao,” paliwanag niya, halatang nahihiya.Agad namang sumingit si Assistant Ren at sinabi, “Sinabihan na kita tungkol dito, ‘di ba?”*****Pagkapasok ni Mr. Dela Vega sa sasakyan, agad niyang pinadala sa ina ni Easton ang mga larawan na palihim niyang kinuha kanina.Si Mrs. Helen Dela Vega na nasa loob ng opisina at abala sa trabaho ay napatingin agad sa mensaheng pinadala ng kanyang asawa.*****Dahil sa edad ng matanda, napagdesisyunan nilang kumain na lang sa buffet para komportable ito. Pagkatapos, nalaman niya mula kay Lisa na mayroon palang mga pribadong kuwarto ang Sea
“Mura lang ‘to. Gusto n’yo bang bilhan ko rin kayo nito? Kaso wala ng libre sa panahon ngayon, bayaran ninyo ako ng 5,000 bawat isa sa inyo.” Nagbiro si Lovi habang may mapanuksong tingin sa kanyang mukha.Nagtawanan ang lahat, halatang natuwa sa sagot niya.Bumaba muna siya kasama ang mga kasamahan niya, at nang wala na sila, saka lamang nag-scan ng mukha si Lovi para umakyat sa 30th floor.Kumatok siya sa pintuan ng opisina ng presidente. Pagkabukas pa lang ng pinto, bigla siyang hinila papasok ng isang malakas na kamay.Agad siyang sinalubong ng pamilyar na amoy—mainit, nakaka-comfort, at nakapagpapabilis ng tibok ng puso niya. Hindi pa siya nakakapag-react nang maramdaman niyang niyakap siya nang mahigpit nito, para bang matagal siyang nawalay.“E-easton, b-bitawan mo ‘ko.” Tinulak niya ito nang buong lakas, pero ramdam niyang halos hindi gumagalaw ang lalaki—mas malakas ito nang tatlong beses kaysa sa kanya.Sa halip na umatras, mas lalo pa siyang hinalikan nito sa noo at pisngi,
Habang kumakain sa cafeteria, naghanap si Lovi ng pagkakataon at hinila niya si Assistant Ren papunta sa isang medyo tagong mesa.Hindi na nagulat ang mga kasamahan nilang nakatingin mula sa malayo; sa tingin nila, matagal nang malapit ang dalawa at parang may sariling mundo na.Si Easton na naglalakad sa unahan, napakunot ang noo nang mapansing may dalawang kahina-hinalang tao na sumusunod sa likuran niya.May mga bagay pa ba talaga na hindi mo kailangang alamin? para bang iyon ang gusto niyang itanong habang tinitingnan sila.Hindi siya makapag-concentrate, kaya sa halip na sumabay sa kanila, naupo na lang siya mag-isa upang kumain. Sa kabutihang-palad, nakaupo sa tapat niya si Jenna, na tila naghintay na ring makipag-usap.“Lovi, ipapasa mo na naman ba si boss sa ibang babae?” biro ni Assistant Ren habang kumikindat, halatang may tinutukoy.Sumulyap si Lovi sa direksiyon ni Easton, at napansin niya ang nagtatakang tingin na ibinibigay nito sa kanya. Ngunit hindi niya iyon pinansin.







