SA unang araw pagkatapos ng National Day, naging mas magaan ang trabaho ng lahat at marami na rin ang nagsimulang magbakasyon, at may mga masisipag pa ring nagtatrabaho sa kumpanya—tulad ni Lovi.
Hindi niya hinayaang ihatid siya ni Assistant Ren sa mismong gusali ng kompanya dahil alam naman niyang sasakyan iyon ng kanyang boss, at saka siguradong mahihirapan siyang magpaliwanag kapag may nakakita sa kanya.
Bumaba siya sa may ‘di kalayuan sa kompanya at palihim na pumunta sa botika para bumili ng pills. Bagaman hindi niya alam kung gumamit ito ng proteksyon kagabi, uminom pa rin siya bilang pag-iingat.
Napatingin siya sa kanyang cellphone nang bigla itong mag-ring. Tumatawag ang kanyang nobyo—si Andrew Cruz. Pagkakita ni Lovi sa nakakadiring pangalan ng kanyang nobyo, tumaas ang sulok ng kanyang labi at inikot ang kanyang mga mata.
Limang taon na ang relasyon nina Andrew at Lovi, mula kolehiyo hanggang ngayon.
Isa siyang top student at lumaktaw ng ilang baitang bago niya nakilala si Andrew, na tatlong taon ang tanda sa kanya.
Two years ago, Lovi went abroad with her mother to live and study there. Naging long-distance ang relasyon nina Lovi at Andrew, at sa kasamaang palad, hindi kinaya ni Andrew ang kalungkutan kaya ibinaling nito ang kanyang oras at pagmamahal sa best friend ni Lovi na si Sarah Tiu na nasa pinas.
Nang malaman ni Lovi na may relasyon ang dalawa, hindi pa rin siya nakipaghiwalay kay Andrew dahil alam niyang sa huli—siya lang ang uuwing luhaan. She planned to use her ultimate skills to give them a big blow. Ika nga nila, lintik lang ang walang ganti!
Hindi sinagot ni Lovi ang tawag. She was about to turn off the screen when she saw a new friend notification on F******k.
Easton Dela Vega sent you a friend request
She stood there in a daze for several seconds, thinking she was just seeing things. She gritted her teeth and shook her head a little.
Lovi is a fashion designer and has just been working at Vegas Clothing for a year. Maliban sa kanilang director, nahihirapan siyang makipag communicate sa iba pa niyang leaders. Vegas Clothing is one of the largest clothing company in the Philippines with sales even overseas. Karaniwan, ang mga mayayaman o mataas ang posisyon tulad ni Easton ay bihirang makita.
Last night was just an accident. The National Day fashion show broke previous records, so probably that's the reason why he came.
News from the Design Department: [ Meeting in the conference room will start in ten minutes. ]
Dali-daling tumakbo si Lovi papasok sa loob ng kompanyang pinagtatrabahuhan niya nang makita niya ang mensahe galing sa department nila. Nakasabay rin ni Lovi ang kanyang kaibigan na pumasok sa loob ng elevator.
“Lovi, ‘di ba you hate wearing professional attire? Eh, bakit ganyan ang suot mo ngayon?” Nagtatakang tanong ni Lira habang nakatitig ito sa kanya, mula ulo hanggang sa kanyang mga paa.
Lira Mendez, is also a designer.
Totoong ayaw nga ni Lovi na nagsusuot ng professional suits, dahil para sa kanya, hindi ito bagay sa kanya lalo na’t hindi rin naman siya isang model na makikita sa website.
Pinipilit niyang pakalmahin ang kanyang sarili habang inaayos niya kunwari ang kanyang suot.
“Totoong ayokong magsuot ng ganito. Pero minsan naiisip ko rin na wala namang mawawala ‘di ba kung susubukan kong magsuot ng ganito. Saka, bagay naman pala sa’kin.” Pagpapalusot niya sa kanyang kaibigan.
“Sabagay, tama ka naman.” Nakangiting sabi ni Lira sa kanya at pinalo nito ang kanyang pwet ng malakas. Nagulat naman si Lovi sa ginawa ng kanyang kaibigan. “Ang swerte ng lalaking papakasalan mo, girl!” natatawang dagdag ni Lira.
Baliw talaga ang babaeng ‘to! Masakit na nga ang gitna ko dinagdagan pa niya!
Pabirong nanggigil si Lovi kay Lira, na tinawanan lang siya.
Saktong sasarado na sana ang pinto ng elevator nang biglang may isang kamay na pumigil dito, kaya hindi natuloy ang pagsara ng pinto. Pumasok sa loob si Assistant Ren at sa gilid ito tumayo, nakasunod naman sa kanya si Easton na nakasuot ng dark suit. Umusog naman kaagad sa gilid sina Lovi at Lira.
Sunod-sunod na napalunok si Lovi. Magkatabi na rin sila ngayon ng kanyang boss habang si Lira ay nasa unahan niya. Hindi niya ito magawang tingnan, dahil siguro sa maliit lang ang space sa pagitan nilang dal’wa kaya hindi siya gaanong makahinga ng maayos.
A blush spread from her ears to her cheeks. Sobrang lapit nila sa isa’t isa. They were too embarrassed to distance themselves further, dahil baka kung ano pa ang isipin no’ng dalawang kasama nila sa loob.
Bahagya niyang naamoy ang banayad na halimuyak ng sandalwood sa kanya, katulad ng kagabi—napakabango… She bit her lip, trying to calm herself down at iwasan ang pag-iisip sa nangyari sa kanilang dalawa kagabi.
Paghinto ng elevator sa 28th floor ng design department, dali-dali silang lumabas ni Lira.
“Grabe, kinabahan ako ro’n.” Nakahawak sa kanyang dibdib na sabi ni Lira. “Alam mo ba, pagkatapos ng dinner last night, may nakita akong isang babae sa loob ng kotse ni sir Easton. Oh my god!... At ito pa ha— nakita ko niyakap siya no’ng babae and I saw them kissing! He didn't even dare to refuse! Sa tingin mo ba nagbago na ang abstinenteng boss natin at nakikipagtalik na siya ngayon?” Biglang namula ang buong mukha ni Lovi nang marinig niya ang mga sinabi ni Lira.
Aaminin niyang mahilig siyang makinig ng mga chismis, pero ngayon, iba na dahil tungkol na sa kanya ang chismis kaya wala na siyang masabi.
“T-talaga?” Utal na tanong niya, at para hindi siya mahalata umubo siya ng peke.
“Aba’y syempre ‘no, ako na kaya ‘to. Minessage ko nga si Assistant Ren pero matigas talaga ang lalaking ‘yon, ayaw niyang magsalita.” Saad ni Lira habang inaayos nito ang kanyang notebook.
Ten minutes later, everyone gathered in the conference room. Wala masyadong tao dahil iyong iba ay nagbakasyon na. This meeting is mainly a summary of this event.
Nagsimula nang magsalita sa harapan si Director Diaz, the male god in the design department. He felt very confident and recognized his activities this time, at ang sabi pa nga ng iba ay siya nga raw ang sure na makakakuha ng maraming bonus this year. Ang sabi niya rin saglit lang siyang magsasalita pero mukhang ang gusto niya lang naman talaga ay ang mapuri siya, dahil iyan ang gusto niya, ang binobola siya.
Napatingin naman sa kanya si Director Diaz. “The one we should thank the most is Ms. Sy. The designs of Ms. Sy are the most used in this year's fashion design, and the best-selling ones are also the works of Ms. Sy…” Lovi pursed her lips and smiled.
Manhid na ang kanyang mga tainga sa mga narinig niya kagabi, at ayaw na niyang makinig pa sa walang katapusang daldal nito.
Hindi maikakaila ang kakayahan ni Eric Diaz. Ang masayahin at bohemian niyang personalidad ang dahilan kung bakit madali para sa kanya ang mga bagay-bagay, kaya maraming tao ang gustong makipag-ugnayan sa kanya. Pero hindi siya gusto ni Lovi, dahil laging halata—sinadya man o hindi—na may gusto ito sa kanya, at gusto niyang mahulog ang loob ni Lovi sa kanya.
Natapos na rin sa wakas ang kanilang meeting.
Kumatok muna si Assistant Ren bago ito tuluyang pumasok sa loob. “Ms. Lovi, pinapapunta ka ni boss sa kanyang office… ngayon na raw.” aniya.
Biglang tumahimik ang buong paligid. Napaayos ng upo si Lovi sa kanyang upuan nang maramdaman niyang maraming mga matang nakatitig sa kanya ngayon.
Ang office ng presidente ay nasa itaas, nasa 30th floor. Wala pang halos nakakapunta ro’n, dahil kadalasan sa 29th floor nagmemeeting. The 30th floor is a mysterious place. People call it hell. Last time, may isang direktor na lumabas mula sa opisina ng presidente na na-dislocate ang braso, at ang huling assistant niya ay nabalian ng kaliwang binti at inilabas na buhat-buhat na ng kanyang mga bodyguard, kaya nakuha agad ni assistant Ren ang posisyon bilang assistant ni Easton.
“Assistant Ren, alam mo ba kung anong nangyari? Bakit siya pinapatawag ni President?” tanong ni Director Diaz.
Lahat ng tao ngayon sa loob ng meeting room ay nakatuon ang atensyon kay Assistant Ren. Nagbabakasakali silang lahat na makakuha ng sagot sa kanya kahit alam naman nilang hindi talaga ito nagsasalita kapag tungkol sa kanyang boss ang pag-uusapan.
“I don’t know.” Kagaya nga ng inaasahan nila, hindi mo ito basta-basta mapapakanta.
Hindi na nawala ang pamumula sa mukha ni Lovi buong umaga. Her mind was full of his ferocious look last night.
“Ms. Sy, you don’t seem to be in a good state right now. Namumula ang mukha mo buong umaga. Do you want to take a day off and get a rest?” Hindi na sila nagulat lahat sa sinabi ni Director Diaz dahil matagal na siyang ganyan. Nagmamalasakit talaga siya sa lahat ng kanyang mga kasamahan sa trabaho.
“Hindi na, babalik din ako agad. Kapag hindi ako nakabalik, yung manuscripts sa opisina ko, ipapamana ko iyon sa’yo lahat.” Napabuntong hininga si Lovi at dinampot na niya ang kanyang maliit na notebook para sa meeting, at lumabas na siya ng silid.
Sinundan niya si Assistant Ren hanggang sa makarating sila sa elevator. Ang elevator sa 30th floor ay may facial recognition o card swiping, kaya mahirap makapasok sa loob.
Pagkatapos ma-scan ang mukha ni Assistant Ren bumukas na ang pinto ng elevator at pumasok na silang dalawa sa loob.
Muling napabuntong-hininga si Lovi. “Tayo na lang ang nandito. Pwede mo na bang sabihin sa akin ngayon kung bakit niya akong gustong makita? Ano ba ang gusto niyang sabihin o itanong?” Naguguluhan na tanong ni Lovi.
“Wala siyang sinabi sa akin. Pero mukhang good mood ngayon si boss.” sagot niya.
Dali-daling lumabas si Lovi ng elevator. Agad siyang dumiretso sa kanyang workstation.“Nakakahiya ka, Lovi!” she cursed herself.“Good morning. Anyare sa’yo, lablab?” tanong sa kanya ni Lira.“Morning. Wala, may nakasabay lang akong nakakainis na tao sa elevator.” agad na tugon niya.“Gano’n ba? Hayaan mo na, baka mas lalo pang masira ang araw mo.” sabi nito sa kanya.Tumango-tango naman si Lovi at binuksan niya ang kanyang cellphone. Hindi alam ni Lovi na lumapit pala sa kanya si Lira, at bago pa man niya matakpan ang kanyang cellphone, nakita na ni Lira ang hindi dapat nitong makita.“Lovi, may asaw—” hindi na naituloy ni Lira ang kanyang sasabihin nang biglang tinakpan ni Lovi ang kanyang bibig.Nanlaki ang mga mata ni Lira nang nag-react kaagad si Lovi sa sasabihin sana niya.Tinanggal ni Lira ang kanyang kamay na nakatakip sa kanyang bibig at sinenyasan siya ni Lovi na huwag mag-ingay.Nakangising kinuha ni Lira ang kanyang cellphone na nakalagay sa kanyang mesa at nagpunta ito
Walang ibang gagawin si Lovi kaya naisipan niyang gamitin muna ang kanyang bagong kotse. Nag-ikot-ikot siya hanggang sa maisipan niyang sa labas na rin siya kakain.Sinubukan niyang ayain kumain sa labas si Lira ngunit may date raw ito ngayon kaya siya na lamang ang mag-isang kakain.Nakangiting ipinarada ni Lovi ang sasakyan sa gilid, at akmang tatanggalin na sana niya ang kanyang seatbelt nang bigla niyang makita ang isang pamilyar na lalaki.Hindi siya makagalaw. Nanatili ang kanyang mga tingin sa isang lalaki, tila hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib nang bumaling ang kanyang tingin sa kausap ng lalaki—walang iba kundi si Jenna.Napakurap-kurap si Lovi. Maraming tanong ang pumapasok sa kanyang isipan na walang kasagutan.Hindi na tumuloy si Lovi at bumalik na lamang siya sa villa. Pagkarating niya, agad siyang umakyat sa taas at pumasok sa kwarto nila Easton.Hinalungkat niya ang kanyang mga gamit na nakalagay sa mga kahon hanggang sa m
Pagsapit ng linggo, walang pasok si Lovi kaya napagdesisyunan niyang mag-movie marathon na lang sa loob ng cinema room ni Easton, tutal wala rin naman si Easton dahil may importante itong lakad ngayong araw.Good mood din si Lovi ngayong araw, dahil nakatulog siya ng maayos kagabi.Sa villa ni Easton dalawa lang ang kwarto, maliban lamang sa kwarto ng mga maid, at ang kwarto naman ng mga security guard ay sa labas.May gym, cinema, coffee and tea room, KTV room, sauna, at may swimming pool din sa loob ng villa ni Easton.Nang makaramdam ng gutom si Lovi, bumaba muna siya para kumain. Pagbukas niya ng refrigerator, nagulat siya sa kanyang mga nakita sa loob.The refrigerator was filled with neatly arranged small lunch boxes in front of her. Bawat lunch box ay may mga label na. Alam din ni Lovi na sulat kamay iyon ni Easton.Kinuha ni Lovi ang lunch box na may hipon at lumpia. Niluto niya ito at pagkatapos kumain na agad siya.Saktong pagkatapos naman kumain ni Lovi biglang tumawag sa k
Biglang lumakas ang tibok ng puso ni Lovi nang magtama ang kanilang mga tingin ni Andrew. Napatingin din si Lovi sa taong nakaupo sa tapat ni Andrew—walang iba kundi si Sarah.“Mukhang sinunod nga niya ang sinabi ko sa kanya. Ganito pala ang feeling kapag nakita mo ang dalawang taong nanloko sa’yo na mukhang handa nang mag-settle sa isa’t isa.” saad ni Lovi sa kanyang sarili.Her five years of youth, five years of happiness, and the dependence she had developed on him were all tough swords.Iniwas ni Lovi ang kanyang tingin.Habang patuloy na nagsasalita si Sarah, hindi niya alam na hindi pala nakikinig sa kanya si Andrew hanggang sa mapatingin sa kay Andrew. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Sarah at sinundan niya kung saan nakatingin si Andrew, at nakita niya si Lovi.Naguguluhan si Sarah kung anong klaseng gayuma ang pinainom ni Lovi kay Andrew, bakit hirap na hirap si Andrew na kalimutan ang dating kasintahan na si Lovi.Kahit pinutol na ni Lovi ang kanyang koneksyon kay Andrew dahi
Nag-grocery kahapon sina Easton at Lovi. Hindi rin sinasadyang nagkita sina Lovi at Sarah sa labas ng supermarket, ngunit walang panahon si Lovi na makipag-usap kay Sarah.(Flashback)Si Easton ang nagtutulak ng cart habang nakasunod lang si Lovi sa tabi niya.Sunod-sunod ang pagdampot ni Lovi ng mga seasonings at mga gulay na kakailanganin sa loob ng kusina.Nang malapit na silang matapos, dumiretso na si Easton sa may snack area. Inilagay niya sa cart ang maraming snack na kinuha niya, katulad ng iba’t ibang klase ng chips, yogurt, at pati na rin ang mga biskwit. Kumuha na rin siya ng maraming chocolates.“You like snacks too?” tanong sa kanya ni Lovi habang nakatingin ito sa cart nila ngayon na punong-puno na.“Not that much. I stocked it for you, but don’t eat too much, okay? It’s bad for your stomach.” sabi nito sa kanya.Natawa naman si Lovi. “Ikaw lang yung nakilala kong bumili ng maraming snack, tapos hindi mo papakainin ng marami ang asawa mo? Paano ko mauubos ‘yan agad kung
“The maid is on leave for a week, and there aren’t many vegetables in the fridge. Let’s go to the supermarket to buy some later.” saad ni Easton.“Okay.” Sinimulan nang kainin ni Lovi ang kanyang sandwich.She picked up her phone awkwardly, pretending to be busy and she accidentally saw Assistant Ren’s message last night.Assistant Ren: Ikaw ang kauna-unahang babaeng tumawag lang kay boss para sermunan siya HAHAHAHA 👍🏻Muling napaisip si Lovi pagkatapos niyang mabasa ang mensahe ni Assistant Ren sa kanya. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi at palihim niyang sinulyapan si Easton. At sa nakikita naman niya, mukhang hindi naman ito galit sa kanya.Binasa pa ni Lovi ang ibang mensahe sa kanya ni Assistant Ren.Assistant Ren: You did a great job, and I’m awesome! Nag-overtime ako sa loob ng kalahating buwan, at ngayon pwede na akong mag-leave!!!!“Recently, masyado bang marami ang kailangan na asikasuhin sa kompanya?” binasag ni Lovi ang katahimikan.“There were some financial problem