Share

Kabanata 48

Author: blackbunny
last update Huling Na-update: 2025-08-19 23:55:45

Biglang tumigil ang mundo ni Lovi nang marinig niyang pumayag si Easton. “Bakit siya pumayag? Ano ba talaga ang nangyari pagkatapos no’ng dinner nilang dal’wa ng kanyang ex-girlfriend? Hindi pa ba sila nagkaayos?” nagtatakang tanong ni Lovi sa kanyang sarili.

“Oh, sorry, I forgot to introduce myself to you guys—by the way, I am Jenna Martinez.” pagpapakilala nito sa kanila, at isa-isa pa sila nitong kinamayan.

Napangiti naman nang malawak si Jenna pagkatapos niyang makipagkamay kay Lovi.

“I’ll see you later.” nakangiting sabi ni Jenna kay Easton bago ito umalis.

Biglang nakaramdam ng paninikip ng kanyang dibdib si Lovi at hindi na niya magawang tingnan pa si Easton sa mga mata nito. Naramdaman din niya na tuwang-tuwa si Jenna nang pumayag si Easton na kumain sila sa labas.

Napatingin naman si Assistant Ren kay Lovi. Gusto niyang tanungin ito kung ayos lang ba ito, ngunit hindi niya magawa dahil baka mas lalong maging awkward ang paligid.

Sinubukang tumingin ni Lovi kay Easton at sakto
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 121

    Nakareceive si Lovi ng limang tawag, tatlo mula kay Lila at dalawa naman mula kay Jenna. Hindi niya in-expect na tatawagan siya ng kanyang kapatid na si Lila, dahil sobrang busy at workaholic ang kapatid niyang ‘yon.Nalaman din ni Lovi ilang araw na ang lumipas na nakalabas na raw ng ospital si Jenna at bumalik na sa malaking villa nito, dahil ayaw daw nitong manatili pa sa ospital.Agad na sinagot ni Lovi ang tawag ni Jenna nang lumabas ang pangalan nito sa screen ng kanyang cellphone.“Galit na galit ka ba talaga kay Dad? Talagang kinamumuhian mo na siya?” bungad sa kanya ni Jenna mula sa kabilang linya.“Jenna, hindi kita maintindihan.” Kalmado at parang walang emosyon ang tono ng boses ni Lovi.“Talaga? Kung hindi ka galit, bakit mo siya ini-report nang palihim? Ngayon, kailangan niyang gugulin ang buong taon na parang wala na siyang pag-asa, dahil nakakulong na lang dito at naka-wheelchair pa siya! Hindi mo man lang talaga hinintay na gumaling ako ng tuluyan bago mo siya ipakulo

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 120

    Tanghali na nang lumabas si Lovi mula sa loob.Nginitian pa siya ni Jenna habang pinapanood siyang umaalis. Ngunit pagkasara ng pinto, agad na nawala ang ngiti sa mga labi ni Jenna at unti-unti itong napalitan ng mapait na ngisi.Hindi basta-basta mawawala ang sakit ng pagkawala ng kanyang ina. Hindi rin madaling kalimutan ang galit dahil hindi siya ang pinili ni Easton.Sa labas, nakasandal si Easton sa gilid ng pintuan, tahimik na naghihintay. Maingat na hinawakan ni Lovi ang kamay niya.“Tara na,” aniya.Bahagyang pinisil ni Easton ang kanyang kamay. Naglakad silang magkahawak-kamay hanggang palabas ng ospital.Pagpasok pa lang ni Lovi sa kotse, biglang nag-vibrate ang kanyang cellphone. Nakatanggap siya ng mensahe galing kay Cindy.Cindy: Kasal ka na kay East?! Please tell me na hindi totoo yung sinasabi nila! No way!Malamang kumalat na ang balita hanggang sa angkan nina Cindy, at siguradong dinagdagan pa iyon ng kung anu-anong kuwento ng nanay niya, lalo na pagkatapos ng nangyar

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 119

    Pagkatapos ng umagahan nila, tinawagan kaagad ni Easton ang family doctor nila. May kaunting lagnat lang si Lovi, pero okay naman ang pakiramdam niya. Pagkatapos niyang uminom ng gamot, medyo gumaan na rin ang pakiramdam niya.Habang tinitingnan ni Lovi ang mga dokumentong ipinadala sa kanya ni Professor Tino, bahagyang gumuhit ang isang mapait na ngiti sa kanyang labi at may halong lungkot naman sa kanyang mga mata.Ang laman ng dokumento ay tungkol kina Lorna at Fernando, pati na rin ang tungkol sa nanay ni Jenna noon. Hindi pa niya nagagamit ang koneksyong iyon noon—ito ang unang beses.Mensahe ni Propesor Tino sa kanya: “Sabihin mo lang kung kailangan mo pa ng tulong ko.”Sumagot si Lovi, “Salamat po, prof. Malaking tulong na po ito sa akin.” Alam niyang marami pa siyang hindi nababasang mensahe sa phone niya kaya naisipan niya itong basahin isa-isa.Karamihan sa mga greetings ay mula sa mga kamag-anak ni Easton, at sinagot naman niya ang bawat isa. Sa huli, may mensahe na dumatin

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 118

    “What made you think that way? Uulitin ko… for me, magkaibang-magkaiba kayo, wife.” Napatitig si Lovi sa kanya. “Wife, I swear! Hindi talaga kayo magkamukha sa paningin ko, at nagustuhan kita bilang ikaw. Sinabi ko na ‘to sa’yo noon, hindi mo ba maalala? I thought I made myself clear—may doubt ka pa rin pala sa feelings ko sa’yo? Ako ang paniwalaan mo, at hindi ang ibang tao. Magkaiba kayo, I promise…. Yeah, I get it that she’s still part of my past, but who cares? You’re my future, Lovi. Sa’yo lang ako naka-focus. I love you so so much!” Pagkatapos niyang sabihin iyon, hinalikan niya nang mariin ang labi ni Lovi bago bahagyang umatras. “Do you understand?” “I-I understand…” bulong ni Lovi, namumula ang buong mukha. “Easton… pwede na ba tayong lumabas? G-gutom na kasi ako,” mahina at may lambing na sambit ni Lovi. “Call me ‘hubby’ first. Gusto kong marinig,” saad ni Easton, parang pakiusap pero halatang may paghahamon. Napakunot ang noo ni Lovi. “Hubby?” “That’s a question, wif

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 117

    (VIP ward)Tahimik ang paligid, ngunit madilim ang atmosphere.Narinig ni Jenna ang naging pag-uusap ng kanyang ama at ni Easton… at hindi iyon simpleng usap lang.Wala nang luhang mailabas si Jenna kahit pa pilitin niya.Para siyang pagod na pagod tila nawala na ang lahat ng kanyang enerhiya, ngunit ayaw pa rin niyang sumuko. Hindi niya kayang tanggapin na wala na talaga siyang pag-asa.Hindi niya inakalang magiging ganoon kalupit at kasakit ang mga salitang binitawan ni Easton. Bawat salitang lumalabas sa bibig nito ay parang mabibigat na batong pinupuno ang dibdib niya, para siyang hinihila pababa, palubog nang palubog hanggang sa unti-unti nang nawawala ang natitira niyang pag-asa.“Dad… lumabas ka muna… gusto kong mapag-isa…” halos pabulong niyang sabi, nanginginig din ang boses.“Anak…” pilit siyang pinapakalma ng kanyang ama, ngunit wala na rin itong nagawa.“Lumabas na kayo.” halos desperado na ang tono ng boses ni Jenna.Wala nang nasabi si Fernando. Wala siyang magawa kundi

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 116

    Sinabihan ni Jenna si Lovi na pumunta sa courtyard sa kabilang bahagi ng mansyon. Isang harding may lumang istilo, tahimik doon at tila hiwalay sa ingay ng pagtitipon.Bago pa man makarating doon si Lovi, may nakasalubong siyang isang lalaki.“Lovi.” Tumigil si Lovi sa paglalakad at nilingon ang lalaking tumawag sa kanya.“Mr. Martinez,” aniya.Nilunok ni Fernando ang laway niya, halatang kinakabahan. “Hindi ba puwedeng… tawagin mo na lang akong Dad?”Napakunot ang noo ni Lovi. Hindi niya alam kung saan nito nakuha ang lakas ng loob para sabihin iyon at sa harapan pa niya mismo.“Mr. Martinez, nagkakamali po kayo,” maingat niyang sabi. “Hindi ako si Jenna,” dagdag pa niya.Hindi nagalit si Fernando sa sinabi niya. Sa halip, lumapit ito kay Lovi.Kusang umatras si Lovi, parang may instinct siyang nagsasabing umiwas siya rito.May dahilan ang kanyang ina kung bakit hindi siya pinayagang mapalapit sa lalaking ito. Hindi man alam ni Lovi ang buong katotohanan, ramdam niyang hindi iyon mag

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status