KINABUKASAN, naging abala na ang design department.
Pagkapasok ni Lovi bigla siyang nagtaka nang makita niyang nakatingin sa kanya ang lahat ng tao sa departamento nila. Yung iba pa ay tinuturo siya at ang iba naman ay nagbubulungan sa likuran niya. Alam na agad niyang may bagong pasabog na naman siyang malalaman ngayong araw na ito. Pagkakita ni Lira sa kanya ay agad siya nitong nilapitan. “Lovi, alam mo bang ninakawan ang design department kagabi,” mahinang bulong sa kanya ni Lira, ngunit sapat na iyon upang marinig niya. “Nawala yung draft ng design sa director’s office para sa kompetisyon, tapos... iyong draft ay napunta sa desk mo.” dugtong nito. Paano naman iyon napunta sa mesa ko? Mukhang ito na nga ang pasabog na hinihintay ko. Sa katapusan ng taon laging nagsasagawa ang design department ng isang kompetisyon. Marami sa kasamahan niya ang nagpasa ng kanilang mga gawang design kay Director Diaz, at kapag nawala ang mga ito ay talagang masasayang ang kanilang mga pinaghirapan dahil kailangan na naman nila itong ulitin para makasali sa kompetisyon. Hindi nagsalita si Lovi at tumingin siya sa kanyang paligid. Nagulat ang lahat sa kanyang matalim na tingin. Inaasahan din nilang magwawala ito ngayon at ipagtatanggol nito ang kanyang sarili, ngunit hindi iyon nangyari. Iyong ingay kanina ay biglang naging tahimik. Sa sobrang tahimik ngayon maririnig mo na siguro ang pagbagsak ng isang karayom. Napatawa siya nang mahina at bago pa man niya naibaba ang kanyang bag at tablet, napansin niya ang maliit na tumpok ng mga dokumento sa kanyang mesa. Kinuha niya ang isang dokumento sa kanyang mesa gamit ang kanyang hintuturo at hinlalaki na may pagkasuklam. Itinaas niya ang kanyang isang kilay at muling tumingin sa kanilang lahat. “Bakit napunta rito sa mesa ko ang mga design ninyo?” Binitawan na rin niya ang kanyang hawak na dokumento. Alam na nilang lahat na nasa mesa niya ang mga pinaghirapan nilang design pero wala ni isa sa kanila ang nagtangkang kunin ang mga ito, dahil lahat sila ay naghihintay na siya ang maunang kumilos bago sila magsumbong kay Director Diaz. “Lovi! Alam namin na gusto mong manalo, pero hindi mo naman kailangang gawin ‘to!” galit na sabi ni Peach. “Napaisip nga ako kung bakit ka nag-overtime kagabi. ‘Yon pala, gusto mong tingnan ang mga gawa namin… para ano? Para mas malamangan mo kaming lahat?!” saad naman ni Lea. “Confidential ang kompetisyon na ito. Nakita mo na ang sa amin. Nasaan ang katarungan at pagiging patas mo?!” saad naman ni Lala. Alam ni Lovi na kahit ano pa ang sabihin niya, hinding-hindi siya papakinggan ng mga ito, gayunpaman gusto niya pa ring ipagtatanggol ang kanyang sarili ngayon. “Kung gusto ko talagang tingnan ang mga drafts ninyo, kukunan ko na lang ito ng litrato at pag-aaralan sa bahay ko. Saka, kung ako nga ang kumuha ng mga ito—hindi ko na ito ilalagay pa sa mesa ko, dahil pwede ko naman itong itapon sa basurahan!” Galit niyang sabi. “Bakit pa ako magpo-post sa story ko na nag-overtime ako kagabi? Hindi ba dapat lang na hindi na ako nagpost dahil malalaman na ninyong ako nga ang kumuha… Sino ba ang gagawa ng isang napakabobong bagay para lang takpan ang katotohanan?!” dagdag pa niya. Natahimik naman silang lahat. Marami pa rin sa kanila ang hindi kumbinsido lalo na ang mga beteranong designers, na halos gusto na siyang yurakan hanggang mamatay sa mismong lugar na iyon. Hindi na sila pinakinggan pa ni Lovi, kaya’t hinagis na niya ang lahat ng manuscript sa kanyang mesa papunta sa printer sa tabi niya. Maganda naman ang ugali ni Lovi, sa totoo lang—hindi siya nakikipagtalo sa iba hangga’t hindi pa siya ganap na nakakapagpatatag ng sarili sa kompanya. Pero iyon nga sa hindi malamang dahilan, kamakailan lang ay hindi na niya kayang tiisin pa ang kawalang-katarungang dinanas niya. “What’s going on here? Bakit ang ingay ninyo nang ganito kaaga?” Pumasok sa loob si Director Diaz, at kasunod nitong pumasok si Easton at si Assistant Ren. Unang beses nilang nakita ang kanilang boss na pumasok sa loob kaya lahat sila ay natahimik. Tumingin si Lovi kay Director Diaz at nasalubong niya ang tingin ni Easton mula sa likuran. Hindi na siya naglakas-loob na titigan pa ito at agad din niyang iniwas ang kanyang tingin. “Wala naman, Direct D, ilang reklamo lang mula kay Ms. Lovi Sy tungkol sa manuscript para sa year-end competition last night.” biglang sabi ni Lala. “Hindi ako ang kumuha.” Depensa ni Lovi sa kanyang sarili. Napansin ni Lovi na nakatitig sa kanya si Easton. Ang malamig nitong tingin ay naghatid sa kanya ng takot, at tila naging bahagya siyang kabado habang nagsasalita. “Lahat ay nakabatay sa ebidensya. Kahit na umuwi ako nang sobrang late kagabi, hindi ibig sabihin no’n na ako nga ang may gawa. Besides, I don’t think their works can help me improve my design, and I believe it can’t affect my chances of getting the first place at the end of this year.” May ilan na nagsasabing mayabang siya. Mayroon ding nagsasabing siya ay mapagmataas, at puro kalokohan lang ang mga pinagsasabi niya. Bumaba ang tingin ni Easton at bahagya itong napangisi. “I’ll check the surveillance camera para malaman ang totoo kong si Ms. Sy nga ang nagnakaw ng mga dokumentong ito sa office ko.” sabi naman ni Director Diaz. “Ang sabi ng security guard, nakapatay raw ang lahat ng CCTV camera kagabi dahil sa maintenance. At ang sabi niya, ang tanging nakita niya lang kagabi ay si Lovi na nagtatrabaho pa sa opisina, pero hindi naman daw niya ito nakitang pumasok sa opisina ni Director D.” Nanginginig na sagot ni Lira. Kanina pagkatapos malaman ni Lira ang nangyari, agad siyang nagpunta sa guard office para i-check ang camera dahil gusto niyang malaman ang totoo para matulungan niya ang kanyang kaibigan. Pinili na lamang ni Lovi na manahimik kaysa sa makipagtalo pa sa kanila. Iniisip pa rin niya kung paano napunta sa kanyang mesa ang mga dokumento ng kanyang mga kasamahan. “Ms. Lovi Sy,” si Easton ang tumawag sa buong pangalan niya. “Come with me.” His tone was calm and still as cold as ever. Tumalikod na ito at naglakad patungo sa may elevator. Taas-noong sumunod si Lovi rito. Pagkatalikod niya, nagsimula na naman ang mga bulung-bulungan. Iniisip din ng lahat na matatanggal na siya sa trabaho. Pagpasok niya sa loob ng elevator, tumama sa kanyang mukha ang amoy ng paborito nitong pabango na unti-unting nagpapakalma sa kanyang mood. Pagkapasok nila sa opisina nito, agad na lumabas si Assistant Ren at isinara na rin nito ang pinto. “Sit down and have breakfast with me.” Itinuro pa ni Easton ang mga pagkain sa mesa. “Ha?” Naguguluhang sabi ni Lovi. Akala niya kasi na papagalitan siya nito.Alas dos ng madaling araw ng umaga habang nasa kalagitnaan ng pagtatalik sina Lovi at Easton biglang nag-ring ang cell phone ni Easton.“Y-your phone is ringing,” kagat-kagat ni Lovi ang kanyang ibabang labi habang sinasabi niya ang linyang iyon.“I’ll answer it… later, after this.” Hingal na hingal ito at hindi pa rin ito tumitigil sa paggalaw sa kanyang ibabaw.Hindi na muling nagsalita pa si Lovi, at hindi pa rin tumitigil ang pagri-ring ng kanyang cell phone. Ilang beses itong tumawag hanggang sa nainis na si Easton.“F*ck! Who the heck is calling me at this hour?” Inis na dinampot ni Easton ang kanyang cell phone at pagkatapos sinagot nito ang tawag.“Sino ‘yan?” tanong ni Lovi bago niya hinalikan ang pisngi at ang noo ni Easton.Bahagyang nagulat si Lovi nang bigla na lamang na umalis sa kanyang ibabaw si Easton. Tumayo ito at dali-daling dinampot ang mga damit nito na nasa may sahig, pagkatapos dali-dali itong nagbihis. Pinanuod na lamang ni Lovi ang kanyang asawa.“I’m sorry,
Alas onse na ng tanghali nagising si Lovi at magaan na rin ang kanyang pakiramdam. Nagtungo si Lovi sa banyo at pagkatapos niyang maligo, sinuot niya ang kanyang silk na terno na pajama.Paglabas ni Lovi ng kanilang kuwarto, agad siyang nagtaka nang makarinig siya ng ingay mula sa baba. Napatigil si Lovi sa gitna ng hagdanan nang makita niya ang mga executive sa kompanya ni Easton, nagpupulong ang mga ito at mukhang seryoso ang kanilang pinag-uusapan. Kasama rin ng mga ito si Easton na nasa may single na sofa nakaupo habang nakikinig lang sa kanilang mga opinyon.Nang makita ni Assistant Ren si Lovi, agad itong bumulong kay Easton. Biglang nakaramdam ng kaba si Lovi at akmang babalik na sana siya sa taas nang bigla siyang tinawag ni Easton.“Gising ka na pala. Eat first, then take your meds,” sabi nito sa kanya.Napapikit si Lovi bago siya dahan-dahang lumingon. Nakatuon na sa kanya ang atensyon nilang lahat. “Hello po, g-good morning.” Nahihiyang ngumiti si Lovi sa kanilang lahat.Tu
(Hospital)Kumurap si Lovi. “Easton,” tawag niya rito.Nagkatitigan sina Lovi at Easton bago bumaling ang tingin ni Easton kay Blake. Diri-diretsong pumasok sa loob si Easton at nilapitan niya kaagad si Lovi, hindi nito binati si Blake.Biglang kinabahan si Lovi. “Galit ba siya o guni-guni ko lang ito?” tanong ni Lovi sa kanyang sarili.“Bakit hindi mo sinabi sa akin na masama ang pakiramdam mo? Are you okay now?” tanong sa kanya ni Easton.“Medyo maayos na ang pakiramdam ko.” tugon niya sa kanyang asawa.“Are you sure?” Tatango na sana si Lovi nang biglang hawakan ni Easton ang kanyang noo. “You’re still hot.” dagdag pa nito.Napatingin si Lovi kay Blake at agad niyang tinanggal ang kamay ni Easton na nakahawak sa kanyang noo nang makita niyang nakatitig ito sa kanilang dalawa ni Easton. Bahagyang nagulat si Easton sa kanyang ginawa.“P-pero medyo maayos na ngayon ang pakiramdam ko kaysa kanina,” nahihiyang saad ni Lovi.Hinawakan ni Easton ang kanyang ulo at dahan-dahan siya nitong
Magkasama sina Lisa at Assistant Ren, sabay pa silang napatingin sa cellphone ni Lisa ng bigla itong tumunog.Kinuha ni Lisa ang kanyang cellphone at pagkatapos sinagot niya kaagad ang tawag ng makita niyang si Lovi ang tumatawag.“Hey, sis, what can I do for you?” agad na tanong ni Lisa.Narinig niyang tumikhim ang taong nasa kabilang linya at natahimik si Lisa, dahil sigurado siyang hindi iyon boses ng kanyang kapatid.“Hey, Lisa… uhm… this is Blake, Lovi is in the hospital right now and—” hindi natuloy ang sasabihin ni Blake ng biglang sumingit si Lisa. “Ano’ng nangyari sa kapatid ko, Blake?” Napatingin naman si Assistant Ren kay Lisa.“She just have a fever, but don’t worry, she’s okay now. Nanginginig siya sa kanina, kaya dinala ko na siya rito sa ospital… and I called you to inform you. Ikaw lang ang kilala ko sa call history niya.” paliwanag nito.Nakahinga naman ng maluwag si Lisa. “I thought something bad happened to her. Thank you for taking care of my sister, Blake. I’ll vi
Kinabukasan, nagising si Lovi na masakit ang kanyang buong katawan, at nagising din siya na suot na niya ang puting t-shirt ni Easton. Kagaya rin ng inaasahan ni Lovi, wala na sa kanyang tabi si Easton.Pumasok pa rin sa trabaho si Lovi kahit medyo masama ang kanyang pakiramdam.Mas naging busy pa ang design department lalo na’t malapit ng matapos ang taon. After Jenna and Director Diaz discussed about the competition, they’ve decided to conduct a public vote on the design platform.Lovi supported her chin with one hand, sitting at her workstation in a daze. Pilit niyang inaalala ang mga nangyari kagabi ng biglang may nag-text sa kanya. Agad na binuksan at binasa ni Lovi ang mensahe.Car repair shop: Magandang umaga, ma’am. Na-repair na po namin ang kotse mo at pwede n’yo na rin po itong kunin sa shop. Thank you po for trusting our service, especially our shop. 😊Pagsapit ng alas tres umuwi na muna si Lovi sa villa dahil wala naman siyang balak na mag-overtime sa trabaho, lalo na at
Ibinigay ni Easton kay Lovi ang kanyang jacket at ginamit iyon ni Lovi paglabas upang hindi siya makilala ng mga lalaki na naghihintay sa labas ng banyo. Nagulat pa nga ang mga ito nang bumungad sa kanila ang itim na jacket. Lakad at takbo ang ginawa ni Lovi hanggang sa may nakabangga siyang isang tao. Sumilip ng kaunti si Lovi at nakahinga siya nang maluwag nang makita niya si Lisa pala ang kanyang nabangga. “Ikaw pala ‘yan.” Isinuot ni Lovi ang jacket ni Easton at inayos na rin niya ang kanyang nagulong buhok. Tumaas ang isang kilay ng kanyang kapatid. “Where have you been? Saka, bakit ganyan ang itsura mo? Para kang nakipag-quickie.” Tinawanan siya nito. Kumunot naman ang noo ni Lovi. “Quickie? Ano ‘yon?” nagtatakang tanong niya. “Oh my gosh, Lovi—hindi mo alam yung quickie? Anong year ka ba pinanganak? Panahon nina Samson at Delilah? Like speed sex, brief sex, fast se—” naputol ang sasabihin ni Lisa ng biglang tinakpan ni Lovi ang bibig ng kanyang kapatid dahil may mga babaeng