LOGIN“HA?” Naguguluhang sabi ni Lovi.
Akala kasi ni Lovi na papagalitan siya nito. Pwede ko kaya siyang tanggihan ngayon? Hindi naman siguro niya ako isisante ‘pag tinanggihan ko ang alok niya, ‘di ba? Magsasalita na sana si Lovi nang biglang tumunog ang kanyang tiyan. Nakangisi siyang sinulyapan ni Easton bago ito umupo. “Halika na. Sabayan mo na akong kumain. Saka, gutom na ang dragon mo sa tiyan.” tukso nito sa kanya. Napapikit at napabuntong-hininga na lamang si Lovi sa sobrang kahihiyan. Dinampot niya ang kutsara sa may ibabaw ng babasagin na mesa at umupo siya sa tapat nito. Today, she was wearing loose casual pants paired with a half-high collar short-sleeved T-shirt. Her lazy bun was kind of messy, but it made her look very sexy. Minsan nga ay napapatingin sa kanya si Easton. “Bakit ka nakatingin sa akin ng ganyan? May dumi ba ang mukha ko?” Nagtatakang tanong niya rito nang mahuli niya itong nakatitig sa kanya. Ngumiti sa kanya si Easton. “Nothing.” “Iniisip kaya niyang patay gutom ako?” tanong ni Lovi sa kanyang sarili nang mabilis niyang inubos ang kanyang pagkain. “Are you full?” tanong ni Easton. “Oum.” tugon niya kahit puno pa ang kanyang bibig bago siya uminom nang tubig. Kumuha na rin siya nang tissue, saka niya pinunasan ang kanyang bibig. Matagal na rin siyang hindi nakakapag-agahan ng maayos sa umaga, dahil sobrang busy niya this month. Saka masarap pa ang pinahandang pagkain ni Easton, kaya sobrang sulit ito para sa kanya. “Go and get back to work.” Saad ni Easton nang mapansin nitong parang nagmamadali siya. Kukunin na sana ni Lovi ang kanyang plato’t kutsara upang siya na ang maghugas nang biglang hinawakan ni Easton ang kanyang palapulsuhan. Agad naman na napatingin sa kanya si Lovi. “I’ll do it.” saad ni Easton. Napakurap-kurap naman si Lovi bago niya binitawan ang hawak niyang kutsara. Binawi na rin niya ang kanyang kamay na hawak nito at itinago niya iyon sa kanyang likod. “A-aalis na ako. T-thank you pala sa breakfast.” utal-utal niyang sambit at tumalikod na siya. Nagsimula na siyang maglakad at ilang segundo lang ay napatigil siya sa may tapat ng pinto bago niya nilingon si Easton na nakatingin pala sa kanya. “Mr. Dela Vega…” tawag niya rito. “Hmm?” Hinihintay lang nito ang kanyang susunod na sasabihin. “Please, h’wag mong ipagsabi sa iba yung tungkol sa nangyari sa atin.” aniya. “Which one?” kalmadong tanong nito sa kanya. Napakunot naman ang noo ni Lovi. Anong “which one”?! May iba pa ba kaming ginawa bukod sa noong gabing may nangyari sa amin? “L-lahat.” Mabilisang tugon niya. Bahala na si Darn—este si Batman! “Okay. Noted.” agad na sagot naman ni Easton. Nakahinga naman nang maluwag si Lovi bago niya tuluyang nilisan ang opisina nito. Pagbalik niya sa kanyang mesa, kapansin-pansin ang tensyonado at kakaibang atmosphere sa opisina nila. “Gusto mo ba ng pork siomai?” Inabot sa kanya ni Lira ang siomai na hawak niya. “Thank you pero busog na ako.” Umiiling niyang sabi. Makaraan ang ilang sandali, muling pumasok si Assistant Ren at tinawag nito si Director Diaz upang paakyatin ito sa president’s office. Nagsimula na naman na umingay ang buong paligid. “Pinagalitan ka ba ni Mr. President?” mahinang bulong ni Lira sa kanya. Napatingin naman si Lovi sa kanyang kaibigan na seryosong naghihintay sa kanyang isasagot. “Magugulat ka ba kapag sinabi kong hindi niya ako pinagalitan? Kilala mo naman ang boss natin.” Sabi na lamang niya. “Eh ano naman ang ginawa ninyo sa itaas sa loob ng sampung minuto?” mausisang tanong nito sa kanya. Bakit parang iba ang naiisip ko sa tanong niya? Ano pa ba ang gagawin namin doon sa opisina niya? “Nagtanong lang siya ng ilang bagay tungkol sa nangyari kaninang umaga.” sagot niya. “Hay, mabuti naman kung gano’n. Akala ko pa naman ay babalik ka ritong luhaan at mag-iimpake ka na…. ayokong masisante ka, Lovi. Ikaw lang ang close friend ko rito.” Sabi ni Lira at humawak pa ito sa braso niya. Nakonsensya naman bigla si Lovi kaya iniba na lamang niya ang topic nila at pagkatapos nagpokus na lamang siya sa kanyang trabaho. Pag-uwi ni Lovi agad siyang naligo. Saktong paglabas niya ng banyo biglang tumunog ang kanyang cellphone. Tamad naman niyang dinampot ang kanyang cellphone sa kanyang kama. Umupo siya sa may gilid ng kama habang hawak niya ang kanyang phone at habang pinapatuyo nito ang kanyang buhok gamit ang kanyang maliit na tuwalya. Napakunot naman ang kanyang noo nang una niyang makita ang pangalan ni Easton na lumabas sa kanyang screen. At dahil na-curious siya, pinindot niya ang notification na may pangalan ni Easton. Tumambad sa kanya ang timeline ni Easton na walang kahit isang post pero maraming naka-featured na stories. Isa-isa niya itong binuksan at nagulat siya kanyang mga nakita. May iilang stories ito na sigurado siyang konektado sa kanya.Pagkaalis na pagkaalis ng ama ni Easton, agad na nakahinga nang maluwag ang lahat.Unti-unting kumalma ang tensiyon na kanina pa nakabitin sa ere.“Hindi mo ba talaga kilala ang magiging biyenan mo?” biro ni Lisa, sabay kindat sa kanya.Lulong-lumo ang itsura ni Lovi, para bang nawalan na siya ng pag-asa sa mundo.“Nagmamadali kasi siyang kumuha ng marriage certificate—wala man lang tuloy kaming naimbitahang ibang tao,” paliwanag niya, halatang nahihiya.Agad namang sumingit si Assistant Ren at sinabi, “Sinabihan na kita tungkol dito, ‘di ba?”*****Pagkapasok ni Mr. Dela Vega sa sasakyan, agad niyang pinadala sa ina ni Easton ang mga larawan na palihim niyang kinuha kanina.Si Mrs. Helen Dela Vega na nasa loob ng opisina at abala sa trabaho ay napatingin agad sa mensaheng pinadala ng kanyang asawa.*****Dahil sa edad ng matanda, napagdesisyunan nilang kumain na lang sa buffet para komportable ito. Pagkatapos, nalaman niya mula kay Lisa na mayroon palang mga pribadong kuwarto ang Sea
“Mura lang ‘to. Gusto n’yo bang bilhan ko rin kayo nito? Kaso wala ng libre sa panahon ngayon, bayaran ninyo ako ng 5,000 bawat isa sa inyo.” Nagbiro si Lovi habang may mapanuksong tingin sa kanyang mukha.Nagtawanan ang lahat, halatang natuwa sa sagot niya.Bumaba muna siya kasama ang mga kasamahan niya, at nang wala na sila, saka lamang nag-scan ng mukha si Lovi para umakyat sa 30th floor.Kumatok siya sa pintuan ng opisina ng presidente. Pagkabukas pa lang ng pinto, bigla siyang hinila papasok ng isang malakas na kamay.Agad siyang sinalubong ng pamilyar na amoy—mainit, nakaka-comfort, at nakapagpapabilis ng tibok ng puso niya. Hindi pa siya nakakapag-react nang maramdaman niyang niyakap siya nang mahigpit nito, para bang matagal siyang nawalay.“E-easton, b-bitawan mo ‘ko.” Tinulak niya ito nang buong lakas, pero ramdam niyang halos hindi gumagalaw ang lalaki—mas malakas ito nang tatlong beses kaysa sa kanya.Sa halip na umatras, mas lalo pa siyang hinalikan nito sa noo at pisngi,
Habang kumakain sa cafeteria, naghanap si Lovi ng pagkakataon at hinila niya si Assistant Ren papunta sa isang medyo tagong mesa.Hindi na nagulat ang mga kasamahan nilang nakatingin mula sa malayo; sa tingin nila, matagal nang malapit ang dalawa at parang may sariling mundo na.Si Easton na naglalakad sa unahan, napakunot ang noo nang mapansing may dalawang kahina-hinalang tao na sumusunod sa likuran niya.May mga bagay pa ba talaga na hindi mo kailangang alamin? para bang iyon ang gusto niyang itanong habang tinitingnan sila.Hindi siya makapag-concentrate, kaya sa halip na sumabay sa kanila, naupo na lang siya mag-isa upang kumain. Sa kabutihang-palad, nakaupo sa tapat niya si Jenna, na tila naghintay na ring makipag-usap.“Lovi, ipapasa mo na naman ba si boss sa ibang babae?” biro ni Assistant Ren habang kumikindat, halatang may tinutukoy.Sumulyap si Lovi sa direksiyon ni Easton, at napansin niya ang nagtatakang tingin na ibinibigay nito sa kanya. Ngunit hindi niya iyon pinansin.
Tiningnan niya nang may pagdududa si Tanya nang bigla na lamang itong lumapit sa kanya.“Ano’ng ginagawa mo rito, Tanya?” nagtatakang tanong ni Lovi.Nagpalinga-linga si Tanya sa paligid, at nang masiguro nitong wala pang ibang tao, nagsalita siya nang diretsahan, “I saw it.”Natawa si Lovi at nagtanong, “Ano bang nakita mo?”Ayaw na niyang makipag-usapan nang maaga dahil baka maapektuhan ang mood niya buong araw.“You and Kuya East—” Hindi pa man natatapos magsalita si Tanya, mabilis na tinakpan ni Lovi ang kanyang bibig.Pagkaraan ng halos kalahating minutong tahimikang tensyonado, dahan-dahan ding inalis ni Lovi ang kamay niya.“Binabalaan kita. Hindi magugustuhan ni Easton ang gagawin mo, Tanya,” babala ni Lovi na may halong kaba.Bahagyang napasinghal si Tanya at tumingin sa singsing na nasa kamay niya. Agad namang napaatras si Lovi at pasimple niyang tinakpan ang kanyang suot na singsing gamit ang kanyang isang kamay.“Alam na ng lahat ng senior executives na kasal na si Kuya Ea
Si Lovi ay nakahiga sa kama, nakatitig nang wala sa sarili sa kasalang nagaganap sa damuhan hindi kalayuan mula sa kanila.Privacy-proof ang salamin, kaya kahit bukas pa ang mga kurtina, walang sinuman ang makakakita ng nangyayari sa loob. Gaya kanina, nang nakahiga siya sa sahig sa tabi ng bintanang abot-hanggang kisame, sobra talaga ang hiya at kaba na naramdaman niya. Parang napakaraming matang nakatitig sa kanya mula sa labas, kahit alam niyang imposible iyon.“Do you want to go there?” tanong ni Easton na kakalabas lang mula sa banyo, suot ang maluwag na bathrobe at mahinahong sumandal sa sofa. Malambing itong ngumiti at tumingin sa direksiyon ni Lovi.Natatawang umiling si Lovi.Nang makapagpahinga na sila sa kwarto, gabi na nagising si Lovi dahil sa gutom.Dinala siya ni Easton sa damuhan malapit sa lawa, na tila ba inihanda na talaga para sa kanila. May mga mesa at upuang maayos na inayos sa lugar, na parang eksena sa isang pribadong date kagaya sa mga napapanuod niya sa mga p
Ayon sa receptionist, wala nang available na kuwarto. Lahat daw ng mga kuwarto sa B&B ay fully booked lalo na tuwing weekend, kaya sobrang higpit.Napasinghap si Lovi. Tiningnan siya ni Easton, iniabot ang maleta, at marahang sinabi, “Sit here and wait for me. Don't go anywhere.”Sumunod siya nang walang sinasabi at naupo sa sofa sa lobby. Mula roon ay nakita niyang nakikipag-usap si Easton sa waiter. Nakangiti ang waiter, parang may sinasabing nakakaaliw o nakakatuwa. Tinitigan siya ni Lovi, sinusubukang basahin ang kanilang pag-uusap, ngunit hindi siya marunong magbasa ng labi.Pagkalipas lamang ng wala pang dalawang minuto, bumalik ang receptionist at ibinigay kay Easton ang isang room card—para bang may milagro.Lumakad siya pabalik kay Lovi. “Akala ko ba walang bakanteng kuwarto?” usisa ng dalaga, hindi maitago ang pagtataka.“Did I?” nakangiting sagot ni Easton.“Paano ka nakakuha n’yan?” tila hindi pa rin makapaniwala si Lovi sa kanyang asawa.Ngumiti si Easton ng may kahulugan







