ITO na ang dalawang beses na nakapasok siya sa loob ng opisina ni Easton.
Sobrang laki at maluwag talaga rito. Kahit dagdagan pa niya ng mahabang mesa at isang set ng sofa. May lugar din para sa pag-inom ng tsaa.
“If you're tired, go inside and take a nap.” Saad ni Easton at naglakad ito papunta sa kanyang desk, at sumenyas ito kay Lovi na sundan siya.
Tiningnan niya kung saan papunta si Easton. Then, she saw a small suite next to his desk. Mas gusto niya rito kasi parang nasa bahay lang, hindi kagaya noong isang gabi kung saan siya nito dinala.
Erase! Erase! Erase! Ano ba itong naiisip ko?!
“Sa sofa na lang ako uupo.” aniya, at umatras na siya.
“Ikaw ang bahala.” Saad ni Easton at bumalik na ito sa kanyang mesa. Umupo na rin ito sa kanyang upuan, saka nagsimulang asikasuhin ang mga documents na nasa mesa niya.
Hindi na niya alam kung ilang oras na ang lumipas hanggang sa nakatulog na rin si Lovi sa sofa, dahil hindi siya masyadong nakatulog ng maayos kagabi.
Si Easton naman ay nakaupo pa rin sa harapan ng kanyang mesa habang patuloy pa rin ito sa pagbabasa ng mga dokumento na para bang hindi ito nauubusan ng enerhiya.
Pagkagising ni Lovi, ala-una na ng madaling araw.
He saw Easton standing in the floor-to-ceiling window, pinagmamasdan nito ang tanawin ng buong lungsod.
Madali lang na mapansin na siya ay may magandang pangangatawan, may malapad na balikat at makitid na na baywang, at kapansin-pansin din ang kanyang asul na mga ugat sa kanyang dalawang braso na nakikita sa ilalim ng kanyang nakatuping manggas.
She held her stiff neck and groaned in pain. Dahan-dahang nalaglag ang kanyang itim na amerikana habang siya’y tumayo.
“Hindi ka ba matutulog?” Akala niya ay babalik ito sa kanyang silid para matulog pagkatapos nitong tapusin ang kanyang trabaho.
“The elevator has been repaired,” pag-iiba nito ng usapan.
“Oh.” Napangiti naman si Lovi.
“For you…. Uhm… gusto mo bang sumabay na sa akin?” He added and turned around slowly.
“No need, but thank you sa offer. Bababa na ako, magtataxi na lang ako.” Sagot niya at kinuha na niya ang kanyang bag.
Dali-dali naman na kinuha ni Easton ang kanyang coat at sinundan niya si Lovi. Hindi naging komportable si Lovi sa pagsunod ni Easton sa kanya, para itong isang asong hindi niya kayang palayasin dahil gusto lang nitong palaging nakabuntot sa kanya.
Pagkalabas niya ng elevator, naglakad na siya papalabas. Bago pa man siya makalabas ng parking lot, nakarinig siya ng busina mula sa kanyang likuran. Sa gilid na siya dumaan pero patuloy pa rin sa pagpreno ang itim na sasakyan.
“Get in the car.” Napalingon siya sa kung saan nanggaling ang boses na iyon.
Malalim at kaakit-akit ang boses nito, at ang kanyang maitim na mga mata sa likod ng kanyang frameless na salamin ay nagbibigay ng malamig na pakiramdam. Mahigpit na hinawakan ni Lovi ang kanyang bag, nag-alinlangan pa siya sandali bago sumakay sa sasakyan.
Sa sandaling iyon, isang BMW 290 na may plakang numero ang biglang lumiko at mabilis na lumabas ng underground parking lot.
"Hisst——" Tunog ng gumegewang na kotse ang narinig sa parking lot.
Sabay na tumingin ang dalawang tao sa loob ng kotse hanggang sa tuluyang mawala ito sa loob ng garahe.
Nabalik si Lovi sa kanyang ulirat at mabilis na inayos ang kanyang palda. Nang siya’y umupo, patuloy sa pag-akyat ang kanyang palda, halos makita na ang kanyang buong hita.
Hindi alam ni Lovi kung saan iyon binili ni Easton. Hindi rin siya komportableng suotin ito. Nang muli siyang gumalaw, natanggal ang isang butones sa kanyang dibdib. Kitang-kita na ngayon ang kanyang dibdib. Nakita rin ni Easton ang mga pulang bakas na iniwan niya kagabi sa dibdib nito. Nag-iwas kaagad ng tingin si Easton at kusang gumalaw ang kanyang adam’s apple sa hindi niya maipaliwanag na dahilan.
Dali-dali naman na tinakpan ni Lovi ang kanyang maputing dibdib. Mas mapula pa ang kanyang mukha kaysa sa persimon.
Hindi siya makagalaw. Hindi niya maayos ang itaas, at hindi rin niya mahila ang ibaba…
Mas mabuti siguro kung pumayat pa ako ng kaunti. Mula pa noon, ang laman sa harap ko ay masyadong kapansin-pansin, at madalas akong titigan ng iba, na talaga namang nakakailang.
Binigay sa kanya ni Easton ang kanyang itim na jacket mula sa back seat at isinuot niya kaagad ito.
Huminto si Easton sa gilid ng kalsada at bumili ng isang red velvet na flavor ng milktea. Ito ang paboritong inumin ni Lovi, lalo na kapag siya ay stress.
Pagkabalik ni Easton sa loob ng kotse, hindi niya inaasahan na binili ito ni Easton para sa kanya.
“Take it.” Malumanay na tonong pagkakasabi.
Nahihiya naman na kinuha ito ni Lovi mula sa kanyang mga kamay. “Thank you.”
Ang bahay na inuupahan ni Lovi ay nasa Cavite, hindi masyadong malayo sa kompanya. Gabi na at ipinarada na ni Easton ang kanyang kotse sa ibaba ng gusali, at hinintay niya munang makapasok si Lovi sa loob ng elevator. Tumingala siya, at wala pang isang minuto, umilaw ang ilaw sa ika-16 na palapag bago niya pinaandar ang kanyang kotse at bumalik sa kumpanya.
____
Paglabas ni Lovi mula sa elevator, nakita niya ang isang bungkos ng dilaw na tulip at isang tasa ng malamig na kape sa sahig.
Parang isang libing ang eksenang ito... malas!
Kumunot ang kanyang noo, pinulot niya ang kape at itinapon ito sa basurahan sa tabi niya.
Muli niyang sinulyapan ang bulaklak, pinisil niya ang kanyang maliliit na kamao at tinaas niya ang suot niyang itim na high heels, at pagkatapos sinipa niya ito papunta sa gilid ng basurahan.
Ginamit niya ang kanyang fingerprint para buksan ang pinto at pumasok na siya sa loob. Matagal na niyang namimiss ang bahay na ito.
Hinubad niya ang kanyang hindi magkasya at di-komportableng coat, nagsuot ng tsinelas at pumasok sa banyo. Pagkatapos niyang maligo, lumabas na siya ng banyo.
It was already two o'clock. Muli niyang sinubukang buksan ang kanyang cellphone at mabuti na lamang at gumagana pa naman ito. Sunod-sunod ang mensahe na kanyang natanggap.
Andrew:
Tumawag ako pero hindi mo sinasagot.
I sent you a message too but you didn't reply.
Nag-aalala na ako sayo.
Btw, iniwan ko yung bulaklak sa labas ng pinto. I hope you like them.
After being in love with him for so many years, he’s still romantic, pero sobra-sobra na ang pagiging romantiko niya dahil nakakaadik at kayang paibigin ang kahit sino. He’s really worthy of being a master providing services to women for free.
Kahit na ang kanyang ina lang ang nag-alaga kay Lovi, ang kanyang ina naman ay isang taong may positibong pagpapahalaga sa buhay. Sa impluwensya ng kanyang ina, siya ay disiplinado at magalang. Kahit na sila ng kanyang kasintahan ay nasa puntong pinag-uusapan na ang kasal, limitado pa rin sila kahit sa simpleng paghawak lamang ng kamay.
Noong araw ng National Day Fashion Show, habang nililinis na ang lugar, nakita niya si Andrew na bihirang mamili sa mga karaniwang araw.
Kahit alam na niya noon pa ang tungkol sa relasyon nina Andrew at Sarah, nang makita niya ang dalawa na naglalandian sa isa’t isa sa kalye, ramdam pa rin niya ang kirot na parang libo-libong karayom ang nilulunok niya pababa ng kanyang lalamunan. Nasaksihan iyon nina Easton at Assistant Ren.
Dahil doon kaya naparami ang kanyang inom.
Dali-daling lumabas si Lovi ng elevator. Agad siyang dumiretso sa kanyang workstation.“Nakakahiya ka, Lovi!” she cursed herself.“Good morning. Anyare sa’yo, lablab?” tanong sa kanya ni Lira.“Morning. Wala, may nakasabay lang akong nakakainis na tao sa elevator.” agad na tugon niya.“Gano’n ba? Hayaan mo na, baka mas lalo pang masira ang araw mo.” sabi nito sa kanya.Tumango-tango naman si Lovi at binuksan niya ang kanyang cellphone. Hindi alam ni Lovi na lumapit pala sa kanya si Lira, at bago pa man niya matakpan ang kanyang cellphone, nakita na ni Lira ang hindi dapat nitong makita.“Lovi, may asaw—” hindi na naituloy ni Lira ang kanyang sasabihin nang biglang tinakpan ni Lovi ang kanyang bibig.Nanlaki ang mga mata ni Lira nang nag-react kaagad si Lovi sa sasabihin sana niya.Tinanggal ni Lira ang kanyang kamay na nakatakip sa kanyang bibig at sinenyasan siya ni Lovi na huwag mag-ingay.Nakangising kinuha ni Lira ang kanyang cellphone na nakalagay sa kanyang mesa at nagpunta ito
Walang ibang gagawin si Lovi kaya naisipan niyang gamitin muna ang kanyang bagong kotse. Nag-ikot-ikot siya hanggang sa maisipan niyang sa labas na rin siya kakain.Sinubukan niyang ayain kumain sa labas si Lira ngunit may date raw ito ngayon kaya siya na lamang ang mag-isang kakain.Nakangiting ipinarada ni Lovi ang sasakyan sa gilid, at akmang tatanggalin na sana niya ang kanyang seatbelt nang bigla niyang makita ang isang pamilyar na lalaki.Hindi siya makagalaw. Nanatili ang kanyang mga tingin sa isang lalaki, tila hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita. Lumakas ang kabog ng kanyang dibdib nang bumaling ang kanyang tingin sa kausap ng lalaki—walang iba kundi si Jenna.Napakurap-kurap si Lovi. Maraming tanong ang pumapasok sa kanyang isipan na walang kasagutan.Hindi na tumuloy si Lovi at bumalik na lamang siya sa villa. Pagkarating niya, agad siyang umakyat sa taas at pumasok sa kwarto nila Easton.Hinalungkat niya ang kanyang mga gamit na nakalagay sa mga kahon hanggang sa m
Pagsapit ng linggo, walang pasok si Lovi kaya napagdesisyunan niyang mag-movie marathon na lang sa loob ng cinema room ni Easton, tutal wala rin naman si Easton dahil may importante itong lakad ngayong araw.Good mood din si Lovi ngayong araw, dahil nakatulog siya ng maayos kagabi.Sa villa ni Easton dalawa lang ang kwarto, maliban lamang sa kwarto ng mga maid, at ang kwarto naman ng mga security guard ay sa labas.May gym, cinema, coffee and tea room, KTV room, sauna, at may swimming pool din sa loob ng villa ni Easton.Nang makaramdam ng gutom si Lovi, bumaba muna siya para kumain. Pagbukas niya ng refrigerator, nagulat siya sa kanyang mga nakita sa loob.The refrigerator was filled with neatly arranged small lunch boxes in front of her. Bawat lunch box ay may mga label na. Alam din ni Lovi na sulat kamay iyon ni Easton.Kinuha ni Lovi ang lunch box na may hipon at lumpia. Niluto niya ito at pagkatapos kumain na agad siya.Saktong pagkatapos naman kumain ni Lovi biglang tumawag sa k
Biglang lumakas ang tibok ng puso ni Lovi nang magtama ang kanilang mga tingin ni Andrew. Napatingin din si Lovi sa taong nakaupo sa tapat ni Andrew—walang iba kundi si Sarah.“Mukhang sinunod nga niya ang sinabi ko sa kanya. Ganito pala ang feeling kapag nakita mo ang dalawang taong nanloko sa’yo na mukhang handa nang mag-settle sa isa’t isa.” saad ni Lovi sa kanyang sarili.Her five years of youth, five years of happiness, and the dependence she had developed on him were all tough swords.Iniwas ni Lovi ang kanyang tingin.Habang patuloy na nagsasalita si Sarah, hindi niya alam na hindi pala nakikinig sa kanya si Andrew hanggang sa mapatingin sa kay Andrew. Nawala ang ngiti sa mga labi ni Sarah at sinundan niya kung saan nakatingin si Andrew, at nakita niya si Lovi.Naguguluhan si Sarah kung anong klaseng gayuma ang pinainom ni Lovi kay Andrew, bakit hirap na hirap si Andrew na kalimutan ang dating kasintahan na si Lovi.Kahit pinutol na ni Lovi ang kanyang koneksyon kay Andrew dahi
Nag-grocery kahapon sina Easton at Lovi. Hindi rin sinasadyang nagkita sina Lovi at Sarah sa labas ng supermarket, ngunit walang panahon si Lovi na makipag-usap kay Sarah.(Flashback)Si Easton ang nagtutulak ng cart habang nakasunod lang si Lovi sa tabi niya.Sunod-sunod ang pagdampot ni Lovi ng mga seasonings at mga gulay na kakailanganin sa loob ng kusina.Nang malapit na silang matapos, dumiretso na si Easton sa may snack area. Inilagay niya sa cart ang maraming snack na kinuha niya, katulad ng iba’t ibang klase ng chips, yogurt, at pati na rin ang mga biskwit. Kumuha na rin siya ng maraming chocolates.“You like snacks too?” tanong sa kanya ni Lovi habang nakatingin ito sa cart nila ngayon na punong-puno na.“Not that much. I stocked it for you, but don’t eat too much, okay? It’s bad for your stomach.” sabi nito sa kanya.Natawa naman si Lovi. “Ikaw lang yung nakilala kong bumili ng maraming snack, tapos hindi mo papakainin ng marami ang asawa mo? Paano ko mauubos ‘yan agad kung
“The maid is on leave for a week, and there aren’t many vegetables in the fridge. Let’s go to the supermarket to buy some later.” saad ni Easton.“Okay.” Sinimulan nang kainin ni Lovi ang kanyang sandwich.She picked up her phone awkwardly, pretending to be busy and she accidentally saw Assistant Ren’s message last night.Assistant Ren: Ikaw ang kauna-unahang babaeng tumawag lang kay boss para sermunan siya HAHAHAHA 👍🏻Muling napaisip si Lovi pagkatapos niyang mabasa ang mensahe ni Assistant Ren sa kanya. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi at palihim niyang sinulyapan si Easton. At sa nakikita naman niya, mukhang hindi naman ito galit sa kanya.Binasa pa ni Lovi ang ibang mensahe sa kanya ni Assistant Ren.Assistant Ren: You did a great job, and I’m awesome! Nag-overtime ako sa loob ng kalahating buwan, at ngayon pwede na akong mag-leave!!!!“Recently, masyado bang marami ang kailangan na asikasuhin sa kompanya?” binasag ni Lovi ang katahimikan.“There were some financial problem