WHEN she got off work in the afternoon, she left ten minutes early. This was the first time she skipped work since she started working at Vegas. Bumalik si Lovi sa kanyang kotse at nagpalit ng itim na windbreaker. Nagtago siya sa isang madilim na bahagi malapit sa may elevator at pinagmasdan niya ang mga sasakyang lumalabas. Kinuha niya ang kanyang cellphone at maraming beses siyang kumuha ng litrato dahil ayaw niyang may makaligtaan. Hanggang sa makalabas na si Tanya, at sobrang ingay pa ng takong nito. Nakita niyang sumakay ito sa BMW 290 at maya-maya ay umalis na rin ito. Kung kanina ay hindi siya kumbinsidong may kinalaman nga si Tanya tungkol sa isyu, ngayon naman ay sigurado na siya. Nag-isip si Lovi ng ilang minuto bago siya lumakad palayo mula sa kanto malapit sa may elevator. Sa pagmamadali niya, nabangga niya ang isang tao na kakalabas lamang ng elevator. Naapakan din ni Lovi ang sapatos nitong leather na tansya niyang size 42 iyon. Nalaglag ang kanyang hawak na ce
MABILIS na kumalat ang balitang pinatawag siya ng presidente sa opisina nito na parang isang apoy. Inakala ng lahat na sila ang iniimbestigahan ng boss. Kaya naman habang sila’y kumakain ng tanghalian sa cafeteria sa ika-10 palapag ng kompanya, halos lahat sila ay nagtuturuan sa likod ng isa’t isa, na mas lalong nagpapatibay sa hinalang may naganap ngang insidente ng pagnanakaw sa mga dokumento nila. Patuloy pa rin sa kanyang pagkain si Lovi, napakakalmado niya lang. Hindi na lamang niya pinansin ang ingay sa paligid. “Director Diaz, I want to take a vacation simula sa susunod na araw.” Kalmadong sabi niya kay Director Diaz na kaharap niya lang. Nakita ni Director Diaz na medyo pagod nga si Lovi at mukhang iniisip pa rin nito ang mga nangyari kaya pumayag na lamang siya sa hiling nito. Mabilis ding sumang-ayon si Lira na nasa tabi lang niya. “Yeah, that’s a good idea… huwag kang mag-alala, Lovi, dahil malalaman din natin ang totoo! Managot ang dapat na managot! Pero syempre, hind
“HA?” Naguguluhang sabi ni Lovi.Akala kasi ni Lovi na papagalitan siya nito.Pwede ko kaya siyang tanggihan ngayon? Hindi naman siguro niya ako isisante ‘pag tinanggihan ko ang alok niya, ‘di ba?Magsasalita na sana si Lovi nang biglang tumunog ang kanyang tiyan.Nakangisi siyang sinulyapan ni Easton bago ito umupo. “Halika na. Sabayan mo na akong kumain. Saka, gutom na ang dragon mo sa tiyan.” tukso nito sa kanya.Napapikit at napabuntong-hininga na lamang si Lovi sa sobrang kahihiyan. Dinampot niya ang kutsara sa may ibabaw ng babasagin na mesa at umupo siya sa tapat nito.Today, she was wearing loose casual pants paired with a half-high collar short-sleeved T-shirt. Her lazy bun was kind of messy, but it made her look very sexy. Minsan nga ay napapatingin sa kanya si Easton.“Bakit ka nakatingin sa akin ng ganyan? May dumi ba ang mukha ko?” Nagtatakang tanong niya rito nang mahuli niya itong nakatitig sa kanya.Ngumiti sa kanya si Easton. “Nothing.”“Iniisip kaya niyang patay guto
KINABUKASAN, naging abala na ang design department.Pagkapasok ni Lovi bigla siyang nagtaka nang makita niyang nakatingin sa kanya ang lahat ng tao sa departamento nila. Yung iba pa ay tinuturo siya at ang iba naman ay nagbubulungan sa likuran niya.Alam na agad niyang may bagong pasabog na naman siyang malalaman ngayong araw na ito.Pagkakita ni Lira sa kanya ay agad siya nitong nilapitan. “Lovi, alam mo bang ninakawan ang design department kagabi,” mahinang bulong sa kanya ni Lira, ngunit sapat na iyon upang marinig niya. “Nawala yung draft ng design sa director’s office para sa kompetisyon, tapos... iyong draft ay napunta sa desk mo.” dugtong nito.Paano naman iyon napunta sa mesa ko? Mukhang ito na nga ang pasabog na hinihintay ko.Sa katapusan ng taon laging nagsasagawa ang design department ng isang kompetisyon. Marami sa kasamahan niya ang nagpasa ng kanilang mga gawang design kay Director Diaz, at kapag nawala ang mga ito ay talagang masasayang ang kanilang mga pinaghirapan da
ITO na ang dalawang beses na nakapasok siya sa loob ng opisina ni Easton.Sobrang laki at maluwag talaga rito. Kahit dagdagan pa niya ng mahabang mesa at isang set ng sofa. May lugar din para sa pag-inom ng tsaa.“If you're tired, go inside and take a nap.” Saad ni Easton at naglakad ito papunta sa kanyang desk, at sumenyas ito kay Lovi na sundan siya.Tiningnan niya kung saan papunta si Easton. Then, she saw a small suite next to his desk. Mas gusto niya rito kasi parang nasa bahay lang, hindi kagaya noong isang gabi kung saan siya nito dinala.Erase! Erase! Erase! Ano ba itong naiisip ko?!“Sa sofa na lang ako uupo.” aniya, at umatras na siya.“Ikaw ang bahala.” Saad ni Easton at bumalik na ito sa kanyang mesa. Umupo na rin ito sa kanyang upuan, saka nagsimulang asikasuhin ang mga documents na nasa mesa niya.Hindi na niya alam kung ilang oras na ang lumipas hanggang sa nakatulog na rin si Lovi sa sofa, dahil hindi siya masyadong nakatulog ng maayos kagabi.Si Easton naman ay nakaup
PAGKATAPOS ng trabaho, nagsialisan na kaagad ang ibang mga empleyado kaya kaunti na lamang silang natitira. Tumayo si Lovi at tumingin sa may bintana kung saan naghihintay sa kanya si Andrew na may hawak na palumpon na rosas. Hindi niya napigilang matawa sa ginagawa ngayon ng kanyang manlolokong nobyo.Si Andrew Cruz ay isang deputy secretary ng lungsod. Naitalaga siya bilang city council secretary dahil sa kanyang ama na nagbayad sa isang tao upang maibigay sa kanya ang posisyong iyon. Ang kanyang ama ay ang presidente ng pinakamalaking car dealership sa pinas. Tutol na tutol ito sa relasyon nina Lovi at ng kanyang anak. Alam din ni Lovi na ang gusto ni Mr. Cruz para sa kanyang anak ay si Sarah Tiu, dahil malinis at maganda ang family background ng kanyang kaibigan kumpara sa kanya.Ang mga magulang ni Sarah Tiu ay mga mahalagang opisyal din ng pamahalaan. Kung magpapakasal si Andrew sa kanyang kaibigan ay siguradong direktang maiuugnay ang ilang mga proyekto ng gobyerno sa transport