Share

Kabanata 96

Author: blackbunny
last update Huling Na-update: 2025-10-29 21:25:28

Lumabas muna si Lovi upang magpahangin at umupo siya sa isang bangko sa bakuran.

Yumuko siya at pagkatapos tinanggal ang kanyang mataas na takong, at hinimas ang kanyang bukong-bukong. Ang strap ng kanyang na gawa sa perlas ay dumausdos pababa sa kanyang balikat. Bago pa man niya ito maitaas, naramdaman niya na may mainit na mga daliri ang tumulong sa kanya na ibalik ang kanyang strap sa kanyang balikat.

Nakaramdam ng labis na takot si Lovi kaya siya ay agad na umusog sa gilid, at agad din niyang tinakpan ang kanyang dibdib.

Nag-angat siya nang tingin, ngunit hindi niya masyadong makita ang mukha nito dahil natatakpan nito ang nag-iisang maliit na ilaw sa may labas ng magandang bakuran. Ngunit, pamilyar sa kanya ang maskuladong katawan ng lalaki at ang tangkad nito.

“S-sino ka? K-kilala ba kita?” kinakabahan na tanong ni Lovi sa lalaking nasa harapan niya ngayon.

Mas lalong kinabahan si Lovi nang bigla nitong hinubad ang suot na jacket nito. Napaatras ulit si Lovi, at nagulat pa siya
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 126

    “Cindy?” Hindi makapaniwalang bigkas ni Lovi.Nilingon ni Cindy si Lovi. Nakatapis lang din ng tuwalya si Cindy.“What are you doing here?” nakakunot-noo na tanong nito, unti-unti rin itong lumalapit sa kanya.Bago pa man tuluyang makalapit si Cindy kay Lovi, agad itong pinigilan ni Easton. Napatingin naman si Lovi sa kamay ni Easton na nakahawak sa braso ni Cindy, kaya agad din itong binitawan ni Easton.“Wife, it’s not what you think. Walang nangyari sa amin,” paliwanag kaagad sa kanya ni Easton.“Well, that’s true. Pero muntikan nang may mangyari sa amin ni East, kung hindi lang siya agad nagising—baka makita mo rin na nagtabi kami sa iisang kama,” nakangiting sabi ni Cindy.“Shut up!” asik ni Easton kay Cindy, nawala agad ang ngiti sa mga labi ni Cindy.“Kadiri ka!” Mariin na sabi ni Lovi habang nakipagtitigan siya kay Cindy bago ibinaling ang kanyang tingin kay Easton. “Ito ba ang sinasabi mong matagal mo ng pinaghandaan? Nag-meeting kayo—sa hotel?” Sunod-sunod na nagpatakan ang

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 125

    Pagkatapos ng mahaba-habang bakasyon, balik na ulit sa pagtatrabaho sina Lovi.Hindi na rin kagaya noon na hindi nagpapakita si Lovi sa mga kasama niya sa trabaho kapag magkasama sila ni Easton, dahil ngayon lantaran na ang kanilang relasyon. Maraming naiinggit sa kanya, at yung iba naman ay hindi pa rin makapaniwalang asawa na niya ang kanilang boss.Napaigtad si Lovi nang biglang sundutin ni Lira ang kanyang tagiliran. “Uy, congrats. Finally, hindi na tago ang relasyon ninyo ngayon ni Mr. President. I’m so happy for the both of you.”Ginantihan siya ni Lovi ng isang matamis na ngiti. “Thank you. Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin ako makapaniwala… at ganito pala ang pakiramdam.”Kinilig naman si Lira sa sinabi niya. Sabay rin silang napatingin ni Lira sa taong tumikhim sa kanilang harapan.Nagulat si Lovi sa kanyang nakita. “Ngayon lang ulit kita nakita, ah. Saan ka nagpunta? Akala ko nag-resign ka na kay Easton.”Natawa naman si Secretary Shai sa sinabi niya. “Na-miss ko nga po ka

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 124

    Maagang gumising si Lovi para bumili ng kanyang makakain. Hindi rin niya maipaliwanag kung bakit nawalan siya bigla ng gana sa mga niluluto sa kanyang pagkain ni Easton.Bigla niyang gustong kumain ng strawberries kaya nagpunta siya sa malapit na supermarket sa kanilang villa. Nang makabili na siya, agad siyang lumabas ng supermarket at saka niya ito hinugasan ng binili niyang tubig.Naglakad lang siya pauwi habang kumakain ng strawberries. Suot niya ang pulang hoodie ni Easton na malaki sa kanya kaya hindi kita ang kanyang suot na short.Habang nakangiti siyang ninanamnam ang lasa ng strawberry sa loob ng kanyang bibig, biglang may humarang sa kanyang daraanan kaya siya napahinto.Nakilala agad niya ang taong humarang sa kanya kahit may takip itong itim na mask sa kanyang mukha at nakasuot pa ng itim na sumbrero.“Sarah? Anong kailangan mo sa akin? Pwede ba, tigilan mo na rin ako, dahil wala akong balak na agawin sa’yo si Andrew. Sayong-sayo na siya!” naiinis na saad niya.Akmang lal

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 123

    Nanatili muna sina Lovi ng tatlong araw sa mansion bago sila bumalik sa kanilang villa.Pagkagising pa lang ni Lovi agad siyang dumiretso sa banyo. Paglabas niya, bigla na lamang na nag-iba ang kanyang pakiramdam, bigla siyang nahilo sa hindi malaman na dahilan.Napahawak siya sa may pader at tumigil muna sandali sa paglalakad.“Wife?” Umalingawngaw ang boses ni Easton sa loob ng kanilang kuwarto.“I’m here,” tugon naman ni Lovi bago pumasok ulit sa loob ng banyo.Halos ilang minuto ring nanatili si Lovi sa loob bago tuluyang lumabas at bumalik sa tabi ni Easton sa kama. Kaagad siyang niyakap ni Easton at hinalikan pa nito ang kanyang noo.“Good morning. I love you,” bati nito sa kanya.Tumango lamang si Lovi bilang sagot na ikinakunot ng noo ni Easton.“What is that mean? Why aren’t you responding to my ‘I love you’, wife? Don’t you love me anymore?” Tila nagtatampong tanong sa kanya ni Easton.“Alam mo, nagiging OA ka na rin minsan…. Masama lang talaga ang pakiramdam ko ngayon. Gust

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 122

    Nagpaalam muna si Lovi para magbanyo saglit, pagkatapos habang naglalakad siya sa may hallway pabalik, nakita niya ang kanyang kapatid na si Lisa na kasama si Assistant Ren, at nakahawak pa si Assistant Ren sa baywang ng kanyang kapatid.Hindi siya nakikita ng dalawa dahil nakatalikod ang mga ito sa kanya, kaya siya na lamang ang lumapit sa kanila.Tinapik ni Lovi ang makinis na balikat ng kanyang kapatid. “Excuse me, what are you two doing here? Lumabas talaga kayo without my permission, Ren?” biro niya saka tinaasan ng kilay si Assistant Ren.Mabilis na binitawan ni Assistant Ren ang baywang ng kanyang kapatid. Natawa naman si Lisa sa sinabi niya bago siya nito niyakap at niyakap niya rin ito pabalik.“So? Ano na? Magtititigan na lang ba tayo rito?” tila naiinip na saad ni Lovi.“Uhm… i-inaya kasi ako ng kapatid mo na mag-dinner,” simpleng sagot ni Assistant Ren.Nakakunot-noo na tiningnan ni Lisa si Assistant Ren na katabi lang niya.Nanatiling tahimik si Lovi habang nag-uusap ang

  • Ruining The Tycoon Boss’s Abstinence: He Is Obsessed With Me   Kabanata 121

    Nakareceive si Lovi ng limang tawag, tatlo mula kay Lila at dalawa naman mula kay Jenna. Hindi niya in-expect na tatawagan siya ng kanyang kapatid na si Lila, dahil sobrang busy at workaholic ang kapatid niyang ‘yon.Nalaman din ni Lovi ilang araw na ang lumipas na nakalabas na raw ng ospital si Jenna at bumalik na sa malaking villa nito, dahil ayaw daw nitong manatili pa sa ospital.Agad na sinagot ni Lovi ang tawag ni Jenna nang lumabas ang pangalan nito sa screen ng kanyang cellphone.“Galit na galit ka ba talaga kay Dad? Talagang kinamumuhian mo na siya?” bungad sa kanya ni Jenna mula sa kabilang linya.“Jenna, hindi kita maintindihan.” Kalmado at parang walang emosyon ang tono ng boses ni Lovi.“Talaga? Kung hindi ka galit, bakit mo siya ini-report nang palihim? Ngayon, kailangan niyang gugulin ang buong taon na parang wala na siyang pag-asa, dahil nakakulong na lang dito at naka-wheelchair pa siya! Hindi mo man lang talaga hinintay na gumaling ako ng tuluyan bago mo siya ipakulo

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status