Share

Kabanata 18

Author: Purplexxen
last update Last Updated: 2025-09-21 22:27:29

Halos ngumanga ang drayber sa tabi, hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita. Sa buong isang taon niyang paninilbihan bilang drayber ni Magnus, ni minsan ay hindi ito lumapit sa kahit sinong babae. Wala pa siyang nakitang babaeng ganito ang pagkakalapit kay Magnus.

“Esquivel, ano bang ginagawa mo!” Mariin na tanong ni Yamila.

Kinakabahan na siya dahil nagsisimula nang tumingin ang ibang tao sa paligid nila. Maraming sasakyan ang dumadaan at napapansin na sila.

Bahagyang napangiti si Magnus, ngunit ang mga mata nito'y nakatingin nang malalim sa kaniya at tila hinuhuli ang kaniyang mga pangamba.

“Kailan ka pa nagkaroon ng ganitong sakit sa pag-iisip, Mr. Esquivel? Baka kailangan mo nang magpunta sa ospital namin. Kilala ko pa naman ang director ng psychiatric department, baka sakaling mabigyan pa kita ng discount.” Patuyang saad ni Yamila.

Hindi natinag si Magnus sa mapanuyang tono ng asawa. Bagkus, mas hinigpitan pa niya ang pagkakayakap sa baywang nito upang hindi ito l
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 29

    Kagaya ng iniisip ni Magnus, hindi nga niya mapipilit si Yamila. Matigas na ang puso nito, at kahit ano'ng gawin niya'y hindi niya mapapaamo ng ganoon lang kadali ang dating asawa. Kaya mag-isa siyang nagpunta sa cocktail party kinabukasan ng gabi. Kahit si Warren ay hindi na niya pinasama, dahil alam niyang ilang minuto lang ang itatagal niya sa pagdiriwang. Hindi siya magtatagal, gusto niya lamang na magpakita ng kaunting kooperasyon sa host ng party.Kaya nang gabi ng party, pagkatapos niyang batiin at kausapin ang ilang businessmen at ang host, tahimik na siyang umalis sa likod ng venue. Hindi niya hinayaan na may pumigil pa sa kaniyang pag-alis. At kinabukasan, kahit na naging mapait ang pagtanggi sa kaniya ni Yamila, pinili pa rin ni Magnus na bumalik sa ospital para makausap ulit ang babae. O masulyapan man lang. Sa ngayon, alam na niya kung saan madalas naroon si Yamila. Alam niyang kung wala ito sa emergency room ay nasa opisina ito. Sa malayo ay tahimik niyang pinag

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   kabanata 28

    Bumigat ang hangin sa pagitan nila. Sa loob ng maraming taon, kahit kailan ay hindi niya pinakilala si Yamila bilang asawa niya. Kahit ang mga taong pinakamalapit sa kanila, walang alam. Ngunit isang pagkakamali iyon na nais niyang baguhin. “Mr. Esquivel,” patuloy ni Yamila, ang boses nito punong-puno ng sarkasmo. “Don’t drag me into your power games. Hindi ako prop na pwede mong gamitin para sa event mo.” Ramdam ni Magnus ang pag-init ng tenga niya. Kung ibang tao lang si Yamila, kanina pa niya ito iniwan. Pero ito ang nag-iisang taong hindi niya kayang talikuran, kahit pa sinasaktan siya ng mga salita nito. Napansin ni Yamila na hindi sumasagot si Magnus. Tila ba hindi nito kayang kontrahin ang mga sinabi niya. Napangisi siya nang mapait at umiling. “Forget it,” mahina niyang sabi, sabay talikod. Hinayaan na lang siya ni Magnus na lumakad palayo. Wala siyang nasabi, wala ring nagawa. Nakatayo lang siya sa gitna ng hallway, pinagmamasdan ang papalayong likod ng babaen

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 27

    Ala syete y media nang lumabas siya sa ospital. Kanina pa natapos ang kaniyang duty ngunit may inayos pa siya sa kaniyang record sa computer kaya natagalan siya. Diretso ang kaniyang lakad sa parking lot, ngunit bumagal ang kaniyang mga hakbang nang makita ang pamilyar na sasakyan. Iyon ang sasakyan niya na ginamit ni Magnus. Nasa parking lot na ito ng ospital. Agad niyang inilibot ang tingin, nagbabakasakaling makita si Magnus. At tama siya sa kaniyang hinala, nasa parking lot rin ang lalaki. Nakatayo ito malapit sa street light, nakapamulsa at tila pinaglalaruan ang plastik na bote ng mineral water. Sinisipa iyon ni Magnus, at halatang nababagot na sa paghihintay. Ngunit sino nga ba ang hinihintay ng lalaking ito? Muli niyang ibinalik ang tingin sa kaniyang sasakyan. Dala niya ang sasakyan ng kaniyang Mommy, iyon na ngayon ang ginagamit niya, pero baka mapuna ng kaniyang ina na hindi na niya ginagamit ang kaniyang sasakyan. Magtatanong ito kung nasaan na iyon. Hindi niya maaar

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 26

    Sandaling nagpahinga si Yamila sa kaniyang opisina. Meron siyang maliit na kuwarto sa loob, kapag sa gabi ang duty niya, doon siya natutulog. Ngayon na masakit ang kaniyang puson, nahiga siya sa katre para ipagpahinga ang katawan. Idiniin niya ang hot compress sa kaniyang puson habang nakatihaya siya sa higaan. Ilang minuto na siyang nagpapahinga, pero wala pa rin tumatawag sa kaniya. Wala pa rin announcement galing sa emergency department. Marahil ay wala pang pasyente. Kung meron man, siguro'y kaya na ng mga nurse na asikasuhin iyon nang wala siya. Pumikit siya, at sa sandaling iyon, rumagasa sa kaniyang alaala ang ilang pagkakataon na hirap na hirap siya sa kaniyang shift. Isang gabi, isang linggo simula nang pumasok siyang doktor sa ospital na ito, anim na kritikal na pasyente ang isinugod sa emergency room. Isang bus at isang truck ang nagbanggaan sa madilim na crossing. Apat ang nasawi sa banggaan, siyam ang kritikal, ngunit anim lamang ang dinala sa kanilang ospital dah

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 25

    Napakunot ang noo ni Magnus. Mabilis niyang nilapitan ang babae para tingnan kung ano ang nangyari. Naabutan niyang nakahawak pa rin si Yamila sa babaeng parte ng tiyan, nakapikit ng mariin, at lukot ang magandang mukha. “What’s wrong?" Nang tingnan niya muli ang mukha ni Yamila, bigla'y namumutla na ito. "You look pale.” Bahagyang kumawala ang tawa ni Yamila, malamig. Ngunit halatang pilit. “It’s nothing. Just a period cramps. I’ll go to gynecology department myself. No need for you to act like a worried husband. This... is nothing." Ang boses nito'y humina na sa huling mga salita. Mas lalong hindi nakumbinsi si Magnus. Hindi na siya nagsalita, bagkus, mabilis niyang binuhat ang babae. Nagulat ito sa kaniyang ginawa, nagbukas ng mga mata si Yamila at gulat na tumingin sa kaniya. Sinubukan nitong bumaba, ngunit mahigpit niyang hinawakan ang babae para ipirmi. “Magnus! What are you doing?!” He's carrying her in a bridal style. Sa hitsura nila ngayon ay mas lalong kinab

  • Running Away From My Billionaire Baby Daddy   Kabanata 24

    ”Tell me, Magnus Esquivel, ano ba talaga ang gusto mo?” Her shift was toxic. Pagod siya sa trabaho, hindi na niya gustong dagdagan pa iyon ni Magnus. Kaya kung may kailangan ito sa kaniya, bakit hindi agad sabihin? Bakit kailangan na umaligid-aligid ang lalaki? Tapos na sila, hindi ba? Ngunit sa tanong niyang iyon, walang sagot na lumabas kay Magnus. Tinitigan lang siya nito, pinipilit basahin ang lamig sa mga mata niya. Ngunit wala itong mababasa sa kaniya. Pagod siya, at tanging pagod lamang ang magrereplekta sa kaniyang mga mata. Mabagal na bumuntong-hininga si Yamila, at sa malamig ngunit matatag na tinig ay sinabi, “Alam natin pareho na hindi mo ginusto ang kasal no’n. Napilitan ka lang dahil kay Lola.” Tumingin siya nang diretso sa mga mata nito, walang bahid ng panginginig ang boses. Katotohanan ang sinasabi niya kaya hindi siya mapipigilan. “Kaya pirmahan mo na ang divorce agreement. Let’s end this clean before it becomes uglier than it already is.” Parang kutsil

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status