Share

228

R18//Some scenes are not suitable for minors.

***

Halos mabaliw si Garreth sa kakahanap kay Ellaine nang malaman nyang nawawala ito. Hindi niya akalaing makakaramdam siya ng ganoon katinding emosyon dahil lamang sa pag-aalala na baka may kung ano nang nangyari ditong masama.

Ginamit niya ang kanyang impluwensiya, koneksyon, at kapangyarihan para ipasarado ang buong venue upang masigurong walang makakalabas sa lugar. Ang sabi ng staff na nagbabantay sa lobby at parking kot ay wala pang umaalis na bisita kaya ang ibig lang nitong sabihin ay basa paligid lamang si Ellaine.

Kinapalan na niya ang mukha at nanghiram ng tauhan mula sa mga kakilala niyang naroroon para halughugin maging ang kasuluk-sulukan ng buong lugar. Marami ang nainis at nayamot dahil sa abalang idinulot niya.

Pagkatapos ng masinsinan at mabilisang imbestigasyon ay nakakuha rin sila ng impormasyon na nakapagturo sa kanila ng kinalalagyan ni Ellaine.

Isang cleaner ang nakapagsabi na kakaiba ang ikinikilos ng isa sa mga
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status