Share

9 More Memories

Napangiwi si Ellaine sa nalamang iyon. Nakabalik nga ito pero hindi niya alam kung anong kamalasan ang nakuha nito dahil wala pang beinte-kuwatro oras pagkatapos nitong makabalik sa nakaraan ay namatay rin ito agad.

Ayan tuloy at nagawa niyang angkinin ang walang buhay na katawan nito.

Kumibot ang labi niya, pinipigalan ang mura na nais niyang pakawalan. Maliban doon ay wala siyang ibang masabi sa kamalasang iyon ng Original Owner.

Anong klase naman kasi iyong ganoon, hindi ba? Sinuwerte kang mabigyan ng pangalawang pagkakataon na baguhin ang iyong buhay at tadhana pero wala pang isang araw ay namatay ka na agad.

Hinagilap niya sa mga huling alaala nitong sariwa pa sa kanyang isip ang maikling detalye tungkol sa pangalawa nitong pagkabuhay.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status