Share

8 Memories

Pinigil ni Ellaine ang mahinang tawa na nais kumawala sa kanyang labi nang makita ang reaksyon ni Georgia sa binili niyang emergency contraception. Naaaliw siya sa hitsura nito pero hindi niya iyon ipinahalata rito. Mula sa hawak niya ay nabaling ang mata nito sa kanya.

"May boyfriend ka na?" tanong nito.

"Wala pa." simple lang niyang sagot.

Bumalik muli ang tingin ni Georgia sa hawak niya. Nagtagal ito ng ilang segundo.

Hinintay ni Ellaine na may iba pang sabihin ito, muling magtanong o mang-usisa, ngunit tinitigan lamang siya nito na may komplikadong ekspresyon sa mukha at pagkatapos ay pinaandar na ang makina ng kotse.

Napangiti si Ellaine. Halata sa kanya na maraming nais malaman si Georgia subalit siya ang hindi pa handa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status