“This is not what I asked you to do.” kalmadong wika ni Georgia, hindi ipinapahalata ang nararamdamang pagkayamot sa taong kausap. Pero batid niyang nag-iiba na ang kanyang ekspresyon.
“Georgia, you have to believe in me. I’ve been working in this business and in this company longer than you do. I’ve seen the trends and how they were repeated over the years. I know that what I’m doing is the best step we could take to improve our company’s performance.”
Ang tono ng pananalita nito ay para bang isang batang paslit lamang ang kausap at hindi ang kasalukuyang President ng isa sa pinakamalaking media company sa bansa, ang New Horizons Media Inc, bagay na tila lalong nakabawas sa paubos nang pasensya ni Georgia. Ngunit kahit na ganoon na ang kanyang nararamdaman, nagawa pa rin niyang magtimpi, alang-alang man lan
Pinigil ni Ellaine ang mahinang tawa na nais kumawala sa kanyang labi nang makita ang reaksyon ni Georgia sa binili niyang emergency contraception. Naaaliw siya sa hitsura nito pero hindi niya iyon ipinahalata rito. Mula sa hawak niya ay nabaling ang mata nito sa kanya."May boyfriend ka na?" tanong nito."Wala pa." simple lang niyang sagot.Bumalik muli ang tingin ni Georgia sa hawak niya. Nagtagal ito ng ilang segundo.Hinintay ni Ellaine na may iba pang sabihin ito, muling magtanong o mang-usisa, ngunit tinitigan lamang siya nito na may komplikadong ekspresyon sa mukha at pagkatapos ay pinaandar na ang makina ng kotse.Napangiti si Ellaine. Halata sa kanya na maraming nais malaman si Georgia subalit siya ang hindi pa handa
Napangiwi si Ellaine sa nalamang iyon. Nakabalik nga ito pero hindi niya alam kung anong kamalasan ang nakuha nito dahil wala pang beinte-kuwatro oras pagkatapos nitong makabalik sa nakaraan ay namatay rin ito agad. Ayan tuloy at nagawa niyang angkinin ang walang buhay na katawan nito. Kumibot ang labi niya, pinipigalan ang mura na nais niyang pakawalan. Maliban doon ay wala siyang ibang masabi sa kamalasang iyon ng Original Owner. Anong klase naman kasi iyong ganoon, hindi ba? Sinuwerte kang mabigyan ng pangalawang pagkakataon na baguhin ang iyong buhay at tadhana pero wala pang isang araw ay namatay ka na agad. Hinagilap niya sa mga huling alaala nitong sariwa pa sa kanyang isip ang maikling detalye tungkol sa pangalawa nitong pagkabuhay.
Desidido nga si Ellaine na iligtas ang sarili pero hindi ibig sabihin niyon ay alam na agad niya ang gagawin para matupad iyon. Malay ba niya sa ganoong klase ng rich family conspiracy. Ordinaryong tao lang naman siya sa nakaraan niyang buhay, galing sa isang ordinaryong pamilya na may ordinaryo lang din na pamumuhay. Pangunahing libangan lamang niya ang pagbabasa kung kaya't marami siyang nabasang mga nobela at iba pang klase ng akda. Isa lamang ang TPW sa mga iyon. Hindi niya alam kung nagkataon lang ba talaga na napunta siya sa loob niyon. Natatandaan niyang dinusta-dusta pa niya ang nobelang iyon pagkatapos itong basahin. Nadala lang siya masyado sa mga nangyari sa kuwento nito kaya isang mahabang kritisismo ang ipinost niya sa review section niyon.&n
“Whoops.” Tsk! Ito na nga ba ang sinasabi niya. Sabi na at hindi puwedeng habang buhay lang siyang maging palamunin at makisampid sa bahay ng may bahay. Tapos na ang mga araw na sitting pretty na lang siya. It’s here– ang ikinababahala niyang death flag ay dumating na rin sa wakas. Hindi sinasadya ni Ellaine na ibagsak ang tawag. Reflex action lang iyon dahil na-trigger ng pangalan nito ang mga tinatakbuhan niyang problema. Komplikado ang kanyang nararamdaman dahil unti-unti na niyang nararamdaman ang paghila ng isa hindi nakikitang puwersa para maibalik ang mga naliligaw na plot points sa orihinal na landas nito. Hindi siya sigurado pero ang hinala niya ay desidido pa rin ang mga ito na ibugaw siya kapalit ng benefits na makukuha nila sa transaksyon na iyon. Tulad n
Malalim na ang gabi. Tahimik na pumasok si Garreth sa loob ng isa sa mga sikreto nilang warehouse kasunod ang kanyang assistant na si Martin. Madilim sa kabuuan ng malawak na espasyo sa loob niyon at hindi sapat ang mga ilaw upang maliwanagan ang buong lugar. Karamihan pa sa mga ito ay nakasentro sa gitna kung saan ay may isang walang malay na may katabaang lalaki na nakagapos sa poste. May mga punit at bahid ng dugo ang suot nitong business suit. May isang malaking black eye rin sa mukha nito. Sa bawat sulok ng warehouse ay may ilang mga kalalakihan ang nakapaligid, nakaantabay para sa mga susunod na iuutos sa kanila. Nasa anino sila at hindi ipinapakita ang kanilang mukha sa kanilang bihag upang hindi sila makilala nito. Si Kevin Conrad ang siyang pinakapinuno nila
Mabibigat ang mga hakbang ni Ellaine pagbaba niya ng kotse na naghatid sa kanya sa labas ng gate ng St. Margarette’s University, isang pribadong unibersidad kung saan nag-aaral ng kolehiyo ang Original Owner sa kursong Fine Arts. Hindi siya makapaniwalang ang plano niyang muling mag-aral para sa second course ay sa ganoong paraan matutupad, pagkatapos ng halos sampung taon at isang lifetime na lumipas. Fine Arts pa talaga. Ang reputasyon niyo noong nag-aaral pa siya ay pangmayaman lamang itong kurso dahil bukod sa mahal na nga ang tuition, pati mga gamit na kailangan ay mahal din. Dagdag pa ang paulit-ulit na paghahasa sa kakayahang ito. Nasa kanya man ang buong memorya ng Original Owner, hindi pa rin siya ang siyang tunay na nakaranas ng mga pangyayari sa n
“Where the fck do you think you’re looking?!”Kaagad na dumausdos pataas ang mga mata ni Ellaine. Tumama ito diretso sa mga mata ng Villain. Nagbabaga ang malalim nitong tingin na siyang nagpatindig sa lahat ng kanyang mga balahibo.“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” galit nitong tanong. Halos kita na rin niyang pumipintig ang isang ugat nito sa sentido.Napalunok si Ellaine. He’s not the Villain for nothing. Momentum pa lang, parang titiklop na siya.Marahan siyang tumayo at inayos ang ekspresyon sa mukha, nag-iingat na hindi mapagkamalang isang “threat” ng nasa harapan niya. Hindi siya inaalisan nito ng tingin. Nakaka-pressure.Hindi talaga siya nilulubayan ng mabagsik nitong
Grabe ang naiwang kaba sa dibdib ni Ellaine pagkatapos makatagpong muli ang Villain. Labis itong naka-drain ng kanyang emotional energy kung kaya’t minabuti niyang madaliin ang ipinunta niya roon. Mahirap nang mas lalo pang magtagal siya sa lugar na iyon dahil baka magkaroon sila ng pangalawang pagkakataon na magkapangita ng Villain, lalo na at may speaking engagement pa iyon.Pagkatapos magawa ni Ellaine ang pakay sa pagpunta niya sa university ay pagod na siya at masakit na ang ulo. The process to withdraw from studying didn’t take too long. Wala siyang naging problema. Pinapahalagahan ng Original Owner ang pag-aaral kaya’t bagama’t hindi ito ang nangunguna sa klase, wala naman itong bagsak na mga subjects.Ang naging sanhi ng sakit ng ulo niya ay ang sekretarya na naunang nag-asikaso sa kanyang request bago niya makausap ang Dea