Share

Chapter 3

Author: Xtine Rome
last update Last Updated: 2025-01-22 23:36:45

Nang makauwi sila Maica ay kaagad nitong hinarap ang kaibigan at personal assistant na si Julie. Hindi pa man ito nakakaupo ay mabilis niya na itong hinila at pinakawalan ang isang malakas na sampal na labis namang ikinagulat nito at ni Denver.

“Maica!” Napatayo si Denver mula sa kinauupuan at kaagad na nilapitan ang dalawa. “What the hell did you do?” Nilapitan nito si Julie at dinaluhan ang dalaga.

“Isn’t it obvious? You are both a traitor. How could you both do this to me? At proud pa kayo ha? Ipinangalandakan n’yo pa talaga sa buong mundo ang relasyon n’yo!” Maica is in rage. Hindi niya alam kung anong mararamdaman matapos ng rebelasyong nalaman niya. Ramdam niya ang panginginig ng kaniyang laman dahil sa magkahalong galit at sakit na kaniyang nararamdaman. Of all the people na tatraydor sa kaniya, hindi sumagi sa isip niya na si Julie at Denver pa ang gagawa noon sa kaniya.

“Could you please calm down?” pagsusumamo ni Denver.

“Calm down? How can I calm down?” Binalingan niya ng tingin si Julie at doon nagsimulang maglandas ang kaniyang mga luha. “I trusted you, Julie. Parang kapatid na nga ang turing ko sa ‘yo tapos aahasin mo ang asawa ko? Ang dami namang lalake sa mundo, talaga si Denver pa ang napili mo?”

“Pwede ba, Maica, huminahon ka nga muna at hayaan mo akong makapagpaliwanag. Hindi ‘yong bigla kang susugod at mananampal.” Tumayo si Denver at inihilamos ang mga kamay nito sa mukha.

“Sige. Mabuti pa nga at magpaliwanag ka kung paano at kung kailan n’yo pa ako sinimulang gaguhin.” Kitang-kita ang panlilisik sa mga mata ni Maica kahit hilam ito ng mga luha.

“Julie and I are not in a relationship, okay? Tingin mo talaga magagawa kitang lokohin? Na magagawa ka naming lokohin?” Hindi na naiwasan ni Denver na magtaas ng boses dahil sa inis.

“Talaga ba? E ano ibig sabihin ng ipinagkalat mo sa harap ng mga reporters?” gigil na tanong ni Maica.

“Akala ko ba matalino ka, Maica?” Huminga nang malalim si Denver upang pakalmahin ang sarili. Batid nitong mas lalala lang ang sitwasyon kung sasabayan nito ang galit ni Maica. “Look, listen.” Hinawakan nito ang magkabilang balikat ni Maica bago ipinagpatuloy ang sasabihin. “Yes, I told the reporters that I am getting married with Julie nang sa ganoon ay ma-divert ang atensyon nila sa akin. Para naman hindi na rin nila tayo paghinalaang dalawa lalo pa at may mga kumakalat na ring pictures natin together sa social media. It is just for a show. Nagkausap na kami ni Julie about this and pumayag naman siya since magkaibigan naman nga kayo ay tiwala siyang hindi aabot sa ganito. But look what you did?” Muli itong nagpakawala ng malalim na hininga. “You act first before you think. Tingin mo talaga kung may relasyon kami ipapangalandakan naming ‘yon sa buong mundo?”

Doon lang tila nahimasmasan si Maica. Halos manlumo siya sa hiya dahil sa ginawa niya. She messed up. Paano niya nga ba nagawang paghinalaan ang sarili niyang kaibigan at asawa niya? They have been there for her for though times. They supported her at all costs sa lahat ng desisyon niya but here she is, nag-over react agad sa bagay na hindi niya muna kinumpirma kung totoo.

“I’m sorry. I’m sorry, Julie.” Napasubsob siya sa kaniyang mga kamay dahil sa labis na kahihiyan. Parang kulang ang isang sorry para mapatawad siya nito ngunit hindi niya akalaing likas kay Julie ang pagiging maunawain nang tabihan siya nito at yakapin. Wala na siyang nagawa kung hindi yakapin rin ito pabalik at doon humagulgol na parang bata. “Sorry, Julie. Nagpadalus-dalos ako. Masakit ba?”

Hindi napigilan ni Denver ang matawa ng pagak sa tanong ni Maica. “Ikaw kaya ang sampalin ng malakas, tingin mo hindi masakit?”

Hinimas ni Maica ang pisngi ni Julie at nagsusumamo ang kaniyang mga mata para sa kapatawaran ni Julie. “Apology accepted, Maica. Basta next time ha? Huwag masyadong OA. Sorry din dahil may fault din kami ni Denver. We should have told you the plan before the press conference. Nawindang ka pa tuloy.”

“Thank you, Julie. But are you sure that you are okay with the setup? Hindi ka ba mailang dahil syempre because of that kinakailangan n’yong magpanggap ni Denver na in a relationship talaga kayo. You need to act confidently as a couple,” pangungumpirma niya.

“I am good at acting, Maica. Remember, you taught me how to act in front of your ex before?” Biglang naalala ni Maica ang kalokohan nila noon para lang makapuslit at makapanood sa mga shooting na mariing tinututulan ng ex niyang si Isaac. They really made an act na kunwari kailangan na talaga ni Julie itakbo sa hospital dahil sa labis na pananakit ng tiyan pero ang totoo ay panunuorin lang nila ang shooting ng paborito nilang artista.

“Yes, I remember.” Kasabay ng alaalang iyon ay ang alaala rin nil ani Isaac. Isaac was a good boyfriend. Hindi niya nga lang maintindihan kung bakit mariin nitong tinututulan ang panonood niya ng mga shooting gayundin ang pangarap niyang pagmomodelo. Noon pa man ay pangarap niya ito kaya nga nang may mag-alok sa kaniya ay walang pag-aatubili niya itong tinanggap at kaagad na nag-resign sa pinapasukan niyang trabaho. Doon na rin sila nagsimulang magkalabuan ni Isaac. Hindi naglaon ay nagkaroon na sila ng koneksyon sa isa’t isa. Mula noon ay nawalan na siya ng balita rito. Ni anino nito ay hindi niya na alam kung nasaan. Mali man sa paningin ng iba ay umaasa siyang isang araw ay muling magkukrus ang landas nila nang sa gayun ay magkaroon sila ng proper closure lalo pa at bigla na lang itong naglahong parang bula.

“Maica? Hello?” Napalingon siya kay Julie dahil sa pagtawag nito sa pangalan niya. “Okay ka lang?”

“Ah, yes. I’m okay. May naalala lang.” Ngumiti siya rito bago nagpasyang tumayo. “I think, I’ll be in charge of our meals tonight.”

Kaagad niyang napansin ang pag-iiba ng awra ni Denver. Wala man lang itong sinabi. Nakatitiyak siyang marahil ay nagtatampo ito sa kaniya dahil sa ginawa niya. Minabuti na lang niyang maghanda na lang muna ng kanilang hapunan at nagdesisyong mamaya na lang ito kakausapin sa loob ng kanilang silid.

Nang makatapos maghapunan ay nagpaalam na siya kay Julie na magpapahinga na dahil pagod din naman talaga siya sa dami ng schedules niya nang araw na ‘yon. Mabuti na lang at nagprisinta na rin si Julie na ito na ang gagawa ng dishwashing kaya kahit paano ay wala na talaga siya gagawin. Kaagad siyang nagtungo sa kwarto kung saan nadatnan niya si Denver na kasalukuyang nag-aayos ng damit nito pantulog.

Nilapitan niya ito at kaagad na niyakap sa likuran. “Are you mad at me?”

“Sino ba naman kasing matutuwa?” tanong nito pabalik sa kaniya.

“I thought we are okay kasi tumawa ka pa kanina.” Ngumuso siya at hinimas-himas pa ang dibdib nito.

Mabilis nitong tinanggal ang kamay niyang nakayakap dito at tinalikuran siya “shower lang ako.”

Iyon ang unang pagkakataon na nagkasamaan sila ng loob. For almost 2 years, never pa silang nagkaroon ng pagtatalo at hindi pagkakaunawaan. Hindi niya alam na ang pagiging overreacting niya lang pala ang magiging dahilan ng first misunderstanding nilang dalawa.

Nakaisip siya ng plano kung paano mapapalambot ito lalo pa at matagal na nitong hinihingi sa kaniya. Ngayon handa na siya. Hindi niya na hahayaang masira pa ang relasyong meron sila.

Mabilis niyang hinubad ang suot niyang damit at kaagad na nagtungo sa shower room kung saan kasalukuyang naliligo si Denver. Kinakabahan man ay alam niyang wala naman siyang dapat na ipag-alala lalo pa at magdadalawang taon na rin silang kasal. Isa pa, batid niyang dapat noon pa nila ito ginawa ngunit natatakot nga lang siyang magbunga ito at masira ang iniingatan niyang katawan at career. Pero alam niya ring sa pagkakataong ito mas makabubuti kung gagawin na nila ito para sa ipagtitibay ng kanilang relasyon.

Napalunok siya nang makita ang hubad nitong katawan. Kasalukuyan itong nakatalikod kaya hindi nito nakita ang pagpasok niya. Tiyak niyang hindi rin nito narinig ang pagbukas ng pinto dahil sa lagaslas ng tubig. Dahan-dahan siyang lumapit dito habang napupuno ng kaba ang kaniyang dibdib. Kaagad niya itong niyakap mula sa likuran na labis nitong ikinagulat. Mabilis itong humarap sa kaniya na puno ng pagtataka.

“Maica, what are you doing?” tanong nito.

“Sabay na tayong maligo,” maikli niyang tugon.

Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang baba dahilan para pamulahan siya ng mukha.

“Don’t look at me. Nakakahiya,” sambit niya.

Napangiti ito. “Ngayon ka pa talaga nahiya sa akin?”

Mabilis siyang hinapit nito sa bewang at siniil ng halik. Para siyang nalulunod sa malalim sa karagatan dahil sa klase ng halik nito. Mariin at tila uhaw na uhaw. Naramdaman niya ang paglapat ng kaniyang likuran sa malamig na pader habang dinadama ang nag-iinit nitong mga labi. Halos mabaliw siya sa romansang hatid nito sa kaniya lalo pa at alam niyang wala pa siyang karanasan sa ganoong bagay.

“I want you, Maica.”

“Denver… be gentle on me.”

Sa sinabi niyang iyon ay naging malumanay na ang mga halik nito. Hindi niya akalaing magaling ito sa ganoong bagay. In just a second, nagawa nitong baguhin ang tema ng halik nito sa kaniya. Mula sa pagiging uhaw at marahas ay napalitan ito ng malambing at malumanay na klase ng halik na animo’y isa siyang mamahaling porselana na hindi maaaring magasgasan at mabasag. Unti-unting nagbaba ang mga labi nito sa kaniyang leeg. Hindi niya naiwasang sabunutan nang may pag-iingat ang buhok nito dahil sa sarap ng sensasyong nararamdaman niya.

“Make me yours tonight, Denver.”

"You're already mine, Maica."

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Xtine Rome
Okay thank u po
goodnovel comment avatar
Joanna Caleon
Ang pangit ng kwento mo
goodnovel comment avatar
Xtine Rome
Kalma lng po ate.. aminin po natin o hindi nangyayari po yan sa totoong buhay.. just saying lng
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Runway Deception   Chapter 56

    Dahil sa pagkawala ni Denver ay samu’t saring komento ang nababasa ni Maica sa social media. Karamihan sa mga ito ay hate expressions ng mga netizens. Sinasabi nilang tama lang na nangyari iyon kay Denver nang sa ganoon ay matahimik na ang buhay ni Maica. Ang iba naman ay nagsasabing kulang pa ngang kabayaran ang pagkamatay niya para malinis ang kasalanan niya. Isa rin sa mga komento ay ang mabuti na rin daw iyon dahil magagawa na ni Maica na maging masaya. Aminin man ni Maica o hindi, batid niyang kahit paano ay pinagsisihan naman ni Denver ang naging kasalanan nito sa kaniya. Iyon nga lang alam niya ring kahit na kailan ay hindi niya na maibibigay pang muli ang nais nitong bumalik siya sa piling nito. Hindi naging madali para sa kaniya ang lahat lalo na nang mawala ang anak nilang dalawa sa sinapupunan niya.Ngunit sa kabilang banda ay nagkaroon din naman ng positibong epekto ang pagkawala ni Denver. Dahil doon sa nangyari ay hindi na kinakailangang ituloy pa ang annulment case dahi

  • Runway Deception   Chapter 55

    Hindi na nagawang makipagtalo pa ni Denver kay Maica dahil batid niyang siya naman talaga ang puno’t dulo ng lahat. Kung hindi dahil sa kapabayaan niya ay hindi mawawala ang nag-iisang nag-uugnay sa kanilang dalawa ni Maica.Mabibigat na hakbang ang ginagawa ni Denver habang palabas ng ospital. Hindi niya na alam kung ano pa ang gagawin niya para mapanatili ang babaeng hindi niya naisip na matutunan niyang mahalin. Sumakay siya sa kaniyang sasakyan habang punung-puno ng bigat sa kaniyang dibdib. Alam niyang sa pagkakataong iyon ay talo na siya. Kahit na ano pang gawin niya ay hinding-hindi na muling mapapasakanya si Maica. Tanggapin niya man sa kaniyang sarili o hindi, alam niyang sumusuko na siya. Iyon na lang ang tanging magagawa niya para matahimik na nang tuluyan ang buhay ni Maica.Napahinto siya sa tapat ng isang simbahan kung saan may isang babaeng suot ang isang trahe de boda na halos kalalabas lang ng simbahan kasama ang groom nito. Unti-unting bumalik ang alaala niya noong

  • Runway Deception   Chapter 54

    Napahilamos na lang si Denver sa kaniyang mukha habang nakatayo naman si Third sa harap ng pintuan ng operating room.Bigla namang may lumabas na doktor mula sa loob kaya sabay pa silang lumapit dito.“Sino po ang asawa ng pasyente?” tanong nito. Mabilis naman silang sumagot na mas lalong kinagulo ng dalawa.“Ako po!” sabay nilang tugon. Nagkatinginan pa silang dalawa na animo’y walang balak na magpatalo sa kanilang dalawa.“Maica, is still my wife!” pinagkadiinan pa ni Denver ang bawat salita niya para ipamukha sa kausap na siya pa rin ang legal na asawa.“Cut the crap, Denver! Alam mo sa sarili mo na maghihiwalay na kayo at ayaw na sa ‘yo ni Maica!” Hindi naman na napigilan ni Third na supalpalin ang kausap niya. “Isa pa, it’s not the time para makipagkumpitensya ka pa. Maica is in danger kaya stop being childish!”Napakamot na lang ng ulo ang doktor sa pagkayamot habang nanahimik na lang si Denver sa sinabi ni Third. Batid niya kasing tama naman ito. Hindi iyon ang oras para

  • Runway Deception   Chapter 53

    Kaagad na napalitan ng lungkot ang mga mata ni Third nang marinig mula kay Maica ang sagot nito sa proposal niya. Unti-unting naglaho ang pag-asa sa kaniya dahil sa naging tugon nito sa kaniya. Kinakabahan man ay pinili niya pa ring baguhin ang dapat sana’y planadong proposal dahil ayaw niyang tuluyang masira ang mood nito ngunit nang mga oras na iyon, tila mood niya ata ang biglang nasira.“I see,” tanging nasambit niya bago ngumiti nang pilit.Akmang tatayo na sana siya nang ilahad ni Maica ang kamay nito sa kaniya.“I just remove first my wedding ring. Ang pangit naman kasing tingnan kung may suot akong wedding ring and engagement ring from different person at the same time.” Malapad na ngumiti si Maica sa kaniya habang naghihintay sa reaksyon niya.Gulat na gulat naman si Third habang pinagmamasdan ito pati na rin ang kaliwang kamay nitong nasa kaniyang harapan. “Nangangalay na ‘ko.”Doon lang tila natauhan si Third sa mga nangyayari. Buong akala niya kasi ay tumatanggi na ta

  • Runway Deception   Chapter 52

    Halos isang buwang ding nagpahinga si Third sa ospital bago tuluyang namalabas ng ospital. Kahit paano rin ay nabawasan ang pag-aalala kay Third para sa kaligtasan ni Maica dahil nakakulong na rin naman si Julie. Batid niya rin kasing hindi naman ito guguluhin ni Denver pero para makasiguro ay lihim niya pa rin itong pinasusundan sa mga bodyguards nito para mapanatili ang kaligtasan ni Maica.“Make sure to report to me every details even the smallest one,” sabi ni Third sa isa sa mga bodyguard ni Maica.“Gladly, Sir,” tugon nito bago ito naglakad paalis kasama ang iba pang mga bodyguards.Napasandal si Third sa swivel chair niya at saka ipinikit ang kaniyang mga mata. Kahit paano ay masasabi niyang unti-unti na talagang nagbubunga ang lahat ng paghihirap niya. Batid niyang sa oras na magkaroon na ng resulta ang annulment case nila Maica at Denver ay wala na siyang dapat na ipangamba at tuluyan nang magiging opisyal ang relasyon nila ni Maica.Nagpasya siyang tumayo mula sa kinauup

  • Runway Deception   Chapter 51

    Gulat at takot ang kaagad na namayani sa puso ni Denver habang papalapit si Maica sa kinaroroonan niya. Mabilis siyang tumayo at inayos ang sarili upang maging presentable naman sa paningin ng asawa. “Maica…” malamlam ang kaniyang mga mata nang salubungin niya ito ngunit himbis na lumapit ito sa kaniya ay nilagpasan lamang siya nito at dumeretso sa lalakeng sumalubong ng suntok sa kaniya. “Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Maica sa lalake. “Maica?” Tila gulat na gulat naman ito nang mapagsino ang kaharap. Humawak pa ito sa tagiliran habang iniinda ang tamang natamo mula kay Denver. “You need to go to the hospital,” sabi ni Maica rito. Dahil sa nasaksihan ay mas lalong nainis si Denver dahil hindi man lang siya pinapansin ng asawa. Mabilis niyang hinaltak ang braso nito at hinawakan ng mariin. “Can’t you see that I am here?” sabi niya kay Maica. “Mas inalala mo pa talaga ang sira ulong ‘yan kaysa sa akin na asawa mo. Look what he did to me?” Tinuro niya pa ang putok n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status