Maica Delmundo, isang sikat na model. Maganda, sexy, matalino at hinahangaan ng karamihan. Parang lahat ay nasa kaniya na. Ngunit sa kabila ng kasikatan ay nagkukubli ang isang lihim. Isang lihim na maaaring sumira sa kaniyang karera na matagal niyang pinakaiingatan. Ano nga ba ang kaniyang itinatagong sikreto? Handa ba siyang bitawan ang tinatamasang kasikatan? O ipagpatuloy ito kahit pa ang kapalit ay ang lalakeng kaniyang iniibig?
Lihat lebih banyakMaica Delmundo, a well-known popular model for its long slender legs and smooth skin. May mahaba at alon-alon na buhok, matangos na ilong, mapula at katamtamang kapal ng labi na bumagay sa hugis oval niyang mukha, maputi na animo’y pinaglihi sa labanus at malabote ng coke na kurba ng katawan. Hindi maitatanggi ang kaniyang kaseksihan at ganda kaya maraming humahanga sa kaniya. Maging ilan sa sikat na celebrity ay iniidolo rin siya. Bukod sa ganda ay masasabi ring matalino siya. Naging cum laude siya noong gumraduate siya sa kaniyang kursong Bachelor of Science in Architecture ganoon din sa isa pang kursong kinuha niya na Bachelor of Science in Interior Design. Nasungkit niya rin ang pagiging topnotcher sa katatapos lang na board exam nito kaya ganoon na lang at paghanga sa kaniya ng nakararami. Ngunit hindi lahat at natutuwa sa kaniya. Marami ring may galit sa kaniya dulot ng inggit at selos. Ang iba kasi ay bumagsak ang career nang magsimula siya sa kaniyang fashion career. Sunud-sunod at ang paminsan pa nga ay sabay-sabay ang offers ng mga projects sa kaniya na hindi naman matanggihan ng kaniyang manager dahil iyon din naman ang kagustuhan niya. Lumaki kasi siya sa hirap. Ang kaniyang ama ay isang magsasaka samantalang ang kaniyang ina naman ay nag-aalaga lang ng kaniyang nakababatang kapatid na halos kapapanganak pa lang. Minsan niya nang sinabihan ang mga ito na lumipat na sa poder niya subalit mas gusto raw ng mga ito ang buhay sa probinsya. Tahimik lang at payapa hindi tulad sa siyudad kung nasaan siya kaya naman minabuti na lang niya na ipaayos ang kanilang bahay sa probinsya nang sa gayon ay maging komportable ang mga ito. Ayaw ding iwanan ng kaniyang mga magulang ang lupain nila sa probinsya lalo na at naging malaking parte raw ito ng kanilang buhay. Dahil sa pagsasaka ng ama kahit paano ay nagawa siyang itawid nito hanggang makapagtapos ng highschool. Samantala, nagkolehiyo naman siya sa tulong ng kaniyang kaibigan na ipinasok siya ng trabaho sa isang sikat na fast food chain sa Maynila. Doon na nga siya nakilala ni Mr. Milendez at inofferan bilang isang fashion model. Pinagbutihan niya ang kaniyang pag-aaral gayundin ang kaniyang pagtatrabaho para mailagay ang kaniyang buong pamilya sa ayos ngunit dahil nga sa pagtutol ng mga ito sa kaniyang mga plano sa kasalukuyan ay binigyan niya na lang ito ng maayos na buhay sa probinsya. Panaka-naka ay umuuwi siya sa kanilang bahay upang dalawin at kumustahin ang mga ito. Buwan-buwan ay sinisigurado niyang mahahatiran ang mga ito ng kanilang mga pangangailangan nang sa gayon ay masuklian niya naman ang pagpapalaking ginawa ng mga ito sa kaniya. Ganoon niya minamahal at tinitingala ang kaniyang mga magulang. Para sa kaniya, hindi niya maaabot ang kaniyang mga pangarap kung hindi dahil sa mga ito. Busog siya sa pagmamahal mula rito kaya ganoon na lang ang pasasalamat niya sa Diyos na napabilang siya sa pamilyang kinagisnan niya. Hindi man sila marangya noon, masasabi niyang hindi nagkulang ang mga ito sa pag-aaruga sa kaniya.
“Ms. Delmundo, mayroong usap-usapan ngayon na ikakasal ka na raw? Totoo ba ‘to?” tanong ng isang reporter nang makasalubong niya ito palabas ng building ng The Alpha. “Totoo bang ang manager mo raw na si Denver Castillo ang siyang soon to be husband mo?” isa pang reporter ang humarang sa kaniya. “No comment.” Iyon lang ang kaniyang naging tugon upang hindi na magtagal ang diskusyon. Isa pa ayaw na ayaw niya iyong may nakakaalam ng tungkol sa private life niya. Para kasi sa kaniya isa iyong mahalagang bagay na dapat hindi na isinasapubliko. Kaagad namang hinarang ng mga gwardiya at kaniyang bodyguard ang mga nasabing reporters at binigyan siya ng daan hanggang makasakay siya sa kaniyang sasakyan. “Maica, saan ba kasi nanggaling ang tsismis na ‘yan tungkol sa inyo ni Sir Denver?” tanong ng kaniyang kaibigan at personal assistant na si Julie. “It’s not a rumor, Julie. Pero sana atin-atin lang ito. We don’t want this to go public.” “OMG!” Kita sa mukha ni Julie ang pagkagulat dahil maski siya ay walang ideya sa mga nangyayari. “My gosh wala man lang akong kaalam-alam tapos mababalitaan ko na lang na may ganoong tsismis na. Ang galing naman ng mga stalker mo.” “Well, I think it’s not the stalker’s problem kaya nag-leak ang tungkol sa amin ni Denver,” aniya. “What do you mean?” “You’ll know pagkarating natin sa unit ko.” Mabilis ang naging byahe nila Maica. Mabuti na lang din at hindi traffic kaya ilang minuto lang ay nakauwi na siya ng matiwasay sa kaniyang unit. Pagpasok niya sa loob ay natagpuan niya ang kaniyang manager na kasalukuyang nagtitipa sa laptop nito. “Denver, while I was away and busy with the pictorial, here you are sitting in my couch relaxing. Manager ba talaga kita?” bungad niya rito. “I am busy here with fixing your schedules. May new proposal kasing pumasok sa email ko mula sa Prada at gusto ka nilang kuning model. Syempre, Prada is a well-known brand. Ipaprioritize natin ang sa kanila. We will just reschedule the others.” Napataas ang kilay ni Maica dahil talagang nagawa pa nitong unahin ang pag-aayos ng schedule niya kaysa sa gusot na sinimulan nito. Kaagad niyang itiniklop ang laptop nito dahilan para matuon ang atensyon sa kaniya nito. “What the hell?” “I told you, Denver, I don’t want us to go public. Bakit kailangan mo pang ibroadcast sa social media ang tungkol sa aatin?” tanong niya habang nananatiling nakatayo sa harap nito. “So, you knew it was me after all. Matalino ka ngang talaga.” Hinawakan nito ang kaniyang kamay at hinila siya upang malayang makaupo sa tabi nito. “I am just so tired of hiding. You should be thankful at least at sinabi ko lang doon na we are getting married.” “Should I be thankful ba talaga? Sa dami ng reporters kanina paglabas ko ng The Alpha halos hindi ko na alam ang isasagot sa kanila. Wala ka naman doon to help me explain the situation. Alam mo naman ‘di ba? If we go public, meaning wala na ring privacy ang dapat sana private life natin at doon na magsisimulang masira ang relasyong iniingatan natin.” Napabuntong-hininga na lang si Maica dahil sa ginawang problema ni Denver. “Ano pa bang kinatatakot mo, Hon? I’m all yours now. We’ve been married for almost 2 years. Wala naman na sigurong makapaghihiwalay sa atin,’ anito. “Wait. WHAT?” Napalingon silang dalawa kay Julie matapos nitong magsalita. Hindi na kasi nila namalayan na naroon ito at kasalukuyang nakikinig sa diskusyon nilang dalawa. “You’ve been married na already for almost 2 years tapos wala man lang akong kaalam-alam?” Napangiti naman si Maica dahil sa reaksyon ng kaibigan. Daig pa kasi nito ang tututol sa kasalan dahil sa itsura nito. “Stop overreacting, Julie. And yes, we’re married.” “Ang sakit naman no’n, Maica. Pwede bang magtampo?” Ngumuso pa ito habang ang palad at nakalagay sa dibdib. “Akala ko ba magkaibigan tayo? Hindi mo man lang ako kinuhang bride’s maid mo or sana kahit sa reception man lang nakatikim ako ng lumpiang shanghai.” Hindi na nila napigilang matawa ni Denver sa mga binibitawang salita ni Julie. Pero hindi rin masisisi ni Maica si Julie kung magtampo man ito talaga dahil talagang pinagtaguan nila ito ng isang napakalaking sikreto. Kaagad siyang tumayo at niyakap ang kaibigan upang kahit paano ay mahimasmasan ito. “Sorry na. Next time, magsasabi na ako sa ‘yo,” pag-alo niya rito. “No more secrets?” paniniguro nito. “No more secrets.” “Oh, Maica. Congrats for being married for almost 2 years. Wishing you both a happy life.” Niyakap siya nito kaya hindi niya na napigilan ang labis na tuwa. Kinintalan niya ito ng halik sa pisngi na hindi naman nakaligtas sa mga mata ni Denver. “Bakit siya may kiss, ako wala? Extra lang baa ko rito?” Kaya naman hinalikan na lang din niya ito sa labi na naging dahilan ng kilig ni Julie. Kaagad itong nagtakip ng mga mata habang pinamumulahan ng mukha.Dahil sa pagkawala ni Denver ay samu’t saring komento ang nababasa ni Maica sa social media. Karamihan sa mga ito ay hate expressions ng mga netizens. Sinasabi nilang tama lang na nangyari iyon kay Denver nang sa ganoon ay matahimik na ang buhay ni Maica. Ang iba naman ay nagsasabing kulang pa ngang kabayaran ang pagkamatay niya para malinis ang kasalanan niya. Isa rin sa mga komento ay ang mabuti na rin daw iyon dahil magagawa na ni Maica na maging masaya. Aminin man ni Maica o hindi, batid niyang kahit paano ay pinagsisihan naman ni Denver ang naging kasalanan nito sa kaniya. Iyon nga lang alam niya ring kahit na kailan ay hindi niya na maibibigay pang muli ang nais nitong bumalik siya sa piling nito. Hindi naging madali para sa kaniya ang lahat lalo na nang mawala ang anak nilang dalawa sa sinapupunan niya.Ngunit sa kabilang banda ay nagkaroon din naman ng positibong epekto ang pagkawala ni Denver. Dahil doon sa nangyari ay hindi na kinakailangang ituloy pa ang annulment case dahi
Hindi na nagawang makipagtalo pa ni Denver kay Maica dahil batid niyang siya naman talaga ang puno’t dulo ng lahat. Kung hindi dahil sa kapabayaan niya ay hindi mawawala ang nag-iisang nag-uugnay sa kanilang dalawa ni Maica.Mabibigat na hakbang ang ginagawa ni Denver habang palabas ng ospital. Hindi niya na alam kung ano pa ang gagawin niya para mapanatili ang babaeng hindi niya naisip na matutunan niyang mahalin. Sumakay siya sa kaniyang sasakyan habang punung-puno ng bigat sa kaniyang dibdib. Alam niyang sa pagkakataong iyon ay talo na siya. Kahit na ano pang gawin niya ay hinding-hindi na muling mapapasakanya si Maica. Tanggapin niya man sa kaniyang sarili o hindi, alam niyang sumusuko na siya. Iyon na lang ang tanging magagawa niya para matahimik na nang tuluyan ang buhay ni Maica.Napahinto siya sa tapat ng isang simbahan kung saan may isang babaeng suot ang isang trahe de boda na halos kalalabas lang ng simbahan kasama ang groom nito. Unti-unting bumalik ang alaala niya noong
Napahilamos na lang si Denver sa kaniyang mukha habang nakatayo naman si Third sa harap ng pintuan ng operating room.Bigla namang may lumabas na doktor mula sa loob kaya sabay pa silang lumapit dito.“Sino po ang asawa ng pasyente?” tanong nito. Mabilis naman silang sumagot na mas lalong kinagulo ng dalawa.“Ako po!” sabay nilang tugon. Nagkatinginan pa silang dalawa na animo’y walang balak na magpatalo sa kanilang dalawa.“Maica, is still my wife!” pinagkadiinan pa ni Denver ang bawat salita niya para ipamukha sa kausap na siya pa rin ang legal na asawa.“Cut the crap, Denver! Alam mo sa sarili mo na maghihiwalay na kayo at ayaw na sa ‘yo ni Maica!” Hindi naman na napigilan ni Third na supalpalin ang kausap niya. “Isa pa, it’s not the time para makipagkumpitensya ka pa. Maica is in danger kaya stop being childish!”Napakamot na lang ng ulo ang doktor sa pagkayamot habang nanahimik na lang si Denver sa sinabi ni Third. Batid niya kasing tama naman ito. Hindi iyon ang oras para
Kaagad na napalitan ng lungkot ang mga mata ni Third nang marinig mula kay Maica ang sagot nito sa proposal niya. Unti-unting naglaho ang pag-asa sa kaniya dahil sa naging tugon nito sa kaniya. Kinakabahan man ay pinili niya pa ring baguhin ang dapat sana’y planadong proposal dahil ayaw niyang tuluyang masira ang mood nito ngunit nang mga oras na iyon, tila mood niya ata ang biglang nasira.“I see,” tanging nasambit niya bago ngumiti nang pilit.Akmang tatayo na sana siya nang ilahad ni Maica ang kamay nito sa kaniya.“I just remove first my wedding ring. Ang pangit naman kasing tingnan kung may suot akong wedding ring and engagement ring from different person at the same time.” Malapad na ngumiti si Maica sa kaniya habang naghihintay sa reaksyon niya.Gulat na gulat naman si Third habang pinagmamasdan ito pati na rin ang kaliwang kamay nitong nasa kaniyang harapan. “Nangangalay na ‘ko.”Doon lang tila natauhan si Third sa mga nangyayari. Buong akala niya kasi ay tumatanggi na ta
Halos isang buwang ding nagpahinga si Third sa ospital bago tuluyang namalabas ng ospital. Kahit paano rin ay nabawasan ang pag-aalala kay Third para sa kaligtasan ni Maica dahil nakakulong na rin naman si Julie. Batid niya rin kasing hindi naman ito guguluhin ni Denver pero para makasiguro ay lihim niya pa rin itong pinasusundan sa mga bodyguards nito para mapanatili ang kaligtasan ni Maica.“Make sure to report to me every details even the smallest one,” sabi ni Third sa isa sa mga bodyguard ni Maica.“Gladly, Sir,” tugon nito bago ito naglakad paalis kasama ang iba pang mga bodyguards.Napasandal si Third sa swivel chair niya at saka ipinikit ang kaniyang mga mata. Kahit paano ay masasabi niyang unti-unti na talagang nagbubunga ang lahat ng paghihirap niya. Batid niyang sa oras na magkaroon na ng resulta ang annulment case nila Maica at Denver ay wala na siyang dapat na ipangamba at tuluyan nang magiging opisyal ang relasyon nila ni Maica.Nagpasya siyang tumayo mula sa kinauup
Gulat at takot ang kaagad na namayani sa puso ni Denver habang papalapit si Maica sa kinaroroonan niya. Mabilis siyang tumayo at inayos ang sarili upang maging presentable naman sa paningin ng asawa. “Maica…” malamlam ang kaniyang mga mata nang salubungin niya ito ngunit himbis na lumapit ito sa kaniya ay nilagpasan lamang siya nito at dumeretso sa lalakeng sumalubong ng suntok sa kaniya. “Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Maica sa lalake. “Maica?” Tila gulat na gulat naman ito nang mapagsino ang kaharap. Humawak pa ito sa tagiliran habang iniinda ang tamang natamo mula kay Denver. “You need to go to the hospital,” sabi ni Maica rito. Dahil sa nasaksihan ay mas lalong nainis si Denver dahil hindi man lang siya pinapansin ng asawa. Mabilis niyang hinaltak ang braso nito at hinawakan ng mariin. “Can’t you see that I am here?” sabi niya kay Maica. “Mas inalala mo pa talaga ang sira ulong ‘yan kaysa sa akin na asawa mo. Look what he did to me?” Tinuro niya pa ang putok n
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen