Kinabukasan ay maaga akong nagising. Naghanda na ako ng breakfast namin at hinanda na sa hapag. Tulog pa sila Sidhe at Orfhlaith ngayon for sure. They were probably still lying in bed with Mommy. Sabagay maaga pa naman. Nasanay lang talaga akong gumising ng mas maaga. Matapos ng paghahanda ng breakfast ay nagpasya na akong puntahan ang kwarto nila para gisingin na sila. Di sila pwedeng tanghaliin ng gising. Dapat matuto sila na maagang nagigising. Di naman sa pinagbabawalan ko sila. Ang gusto ko lang ay hindi sila matulad sa ibang bata sa labas na nagiging tamarin at ginagawa lang ang kung anong gusto nila. Hindi iyon ang gusto kong mangyari sa mga kapatid ko. Paano na lang ang future nila kung magiging tamad sila? Binuksan ko na ang pinto ng kwarto nila at bumungad nga ang tatlong bulto na nakahilata sa nag-iisang kama. Tulog mantika at parehang nakayakap kay Mommy na nasa pagitan nila. Mukhang di naman naiinitan si Mommy dahil ni hindi man lang ito nalimpungatan sa dalawa.Napail
Simula noong araw na iyon ay hindi ko na pinapansin si Azzurro. Ilang araw na ba? Limang araw na pala simula nun. Alam kong mali at wala naman akong karapatang magalit o mainis. Pero hindi ko kasi mapigilan ang sarili ko eh. Sadyang naiirita lang talaga ako sa kaniya. Mula sa kwarto ay nagtungo ako sa kusina, nang maabutan ko si Aling Cillia sa sala na kinukuha ang mga makakapal na kurtina na nakakabit sa bintana. Kaya lumapit na ako sa kaniya. Kahit papano ay naging close rin kaming dalawa. Mabait kasi siya at iyon ang nagustuhan ko sa ugali niya kaya magaan ang loob ko sa kaniya. "Aling Cillia. Good morning po." Tawag ko matapos makalapit. Puno ng pagtataka ang mukha ko habang nakatingin sa kaniya. Ang alam ko, last week ay pinalitan niya rin ng panibagong kurtina ang una. Kaya bakit papalitan ulit ng panibago ngayon? Sa ilang buwan ko na dito ay di ko alam na pati pagpapalit ng kurtina ay kailangan linggo-linggo. Di naman iyon nasabi ni Azzurro sakin. Di ko rin napapansin nun
Matapos nung may babaeng pumunta sa mansyon ni Azzurro ay nagulat na lang ako nang umuwi siya bigla. Gayung nagsabi siya na mali-late siyang umuwi. Yun pala ay tinawagan siya nung isang bodyguard na nagbabantay dito at nagsumbong sa kaniya tungkol sa babaeng pumunta dito na walang sinabi tungkol sa pangalan niya. Di ko tuloy lubos makalimutan ang huli niyang sinabi noong bago siya umalis. Nagsisimula na rin akong maghinala na may namamagitan sa kanila ni Azzurro pero ayaw namang banggitin ni Azzurro ang tungkol dun. Palagi niyang iniiwas."Sinabi ko sa inyo na huwag kayong magpapapasok ng kahit sino habang wala ako. You couldn't even follow a simple order." Narinig kong sermon niya sa mga bodyguard sa labas. Hindi nila ako kita kasi nakasilip lang ako dito sa likod ng pintuan. Yung dalawang bodyguard ay nakayuko habang pinapagalitan ni Azzurro na nakapameywang pa at ilang beses pang napabuntong-hininga. Malalaki naman at brusko ang dalawang bodyguard pero sa lagay nila ngayon, ay
Pinagmasdan ko si Azzurro na mukhang hinihintay ang susunod kong sasabihin. Sa hitsura niya ay tila interesado siyang makinig sa bawat detalye na sasabihin ko tungkol sa buhay ko. "Ang totoo nyan, dati kaming mayaman." Halos alinlangan kong saad bago ko sinilip ang magiging reaksyon niya. Nakakapagtaka lang na nanatili lang siyang kalmado. "Hindi naman sa nagmamayabang ako na mayaman talaga kami. Pero matagal na yun, hindi na kami tulad ng dati. Hindi na ganun ang pamumuhay namin ngayon." Umiwas ako ng tingin sa kaniya at tumingin na lang sa cake na kinakain ko. Nahihiya akong magkwento tungkol sa dati naming buhay. Kaya mas mabuti nang hindi ko tingnan ang reaksyon niya ang nagkukwento. "Dati, maayos ang buhay namin. Nasa malaking mansyon nakatira, masasarap ang mga kinakain naming ulam sa hapagkainan at may maraming yaya ang nag-aasikaso samin." Nilalaro ko ang tinidor sa plato habang sinusundot-sundot ang cake roon. "But our life suddenly turns upside down. Ang sabi ng Mommy k
“Come on, Agathe. It’s just a simple walk. You’re not going to die if you make me company for just one day.” Ani Azzurro na nakatayo sa harapan ko ngayon, pinipilit ako.Kakatapos ko pa lang maligo at makapagbihis nang pumasok siya sa kwarto ko. Wala naman akong balak umalis ng bahay kaya ako naligo, gusto ko lang fresh ako. Pero itong pinagsisilbihan ko ay mukhang meron at balak pa akong isama. “One day? Ilang araw mo na kaya akong pinapasama sa mga lakad mo. Ayoko nga kasi. Nakakapagod kaya!” Di ko na natiis na magreklamo. Kakabalik ko pa lang nung Monday matapos akong makapag-day off ng isang araw nung linggo ay pinasama na naman niya ako sa mga lakad niya, pati sa kompanya niya na ilang metro lang naman ang layo mula rito sa mansyon. “Pasasaan pa ang paninilbihan mo sakin kung hindi mo ako sasamahan sa mga pupuntahan ko? Didn’t I tell you to do what exactly I told you? Have you already forgotten that?” Pagtaas niya ng kilay habang nakapameywang pa sa harapan ko. Heto naman ako
Tapos na akong nakapagluto ng hapunan, hinihintay ko na lang na makauwi si Azzurro. Gabi na hindi pa rin siya umuuwi. Maaga siyang umalis kanina pero hanggang ngayon wala pa rin siya.Hindi na niya ako isinama sa lakad niya kanina dahil importanteng meeting daw ang pupuntahan niya. Tama na rin yun kasi nakakapagod rin na sunod ako ng sunod sa kaniya, nagmumukha akong buntot niya. Magdamag rin akong walang ginawa sa loob ng bahay niya, nanood na lang ako ng palabas sa T.V. Infairness rin yung T.V niya, malaki at malapad. Kitang-kita ang mga tao at sobrang linaw.Nagtungo na ako sa sala at umupo sa couch saka binuklat ang libro na kanina ko pa binabasa. Inayos ko ang suot kong dress na binili ni Azzurro para sakin. Ngayon ko pa lang nasuot pero bagay pala siya sakin. Nasuot ko na rin yung ibang damit na binili ni Azzurro para sakin pero itong dress ay ngayon ko pa lang nasuot. Yung ibang dress ay di ko pa nasusuot, sa susunod na siguro yun. Medyo nakakailang nga kasi medyo maikli ang dr