Isang Half Irish-filipino na dating mayaman ngunit naghirap dahil sa malaking pagkakautang ng kaniyang ama sa isang kilalang pasugalan. Nawala ang lahat ng yaman na meron sila at walang nagawa kundi ang umalis sa malaking mansyon na kaniyang kinalakhan dahil may ibang tao na ang bumili. Bata pa lamang siya ay kinailangan na niyang tulungan ang kaniyang ina na magtinda ng mga gulay sa palengke habang nakakulong ang kaniyang ama dahil sa pagkakalulong sa ipinagbabawal na bisyo. Hanggang senior high school lamang ang kaniyang natapos dahil sa matinding hirap at sa laki ng kanilang gastusin sa pang-araw-araw. Kinailangan niyang tumigil sa pag-aaral para makahanap ng trabaho upang may pangtustos sa pag-aaral ng kaniyang dalawang kapatid. Kahit anong klaseng trabaho ang tinatanggap niya para lang magkapera. Akala niya ay doon lang tumatakbo ang kaniyang buhay sa mga trabahong tinatanggap niya, hanggang sa may mapulot siyang pitaka na naglalaman ng malaking halaga. At dahil napalaki siya ng maayos ng kaniyang Mommy ay ibinalik niya sa isang kompanya ang pitaka kung saan nagtatrabaho ang taong nakahulog nun. Lingid sa kaniyang kaalaman ay doon na pala magsisimulang magbago ang kaniyang buhay. Dahil ang taong nagmamay-ari ng pitaka ay walang iba kundi ang pure Italian na bilyonaryo at kilala sa buong bansa na gwapo, hot at masungit na business tycoon at may kulay-langit na mga mata. Si Azzurro Cielo Russo.
View MoreNaghahanda na ako para sa pagpasok ko sa trabahong inaalok sakin. Kasalukuyan na akong nagtotutor sa isang pamilya na may anak na nag-aaral sa grade school. Tatlong beses sa isang linggo lang ako nagtuturo dahil hindi lang naman iyon ang trabahong tinatanggap ko. Hindi kalakihan ang sinasahod sakin pero hindi rin naman kaliitan. Sakto na rin iyon para sa pang-araw-araw namin.
Hanggang high school lang ang natapos ko dahil kinailangan kong tumigil. Sobrang hirap na ng buhay namin, di na tulad noong mayaman pa kami. Pero kahit ganun ay marunong naman akong magbasa at makaintindi. Sa katunayan nga ay ako ang naging top sa klase namin dati. Kung hindi lang nalulong si Daddy sa bisyo at nagkaroon ng maraming utang sa pinasukan niyang pasugalan ay hindi kami maghihirap ng ganito. Grade school pa lang ako noong nawala ang lahat ng yaman namin at napaalis kami sa mansyon namin, bata pa ako at ilang taon pa lang ang dalawa kong kapatid nun. Kaya sobrang hirap ng kabuhayan namin ngayon. Kinailangan pa naming kumayod ng kumayod sa paghahanap ng trabaho para lang may makain sa pang-araw-araw at may pangtustos sa pag-aaral ng mga kapatid ko. Bata pa lang ako ay tinulungan ko na si Mommy sa paghahanap-buhay. Si Mommy naman ay nagtitinda lang ng mga gulay sa palengke, hindi naman sasapat ang kinikita niya roon sa pagbebenta. Kaya kinailangan ko siyang tulungan. Maaga nga siyang umalis kanina para magbenta, alas-sais pa lang ng umaga nandun na siya. "Ate, may baon po ba kami ngayon?" Tanong sakin ni Sidhe, yung kapatid ko. Siya ang sumunod sakin ng limang taon. Isang taon na lang pala ay nasa legal age na siya. Si Orfhlaith naman na bunso namin ay nasa grades school pa lang, anim na taon ang agwat ng edad nila. Napabuntong hininga na lang ako saka kinuha ang pitaka ko. Kaunti na lang ang natitirang salapi roon dahil binili ko rin ng pang-ulam at bigas namin kagabi ang mga nasahod ko. Kinuha ko ang dalawang bente pesos at binigay iyon sa kanila. "Pagpasensyahan niyo na kung iyan lang ang maibibigay ko ha? Iyan na lang kasi ang natira sa sahod ko. Pagkasyahin niyo na lang muna iyan ha?" Nakita ko ang paglungkot ng kanilang mukha pero alam naman nila at naiintindihan ang sitwasyon namin. "Okay lang, Ate. At least may baon kami." Sambit ni Sidhe at pilit na ngumiti. "Kaya nga po. Saka, hindi naman po ako masyadong bumibili eh. Ang mamahal kasi ng mga pagkaing binebenta nila sa canteen. Ipapamasahe ko na lang ito papunta at pauwi." Saad naman ni Orfhlaith. Alam ko na malungkot sila. Nakikita ko iyon sa mga mata nila. Alam ko na gusto nila na maraming baon at nabibili ang mga gusto nila tulad ng dati. Pero hindi na ganun ang buhay na meron kami ngayon. Kaya pati sila ay nahihirapan at kailangang magtiis sa paghihirap namin. Lalo na ngayon na nakakulong pa si Daddy dahil nasangkot na naman siya na nagbebenta ng pinagbabawal na gamot. Ilang linggo na ang lumipas nang makulong siya. Hindi naman namin siya matubusan para makalaya na dahil wala kaming mapagkukunan ng malaking pera. Kaya madalas ay binibisita na lang namin siya sa prisento. "Hayaan niyo, baka sa susunod makatyempo ako at lakihan nila ang pagsahod sakin sa mga pinasukan kong trabaho. Oh siya, lumakad na kayo. Baka mamaya malate pa kayo sa klase. At ako ay pupunta na sa tinututor ko." Hinalikan muna nila ako sa pisngi bago sila umalis. Ako naman ay tiningnan ang tawag ng kaibigan ko sa de-keypad kong phone. Wala na akong touch screen phone na tulad ng mga phone ng mga kabataan ngayon. Yung phone ko kasi dati na binigay ni Mommy sakin ay binenta namin simula noong mawalan kami ng tahanan, ginamit namin ang pera para ipangupahan ng bahay which is yung maliit na apartment nung tiyahin kong masungit na si Auntie Myrna. Kada buwan ay sinisingil niya kami ng limang libo pero dahil kakaunti lang ang pera namin ay ilang linggo na kaming hindi nakakapagbayad sa upa. Si Daddy kasi ang nagbabayad dati sa upa kada linggo dahil siya lang ang may matinong trabaho samin na akala ko ay matinong trabaho talaga. Kaya ngayon na ilang linggo siyang nasa kulungan ay ilang linggo rin kaming hindi pa nakakapagbayad ng upa. Kaya todo kayod ako na makahanap ng iba't ibang trabaho para lang makapagbayad na sa upa na sinisingil samin. Pinagbabantaan na nga kami na palalayasin sa apartment kapag hindi na kami makapagbayad this week lalo na't may gusto daw mangupahan roon. Naiinis nga ako dahil ang laki ng halagang hinihingi niya samin kada buwan gayung hindi naman kalakihan ang apartment niya. Mukhang bodega na nga noong una niyang ipasilip samin dati noong pinapaupa niya pa lang dahil puno na ng kahon at tinambakan na ng mga lumang gamit. Gusto ko ngang tanggihan dati pero si Mommy na ang nagpumilit na tanggapin ang alok ni Auntie Myrna. Wala naman akong nagawa noon dahil bata pa lang ako at hindi kayang umangal. At mahihirapan lang din kaming maghanap ng pwedeng upahan kung tatanggihan namin yung inalok na apartment. Sinagot ko kaagad ang tawag ng kaibigan kong si Allora. "Uyy Dyosa, pansamantalang wala ang isa naming katulong, nagbakasyon." Wika nito sa kabilang linya. Dyosa ang tawag niya sakin dahil daw sa pangalan ko, pati na rin sa mukha ko. Binigay ni Mommy ang pangalan na Fionnuala dahil bagay daw iyon sakin na ang ibig sabihin ay dyosa. "Oh, tapos? Anong meron at napatawag ka?" "Eh, siya lang ang palaging naaatasan bilang labandera dito. Pwede ka ba? 5k ang sahod sa isang araw sa loob ng isang linggo." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Malaki na iyon, makakatulong na iyon samin kapag tinanggap ko. "Sigurado ka ba? Iyon talaga ang sahod? Sa ganun kalaking halaga? At araw-araw?" Pagkumpirma ko. Syempre, gusto ko yung sure, baka mamaya joke lang pala. Mahilig pa naman magbiro minsan yung babaeng yun. "Mukha ba akong nagbibiro? Hindi naman ako tatawag para sabihin sayo na kailangan namin ng labandera para lang magbiro. Marunong rin naman akong magseryoso noh." Depensa nito, napairap na lang ako. Baka nga hindi talaga siya nagbibiro. "Okay. Kailan magsisimula?" Agaran kong tanong. "Bukas ng 8:00 AM. Dapat maaga pa lang nandito ka na para makapagsimula. Ganun palagi ang ginagawa dito. I-text ko na lang yung location ng bahay namin." "Ang aga naman. Pero sige, pupunta ako dyan bukas. Salamat, Allora." Pagkatapos kong patayin ang tawag ay nilagay ko na sa bulsa ang phone ko. Nilalakaran ko lang ang daan papunta sa bahay ng pinagto-tutoran ko dahil medyo malapit lang naman, ayaw ko ring sumakay ng trycicle para iwas pamasahe. Mahal kasi ang pamasahe kapag solo lang, mababawasan lang yung pera ko kapag gagamitin ko pampasahe. Kaya wag na lang. Habang naglalakad ako ay iniisip ko yung inalok ni Allora sakin na trabaho sa bahay nila. Kapag tatanggapin ko yung trabaho, pansamantala na akong magkakapera ng medyo malaki sa isang linggo. Limang libo na yun, makakatulong na iyon samin. Ang kaso hindi namin iyon magagamit sa pangangailangan namin dahil kailangan muna naming unahin yung sinisingil ni Auntie Myrna na bayad sa upa ng apartment. Iwinaksi ko na lang ang isiping iyon dahil baka mabaliw pa ako kakaisip sa problema namin. Sa ngayon ay magtatrabaho muna ako, kailangan kong magfocus dun. Patuloy lang ako sa paglalakad, ilang metro na lang ay makakarating na ako sa bahay ng pinagto-tutoran ko. Medyo maingay sa tinatahak kong daan dahil marami ang mga napapadaan na mga sasakyan. Medyo maalikabok din dahil sa mga makakapal at itim na usok na binubuga ng malalaking truck na napapadaan. Napapapikit-pikit pa ako dahil sa silaw ng araw na tumatama sakin. Sobrang init ng panahon ngayon at wala pa akong dalang payong. Wala rin kasing pambili, kung meron mang pera ay hindi ko maibili ng sariling payong. Dala-dala naman ng dalawa kong kapatid yung tig-isa nilang payong. Syempre, ayaw ko namang naiinitan sila o nauulanan. Lalo na yung bunso namin, mabilis pa naman iyong madatnan ng sakit. Kaya tinitiis ko na lang na maglakad ng walang dalang payong. Habang patuloy sa paglalakad ay may nadaanan akong lubak na kalsada na basa at may kaunting tubig. Naalala ko nitong mga nagdaang araw ay panay buhos ang ulan. Akala ko nga ay may paparating na bagyo dahil madalas ang paglakas ng hangin na may kasamang ambon. Pero mukhang dumaan lang yung typhoon dahil uminit na bigla matapos ang ilang araw. Pagdaan ko sa parteng may tubig ay siyang pagdaan naman ng motor mula sa likod ko at dahil mabilis at humaharurot iyon ay tumalsik sa suot kong mahabang bestida ang tubig. Kaagad kumulo pataas ang dugo ko at nainis sa pangyayari. Matinis ang mga matang pinukulan ko ng tingin ang papalayong motorbike. "Gagong iyon! Ni hindi man lang marunong tumingin sa dinadaanan. Porke nakamotor bike, ganun na lang iaasta niya." Inis kong pinagpagan ang parte ng bestida na natalsikan ng tubig na may kaunting putik. "Wala na, ang dumi na ng damit ko. Nakakainis!" Naiirita kong anas sa sarili. Napabuga na lang ako ng marahas na hangin para pakalmahin ang sarili bago nagpatuloy sa paglalakad. Hindi ko maaaring dalhin sa bahay ng pinagto-tutoran ko ang inis ko, kailangan kalmado lang ako. Baka mamaya bigla na lang akong mapaalis dahil sa pagkabadtrip ko. Baka kasi maaway ko yung bata o di kaya yung isa sa pamilya nila, nakakahiya na. Pilit akong ngumiti at iningganyo ang sarili na kaya ko to. Nang mahimasmasan na ay nagpatuloy na ako sa paglalakad. Pinapasok na ako sa sub division ng guwardiya na nakabantay kaya tuloy lang akong naglakad. Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na rin ako sa wakas sa bahay ng pinagto-tutoran ko. Umismid muna ako at inayos ang sarili para komportable at desinte pa rin akong tingnan bago pinindot ng dalawang beses ang doorbell ng gate nila. Ilang sandali lang ang lumipas ay bumukas na ang gate at bumungad sa harapan ko ang Kuya ng batang pinagto-tutoran ko, si Rhyxe Xylan Farnell. Kilala sa baryong ito ang pamilyang Farnell. Sa pagkakaalam ko ay may mga negosyo na silang naitayo malapit sa bayan. Kilala ring businessman ang ama ni Rhyxe sa isang malaking kompanya sa Maynila. Hindi ko pa ito nakikita dahil madalas lang daw iyong umuwi. Si Rhyxe naman ay kakauwi pa lang mula sa ibang bansa noong unang beses ko pa lang rito sa bahay nila. Nagtaka nga ang ilang pamilya at kasambahay dahil sa tuwing umuuwi siya ay umaabot lang daw ng ilang araw tapos babalik na ulit sa sa ibang bansa para patakbuhin ulit ang isa sa kompanya nila roon. Pero ngayon ay ilang linggo na itong hindi pa bumabalik dun. Naisip ko na siguro kaya hindi pa rin siya bumabalik sa ibang bansa dahil sakin. Ayaw kong mag-assume pero hindi ko mapigilang isipin na maaaring iyon ang dahilan. Ngumisi ito ng nakakaloko sakin pero hindi ko na iyon pinansin. "Ahh, hi there, Agathe. Mas lalo kang gumanda ngayon, ah. I'm glad to see you again." Puno ng kumpyansa nitong wika at sumandal pa sa hamba ng gate. Kumunot lang ang noo ko. "Nandyan ba yung kapatid mo? Tuturuan ko na siya ngayon." Pabalang kong tanong sa kaniya. "Nasa kwarto niya. Pasok ka." Imwinaubra nito ang kamay para papasukin ako. Sumunod ako at pumasok, narinig ko pa ang pagsarado ng gate sa likod ko at pagsunod niya sakin. Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad papasok sa bahay nila. Malaki ang bahay nila at masasabi ko na mayaman nga talaga sila. Ganito rin sana ang buhay namin hanggang ngayon kung hindi lang sugarol si Daddy na dahilan ng pagkawala ng lahat ng yaman namin. "Wait, what happened to your dress? Why is that dirty?" Kunot ang noo nitong tanong, nang lingunin ko siya ay nakatuon ang mata niya sa suot ko. "Ahh, wala lang to. Natalsikan lang ng putik. Matatanggal naman ito pag nalabhan ko na mamaya pag-uwi." Aniya ko. Akmang aalis na ako sa harap niya ngunit hindi ko natuloy ang paghakbang nang hawakan niya ako sa kamay. Marahan lang naman ang paghawak niya pero nakaramdam ako ng pagkailang dahil sa paraan ng titig niya, hindi ko tuloy magawang tingnan siya. "Wait." Mahina nitong habol habang hawak ang kamay ko. "I just want to clarify what I said last time. Gusto kong sabihin na totoo yung mga sinasabi ko sayo. I really want to court you, Agathe. Can you answer that now?" Saglit ko siyang tinitigan sa mga mata. Mga matang nagsusumamo. Pero mabilis kong inalis ang tingin sa kaniya at inalis ang kamay niya sakin. Ilang araw na niyang sinasabi ang bagay na iyon sakin. Simula noong pumasok ako rito sa kanila para maging personal tutor ng kapatid niya ay ramdam ko na ang madalas niyang pagsulyap sakin. Hindi ko iyon pinansin dahil baka curious siya sa bagong tutor ng kapatid niya. Pero habang tumatagal ay mas kapansin-pansin ang madalas niyang pagpapapansin sakin at kinukulit niya rin ako. Madalas na rin niya akong asarin. Akala ko nga ay ayaw niya sakin dahil palagi niya akong iniinis, yun pala ay paraan niya lang iyon para mapalapit sakin. At siguro noong hindi na niya kinaya ay umamin na siya na gusto niya ako kaya ayun, nanliligaw na sakin. "Pasensya ka na, Rhyxe. Hindi ko masasagot iyan. Wala akong balak magpaligaw sa kahit sino." Determinado kong saad sa kaniya.Ito na yung huling araw ng pagtuturo sakin ni Azzurro ng paglalangoy at ang masasabi ko lang ay. . .nag-iimprove na si self. Oh diba? It's only been a few days, thanks to Azzurro's instructions.. Magaling rin kasi siyang magturo, medyo tanga lang talaga ako sa pagkakaintindi noong una pero nakuha ko rin naman. Kaya nga medyo marunong na ako sa paglalangoy. Sa wakas, di na ako matatakot pumunta sa malalim at di na rin malulunod. Ang galing-galing kasi talaga ng bebe ko—este ni Azzurro magturo. Basic pa lang naman yun pero matututunan ko rin ng mas maigi kung palagi akong magsasanay. Worth it din ang pag-extend namin ng isa pang linggo. "Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa loob ng sasakyan niya. Kung kailan maggagabi na eh saka naman siya aalis. Tas isasama pa ako. Na naman. Pahinga ko na sana ngayon kasi tapos na yung pagsasanay ko sa paglalangoy kahapon. Tapos, heto na naman kami sa gala-gala niya. Wala ako sa mood lumabas eh, pwede rin namang bukas na lang. "May bibilhin lang ako sa
Sumama nga si Azzurro sakin sa pamimili. Imbis sa market lang ay doon siya dumeretso sa may mamahaling mall, marami daw kasing magagandang bagay na pwedeng bilhin dun. Wala na akong nagawa pa. Iniisip ko na lang kung paano pagkakasyahin ang pera ko. Pagdating namin ay kaagad na kaming naglibot. Di nga maikakaila, magaganda ang mga materials and accessories na binebenta dun. Yun lang, ang mamahal. Hindi naman marami ang mga binili ko, pili lang. Yun bang kakasya lang sa pera ko at yung tutugma sa mga kagustuhan ng dalawa kong kapatid. Matapos naming bumili ay nagpunta na kami sa cashier para magbayad.Napatingin ako kay Azzurro nang kunin niya ang pitaka sa bulsa niya at inilabas ang black card niya. Nagtaka ako at agad siyang pinigilan. "Uyy, teka. Ano iyan? Wag mong sabihin na ikaw ang magbabayad ng mga pinamili ko?" Parang balewala niya lang akong tiningnan. "Why? What's the problem with that? Ayaw mo ba?" Hindi ako makapaniwalang tiningnan siya. "Pero nagsabi ako na yung sweld
Matapos kong babain ang tawag ay nagtungo ako sa banyo para maligo nang maalala ko na may swimming pool pala sa backyard. Naisip ko na ako lang pala dito mag-isa, I can do what I want to do. Dala ang towel ay lumabas ako at nagtungo sa pool. Medyo malaki ang pool ang sobrang linis. Nakakahalina at presko. Masarap languyan at nang subukan kong ilublob ang paa ay malamig siya, as expected. Napangiti ako at lulusong na sana nang maalala kong may suot pa pala akong damit. Inilagay ko muna sa may malapit na patungan ang towel saka ako nag-isip. Ako lang naman mag-isa dito at siguradong wala namang ibang makakapasok dito sa loob ng silid. Nang makapagpasya ay hinubad ko na ang damit, tanging itinira ko ay ang panloob. Nang mahubad na ang mga damit ay saka na ako lumusong sa pool at kaagad kong naramdaman ang lamig ng tubig dahilan ng panginginig ko. Napangiti ako sa pakiramdam na iyon. Hindi ako lumangoy dahil hindi ako marunong, nasa gilid lang ako ng pool sapat na para mapreskuhan ak
Kinabukasan ay maaga akong nagising para gawan ng breakfast si Azzurro. Sigurado aalis na naman iyon ng maaga para sa trabaho. Dahil pangbreakfast naman iyon ay nilutuan ko lang siya ng bacon at egg. Nagtoast na din ako ng slice bread para sa kaniya. Nang inihanda ko na sa dining table ang pagkain ay saktong bumaba si na Azzurro. Amoy na amoy na ang shampoo at pabango niya. Pagtingin ko nang makarating na siya sa dining table ay nakasuot na siya ng pangmalakasan niyang suit. Oh, Pak! Sino ka d'yan? Ang gwapo at pormadong-pormado, parang baby boy na bagong bihis. May gel pa ang buhok niyan, mas makintab pa sa salamin sa restroom ng mall. Kulang na lang lagyan siya ng pulbo sa likuran para maging baby boy na talaga. Kaso di na siya baby boy, ang laki na niyang tao eh, damulag na siya. Gwapong damulag. Bago pa mapunta sa ibang lugar ang imahinasyon ko tumikhim ako pero hindi pa rin makatingin ng deretso sa kaniya. "Magbreakfast ka na. Nakahanda na ang pagkain." Busy siya sa pagtit
Tulala akong nakatitig sa kisame. Magdamag akong ganun sa totoo lang, di ko alam kung anong oras akong tulala. I didn't get a good night's sleep until morning. There is only one reason behind it. And it seems like that will never fade from my memory. "Arghh! Nakakainis!" Napasabunot na lang ako ng buhok dahil sa pagkairita. Naiinis ako sa sarili ko. Para na akong naiiyak dito na ewan. Hindi ko alam kung anong gagawin.Hindi na muna ako bumaba. Wala rin naman akong gagawin. At wala rin ako sa mood.Nang mainip na ako sa kwarto ay saka na ako nagpasyang lumabas na s’yang pinagsisihan ko. Nasalubong ko lang naman si Azzurro sa kusina, mukhang bagong gising pa siya. Nanlaki ang mga mata ko at naging balisa. Hindi alam kung anong gagawin. Pero nang tingnan ko siya ay ilang minuto akong napatitig sa kaniya. Infairness, kahit bagong gising at magulo ang buhok ay gwapo pa rin siya. Kahit siguro nakapikit siya ay maganda pa rin ang mukha. Hindi kumukupas. Shit, anong ginagawa ko? Am I chec
Gulat akong napatitig kay Daddy. Paano nangyari iyon? Hindi ko pa siya napapyansahan sa kulungan, paanong nakalaya siya? Kaya ba ganun ang tingin ni Sidhe sakin dahil dito? Dahil nandito na si Daddy?Kaagad nagsalubong ang kilay ko nang may pumasok sa isip ko. Mali naman yata yung iniisip ko, diba?"Ngayon-ngayon lang siya nakauwi, anak. Sakto nakapaghanda na ako ng makakain, baka nagugutom ka-""Tumakas ka ba sa kulungan, Dad?" Hindi ko pinansin ang mga sinabi ni Mommy at basta na lang iyong tinanong habang deretso ang mga mata kay Daddy. Nanlaki ang mga mata niya sa tanong ko."A-ano? T-teka, ano bang sinasabi mo, anak? Mali ka ng iniisi-" Kaagad akong lumapit sa kaniya na nakapagtigil sa kaniya."Hindi ko pa nababayaran ang pangpyansa mo sa kulungan! Kaya imposibleng makakalaya ka basta-basta. Imposible rin namang makakautang ka basta-basta sa iba gayung nasa loob ka ng rehas! Kaya sabihin mo na sakin ang totoo, Dad." Mariing kong sambit sa kaniya. Napaatras agad ako nang humarang
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments