Share

Kabanata 4

"That bastard! He touched my shaft!" labas sa ilong na singhal ko dahil sa nangyari.

Maliban sa paghawak sa maselan kong parte, he also peeked into my anal and I don't know if it's part of the examination or he's just playing with me.

"'Yon lang ba ang ikinaiinis mo? Kumusta naman ang ginawa sa amin? Binulatlat din nila ang kaloob-looban ng mani ko na parang may hinahanap na treasure sa loob! Nakakaloka! Pati ang dibdib ko ay tinimbang nila! Anong tingin nila sa s**o ko? Karne ng baboy na itinitinda sa palengke?! Sinabi ko na sa'yo na kalokohan lang ang lahat ng 'to!" yamot na sagot ni Thalita sa akin. Bakas sa magandang mukha niya ang inis.

Ang buong akala ko ay umuwi na siya pagkatapos ma-examine ngunit nang lumabas ako mula sa building ay narito siya sa kotse at hinihintay ako.

"Mabuti na lang talaga dahil pumasa ako," pagsasatinig ko.

Nilingon ako ni Thalita. "Really, Diego? Don't tell me na itutuloy mo pa rin 'to? Hindi mo ba naiisip na baka sa pangalawang pagkakataon ay kung ano na naman na kalokohan ang ipagawa nila sa'tin?" Katulad ko ay pasado rin siya.

"Paano kung parte lang ito ng kanilang pagsubok? Hindi maaari na sayangin ang pagkakataon na ito, Thalita! Sampong milyon ang katumbas ng buhay niya! Malaking halaga na 'yon! Puwede na tayong magpakalayo-layo at mamuhay nang tahimik!" diretso ang tingin sa kalsada na tugon ko.

Thalita didn't answer me. Hindi na siya kumibo hanggang narating namin ang condo ko.

"You should not go any further. Just let me finish the mission," seryosong sabi ko pagkapasok namin sa loob.

Namaywang siya at pinandilatan ako ng mga mata. "No! Didikit ako sa'yo kahit na manganib ang buhay ko! I can't trust you and let you take the risk alone. Another thing I can't ignore is that Clover woman! Sure ako na tipo ka niya the way she looks at you lately!" Bakas sa tinig niya ang selos.

Sa tagal ng aming pinagsamahan ay ngayon ko lang siya nakita na ganito kadesperada na sumama sa akin. Noon naman ay hinahayaan niya lang ako.

Inihakbang ko ang aking mga paa patungo sa kaniya at saka kinuha ang kaniyang maliit at malambot na kamay.

"Wala na ba ang tiwala mo sa akin, Thalita? May nagawa ba ako na hindi mo nagustuhan? Tell me?" mapagkumbaba kong tanong.

Ayaw ko nang pahabain pa ang problema na 'to dahil pagod na rin ako mula pa kaninang umaga.

Kaagad na lumamlam naman ang kaniyang mga mata at saka marahan na umiling.j

"I-I ... I-I'm just scared na baka this time ay mawala ka sa akin. I-I ... I-I can't see the future without you, Diego. I love you so much, alam mo 'yan."

Marahan na hinaplos ko ang kaniyang makinis na pisngi.

"Hindi 'yon mangyayari, pangako. Trust me."

Kumibot ang labi niya at saka umiwas ng tingin.

"Fine! Pero hindi mo ako mapipigilan. Sasama pa rin ako sa misyon mo."

Wala na akong nagawa pa sa katigasan ng ulo niya.

"Alright. Ang mabuti pa ay ipagpabukas na lang natin ang usapan na 'to. We are both tired. Magpahinga na tayo."

We did a quick half-bath together bago tuluyan na humiga sa kama.

The next day, bumalik kami sa building kung saan isinasagawa ang pamimili ng mga magiging bodyguards ni Drian Morales. Halos lahat ay naroon na nang makarating kami ngunit mas kaunti na kaysa kahapon. Almost a hundred person na lang.

"Good day, everyone. Kahapon ay hindi ko naipakilala ang aking sarili," panimula ng lalaking nakamaroon suit kahapon.

Ngayon naman ay nakasuot siya ng kulay maroon na sando. Nagmukha tuloy itong machong kargador sa palengke.

"Ako si Maroon, at siya naman si Clover," pagpapakilala nito sa babaeng may maiksi na b****a na hawak.

"Tss!" Thalita hissed off. Matalim ang tingin na ipinukol niya kay Clover. Hanggang ngayon ay mainit pa rin ang dugo niya sa babae.

"Ang pangalawang pagsubok. Bubunot kayo ng nakarolyong piraso ng papel sa fishbowl na iyon. Bawat numero ay may dalawang kopya at kung sino ang makabubunot ng magkaparehong numero ay sila ang maglalaban. Sa pagsubok na 'to ay matutukoy namin ang inyong abilidad, liksi, talas ng mata at isip, lakas, at diskarte."

Kaagad kaming pumila at isa-isang bumunot ng nakarolyong papel.

"13. Malas na numero," bulong ko.

Kaagad kong inilibot ang aking mga mata sa paligid. Lahat ng tao sa silid na kinaroroonan namin ay siguradong bihasa sa pakikipaglaban. Kita iyon sa tindig at katawan ng mga ito.

"Number 13! Sino ang malas na nakakuha ng numero trese?" pasigaw na tanong ng isang lalaki habang iwinawagayway ang hawak na papel.

Malaki ang katawan nito, doble ang laki sa katawan na mayroon ako. Mas mukha itong wrestler kaysa bodyguard.

"Naloko na! Siya ang makakalaban ko!" Sa lahat ay ang dambuhalang lalaki ang mukhang pinakamalakas.

"Sa tingin mo ba ay kakayanin mo siya?" alanganin na tanong ni Thalita.

"Wala akong balak na magpatalo."

Dinala kami ni Maroon sa kasunod na floor ng building kung saan mayroong tila isang training room ng mga atleta. May malaking boxing ring ito sa gitna.

"Sisimulan na natin ang tagisan ng lakas. Ang nakakuha ng number 1, lumapit sa akin!"

Dalawang lalaki ang kaagad na lumapit kay Maroon. Pinaakyat ang mga ito sa ring at pinasuot ng mga boxing gloves. Maya-maya pa'y nagsimula na ang mga ito na magbasagan ng mukha. Natapos lang ang madugong laban nang sumuko na ang isa sa kanila. Walang referee na umaawat at wala ring mga rules. Sariling diskarte ang kailangan.

"Nagwagi si number 8! Crixzus El Salvador, pasok ka na sa ikatlong pagsubok!"

Pinunas ng lalaking nagwagi ang bahid ng dugo sa gilid ng kaniyang labi gamit ang kaniyang hinlalaki na daliri bago maangas na bumaba sa boxing ring.

"Number 2!" sigaw ni Maroon.

Huminga nang malalim si Thalita. "Ako na ang lalaban," aniya. Akmang lalakad na siya patungo sa ring ngunit mabilis ko na hinawakan ang kaniyang kamay.

Nagtataka na napatingin naman siya sa akin.

"Bakit?"

"Mag-iingat ka."

She smiled at me na parang hindi man lang nangangamba sa mangyayari.

"Don't worry. Kaya kong ipasa 'to."

Tango lang ang naitugon ko sa kaniya.

Napasinghap ako nang mabatid ko na ang makakaharap niya ay ang ikalawa sa pinakamalaki. Tiyak na mahihirapan siya.

Nagsimula ang laban na hindi ako mapakali.

"Thalita!" hiyaw ko nang bumalandra siya boxing ropes. Pumutok ang labi niya at mukhang hindi maganda ang lagay.

"Fuck!" Tinangka ko siyang puntahan ngunit hinarang ako ni Maroon.

"Hintayin mo na tawagin ko ang numerong nabunot mo bago ka sumampa sa ring."

Lalo akong nayamot nang makitang patuloy na sinusuntok ng lalaki si Thalita. Buong mukha niya ay maga na dahil sa natatamo na suntok.

"Babae siya! Wala siyang laban sa lalaking 'yan!" mariin kong wika.

"Kesyo babae, kesyo lalaki, wala kang magagawa. Puwede siyang umatras kanina sa laban ngunit hindi niya ginawa. Meaning, tinanggap niya ang laban."

Nais kong suntukin sa mukha si Maroon ngunit kapag ginawa ko 'yon ay panigurado na katapusan na namin ni Thalita. Napasabunot na lang ako sa aking buhok nang makita na bugbog na bugbog na si Thalita. Nais ko siyang iligtas ngunit paano?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status