Share

KABANATA 2

"Papalabas na siya! Be alert!" signal ni Thalita sa akin.

Nasa loob siya ng building kung saan naroon si Drian Morales na aking target. Ayon sa aming reliable source, galing ang lalaki sa isang meeting kasama ang mayayamang negosyante mula sa iba't ibang bansa.

Ipinosisyon ko ang aking hawak na sniper sa entrada ng building kung saan siya lalabas. Maya-maya pa ay nakita ko na si Thalita na lumabas. Nakasuot ito ng kulay pulang bestida na below the knee ang tabas. Ilang metro mula sa kaniyang likuran ay naroon na nga si Drian Morales. Naliligiran ito ng mga media at bodyguards ngunit hindi iyon naging problema sa'kin.

From above, I can clearly see an open spot kung saan siya puwedeng patamaan which is his head. Itinapat ko sa ulo niya ang dulo ng aking baril ngunit bigla na lang itong nasilaw at napatingin sa direksyon ko.

Mula sa sipatan ng hawak kong sniper, napalunok ako nang matitigan ko ang kulay bughaw niyang mga mata.

"Damn! I think he saw me!" bulalas ko mula sa suot kong earpiece. Mula roon nakakapag-usap kami ni Thalita.

"Ano?! Barilin mo na siya at umalis ka na riyan! Bilisan mo!" aburido niyang sabi.

Napalunok ako ng ilang beses. Nais kong kalabitin ang gatilyo ngunit nanginginig ang mga daliri ko. May kung ano sa mga matang iyon na pumipigil sa akin. I saw him smirked at my way. Alam kong nakita nga niya ako ngunit wala siyang ginawa. He just raised his middle finger.

"F-Fuck! I-I'm shaking! What's wrong with this fucking fingers!"

"Damn it, Diego! Ngayon ka pa ba maduduwag?! Ang tagal na nating ginagawa 'to! Pull the trigger, now!" galit na utos ni Thalita.

I closed my eyes at saka sinunod ang utos niya. I pulled the trigger. Dinig mula sa kinalalagyan ko ang pagkakagulo ng mga tao nang maiputok ko ang hawak kong baril.

"Umalis ka na riyan, Diego! Bilis!" boses ni Thalita mula sa earpiece kong suot.

I quickly packed my things at saka nagmamadali na lumabas sa building. It's not easy dahil may nakasalubong akong mga securities patungo sa lokasyon ko. But they are just nothing to me. I'm a black belter and sharp-shooter kaya naman nagmistula lang silang lata na pinagpraktisan kong barilin.

From the fire exit, naroon na si Thalita na nag-aabang sa akin.

"Sakay!" she shouted.

Maraming pulis na ang humahabol sa akin kaya naman nagmamadaling sumakay na rin ako.

"Fuck! Siguradong patay tayo kapag naabutan nila ang sasakyan natin!" sabi ko habang nakatingin sa hulihan ng kotse. Limang police car ang bumubuntot sa amin.

Tumawa si Thalita.

"Hanggang ngayon ba ay wala ka pa rin bilib sa driving skills ko? Para saan pa at ako ang naging sidekick mo?" aniya sa mayabang na tinig.

Sa loob ng dalawang taon naming pinagsamahan, ni minsan ay hindi kami nahuli. Magaling si Thalita. Kabisado niya ang pasikot-sikot ng lugar. Ilang oras din na habulan ang nangyari bago niya tuluyang nailigaw ang mga parak.

"Pinagod ako ng mga pulis patola na 'yon, ah!" aniya habang minamasahe ang balikat at leeg.

Hindi pa kami natatagalan na nakahinto nang tumawag si Protacio sa akin. Thalita smirked at me nang mabasa ang pangalan ng kliyente.

"Pera na 'yan!" hula niya ngunit iba ang aking pakiramdam.

Pinindot ko ang answer button at hindi pa ako nakakapagsalita nang marinig ko na ang pahiyaw na boses ni Protacio mula sa kabilang linya.

"Hindi ba at malinaw ang sinabi ko na ang ulo niya ang baunan mo ng tingga?! Totoo ba na sharp-shooter kang animal ka, ha?! Bakit sa balikat lang tinamaan ang lintik na Morales na 'yon?!"

Bahagya kong nailayo ang cellphone mula sa aking taynga dahil sa nakabibingi niyang boses. Taka na napatingin naman sa gawi ko si Thalita, bakas sa maganda niyang mukha ang pagkalito. I knew it. I closed my eyes before I pulled the trigger. Hindi ko sinigurado kung saan nakatutok ang baril.

"Paumanhin, Mister Macaraeg. Huwag kang mag-alala. Tutupad pa rin ako sa usapan. I will make sure na mapapatay ko siya."

"Paano mo gagawin iyon ngayon? Mas naging mahigpit ang security niya! Siguradong mahihirapan ka nang makakuha ng tiyempo na patayin siya!"

"Ako na ang bahala, Mister Macaraeg."

"Siguraduhin mo lang, Diego! Hindi ako magtatapon ng milyon para lang sa isang kapalpakan!"

Pinatay na nito ang tawag. Napabuga ako ng hangin nang mawala na ang matanda sa kabilang linya.

"May problema ba?" salubong ang kilay na tanong ni Thalita.

"Pumalpak ako. Sa balikat lang siya tinamaan."

"What?!" Napatampal sa noo si Thalita.

"Paano nangyari 'yon?! Sharp-shooter ka! Ito ang kauna-unahang pagkakataon na pumalya ka! Ano ang nangyari?"

That blue-eyed man. Naghahatid ng kakaibang kilabot sa'kin ang kulay asul na mga matang iyon. Para akong nabalisa lalo nang ngumisi siya sa'kin na para bang totoong nakikita niya ako nang malapitan.

"Diego." Bumalik ako sa kasalukuyan nang marinig kong muli ang tinig ni Thalita.

"Hindi na ito mauulit, Thalita. Sa ikalawang beses na mabibigyan ako ng pagkakataon, titiyakin ko na malalagutan na siya ng hininga."

Umiiling na binuhay muli ni Thalita ang makina ng kotse at saka pinaandar patungo sa hideout ni Cholo, ang nagdodoktor ng mga sasakyang ginagamit namin.

"Anong balita? May ipapadispatsa ba kayong sasakyan?" tanong kaagad ng lalaki na kasalukuyang abala sa pagkukumpuni ng mga sirang parte ng sasakyan.

"Palitan mo ng plate number at kulay ang sasakyan na 'to!"

Tinanggal ni Cholo ang face shield niya at saka pinasadahan ng tingin ang dala namin na sasakyan.

"Walang problema! Madali lang ito. Next week ay puwede niyo na 'tong balikan."

"Good! Next week na lang din ang bayad," tugon ni Thalita.

Umalis na rin kami kaagad at dumiretso sa condo. Agad binuksan ni Thalita ang TV para manood ng balita.

"Siguradong lalabas si Morales sa mga balita ngayon. Balita ko ay kaisa-isahang tagapagmana raw ang lalaki ng pamilya Morales na kilala pagdating sa mga malalaking negosyo sa loob man o labas ng bansa. Hindi simpleng tao lang ang kalaban natin ngayon, Diego."

Tama nga si Thalita. Lumabas kaagad sa balita ang nangyari kay Drian Morales at ayon pa sa broadcaster ay naghahanap ang lalaki ng mga bagong skilled-bodyguards dahil palpak ang mga tauhan nito na protektahan ang lalaki.

"Don't tell me kakagat ka sa pain na 'yan, Diego? Obvious naman na pinapakagat lang nila tayo para mabilis nila tayong mahuli!" sabi ni Thalita nang mahuli akong nakatitig sa screen ng TV.

"Wala ng ibang paraan. Kapag hindi natin nagawa ito ay tayo ang mamamatay. Tiyak na ilalaglag tayo ni Protacio kay Morales at tayo ang paghahanapin ni Morales kaya unahan na natin siya!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status