Share

Kabanata 5

"H-Huwag kang makialam, Diego!" Nagawa pa na sumigaw ni Thalita kahit hirap na itong makatayo.

Pikit na rin ang isang mata dahil sa black-eye na natamo. Hindi ko siya magawang tignan. Parang dinudurog ang puso ko.

"Pinahahanga mo akong babae ka. Hindi ka pa rin sumusuko kahit na mukha ka ng talong dahil sa mga pasa na natamo mo," nakangisi na sabi ng kalaban ni Thalita.

"Manahimik ka, bakulaw!"

"Anong sinabi mo?"

Dinakma nito ang buhok ni Thalita at saka inangat ngunit kasabay ng pag-angat na 'yon ay ang malakas na igkas ng kanan na tuhod ng babae na tumama sa pagitan ng dalawang hita ng kalaban.

"A-Aaahhh! H-Hayop kang babae ka!" nakabibingi na sigaw nito habang sapo ang nadurog na bayag. Namimilipit ito sa sakit at hindi rin maipinta ang mukha.

"Hindi mo ba alam na 'yan ang disadvantage niyong mga lalaki? Kahit anong galing at lakas mo, talo ka kapag iyan ang tinamaan!" nakangisi na wika ni Thalita bago ginawaran nang malakas na sipa sa mukha ang lalaki na kaagad natumba sa sahig
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status