Share

Chapter 6

Wala pa yatang thirty minutes si Tor ay tapos na ang problema niya sa City Hall. Nakabalik na siya sa shop kung saan naroon si Iris at mukhang patapos na rin ito.

"Bumalik ka Ma'am in three weeks para makita natin kung kailangang i-adjust ang gown."

Isang tango lang ang isinagot ni Iris. "Salamat."

Gustong sabihin ni Tor na hindi na kailangan dahil hindi naman matutuloy ang kasal pero pinigil niya ang sarili. It's just going to ruin his plans at nagsisimula pa lamang siya.

"I didn't think you'd be back." Inabot ni Iris ang shoulder bag at nagpatiuna sa paglakad papunta sa pinto.

"Why would I not come back?" Iris snorted, pero hindi nito sinagot ang tanong niya. "Let's take my car at ako na ang maghahatid sa 'yo pauwi."

"No. Sa restaurant na lang tayo magkita. Baka kung ano pa ang isipin ng mga taong makakakita sa atin. The city hall is just right there."

Gobernador ang magiging biyenan niya at siguradong kakalat ang balita na sumakay ito sa sasakyan niya. Kahit maliit lang ang Sta. Cruz ay maraming matatabil ang dila sa lugar nila. Madaldal na ay malisyosa pa.

"Okay. I'll meet you there." Hinintay ni Tor na makasakay sa sasakyan si Iris at saka siya sumunod sa mga ito.

***

The restaurant is not that far from there. Kung tutuusin ay pwede nilang lakarin kaya lang ay sobrang init. At isa pa, iwas na rin sa tsismis. Naunang pumasok si Iris sa loob. Susunod na sana si Tor nang biglang magring ang cellphone niya. It was a call from the hospital where his Yaya Seling is.

"Dr. Salcedo speaking. How may I help you?"

"Doc, pasensiya na po sa abala. Pinatawagan po kayo ni Aling Seling kasi gusto na raw po niyang umuwi. Ayaw na raw po niya riyo sa hospital." Ang tumawag ay ang nurse na kinuha niya para personal na mag-alaga sa kaniyang dating yaya.

"It's okay. Pakisabi sa kaniya na sa makalawa ay uuwi na siya. I will drop by and have dinner with her tonight as well. Magdadala ako ng dinner namin. Thank you."

Nauunawaan niya ang matanda. Wala naman talagang may gusto na tumigil sa hospital. The bed is not comfortable at ang sinisinghot na hangin ay may flavor na alcohol. It’s just that right now, she needs treatment. Kapag napaalis si Rosanna ay iuuwi niya ang Yaya Seling niya roon.

“I thought you bailed.” That was the first thing Iris said when he sat down and joined her.

“Ako ang nag-aya, ako pa ang hindi sisipot?” He gave her a smile but she didn’t return it. “Tumawag kasi ‘yong nurse na kinuha ko para kay Yaya Seling. I am not sure if you remember her—“

“Natatandaan ko siya. Binibisita ka niya sa bahay noon. Is she okay?”

“Pneumonia, but she’s getting treatment. Anyway, shall we order?”

“I already did but you can add more kung hindi mo gusto ang mga pinili ko.”

Hindi mapili sa pagkain si Tor. He eats everything at kahit gulay lang ang nakahain ay hindi siya magrereklamo.

“I am sure I will like it.” Tumango si Iris at hindi na nagsalita pa. Tor cleared his throat. “I wanted to thank you for giving food to the patients. Malaking tulong sa mga pasyenteng naghihintay.”

“I am glad to help.” Ang napansin ni Tor kay Iris, bilang ang mga katagang lumalabas sa bibig nito at para bang ingat na ingat.

“So… you’re getting married. How long have you been dating?”

“A few years. How about you? You don’t look… married. Pero siguradong may girlfriend.” Nagtanong si Iris pero ito rin ang sumagot kaya napatawa si Tor.

“I am not married AND I don’t have a girlfriend.” Uminom ng tubig si Iris. Mukhang hindi ito naniniwala sa kaniya. “I came back for someone at mukhang hindi pa naman ako huli. May pag-asa pa.” Tumaas ang isang kilay ni Iris. “Are you sure you want to marry him?”

She smiled pero hindi nagkaroon ng pagkakataon na makasagot dahil dumating ang appetizers na inorder nito.

“Calamares?” Tumango si Iris.

“I remembered how much you liked it. Inubusan mo ako.”

Napatawa si Tor at nahawa ang babae sa kaniya. Sabik siya sa pagkain dahil halos patayin siya sa gutom ni Rosanna noon. Kaunting mali, walang hapunan. Kaya nang pansamantala siyang kupkupin ni Iris at alagaan ay noon lang siya uli nakakain ng masarap at nasa oras. They were only twelve pero ramdam niya ang pagmamalasakit nito sa kaniya.

“Sorry about that. Babawi ako. I can cook now at ako naman ang mag-aalaga sa ‘yo,” wala sa loob na sambit ni Tor.

Iris frowned. “Hindi mo naman kailangang bumawi. Masaya akong maayos ka. And besides, ikakasal na ako. May… mag-aalaga na rin sa akin.” She started eating. “Kakain na ako ng isa. Baka ubusan mo ako uli,” biro nito sa kaniya. But her smile never reached her eyes this time.

“You don’t have to marry him if you don’t want to. You know that. Right, Iris?”

Sinalubong nito ang mga mata niya at natigil sa pagnguya. Kung hindi nagkakamali si Tor, may ibang dahilan kung bakit ikakasal ang mga ito.

“The wedding is set. Tuloy ‘yon at walang makakapigil.” May finality ang salita ni Iris.

“Do you love him?” Women tend to be more romantic than men. They marry for love.

“It doesn’t matter how I feel.”

Does that mean she doesn’t really want to marry him? That she doesn’t love him?

“Of course it does. Kung ayaw mong magpakasal, I will help you.” Ginagap ni Tor ang kamay ni Iris. Her gaze landed on their hands that he laced together. Mabilis ‘yong hinila ni Iris.

The food is served at puro paborito ni Tor ang inorder ni Iris. She remembered even if he only stayed with her for two weeks. Masuwerte siya at ang ama ni Iris noon ay nagbakasyon sa Europe kasama ng isang kaibigan.

“Manliligaw ako.” Napaamang si Iris sa narinig.

“Have you gone insane?” pabulong na tanong nito sa kaniya. Halatang gigil at namumula ang magkabilang pisngi.

“Maybe. Ako naman ang unang humalik sa ‘yo noon. I’m your first kiss… and I intend to be the last.”

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Gel C
Love this! More!
goodnovel comment avatar
Jonacris Arellano Tagudin Delacruz
aba Tor paki Ali's Ang Plano pede ligawan nlng ng bukal sa puso.
goodnovel comment avatar
Miche De Paris
omege never say surrender ang peg ni Tor hahhha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status