Share

Chapter 5

Saglit siyang tinitigan ni Iris. "You do know why I am here, right?" Mahina ang boses niya dahil ayaw makakuha ng atens'yon but Tor is pretty sure one of the girls at the shop heard him ask Iris for a date. 

"Late lunch date between two friends is not wrong unless someone put malice on it." Mukhang nag-aalangan si Iris. "It's just lunch. Babalikan kita rito. Mabilis lang ako." 

Iris found herself nodding and Tor is pleased. He went to the city hall after talking to her at kinausap ang ilang tao roon. He was surprised to see Leandro Saavedra there. He's the newly appointed head for Land Tax. 

"Salcedo? Ikaw nga!" tatawa-tawa itong nakipagkamay sa kaniya. 

"Kumusta, Leo?" Tor shook his hand and smiled in return. 

"Ganoon pa rin. Let's go to my office at doon na tayo mag-usap. Kumain ka na ba?"

Mga bata pa sila ay mabait na ito sa kaniya. Hindi nga lang sila palaging makapaglaro dahil kaagad itong umuuwi kapag tapos na ang klase. Ang alam niya ay tinutulungan nito ang ina sa pagtitinda sa palengke noon. Iginiya siya nito papunta sa opisina at itinuro ang visitor's chair bago naupo sa swivel chair.

"Hindi pa. Marami akong pasyente kanina kaya walang oras kumain pero huwag ka ng mag-abala. May lunch date ako pagkatapos dito." 

Sumilay ang isang mapanuksong ngiti kay Leo. Napansin niya ang wedding ring sa palasingsingan nito. "A date. Ang bilis ah. Kilala ko ba?" Hindi kaagad nakasagot si Tor. "Huwag mong sabihin na si Iris? Ikakasal na 'yon sa anak ni Gov." Napangiwi si Leo. 

"Ikakasal pa lang naman. Ibig sabihin, pwede pang maagaw." Tumawa si Tor pero si Leo ay napawi ang ngiti. 

"You're not serious, are you?" Tumingin si Leo sa pinto at parang may kaba. 

"What's wrong?" 

"This town has changed. Hindi na katulad ng dati." Parang may gustong sabihin si Leo pero hindi itinuloy. 

"Nagbibiro lang ako. Huwag kang mag-alala. Isa pa, may... naiwan ako sa Amerika. Iris is just a good friend. Matagal kaming hindi nagkita at isa pa, tinutulungan niya ang mga pasyente ko. Nagpadala siya ng muffins kanina sa clinic at gusto ko lang pasalamatan. Walang iba." 

Mukhang nawala ang kaba ni Leo. "Mabuti naman kung ganoon. Alam mo naman si Teofilo, mga bata pa tayo ay mainit na sa 'yo. Ano pala ang sadya mo rito? Iyong property n'yo ba?" 

"Oo sana e. Hindi kaagad nasabi sa akin ni Uncle kaya nang malaman ko e umuwi kaagad ako. Pwede pa bang maayos?" 

"Saglit, at patitingnan ko. Ang alam ko kasi noong isang buwan ay kasama na 'yon sa list for auction. Excuse me for a second," paalam nito sa kaniya. Tumayo ito at tinungo ang pinto pero hindi lumabas ng silid. "Jansen, 'yong property ng mga Salcedo ay naisama ba sa auction?" 

"I think so. I'll get the list for you."

"Salamat." Nagbalik si Leo sa upuan niya. "Dadalhin ni Jansen dito ang listahan. Ang pagkakatanda niya ay kasama sa auction pero mas mabuti na 'yong sigurado."

"Kahit nasa listahan, kung babayaran ko ngayon ay pwedeng mabura sa listahan. Tama ba?" 

"May proseso tayo para roon. Pero sa tingin ko naman, kung mababayaran ng buo plus penalties ay kaya pang mabawi." Tumikhim si Leo. "Nang huli kong makita ang taxes owing ay napakalaki na. Simula nang mawala ang father mo ay hindi na nabayaran."

Lalong sumidhi ang galit ni Tor sa madrasta. "And my stepmother is aware of this, correct?"

"Yes. Palaging nagpapadala ng sulat ang city para i-remind siya na due ang tax. Palagi siyang nangangako pero kapag natatapos ang taon ay wala pa rin kaming natatanggap na bayad. I have been working here since I graduated from college kaya kahit paano, na-monitor ko 'yong property n'yo. Kung alam ko lang kung saan ka pwedeng tawagan ay ginawa ko para hindi lumaki ng ganito ang babayaran. Sayang rin kasi ang penalty."

Tor didn't want Leo to think he's all that. Wala namang problema sa kaniya ang pera dahil may naipon siya. Ang gusto lang niya ay mapaalis ang madrasta roon at kung wala itong pupuntahan ay wala siyang pakialam. Or maybe... she can work at the stables and clean it. She will work from sun up to sun down, at wala siyang pakialam kung may edad na ito ngayon. Mas matagal na pagdurusa para sa babaeng 'yon ay mas maganda. 

Jansen knocked and Leo motioned for her to come in. Ibinigay ng babae ang isang folder. "Si Jansen nga pala, asawa ko. Jansen, si Salvatore Salcedo. He's an old friend. Kauuwi lang niya galing sa Amerika."

Inilahad nito ang kamay. "It's nice to meet you. Ikaw 'yong doktor na half price ang singil sa mga pasyente?" Tumango si Tor at ngumiti. 

"Ako nga. Word travels fast." 

"Oo nga e. Napansin ko rin 'yon nang lumipat kami ng pamilya ko rito. Second year college ako nang umalis kami ng Maynila. Bodyguard ni Gov ang father ko noon. Retired na siya ngayon at hindi na rin kami umalis dito," kwento ng babae. 

"Ganoon ba?"

Tumango si Jansen. "Oo. Pagkatapos ko ng kolehiyo, pinalad naman na magkatrabaho rito at nakilala ko 'tong si Leo hanggang sa kinasal kami five years ago. May isa na kaming anak. Three years old na siya." Nang may kumatok ay sumungaw ang ulo ng isang babae. Tinawag nito si Jansen. "Excuse muna ha? Babalikan ko lang 'yong trabaho ko. It's nice to meet you, Doc. Hulog ka ng langit sa mga tao rito." 

Isang ngiti ang isinukli ni Tor kay Jansen. Kung alam lang nito na lagim ang dala niya, maging mabait pa kaya ito sa kaniya? Kung dating bodyguard ni Gov ang ama ni Jansen, ibig sabihin ay may alam ito sa mga gawain nito. Tor can use that to his advantage. Ang tanong, kanino ang loyalty ng mga ito? To think she secured a job after graduation meant her family owes the governor.

"Ito 'yong list ng auction. Nasa listahan na ang property n'yo. Jansen also printed a new computation for all taxes owing for the last twenty years. Kulang kulang dalawang milyon ang inabot kasama na ang penalties. It's a big property kaya ganito ang kwenta. What do you want to do?"

Tor took his cheque book from his left pocket at isinulat ang halaga na pambayad sa taxes saka inabot kay Leo. 

"Labis ito." Kumunot ang noo ni Leo.

"That's because I need you to do something for me." Matamang naghintay si Leo ng sunod niyang sasabihin. "Nasa auction na ang property so it's open for any bidder. I need you to issue a letter to my stepmother and say she has twenty-four hours to vacate the property because it has been sold. Kapag nagtanong siya kung sino, tell her you don't have the name." 

"She will find out it's you eventually," katwiran nito.

"Yes, she will. But until then, the bidder who bought the property will remain anonymous. I will send my lawyer tomorrow. Thanks, Leo." 

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Gel C
Love this! More!
goodnovel comment avatar
Jonacris Arellano Tagudin Delacruz
bet ko man Ang pamamaraan ni Tor sa pagbawe ngbpalasyo.aba parang may konteng bakbakan ...
goodnovel comment avatar
manika36
bakit kinilig aq kay Jansen at Leo? hahaha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status