Share

CHAPTER 15: SHIN DUNGEON

HISTORIA’S POINT OF VIEW,

Tumayo ako at hindi ininda ang sakit ng katawan ko dahil sa pagtalsik ko. Agad kong pinalaho ang espada ko at ika-ikang lumakad papalapit sa lalaki. 

“Historia! Ayos ka lang?” tanong ni Persia pagkalapit niya sa akin. 

“Ayos lang.” Napangiwi ako at napahawak sa balikat ko ng bigla itong kumirot.

“Mukhang hindi ka ayos, umalis na tayo rito. Gagamutin ko ang mga sugat mo,” nag-aalala niyang saad.

“No need Persia. Ang pakielamera ay hindi dapat inaasikaso. Hayaan mo siyang mag-suffer sa katangahan niya, mag-enjoy ka sa bago mong kwarto dear. Pasikat!” nakangisi na turan ni Haria sabay irap sa akin. Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi niya.

“Kung wala ka namang magandang sasabihin, manahimik ka na lang. I don't need your opinion, so better shut up your mouth kung ayaw mong palamon ko sa iyo ang espada ko!” gigil kong banta sa kaniya.

Sinamaan niya rin ako ng tingin at padabog na umalis sa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status