Share

CHAPTER 39: CRESTRIA

PERSIA'S POINT OF VIEW,

“Nagkaroon ng away ang dalawang magkapatid na nauwi sa isang matinding duwelo. Walang nagawa ang dalagang si Crestria dahil hindi siya pinayagan ni Moowan na umakyat sa langit upang makita ang pakikipagduwelo nito sa kapatid. Lumikha ang duwelo ng magkapatid ng malalakas na kulog at kidlat sa langit.” 

Bumukas na ang libro ng propesiya, ito na ba ang senyales ng nalalapit na pagbabalik ni Goddess Crestria?

Tahimik lang akong nakatitig sa libro na naglalahad ng nangyari sa Diyos at Diyosa ng Parallel Dimension. 

“Ngunit agad ring natigil ang duwelo ng magkapatid nang dumating ang isa pa nilang kapatid na si Sunria— ang prinsesa at ang diyosa ng kagandahan at kabusilakan. Malambot ang puso ng bunsong kapatid kung kaya’t hindi nila magawang saktan ang damdamin nito. Naging maginhawa ang pakiramdam ng dalagang si Crestria nang mabalitaan na hindi na natuloy pa ang mapaminsalang duwelo ng dalawang

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status