Share

CHAPTER 28: RANKINGS

HISTORIA'S POINT OF VIEW,

Kinabukasan ay bumalik na sa dati ang lahat. May kaniya-kaniya na naman kaming buhay rito sa loob ng Academia.

Heto ako ngayon nasa library, naghahanap ng mga kasagutan sa mga tanong ko. 

Gusto kong alamin ang naging buhay ni Kuya rito sa Academia. Gusto kong malaman at makilala ang mga nakasalamuha niya rito. Baka may alam sila tungkol sa mga nangyari kay Kuya.

Nakaupo ako sa dulong bahagi ng library habang binubuklat ang libro na naglalaman ng mga mukha at pangalan ng mga naging estudyante ng eskwelahan na ito.

Habang nagbubuklat ay hindi nakatatakas sa mga mata ko ang imahe at pangalan ng mga kamag-anak ko. Halos buong pamilya pala namin ay rito na talaga ginugol ang college life nila. 

Napakunot ang noo ko nang mapansin ang pagmumukha ng Kuya ko sa isang pahina. Tinigil ko ang pagbuklat at nanatili na sa pahinang iyon.

Lalong napakunot ang noo ko ng mapansin si Shiloah sa kaniyang tabi. Ang lara

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status