Share

CHAPTER 8: MOONSTONE

HISTORIA’S POINT OF VIEW,

Kinabukasan, maaga akong gumising. Nakararamdam ako ng excitement dahil first day ko ngayon. Nandirito ako ngayon sa harap ng salamin at sinusuklayan ang buhok ko. Hinayaan ko lang ito na nakalugay at inipit ang mga hibla ng buhok ko sa tenga ko. Nagpulbo lang ako ng mukha at lip gloss sa labi.

Suot-suot ko ang kwintas na binigay ni lola sa aking leeg habang ang kwintas na puso ni Gab ay ginawa kong bracelet. Suot ko na rin ang uniform ko na hanggang tuhod ang palda. Sakto lang ang haba at hindi mainit sa katawan ang tela.

Pagkatapos kong ayusin ang sarili ko ay sinuot ko na ang bag ko. Nagawi pa ang tingin ko sa espada, tila tinatawag ako nito pero winaksi ko ang iniisip ko at tuluyan ng nilisan ang dorm. Nagtataka ako kung paano ko nahanap ang espada na para sa akin, wala talaga akong maalala nang araw na iyon.

Naglalakad ako sa pasilyo ng Building A. Galing ako sa office ng Head Mistress, kinuha ko ang stub na may nakasulat na 'Section C-1, Bb. Laura Ordones'. Sa third floor pa ang room ko, nasa first floor pa lang ako.

Umakyat na ako sa hagdanan, ako pa lang ang tao rito dahil maaga pa. 

Habang naglalakad ay nakararamdam ako ng kakaiba sa hagdan, sa tingin ko ay kanina pa ako umaakyat pero hindi ko man lang nararating ang third floor. Pangatlong beses ko nang nakikita ang warning sign na 'Don't Use Magic'. Kalmado lang ako ngunit nag-pa-panic na ang loob ko.

Napahaplos ako sa kamay ko na may bracelet pero bigla na lang itong nagliwanag. Gumaan ang pakiramdam ko at tila bumalik na sa ayos ang hagdan. 

'What happened?' naguguluhan kong tanong sa sarili ko. 

Muli kong hinaplos ang kamay ko. 'Gab, thank you!'

Tinuloy ko ang pag-akyat sa third floor at sa wakas, nakarating din ako.

"Pinaglaruan ka n'ya." Halos atakihin ako sa puso dahil sa biglaang pagsasalita ng kung sino. Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses na iyon. Isang babae na nakasandal sa pader. Ngumunguya ito at nagpapalobo ng bubble gum. Kinunutan ko ito ng noo.

"A-Anong ibig mong sabihin?" naguguluhan kong tanong.

"Mind illusion. He can manipulate your mind, dear." Umayos ito ng tayo at nameywang sa harapan ko.

"He? What do you mean by 'he'?" Hindi ko maintindihan, sino ang taong sinasabi n'ya?

"How imbecile," nakangisi nitong sagot.

'WTH?! Iniinsulto n'ya ba ako?' 

"Oh my bad! Newbie? I'm so sorry for being rude. By the way, I'm Haria Stewart." Nahihimigan ko ang ka-plastic-an sa boses n'ya at kitang kita ko ang pagiging peke ng ngiti n'ya.

"Anong nangyayari dito?" malalim na tinig ng isang lalaki na patungo sa kinaroroonan namin.

"Hi Shiloah! Binati ko lang s'ya, 'di ba?" Peke itong tumawa sabay pabirong hinampas ang balikat ko.

'Plastic!' sigaw ng isip ko.

"A-Ahh oo," sagot ko at sinabayan din ng pekeng tawa.

"Alis na ako... What's your name again? Ugh! Nevermind. Ciao!" Kumaripas na ito ng alis sa harapan namin.

'What's wrong with her? May saltik ba sa utak 'yon?'

"Hey! Don't mind her. I think binu-bully ka n'ya 'no? Bawal 'yon dito, labag sa rules ng paaralan. Sadyang matigas lang ang ulo ng isang 'yon. Nakatatawa lang na takot s'yang maparusahan pero ginagawa n'ya pa rin ang pinagbabawal," saad ng lalaki. He looks familiar. Nakatitig lang ako rito, at saka ang daldal n'ya. 

'Hindi ko naman tinatanong,' pagtataray ko sa isipan ko.

Binaling nito ang tingin sa akin at napakamot ng ulo. 

"Sorry, ang daldal ko pala. Ikaw si Historia, 'di ba? Howard's girl?" paninigurado nito.

"Yes, I'm Historia but let me crash your imagination. I'm not his girl nor one of his 'flings'. So, yeah! Sorry," kalmado kong sagot kahit gustong gusto ko na s'yang durugin dahil sa tanong n'ya. 

Well, kaya pala familiar s'ya kasi s'ya 'yong lalaking sumundo kay Howard sa clinic.

"Sorry, nagkamali ako. Sa 'yo ko lang s'ya nakita sa ganoong senaryo. Hindi s'ya showy at caring na tao, nabigla lang ako," paliwanag n'ya habang kinakamot ang ulo niya.

'I don't care.' Gustuhin ko mang isatinig 'yan ay hindi ko ginawa. Ayaw kong magmaldita sa kan'ya o kahit kanino man dito sa Schwert. Hindi ko alam ang takbo ng utak ng mga tao rito.

"Okay lang," nakangiti kong sagot.

"Mauna na ako, good luck sa unang araw mo rito. Hope to see you again," kumindat pa ito bago umalis sa harapan ko.

'Argh! Dukutin ko mata mong impakto ka!' sigaw ko sa isipan ko.

Kinalma ko ang sarili ko at dumiretso na sa magiging room ko.

Sa pagkakaalam ko ay mga kapwa ko baguhan ang mga makakasama ko sa Section C-1 or Moonstone section.

Pagkapasok ko pa lang ay sumalubong na sa akin ang ingay ng mga magiging kaklase ko. Nagdadaldalan sila na para bang matagal nang magkakilala.

Hindi nila ako pinansin at patuloy lang sa pagkukwentuhan at may mga sari-sariling mundo. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at humanap ng bangko na bakante. Nakahanap naman ako pero nasa dulo pa sa tabi ng bintana, may dalawa pang bakante.

Wala na akong nagawa kun'di dumiretso na lang doon at umupo.

Dahil first day ko pa lang, hindi ko naiwasan na hindi pumunta sa harapan at ipakilala ang sarili ko. Gaya lamang sa ordinaryong paaralan.

Kakaiba ang mga subject dito na taliwas sa expectation ko. May Alchemy, Astronomy, Mythology and many more. But still, may mga ordinary subjects pa rin sila. Ang dahilan nila ay gusto nilang maging pantay ang kaalaman namin sa dalawang mundo. May mga estudyante kasi na rito na pininganak at lumaki. Hindi man lang nila naranasan ang mabuhay sa mundong kinagisnan ko. Ganoon din kaming mga estudyante na galing sa kabilang mundo. Nagiging patas lang sila, which is good and brilliant idea. 

So far, wala pang lumalapit sa akin para makipagkaibigan. I don't know their reasons, pero siguro naiilang pa sila or wala talagang balak, pero sa tingin ko naman ay mababait at friendly sila. Ayaw kong maunang lumapit, gusto ko ako ang lalapitan. Well, mataas pride ko. Kung may lalapit at makipagkaibigan, then good. Kung wala naman, then I don't care. Basic.

Buong hapon ay nanatili lang ako sa loob ng classroom namin. Buti na lang nagdala ng lunch si Howard kaya rito na lang ako kumain, kasabay ko s'ya. Hindi na ako magtataka kung bakit alam n'ya ang section ko, officer s'ya kaya hindi na ako dapat magtaka. At saka gutom na ako kaya tinanggap ko na 'yong dala n'ya.

'Stomach first before arte.'

Noong uwian naman ay hinatid n'ya ako sa dorm, I mean magkatabi naman ang building ng mga dorms namin kaya nagsabay na kami. Nakapagtataka lang na hindi n'ya pa naman ako lubos na kakilala ay ginagawa na n'ya 'yong mga bagay na ginawa n'ya kanina para sa akin. I just can't understand him.

Nakahiga na ako ngayon sa kama ko at naghihintay na lamunin ng antok.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status