Share

CHAPTER 9: HALLUCINATING

Author: Plumarie02
last update Last Updated: 2021-07-30 15:29:39

HISTORIA’S POINT OF VIEW,

Maaga akong umalis ng dorm at pumasok. Nagpasalamat ako na hindi ko nakasalubong ‘yong weird na babae kahapon, pero kasabay ko naman si Howard sa paglalakad dahil sabay kaming lumabas ng dorm. Kapag inaalat ka nga naman.

Hinatid n’ya pa ako sa classroom ko, buti na lang kami lang estudyante. Ayaw kong ma-issue sa kan’ya.

Mag-isa pa lang ako rito sa classroom, nakasalong-baba at nakatunganga sa labas ng bintana. Nanliit ang mga mata ko nang may mahagip na bulto ng isang tao sa tapat na puno. Bukas ang bintana kaya malinaw na tao ang nakikita ko. Hindi na ako nagulat nang lumingon ito sa akin. Dama ko agad ang aura n’ya, gano’n din s’ya sa ‘kin.

Ngumisi ito sa akin at sa sobrang bilis ng pangyayari ay nakaramdam na lang ako ng malakas na hangin. Dumaan ito nang mabilis sa gilid ng kanang pisnge ko at nakaramdam ng hapdi roon.

Tumalon ito galing sa puno patungo sa harapan ko. May apakan kasi sa labas ng bintana, para sa naglilinis ng bintana.

Seryoso ko itong tinitigan sa kaniyang mga mata. S’ya nga— s’ya ‘yong lalaki na nakasabay kong lumabas ng dormitory no’ng papunta kami ni Howard sa bayan.

“What do you want?” walang emosyon kong tanong.

Hinaplos nito ang pisnge ko na para bang may pinunasan, tinapat n’ya sa labi n’ya ang hinlalaki n’ya at saka tinikman.

“What a sweet blood, my maiden.” Ngumisi ito bago kinabig ang batok ko kasabay ng pagsakop sa labi ko.  

Tila nagising ako sa malalim na panaginip at bumalik sa ayos ang lahat. Natagpuan ko ang sarili ko na nakaupo pa rin sa upuan ko. 

‘Am I... hallucinating?’ naguguluhan kong tanong sa sarili ko. Tumayo ako at lumapit sa bintana. Dumungaw pa ako at nilibot ang tingin sa buong puno at sa baba pero ni anino nang lalaki na iyon ay wala. Hinaplos ko pa ang pisnge ko para kompirmahin kung may sugat nga ako pero wala namang galos o daplis sa balat ko.

“Ano ‘yon?” mahina kong tanong.

“Anong ‘ano ‘yon’?” Napalingon ako sa taong nagsalita sa likuran ko.

“I-I’m sorry, hindi ko sinasadyang pakielaman ang ginagawa mo. Kaso nagsasalita ka kasing mag-isa?” medyo nahihiya n’yang depensa nang makita ang seryoso kong mukha.

Tumikhim muna ako bago sumagot, “wala ‘yon, may napansin lang ako sa puno.” Bahagya pa n’yang nilibot ang tingin sa puno at saka binaling sa akin ang tingin at nginitian ako.

“Oh, okay. Ako nga pala si Persia, Persia Solace. Anong pangalan mo?” magiliw n’yang tanong.

“Historia Snape,” maikli kong sagot. 

“Nakahihiya man pero kakapalan ko na ‘yong mukha ko, pwede ba kitang maging kaibigan?” nahihiya n’yang saad habang nilalaro ang darili n’ya.

Sinuri ko ang kabuuan n’ya, mukha naman s’yang mahinhin tignan. Kapansin-pansin ang maputi n’yang kulay, itim at straight na buhok, green n’yang mata at mapulang labi. Napansin ko rin ang patch na nasa kwelyo n’ya. Isa iyong sumbrero na sa tingin ko ay ginagamit ng mga witch at wizard. Magkaiba kami ng patch dahil dalawang espada na naka-cross ang sa akin.

“Oo naman,” sagot ko at ginawaran s’ya ng maliit na ngiti.

“Great! Friends na tayo ha?” masigla n’yang turan na bahagya kong kinagulat. I didn't see that coming.

Tumango ako bilang pagsang-ayon. Natigil ang pag-uusap namin nang sunod-sunod pumasok ng classroom ang mga kaklase namin kasunod ang training teacher namin na si Sir Perci. Dumiretso na si Persia sa upuan n’ya habang ako ay bumalik na sa upuan ko.

“Take your sit and be quiet. Since mga bago kayo, ipaliliwanag ko kung bakit mahalaga at kung para saan ang Training subject.” Tahimik lamang ang mga kaklase ko at naka-focus lang sa sinasabi ni sir.

“Our school focus on sorcery and swords. Gaya nang sinabi ko, mga baguhan kayo. Kailangan n’yong matutong gumamit ng mahika at espada. Raise your hand if you already have your swords,” saad n’ya at nilibot ang tingin sa buong klase. May ilan na nagtaasan, kasama na ako ro’n. May ilan naman na hindi nagtaas ng kamay.

Tumango si sir bago nagsalita, “I see, since karamihan sa inyo ay hindi nagtaas kamay ay uunahin natin ang paghahanap ng espadang nakatalaga para sa kakayahan n’yo. Sa training ko mismo ipaliliwanag ang mga dapat n’yong malaman.” 

Sandaling nilingon ni sir ang kaniyang relo at nagsalita muli, “hindi ako ang araw-araw n’yong kasama sa training dahil busy pa kami sa faculty kaya sophomore ang hahawak sa inyo. Nasa kanila ang listahan ng mga pangalan n’yo. Twenty four students kayo rito kaya hinati kayo sa tatlong grupo na may walong miyembro.” Natigil sa pagsasalita si Sir Perci nang may kumatok sa pinto. 

“Nandirito na ang mga sophomore,” saad ni sir at dumiretso na sa pintuan at binuksan ito.

“Goodmorning sir, sorry we're late,” seryosong sagot ng isang lalaki na familiar sa akin, may kasama s’yang tatlong babae at dalawang lalaki. Tumango si sir at pinapasok na sila. Dumako ang tingin n’ya sa ‘kin at nagtama ang mga mata namin ngunit sandali lang. Ang mga mata n’ya ay nagpapahiwatig na wala s’yang paki sa mga tao sa paligid n’ya.

Nabaling ang pansin ko kay sir nang magsalita itong muli.

“I forgot, may kasama silang freshmen. We are not biased, don't say na malaki ang contribute nila na rito sa eskwelahan or malakas ang mga magulang nila sa eskwelahan na ‘to. No, simula nang sumampa sila ng toddler ay nag-aaral na sila kung paano gumamit ng mahika at espada. Some of their families are known as the swordmasters and great sorcerers. We need them to teach all of you their skills. Moving on, as you can see, anim sila at lahat sila ay magagaling sa mahika at espada. Since tatlong grupo lang kayo, dalawa ang trainer n’yo bawat grupo. Magpakilala muna kayo bago n’yo banggitin ang mga pangalan ng hahawkan n’yong estudyante.” Hinayaan ni sir na magpakilala muna ang anim na estudyante na nasa sa aming harapan.

“Xylem Shun, freshman.” Pagpapakilala ng babaeng may mahabang buhok at magaan ang kaniyang aura. She's cute, yeah. So, isa s’ya sa freshmen na binanggit ni sir.

“Derrick Peterson, sophomore.” Ito naman ay may salamin at seryoso ang mukha pero hindi ko ikakaila na may nakatagong kagwapuhan sa likuran ng kaniyang salamin.

“Euridice Keith, sophomore.” Nakangisi ito na animo’y nagpapahiwatig na hindi s’ya basta-basta lang. Kulot ang buhok n’ya na masyadong agaw pansin dahil sa paraan ng pagkakapuyod n’ya.

“Celestine Yamiro, sophomore.” Maarte itong magsalita at halatang fashionista dahil sa paraan ng pananamit n’ya. Nakalingkis rin ito kay Levi na parang isang ahas.

‘Sinabi ko bang ahas?’ tanong ko sa sarili ko. ‘Ano bang paki ko? Ghad!’

“Korne Marley, freshman.” Kumindat pa ito pagkatapos magpakilala. Sa tingin ko ay mahilig ito sa babae, kung susuriin s’ya ay mukha s’yang mapreskong lalaki.

“Levi Cruise,” maikli nitong pakilala. Napakaseryoso n’ya at lagusan ang tingin. Hindi n’ya ako nilingon or tinapunan man lang ng tingin. Napabuntong hininga ako, siguro ay nagha-hallucinate lang ako kanina. Hindi ko lang maintindihan kung bakit si Levi ang nakikita ko at anong ibig sabihin no’n? Winaksi ko ang iniisip ko at nagfocus na lang sa harapan.

“Okay students, lahat ng babanggitin nilang pangalan ay under sa kanila. Mag-re-report sila sa akin sa mga nangyayari sa training n’yo. Minus points sa mga makikitaan ng paglabag.” Tumango si Sir Perci sa kanila na nagpapahiwatig na pwede na silang magtawag ng pangalan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 63: REVEALATION

    HISTORIA'S POINT OF VIEW, "What's wrong with you?" tanong niya sa akin habng sinusundan ako. "No, what's wrong with all of you?" tanong ko pabalik sa kaniya at saka siya hinarap. Kitang kita ko ang pagsusumamo sa mga mata niya pero wala na akong ibang nararamdaman kung hindi galit at sobra na akong naguguluhan sa mga nangyayari."You should listen to me, you need to listen to me. Not everyone here is your friend, you need to teach yourself not to trust someone. Lalong lao na yung transferee na yon!" frustrated niyang sagot sa akin. Napasinghap ako at sarcastic na tumawa. "Wow! Just wow! Coming from you! Coming from someone like you!" sagot ko at sinabayan pa ng pagpalakpak na tila ba natutuwa ako sa sinabi niya. Nagulat siya sa naging sagot ko at halata ang pagkalito sa hitsura niya."Historia I'm sorry I-""Stop! Shut up Levi! Hindi ko kailangan ng sorry mo or kahit na sino sa inyo. Ang gusto ko ay malaman ang nangyari sa kuya ko sa eskwelahan na ito. Anong mayroon sa inyong tatl

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 62: TRANSFEREE

    HISTORIA’S POINT OF VIEW, Habang naglalakad kami patungo sa Cafeteria ay napapansin ko ang tingin ng mga kapwa namin estudyante sa kasama kong lalaki. Minsan pa ay nagbubulungan sila pero dinig na rinig ko naman ang mga sinasabi nila. “Bakit kasama ni Historia ang transferee na iyan? Baka may masamang binabalak iyan sa eskwelahan natin,” dinig kong bulong nang naraanan naming babae kasama ang kaibigan niya. Napaisip naman ako dahil sa narinig, kaya pala hindi familiar ang mukha niya dahil transferee lang siya. Kung ganoon, saang eskwelahan siya galing? Kaya ba pinag-uusapan siya ng mga kapwa naming estudyante? Napalingon ako sa kaniya at bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakatingin din siya sa akin. Napaiwas ako ng tingin at bahagyang namula, kanina pa siya ganiyan kung makatingin sa akin. Napamaang ako nang tumabi siya sa akin, kaya sabay na ang lakad naming dalawa. “Nagdududa ka rin ba sa akin?” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tanong niya. “Hindi naman, pero nga

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 61: DISCOVER

    HISTORIA’S POINT OF VIEW, Pagkatapos ng nangyari sa aming dalawa ni Levi kanina hindi na kami nakapag-usap pa nang maayos dahil tunog ang bell hudyat na simula na ang klase. Dumiretso ako sa classroom ko at gaya ng inaasahan ay mailap ang mga kaklase ko sa akin. Minsan ay nahuhuli ko ang mga tingin sa akin ni Persia pero pinagsawalang bahala ko lang iyon. Hindi pa ako handa na kausapin siya o pakinggan ang paliwanag nila. Pagkatapos ng klase namin nang umaga ay agad akong bumalik sa office ng Head Mistress, kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong malaman ang lahat dahil ayaw ko nang maging tanga. Ayaw ko na pinagmumukha akong tanga. Pagkarating ko sa harap ng pintuan ng office ng Head Mistress ay agad akong kumatok, pero nakakailang katok na ako ay wala pa ring sumasagot. Pinihit ko ang doorknob at nagtaka ako nang bumukas ito palatandaan na hindi naka-lock sa loob. Nagkibit-balikat lang ako at pumasok na sa loob kahit na alam kong wala a

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 60: MOMENT

    HISTORIA’S POINT OF VIEW, Napalingon ako sa likuran ko at kitang kita ko si Levi na hingal na hingal habang nakahawak sa mga tuhod niya. Tagaktak ang pawis niya at halatang galing siya sa pagtakbo. Pinunasan ko ang luha ko at nagtatakang nakatingin sa kaniya. Anong ginagawa niya rito? “Levi? Ano namang problema mo, Ijo?” tanong sa kaniya ni Head Mistress na animo’y may pinahihiwatig. “Please accept my apologies for disturbing your conversation, but can I take Historia with me?” seryosong tanong ni Levi na naging dahilan ng paglaki ng mga mata ko. Really?! Ang kapal naman ng pagmumukha niya para hingiin ako, I mean isama ako. Napalingon ako kay Head Mistress at napansin kong tila nakahinga siya ng maluwag pero mabilis din iyong napalitan ng takot nang may marinig kami na kung anong bagay ang nahulog mula sa kwarto na nasa loob lang ng office ng Head Mistress. “Of course, you can. Sa tingin ko ay may mga daga na rito sa office ko, mukhang kailangan ko nang ipalinis ang buong offic

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 59: SHE'S DEAD

    LEVI’S POINT OF VIEW,Napatigil ako at napatitig sa mukha niya, tila bumagal ang buong paligid. Nakatitig lang ako sa kaniya habang nililipad ng hangin ang mahaba niyang buhok na paminsan-minsan pa ay humaharang ang ilang hibla ng buhok niya sa kaniyang mukha.She's gorgeous as fuck!Tumingin siya sa akin at nanlaki ang mga mata ko nang lumipad siya patungo sa direksyon ko. Naging alerto ako at hinanda ang espada ko pero nang aamba ko na ang espada ko ay bigla siyang naglaho sa harapan ko. Napangisi ako, kahit na hindi ko siya nakikita ay nararamdaman ko kung na saan siya.Nagpalinga-linga ako sa paligid, nagkukunwari na hinahanap siya ng mga mata ko. Nang maramdaman ko na ang presensya niya na papalapit sa akin ay mabilis akong lumipad.“I’m summoning the God of Seasons— Mapulon, lend me your strength! Leaves proper sphere, release!” sigaw ko at nag

  • SCHWERT ACADEMIA Crestria Series 1 (Tagalog)   CHAPTER 58: REVEALED

    HISTORIA’S POINT OF VIEW,Napatitig ako sa mga mata niya. Ito ba ang gusto mo, Levi? Ang nakikita akong nasasaktan? Puwes ipakikita ko sa iyo kung paano ako masaktan!“Ahh!” sigaw ko at mabilis na siyang tinulak palayo sa akin at saka humarap sa Fear Black na umatake sa akin sa likuran ko.Sunod-sunod ang pagwasiwas ko sa espada ko habang sunod-sunod silang nahahati dahil sa pagtama ng espada ko sa tagiliran nila. Galit na galit ako, gusto kong ilabas ang lahat ng galit ko.Nawalan ako ng balanse dahil sa biglaang pagtalsik ko nang tamaan ako ng black magic sa balikat.“Historia!” rinig kong sigaw ni Trigger. Lumapit silang dalawa ni Warren sa akin at tinulungan akong tumayo. Hingal na hingal ako habang nakayuko at pilit na pinapatatag ang mga binti ko.Nagpupuyos ako sa galit, hindi ko na makontrol pa ang sarili ko.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status