Beranda / Romance / SEAL OF LOVE / SEAL OF LOVE CHAPTER 16

Share

SEAL OF LOVE CHAPTER 16

Penulis: MIKS DELOSO
last update Terakhir Diperbarui: 2025-08-30 21:55:30

Paglapit ni Clarisse, HR officer, kay Veronica ay agad siyang ngumiti, ngunit halatang sinusuri rin siya mula ulo hanggang paa. Ang ngiting iyon ay may bahid ng pormalidad, hindi purong pagkamagalang.

“Miss Veronica? Ako si Clarisse. Welcome to Hearts of Life. Halika, i-tour muna kita sa office bago ka formally ma-endorse sa department head,” magiliw na saad nito, sabay kindat sa receptionist na parang may ibig sabihin.

Napansin ni Veronica ang lihim na palitan ng tingin. May kutob siya mabilis, matalim na hindi lahat ng tao rito ay tatanggapin siya nang bukas-palad.

Habang naglalakad sila sa hallway, nasilayan niya ang kalakihan ng gusali: makintab na marmol, puting-puti ang dingding, at nakasisilaw ang ilaw mula sa kisame. Ang bawat hakbang ng sapatos niya ay tila umaalingawngaw, nagpaparamdam ng bigat na parang hindi siya ganap na kabilang sa mundong iyon.

Sa gilid, may ilang empleyadong lumilingon, bumubulong.

“Baguhan daw ‘yan.”

“Parang probinsyana ang dating, pero tingnan natin
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • SEAL OF LOVE   SEAL OF LOVE CHAPTER 34

    Tahimik lang si Veronica, nagkunwaring abala sa laptop. Mabilis ang pagpindot ng kanyang mga daliri sa keyboard, ngunit ang dibdib niya ay kumakabog. Pinipilit niyang maging invisible, pero hindi iyon madali. Ang paligid ay tila isang entablado, at siya ang hindi sinasadyang ekstra na nasa gitna ng ilaw.Hindi na siya nakatiis. Tumayo siya mula sa desk at dahan-dahang naglakad patungo sa pantry. Kailangan niya ng kape, kailangan niya ng kahit anong distraction para humupa ang kirot sa dibdib.Sa gilid ng dispenser, dahan-dahan niyang nilalagyan ng kape ang baso nang biglang bumukas ang pinto. At doon, pumasok si Honey Dee. Maganda, naka-puting bestida na halatang mamahalin. Agad kumalat ang matapang na pabango nito, sadyang nagpaparamdam ng presensya.Nagtagpo ang kanilang mga mata. Nanahimik si Veronica, ngunit ngumisi si Honey, isang ngiting may halong pangungutya.Bago pa makalayo si Veronica, may biglang bumulong mula sa likuran.“Uy Veronica, grabe, nakita mo ba sila kanina? Ang

  • SEAL OF LOVE   SEAL OF LOVE CHAPTER 33

    "Nagtsismisan na naman kayo, hindi kayo pumunta dito makipagtsismisan, sinuswelduhan kayo ng kompanya, magsibalik na kayo, yung deadline tapusin niyo, need ko yan mamaya!" galit na sabi ni Mr. Santiago, ang kanilang supervisor.Si Liza ay mabilis na tumugon, "Yes, yes sir!" habang si Veronica ay nanatiling tahimik, ang mga mata ay nakatutok sa laptop, abala sa paggawa ng website para sa proposal na nakatoka sa kanya. Ang kanyang mga daliri ay mabilis na gumagalaw sa keyboard, ngunit ang isipan niya ay nagsisilbing ilaw na hindi kayang patayin."Hay, buti naman natigil na ang pag-uusap nila," napasabi na lamang ni Veronica sa sarili habang iniwasan ang mga tingin ng mga katrabaho. Ang takot ng kanilang mga mata, ang mga usapang hindi maiwasang makarating sa kanya, ay tila naging isang mabigat na presyon sa kanyang dibdib. Ngunit kahit na nakatago ang kanyang nararamdaman, hindi na ito kayang itago sa sarili. Patuloy na gumugol ng oras sa laptop, ang isang bahagi ng isipan niya ay nagla

  • SEAL OF LOVE   SEAL OF LOVE CHAPTER 32

    "Si Sir Jarred at Ma'am Honey Dee, grabe! Perfect na power couple!" Isa sa mga katrabaho ni Veronica, si Liza, ang nagpasimuno ng usapan. "Oo nga! Walang makakapantay sa love story nila." "Kasi, grabe, ang daming dumaan na pagsubok sa kanila, pero ang lakas pa rin ng love nila." Tahimik lang si Veronica, ang mata nakatutok sa laptop, ngunit ramdam niya ang bawat salitang umaabot sa kanya, kahit na hindi siya ang pinagsasabihan. Ang mga boses ng mga katrabaho ay parang mga ulap na bumabalot sa kanyang isipan, ang bawat tanong nila tumatagos sa kanya, kahit hindi siya sinasadyang makialam. "Kailan kaya sila mag-aanounce? Kailangan na nila, di ba?""Siguro malapit na, eh. Perfect timing para sa engagement nila." "Grabe, kung ako lang, maghihintay pa ba ako? Kung si Jarred, ‘di ba? Minsan lang yung ganung lalaki." Si Veronica ay nanatiling tahimik, pilit na tinatago ang nararamdaman. Wala siyang magawa kundi magpanggap na hindi apektado. Pero bakit may nararamdaman siyang sakit, ang sakit

  • SEAL OF LOVE   SEAL OF LOVE CHAPTER 31

    Sa elevator, nang magsimula itong bumaba, mas lalo nilang naramdaman ang pag-igting ng tensyon sa kanilang pagitan. Nakasabay nila ang ibang staff, at ang elevator ay punong-puno. Si Jarred ay halos nahirapan nang magsiksikan."Mauna na kayo," sabi ni Jarred, ang tinig niya matigas at walang bakas ng emosyon nang makita niyang nagsisiksikan ang mga tao sa elevator. "Good morning, sir," bati ng mga empleyado, at nang hindi alintana ang mga mata ng iba, nakisabay si Veronica sa pagbati, kahit na ang bawat salitang lumabas mula sa kanyang bibig ay may kasamang hindi kayang aminin na kaba. Sekreto ang kanilang relasyon, at bawat sulyap ni Jarred sa kanya ay tila isang lihim na isinusumpa, ngunit ang bawat saglit na magkasama sila ay tila isang patagilid na alon, dumadaan ngunit malupit.Bago pa man siya makapasok, dumating si Honey Dee, ang senior manager ng Marketing, at agad na nag-abrisyete ng coat na may kasamang mabilis na pag-aayos ng buhok. Naitagilid niya ang kanyang mukha habang

  • SEAL OF LOVE   SEAL OF LOVE CHAPTER 30

    Napangiti si Veronica sa pabirong tono ni Jarred, ngunit sa kabila ng biro, hindi niya maiwasang maramdaman ang pagkakaroon ng isang pader na unti-unting itinatayo sa pagitan nila. Alam niyang may mga hindi pa nasasabi, mga tanong na nakatago sa ilalim ng kanilang mga salita. Sa loob niya, unti-unti niyang nararamdaman na hindi na sila tulad ng dati na ang lahat ng ito ay hindi sapat. Ngunit para sa ngayon, mas pinili niyang magpatawa na lamang at magpanggap na walang problema."Okay, boss," sagot niya, sabay tawa na medyo pilit. "Salamat sa card na 'yan. Gagamitin ko 'to ng maayos, huwag kang mag-alala." Mahinang tawa na parang nais niyang magaanin ang sitwasyon, ngunit sa ilalim ng bawat salitang binanggit, may ilang bigat na nararamdaman. Tila ba ang bawat pangako at biro ni Jarred ay may kasamang hindi sinabi isang bagay na wala siya sa posisyon para itanong.Si Jarred ay tumango ng bahagya, na para bang walang pakialam, ngunit may mga tanong din sa kanyang isipan. Binaling niya a

  • SEAL OF LOVE   SEAL OF LOVE CHAPTER 29

    Nanlaki ang mga mata ni Jarred, parang natamaan ng diretsong bala ang kanyang dibdib. Hindi niya alam kung paano sasagutin at, para sa unang pagkakataon, ramdam niya ang takot. Takot na baka isang araw, tuluyan siyang iwan ng babaeng hindi naman niya dapat minahal, pero unti-unti nang nagiging sentro ng kanyang mundo. “Veronica,” marahan niyang sabi, halos pakiusap. “Hindi na mauulit. Hindi na. I swear.”"Salamat, Jarred. Gagawin ko din ang part ko sa harap ni Lola Venus. Magpapanggap ako na okay ang samahan natin.""Oo, Veronica. Sige, bumaba ka na. Maliligo na ako. Sabay tayo papasok sa work as usual, walang pakialaman," saad ni Jarred, at dumiretso siya sa CR at naligo. Samantala, si Veronica ay bumaba at agad binati ng katulong.“Good morning, ma’am Veronica,” bati nito. Pinaupo siya sa dining hall at maya-maya ay dumating si Madam Venus."Apo, ready ka na ba sa pagpasok sa work? Nababalitaan ko na iisa lang ang kompanya na pinagtrabahuhan mo at kompanya ni Jarred?" tanong ni Venu

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status