登入“ANONG oras ka umuwi kagabi?” bungad kay Autumn ng kaniyang amain na si Luis, pagpasok niya sa dining nila. Kagaya ng nakagawian nagbabasa ito ng dyaryo, kahit hindi naman na iyon uso sa panahong iyon habang nagkakape.
“Alas-dose na ho,” nakayukong tugon niya saka umupo.
“Alas-dose? Uwi pa ba iyon ng matinong babae?” anito.
Napalingon siya sa ina na nakayuko sa pagkain nito. Napakunot ang noo niya nang makitang namumula ang pisngi nito. Mahigpit na napakuyom ang kaniyang kamao habang hawak ang kutsara. Masama ang tinging sinulyapan niya ang amain na patuloy pa rin sa pagbabasa nito.
Sunod-sunod siyang huminga nang malalim. Her stepfather was hitting her mother from time to time. Habit na nito iyon. Habit na labis niyang ikinagagalit hindi lang dito pati na rin sa ina, dahil madalas din siyang nakatitikim ng lupit nito. Hindi niya maintindihan ang ina kung bakit kahit anong pilit niyang kumbinsi rito na iwanan ang asawa ay hindi nito magawa. Her stepfather was so obsessed with her mother. Kaya kahit na ano raw takas nila rito ay hindi nila magagawa, dahil mahahanap at mahahanap daw sila nito.
He’s a police officer. Subalit, iba ang ugali nito sa labas at sa loob ng pamamahay na iyon, na kung ituring niya ay kulungan. Kung puwede nga lang ipakulong ito ginawa na niya. But her mother always stopped her from doing so. Hindi niya alam kung ano ang ginawa rito ng kaniyang amain para matakot ito nang ganoon sa asawa. Because her mother really changed into a dutiful wife. Daig pa nito ang alipin ng amain, kaya wala siyang magawa. Hindi niya kayang iwanan ang ina, dahil baka kung anong gawin dito ng amain.
Tahimik na sumandok siya ng pagkain. Her father died when she was young from a lung cancer. Batang-bata pa noon ang kaniyang ina at maganda. Isa itong English professor noon at minsang nakilala ang amain nang ma-hold-up ito. Doon nagsimulang manligaw ang amain niya, hanggang sa sagutin ito ng kaniyang ina at magpakasal ang dalawa.
Mabait ang pakita nang amain niya noong umpisa. Ngunit, pagtuntong niya sa high school at sinabi niya ritong may nanliligaw sa kaniya ay hindi nito iyon nagustuhan. Iyon ang unang beses na nakatikim siya ng sampal dito. Doon niya nakilala ang tunay na ugali nito. Pati ang ina niya ay nagulat din. Kaya mula noon hindi na siya nakapagdamit ng gusto niya. Masyadong konserbatibo ang amain sa kanila ng ina, bugbog pareho ang aabutin nila kapag nanamit sila nang naaayon sa uso.
“Napadadalas ang pag-uwi mo ng madaling araw. Hindi ba nagpapahinga ang boss mo?” Nang-aarok ang mga mata nito nang tingnan siya.
Ibinaba niya ang kutsarang may lamang kanin. “Hindi ho uso ang pahinga sa kaniya. Wala naman hong problema dahil bayad naman ho bawat oras ko,” hindi napigilang sagot niya.
“Autumn . . .” mahinang saway sa kaniya ng ina nang tumunghay ito.
Walang emosyong nilingon niya ito. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang takot, pero hindi niya iyon pinansin. Normal na iyon para sa kaniya. “Ayokong mawalan ng trabaho, Mommy. Alam mo iyan,” may diing wika niya rito.
Napatungo itong muli at hindi na nagsalita pa.
Bukod sa trabaho na lang siya nakahihinga, nag-iipon din siya. Nag-iipon siya para makaalis na sila roon at makapunta sa malayong-malayong lugar na hindi masusundan ng malupit niyang amain.
“Siguraduhin mo lang na trabaho talaga ang inaatupag mo at hindi kung ano-ano. Kapag nalaman-laman kong buntis ka, hindi ka na makalalabas pa ng bahay na ito,” banta nito sa kaniya.
Sinalubong niya ang mga mata nito. “Hindi mangyayari ang sinasabi ninyo. Hinding-hindi.” Subalit sa loob-loob niya, binigyan lang siya nito ng ideya kung paano makawawala sa kulungang kinaroroonan. Pero kung gagawin niya iyon, dapat lang na siguraduhin niyang ang taong kakapitan ay hindi kayang salagin ng kaniyang amain. Iyong tipong nasa dulo lang ito ng kalingkingan ng taong iyon.
Isang imahe ang nag-flash sa kaniyang isipan na mabilis din niyang itinaboy. Imposible ang naiisip niyang iyon. Malayong mangyari sa hinaharap.
PAGLABAS ni Autumn ng gate ay natigil siya sa paghakbang. Inayos pa niya ang salamin kung tama ba ang nakikita niya. Right in front of her was her boss. It’s Enrico Lagdameo for crying out loud, gorgeously leaning on his black BMW! Nakasuot ito ng maroon na long sleeves polo shirt na de-butones at dark grey na pantalon. Itim na loafers naman ang sapin nito sa paa.
Mabilis siyang lumingon sa kanilang bahay, pagkuwa’y malalaki ang mga hakbang na lumapit sa lalaki. “S-sir . . . ano’ng ginagawa ninyo rito?” hindi mapakaling tanong niya. Oras na maabutan sila roon ng amain, siguradong makatitikim siya rito pag-uwi.
“Well, good morning, Miss Martinez,” sarkastikong tugon nito saka siya pinagbuksan ng pintuan. Walang imik na mabilis naman siyang sumakay roon para makaalis na kaagad sila.
“Ano hong ginagawa ninyo rito?” tanong niyang muli nang makaupo ito sa tabi niya.
“Is that how you greet your boss, Miss Martinez?” May halong panunuya ang himig nito. Binuhay nito ang makina ng sasakyan at sinumulang paandarin iyon.
Lumingon siya sa kanila. Nakita niyang palabas na roon ang amain. Mabuti na lang at hindi sila nakita nito.
Huminga siya nang malalim. Nahihiya man siya sa inakto niya sa lalaki, pero mas lamang ang takot sa puso niya.
“I-I’m so sorry, S-sir . . . I was just shocked seeing you here.” Napakunot ang kaniyang noo nang hindi naman papuntang opisina ang tinatahak nila.
“Hindi na kita tinawagan dahil alam ko na ang sasabihin mo. That’s why I showed up unannounced,” anito. Tutok na tutok ang mga mata nito sa pagmamaneho.
“Saan ho tayo pupunta?” hindi na nakatiis na tanong niya rito.
“Yeah. . . about that. Kaya nga pala kita sinundo dahil nagkaproblema sa factory natin sa Pampanga. Doon tayo pupunta ngayon.”
“Ho?!” Napalakas ang pagkakasabi niyang iyon. Kitang-kita niyang ngumiwi ang lalaki.
“Is there a problem with that, Miss Martinez? May schedule mo ba akong dapat na malaman? Gusto mo bang mag-adjust ako?” sunod-sunod na tanong nito sa malamig na tinig.
Mabilis siyang umiling. “H-hindi naman ho sa ganoon. Baka lang ho gabihin tayo,” mahinang tugon niya sabay kagat ng ibabang labi.
“That’s given, Miss Martinez. Hindi ko alam kung gaano kalaki ang pinsala ng factory. Kung madaling maaayos, malamang madali rin tayong makababalik sa opisina. Kung hindi naman, natural na mag-o-overnight tayo.”
“O-overnight ho?!” Napalingon siya rito sa nanlalaking mga mata.
Iisang linya na ang mga kilay nito nang lingunin siya sandali, bago muling ibinalik ang tingin sa daan. “Ano ba talagang problema, Miss Martinez? Hindi ka ba maaaring mag-overnight sa ibang lugar? Ganoon ba ka-istrikto ang mga magulang mo?” Halata na ang inis sa tinig nito. Nasisiguro niyang kaunti na lang at mauubos na ang pasensya nito sa kaniya.
Napayuko siya. Hindi kaagad nakasagot sa tanong nito.
Narinig niyang huminga ito nang malalim. “You’re twenty-five, am I right?”
Tumango siya.
“And you still can’t have some fun on your own? Or do the things you like at your age?” He sounds curious, at the same time, shocked. “Don’t get me wrong, but your silence means yes to me,” he added.
Ano pa nga bang kailangan niyang idahilan? Tama naman ito. Wala naman talaga siyang kalayaan. She’s being caged for almost two decades. Nasanay na rin siya, pero iba pa rin kapag ibang tao ang nagsasabi niyon sa kaniya. Masakit at nakagagagalit. Hindi lang dahil sa taong naging dahilan niyon, maging sa sarili niya. Dahil hanggang ngayon, takot pa rin siya.
Pailalim niyang nilingon ang katabing lalaki. Maigi pa nga itong boss niya, kahit prangka at may pagka-arogante, halata namang may masayang kabataan. Ebidensya roon ang ginawa nito kagabi na talagang ikinagulat niya.
Never in her entire life that she would know someone like him. Na hindi nangingiming kumain ng street foods kahit pa nga napakayaman nito. Kaya napahanga siya rito dahil doon. Na kung sa ibang pagkakataon niya ito nakilala, baka sakaling hindi lang paghanga ang maramdaman niya rito. What he is from the outside is really different in the inside.
“This is work, Miss Martinez. At kasama sa trabaho mo ang tinatawag na overtime o overnight kung kinakailangan. We are paying you for that. Ngayon, kung kailangan mo pa ng permiso mula sa mga magulang mo para sa ganitong bagay, mag-resign ka na lang. Hindi ko kailangan ng taong hindi marunong magdesisyon para sa sarili niya,” hindi na mababali pang wika nito.
Napabuntonghininga na lang siya. Hindi niya gustong mawalan ng trabaho. Kailangang-kailangan niya iyon. Tatawagan na lang niya ang ina mamaya kung mag-o-overnight nga sila. Bahala na kung ano ang mangyari.
“I need an answer now, Miss Martinez. Para hindi na kita isasama sa Pampanga kung magiging problema mo lang ang trabaho mo,” untag sa kaniya ng kaniyang boss na pinakadiinan talaga ang huling sinabi.
“N-no, S-sir. I’ll go with you.” Halos hindi iyon lumabas sa bibig niya.
Hindi naman na sumagot pa ang lalaki. Binuhay nito ang car stereo at nagpatuloy na sa pagmamaneho patungo sa factory ng LCS sa Pampanga.
Ewan niya, pero parang gumaan ang hangin sa paligid. Parang nag-iba ang mood niya. At hindi niya alam kung bakit.
SINALUBONG sila ng Head of Production na si Mr. Reynan Santos, pagdating nila sa factory. Nasa mid-forties na ito at sa pagkakaalam niya ay isa ito sa pioneer ng LCS.“What happened?” hindi ngumingiting tanong ng boss nila rito.Nakasunod lang si Autumn dito habang hawak ang iPad, kung saan siya nag-r-record ng mga importanteng bagay tungkol sa trabaho. Mas convenient iyon at mas madaling magpasok ng input. Connected na kasi iyon sa computer na nasa opisina at sa laptop na ginagamit niya kapag ganoong wala sila sa main office.“Nagkaroon po ng electric malfunction. Sumabog po ang tatlo sa main switch natin,” imporma ni Mr. Santos sa boss nila. Isinusulat naman iyon ni Autumn.“How did it happen? Hindi ba ch-n-eck ng electrician natin ang mga switch? Paano ang production? Hindi ba iyon apektado?” sunod-sunod na tanong ng lalaki.“Our electrician already checked it last night. Siguro po ay nag-overheat kaya ganoon ang nangyari. Wala
“ANONG oras ka umuwi kagabi?” bungad kay Autumn ng kaniyang amain na si Luis, pagpasok niya sa dining nila. Kagaya ng nakagawian nagbabasa ito ng dyaryo, kahit hindi naman na iyon uso sa panahong iyon habang nagkakape.“Alas-dose na ho,” nakayukong tugon niya saka umupo.“Alas-dose? Uwi pa ba iyon ng matinong babae?” anito.Napalingon siya sa ina na nakayuko sa pagkain nito. Napakunot ang noo niya nang makitang namumula ang pisngi nito. Mahigpit na napakuyom ang kaniyang kamao habang hawak ang kutsara. Masama ang tinging sinulyapan niya ang amain na patuloy pa rin sa pagbabasa nito.Sunod-sunod siyang huminga nang malalim. Her stepfather was hitting her mother from time to time. Habit na nito iyon. Habit na labis niyang ikinagagalit hindi lang dito pati na rin sa ina, dahil madalas din siyang nakatitikim ng lupit nito. Hindi niya maintindihan ang ina kung bakit kahit anong pilit niyang kumbinsi rito na iwanan ang asawa ay hindi nito magawa. Her stepfather was so obsessed with her moth
SANDALING nag-unat ng kaniyang katawan si Enrico. Kanina pa siya nagbabasa ng mga bagong proposals na ibinigay sa kaniya ng planning department para sa expansion ng LCS. Marami-rami rin siyang kailangang pag-aralan at tapusin at halos hindi pa siya nakapangangalahati sa ginagawa.Iginalaw-galaw niya ang ulo. He did a bit of head stretching. Minasahe rin niya ang batok na kanina pa nakararamdaman ng ngalay.Babalik na sana siyang muli sa ginagawa nang mapatingin sa glass wall ng kaniyang opisina; kung saan nakikita niya ang kaniyang bagong sekretarya. Nagsalubong ang mga kilay niya nang unti-unting nahuhulog ang ulo nito sa pagkakayuko. Bigla siyang napatayo nang tuluyan ng napasubsob ang ulo nito sa lamesang nasa harapan.Napatingin siya sa labas.“Fuck!” mahinang usal niya. Nakumpirma ang kaniyang hinala nang tingnan niya ang orasan. Pasado alas-onse na pala.Naiiling na kinuha niya ang coat at isinampay iyon sa braso. Binuksan din niya ang drawer na nilalagyan niya ng susi ng kaniya
“SANDALI!” Tumatakbong hinabol ni Autumn ang papasarang pintuan ng elevator. Wala ng gasinong tao noon sa lobby dahil five minutes na siyang late!Hindi yata narinig ng tao sa loob niyon ang sigaw niya, kaya kaagad niyang iniharang ang isang kamay. Napaigik siya sa sakit dahil sa ginawa.Nang bumukas iyong muli, nakayukong pumasok siya roon. Pinindot niya ang twelfth floor saka inayos ang nagusot na damit.Pinagsalikop niya ang kamay sa harapan. Tiningnan niya ang monitor kung saan nag-iindika ng bawat palapag na nilalagpasan ng elevator. Pakiramdam niya bumagal sa pag-akyat iyon. Pinagpapawisan na siya dahil alam niyang makagagalitan na naman siya ni Miss Arah.Nang tumunog ang elevator, kipkip ang mga gamit na madali siyang lumabas doon. Subalit, nakaiilang hakbang pa lamang siya ay masama na ang tingin sa kaniya ng kaniyang superior.Akmang bubuka na ang bibig nito nang sumara iyong muli. Nagsalubong ang mga kilay niya sa ilalim ng malapad na salamin. Bigla kasing natulala ang baba
Enrico ended up in a high-end bar in the Metro. Tinawagan niya ang dalawang kapatid na sina Alejandro at Jacob, pero mukhang parehong busy ang dalawa. Mag-isa tuloy siyang umiinom sa loob ng VIP room na iyon.He was drinking quietly when someone opened the door. Natigil sa ere ang basong hawak niya at napatingin doon. A beautiful sexy woman entered without hesitation, and with a seductive smile on her lips. Dahan-dahan itong naglakad palapit sa kaniya.“Do you want some company?” she asked. Naupo ito isang dipa mula sa kaniya. She crossed her legs exposing almost everything she hid in her tiny shimmering black dress. Kita na ang suot nitong itim ding bikini.Makahulugan siyang napangiti. He’s a male specie. A hot-blooded male specie to be exact. Madalas, inilalabas niya ang init ng katawan sa mga hook ups niya. Sa mga babaeng sila mismo ang kusang lumalapit sa kaniya. No strings attached, just pure hot steamy sex for a night.At hindi iyon lingid sa kaalaman ng kaniyang mga magulang,
“ANO’NG nangyari? Bakit parang pinagsakluban ng langit at lupa si Miss Fuentes?” tanong sa kaniya ni Whinona nang lapitan siya nito.“Hindi ko rin alam, kaya manahimik na lang tayo. Baka mamaya mapagdiskitahan na naman ako,” bulong niya rito. Tinatapos niya sa mga sandaling iyon ang iniwang trabaho kagabi.Wala siyang narinig na kahit ano kanina noong pumasok na ito. Akala niya sesermunan siya nito, pero hindi ganoon ang nangyari. Ngumiti pa ito sa kaniya, kaya lang, halatang peke naman. Hindi niya alam kung ano’ng sinabi rito ng boss nila, pero bigla ay para itong naging maamong tupa. Subalit, hindi naman maikakaila sa mga gawi at kilos nito ang tunay na nararamdaman, gaya sa mga sandaling iyon.“May nangyari kaya?” tanong pa ni Whinona na hindi pa rin pala umaalis sa tabi niya.“Whin, puwede ba? Marami akong ginagawa rito! Ayokong mapagalitan, okay?” pabulong niyang sita rito. Sinilip pa niya sandali si Miss Fuentes. Halatang may malalim itong iniisip base sa pangungunot ng noo nito







