로그인“SANDALI!” Tumatakbong hinabol ni Autumn ang papasarang pintuan ng elevator. Wala ng gasinong tao noon sa lobby dahil five minutes na siyang late!
Hindi yata narinig ng tao sa loob niyon ang sigaw niya, kaya kaagad niyang iniharang ang isang kamay. Napaigik siya sa sakit dahil sa ginawa.
Nang bumukas iyong muli, nakayukong pumasok siya roon. Pinindot niya ang twelfth floor saka inayos ang nagusot na damit.
Pinagsalikop niya ang kamay sa harapan. Tiningnan niya ang monitor kung saan nag-iindika ng bawat palapag na nilalagpasan ng elevator. Pakiramdam niya bumagal sa pag-akyat iyon. Pinagpapawisan na siya dahil alam niyang makagagalitan na naman siya ni Miss Arah.
Nang tumunog ang elevator, kipkip ang mga gamit na madali siyang lumabas doon. Subalit, nakaiilang hakbang pa lamang siya ay masama na ang tingin sa kaniya ng kaniyang superior.
Akmang bubuka na ang bibig nito nang sumara iyong muli. Nagsalubong ang mga kilay niya sa ilalim ng malapad na salamin. Bigla kasing natulala ang babae habang nakatingin sa kaniya. Maging ang mga kasamahan niya ay sa kaniya rin nakatingin.
Alanganin siyang ngumiti sa mga ito. “G-good morning,” bati niya na bahagya pang kumaway. Susukot-sukot na pupunta na sana siya sa kaniyang lamesa nang may tumikhim sa kaniyang likuran.
“Ay, palaka!” bulalas niya. Napaigtad pa siya at nahulog ang mga dala-dalahan sa sahig.
Kaagad niya iyong pinulot nang hindi tinitingnan kung sino ang nasa likuran. Dadamputin na niya ang payong nang may malalaking kamay na kumuha niyon. Paglingon niya rito ay nanlaki ang mga mata niya.
There, was standing there— Enrico Lagdameo!
Madali siyang napatayo. Walang imik na iniabot nito sa kaniya ang payong. Kimi naman niyang kinuha iyon.
Lihim siyang napailing. Bakit hindi man lang niya naramdamang naroon ang lalaki? Ibig bang sabihin, ito ang kasabay niya sa elevator?
“G-good morning, Sir,” nauutal na wika niya. Tatalikod na sana siya nang magsalita ito.
“Stay.”
Para siyang itinulos sa kinatatayuan. Ang baritonong tinig nito ay naghatid ng kakaibang kilabot sa buo niyang pagkatao. Muntikan pa siyang mapapikit kung hindi napigilan ang sarili. Because the man in front of her smells really great!
Sandali niya itong pinasadahan ng tingin. The man was wearing a plain white long sleeves buttoned-down polo and black slacks. Itim din ang kumikinang sa linis na sapatos nito.
Nilagpasan siya nito. Hindi naman siya gumagalaw sa kinatatayuan kahit nanginginig ang mga tuhod niya. Enrico Lagdameo’s presence alone was nerve-wracking! Kahit yata sino matatakot dito.
Lumapit ito sa lamesa ni Miss Fuentes na noo’y malapad na ang pagkakangiti. “Is there anything I can do for you, Sir?” malambing tanong nito. Parang bigla ay naging maamong pusa ito.
Tumango ang lalaki. “Yes. I want Miss Martines to report at my office starting today,” anito na ikabigla ng lahat, lalo na niya.
Nawalan ng kulay ang mukha ni Miss Fuentes. “S-Sir . . . ?” Halatang kahit ito ay nabigla sa narinig.
“I want Miss Martinez to report at my office now. Iyon ang dahilan kaya ako nagpunta rito. I just wanted to inform you personally. Humanap ka na lang ng karelyebo niya.” Tumalikod na ito at deretsong naglakad patungo sa kaniya. “I want you on my office immediately.” Dere-deretso na nitong tinungo ang elevator.
Hindi siya magkaintindihan kung susunod ba dito o hindi. Napalingon pa siya kay Whinona. Pinandilatan naman siya nito ng mga mata at sinenyasang sumunod sa boss nila gamit ang dalawang kamay.
Para siyang timang na tumango, pagkuwa’y malalaki ang mga hakbang na sumunod sa lalaki. Ni hindi na niya nagawang magpaalam kay Miss Fuentes— na naiwang nakanganga dahil sa bilis ng mga pangyayari.
Hindi pa sumasara ang elevator. Sinadya yata ng lalaki na hintayin siya. Muntikan pa siyang madapa sa kamamadali mabuti na lang mabilis siyang nakabawi.
Tuloy-tuloy siya sa loob. Sa likuran ng kaniyang boss siya pumuwesto. Nanatili lang siyang nakayuko hanggang sa muling tumunog ang sinaksakyan nila. Hudyat na nasa fifteenth floor na sila.
Mabilis na lumabas doon ang lalaki, dere-deretso sa opisina nito. Wala naman siyang ginawa kundi ang sumunod dito. Kaya nang bigla itong tumigil, nabundol siya sa likuran nito dahilan para mapasubsob siya rito.
“S-sorry, S-sir . . .” kandautal na wika niya at mabilis na lumayo sa lalaki. Para kasi siyang nakuryente.
“Are you dumb, Miss Martinez?” seryoso ang tinig na tanong nito, bago siya hinarap.
“S-sir?” Napatingala siya rito. Kung hindi niya kasi gagawin iyon, hindi magpapantay ang mga mata nila.
Umangat ang kamay nito. Lalayo na sana siya, pero mabilis nitong nahapit ang baywang niya.
Nahigit niya ang paghinga sa ginawa nito. Ano bang ginagawa ng lalaki? May balak ba itong kakaiba sa kaniya?
Nang unti-unting lumapit ang mukha nito sa kaniya. Mabilis siyang napapikit. Subalit, ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin niya nararamdaman ang inaasahang mangyari.
Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. Sinalubong niyon ang sa lalaki na kahit seryoso, halatang amused na amused sa reaksyon niya.
“Your glasses,” anito saka inayos ang tinutukoy bago siya binitiwan. Hindi niya alam na tabingi na pala iyon, dahil siguro iyon sa pagkakabundol niya rito.
Mabuti na lang at binitiwan na rin siya sa wakas ng lalaki. Kanina pa kasi hindi tumitigil sa mabilis na pagtibok ang kaniyang puso. She was getting out of breath. Pakiramdam niya anumang oras ay mag-c-collapse siya.
Ano bang ginawa nito sa kaniya at ganoon na lang kung mag-react ang kaniyang katawan? Hindi pa naman siya sanay sa mga bagong damdamin na pinupukaw nito sa kaniya. Nakakapanibago.
“Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, Miss Martinez,” pukaw ng kaniyang boss sa pag-iisip niya.
“P-po?” Nalilitong tiningnan niya ito.
Sumandal ito sa mahabang table na nasa likuran nito, pagkuwa’y namulsa. “Hindi ka naman siguro tanga, Miss Martinez, gaya ng sabi ni Miss Fuentes.”
Nanlaki ang mga mata niya. Iniinsulto ba siya nito? At teka, narinig nito ang sinabi ng boss niya?
“I am not stupid, or idiot, or dumb, Sir. I am very capable of doing my job well,” taas-noong wika niya. Hindi naman siya palalait nang basta-basta. Although kumakabog ang dibdib niya nang sabihin ang mga iyon. Nagtaka pa siya at nagkaroon siya ng lakas loob na sagutin ito. Kung sa ibang tao siguro, tiklop siya.
Oo. Lalo na kay—
“Good. Iyan ang gusto ko. Ayoko kasi na walang ibang gagawin ang magiging sekretarya ko kundi ang tumunganga sa akin. I think, you get what I meant,” anito.
Laglag ang pangang napatitig siya rito. Is he serious?! Siya, may gusto sa lalaki?! Hindi pa siya nasisiraan ng bait!
“Hindi pa po ako nasisiraan ng bait, Sir.” Inulit niya ang sinabi ng isipan na may diin.
Tumango ito at umikot patungo sa itim na swivel chair na nasa likuran ng lamesa. Naupo ito roon at kinuha ang isang tablet. Iniabot nito iyon sa kaniya— na kaagad naman niyang kinuha.
“You will be my secretary for the next four months and these will be my schedules. Nakasulat na riyan lahat ng details, basahin mo na lang at i-inform mo ako one day before the said schedule. There will be changes, of course, but it depends on the future transactions of LCS. You’ll do all the minutes, reports; documents that I need to sign must be on my table five days before the deadline, answering phone calls, and all the jobs required for a secretary. Understood?” tuloy-tuloy na wika nito.
Tumango siya. Nasundan naman niya lahat ng sinabi nito, ang ipinagtataka niya lang, bakit biglaan. Saka, ni wala man lang proper training. Sabak kaagad-agad ang nangyayari.
“Any more questions?” tanong sa kaniya ng lalaki.
Tumikhim siya. Pilit inaalis ang kabang namamahay sa dibdib. “Bakit parang biglaan naman po yata? Nasaan ho ang sekretarya ninyo? Bakit wala man lang training?” sunod-sunod na tanong niya.
Tumaas ang sulok ng labi nito. “Are you questioning my authority? Or . . . are you doubting yourself, Miss Martinez?” Matiim siyang tinitigan nito.
“H-hindi naman po sa ganoon, S-sir,” nag-iwas ng tinging tugon niya. Mas lalo siyang kinakabahan kapag tinititigan siya nang ganoon ng lalaki. Ibang emosyon ang hatid niyon sa kaniya. Takot, kilig, at pangamba.
Kilig?! Nasisiraan ka na ba ng bait, Autumn?! Sigaw ng isang tinig sa kaniyang isipan.
“Then, wala naman pa lang problema. You will be my secretary starting today.” Diniinan pa nito bawat salita.
Tumango na lang siya. May magagawa pa ba siya? Hindi rin naman niya gustong mawalan ng trabaho.
“Now, do your job.”
Mabilis siyang tumango at tumalikod dito. Isasara na sana niya ang pintuan ng opisina nito nang muli itong magsalita.
“I forgot to tell you something.”
Napatingin siya rito.
“You will be working with me side by side. Meaning, kung nasaan ako naroon ka.” Iyon lang at hinarap na nito ang mga papeles na nasa mesa nito.
Sandali siyang natulala.
Ano raw?
Matagal niyang pinagmasdan ang lalaki. Wala sa hitsura nito ang marunong magbiro. Seryoso ito sa lahat ng bagay. Iyon ang pagkakaalam niya, base sa mga nasasagap niyang usap-usapan. May kadaldalan kasi ang kaibigan niyang si Whinona, halos yata lahat ng tungkol sa boss nila alam nito. Wala siyang pakialam doon noong una, pero ngayon mukhang kakailanganin niya ang tulong ng kaibigan.
“Are you just gonna stand there and stared at me the whole day?” hindi nag-aangat ng ulong wika nito na ikinapitlag niya. Napahawak pa siya sa kaniyang dibdib. Ramdam pala nito ang ginagawa niya.
“The clock is ticking, Miss Martinez. Marami ka pang pagkakataon para sa bagay na iyan,” patuloy nito.
Hiyang-hiya na mabilis niyang isinara ang pintuan. Napasandal pa siya roon pagkatapos. Ilang sandali rin niyang ikinalma ang sarili bago tinungo ang lamesang naka-assign sa kaniya, mas matindi pa yata ang lalaki kay Miss Fuentes. For sure, magiging kalbaryo ang susunod na apat na buwan niya.
Well, ganoon nga kaya?
Mabilis ang ginawa niyang pagbaling sa glass wall na nakapagitan sa kanila ng lalaki. Abala na ito sa pagtatrabaho.
“You better guard yourself, Autumn. Alam mo ang mangyayari kapag nagkamali ka,” wika niya sa sarili bago nagsimula na ring magtrabaho.
ILANG minuto lang ang ipinaghintay ni Autumn nang bumukas muli ang pintuan. Ang lahat ng inis na nadarama niya ay biglang naglaho nang makita kung sino ang naroon. Laglag ang pangang hindi man lang siya kumukurap habang titig na titig sa asawa— na dahan-dahang humahakbang patungo sa kinaroroonan niya.Her husband was looking dangerously handsome on his outfit. Kahit na nagmukha talaga itong kidnapper: may bonnet, naka-jeans na jacket na pinaiilaliman ng itim na sando, jeans din ang pantalon, balat ang sapatos, may malaking kwintas sa leeg na may pendant na bungo, at may bandanang nakatali sa may braso ay hindi naman nawala ang kaguwapuhan nito. Hindi ito mukhang nakatatakot. Mas tamang sabihin na makalaglag panty ang hitsura nito. Idagdag pa ang pagnguya nito ng chewing gum.Ngayon, nauunawaan na talaga niya kung ano ang nangyayari. Enrico orchestrated everything. He was into role-playing again. At hindi nga naman nito iyon ipaaalam sa kaniya dahil ala
NAPABUNTONGHININGA si Enrico. “Let’s eat muna,” aniya. Hinila niya ito paupo. Nagpaubaya naman ito.He put the blanket on her. Ipinagsandok niya ito ng pagkain bago iyon iniabot sa asawa. Tahimik lang nito iyong kinuha at nagsimulang kumain. Ganoon din naman ang ginawa niya.Nang matapos silang kumain ay tumingin ito sa kawalan. “Why are we really here, Enrico? Puwede naman tayong kumain sa loob,” anito.Huminga muna siya nang malalim bago ito hinarap. “I want to tell you something.”“And what is it?” mahinang tanong nito. Halata ang lungkot sa tinig.“I am a fool,” umpisa niya. Napalingon ito sa kaniya sa nagtatanong na mga mata.Muli, isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. “I’m sorry if I hurt you. I’m sorry if I didn’t know what you truly feel for me.” Hinawakan niya ang nanlalamig nitong pisngi. “I love y
SA halip na sundan si Autumn. Umikot lang si Enrico at muling umalis. Nagpupuyos ang kalooban niya at gusto niyang mapawi iyon. Pero sa halip na sa isang high-end bar pumunta, he found himself home. Nasa Lagdameo Mansion siya.Pagbaba niya ng sasakyan, tumuloy kaagad siya sa loob. Sa kusina siya tumuloy dahil alam niyang naroon ang mommy niya kapag ganoong oras.Hindi naman siya nagkamali. He found her alone, cooking. Dahan-dahan siyang lumapit dito. At mula sa likuran nito ay yumakap siya.Nagulat ito. Nabitawan ang hawak na sandok.“Enrico!” bulalas nito nang makilala siya. Malakas nitong tinapik ang kaniyang kamay na nakapulupot dito.Kahit alam niyang nainis niya ito sa mga sandaling iyon, hindi niya ito pinakawalan. He just leaned on her shoulder quietly. Manaka-naka’y humihinga siya nang malalim.“Enrico, kung may sasabihin ka, magsabi ka na. Huwag mo akong dinadaan sa pagi-ganiyan mo,” sh
PALIHIM na sinusulyapan ni Autumn si Enrico habang kumakain sila. Hindi ito umiimik, parang may malalim itong iniisip na manaka-naka’y sinasabayan pa ng pagbuntonghininga.Hindi naman niya ito matanong. Ayaw naman niyang pangunahan ito, baka mas masaktan lang siya sa magiging sagot nito kung saka-sakali.Maya-maya pa, tumayo na ito. Hindi lumilingong tinungo nito ang washroom. Alam niyang mag-t-toothbrush muna ulit ito bago pumasok sa opisina.“Anak, may problema ba kayo ni Enrico?” basag ng kaniyang ina sa katahimikan. Nakalimutan niyang kasama nga pala nila ito roon.Isang pekeng ngiti ang iplinaster niya sa bibig bago ito lingunin. “Wala naman po.” Sinabayan niya iyon ng pag-iling.“Sobra naman yatang tahimik niya ngayon,” komento nito. Nakatingin ito sa pagkaing nasa plato.“Baka ho may mga trabaho sa opisina na hindi pa tapos. Baka ho iyon ang iniisip,” sagot niya.
“ARE you done?” tanong ni Enrico nang silipin siya sa walk-in closet nila. Ngayon ang kaarawan ng byenan niyang lalaki, at naghahanda na siya ng sarili.Tinitigan niya ang repleksyon nito sa salamin, pagkuwa’y walang kabuhay-buhay na tumango.“Are you sure you’re okay?” Nag-aalalang lumapit ito sa kaniya. Pinisil nito ang kaniyang magkabilang balikat. “Ilang araw ka ng halos hindi ako kibuin. May problema ba? May masakit ba sa iyo?” sunod-sunod nitong tanong.Umiling siya. Wala siyang lakas ng loob na aminin dito ang totoong nararamdaman. Ayaw niyang ipamakahiya ang sarili. Kung mahal siya nito, sasabihin naman siguro nito iyon sa kaniya.Ang totoo, nasasaktan pa rin siya sa kaalamang nagkikita ito at si Miss Fuentes. Ang nasaksihan niya sa restaurant noong kasama ang byenang babae ang halos dumurog sa puso niya. Binura lahat niyon ang pag-asang mayroon siya, at gusto na niyang umiyak. Pero
“GOOD morning, Mom,” bati niya sa ina nang maabutan niya ito sa sala habang naghihikab pa. Humalik siya sa pisngi nito.“Good morning, anak. Kakain ka na ba?”Tumango siya. “Yes, Mom. Nagugutom na ako,” nakangiting tugon niya.Napailing ito. “Paano tanghali ka ng magising. Nine na. Ako na nga ang naghanda ng pagkain ng asawa mo. Ipagigising sana kita, kaso sabi niya huwag na raw. Hayaan ko lang daw na matulog ka.”“Tinatamad kasi akong bumangon kanina.” Tumuloy siya sa dining kasunod ang ina. Naupo siya sa isang upuan doon.“Ganoon ba . . .” Pinagmasdan siya nitong mabuti. Nakaramdam naman siya ng pagkailang.“Mom . . . don’t stare at me like that.” Nakangiting nilingon niya si Berna; isa sa mga kasama nila roon. Dala na nito ang pinggan para sa kaniya. “Thanks,” aniya bago sumandok ng pagkain. Nakatingin pa rin sa kaniya an







