ログインSa mundong pinaghaharian ng kapangyarihan, pera, at mga lihim na matagal nang ibinaon sa nakaraan, isang kasunduan ang muling bubuhay sa mga sugat na hindi kailanman tuluyang naghilom. Si Cielo Arcega ay isang kilalang arkitekto at nag-iisang tagapagmana ng Arcega Group. Buong buhay niyang pinatunayan na kaya niyang magtagumpay nang hindi umaasa sa apelyido ng kanilang pamilya. Ngunit sa isang iglap, gumuho ang lahat ng plano niya nang ipagkasundo siya ng kanyang ama sa lalaking pinakaaayawan niya—si Aelion Voss. Matalino. Makapangyarihan. At imposibleng basahin. Bilang CEO ng pinakamalaking shipping empire sa bansa, sanay si Aelion na kontrolado ang lahat ng bagay sa paligid niya. Maliban kay Cielo. Ang dapat sana'y simpleng kasunduan sa negosyo ay unti-unting naging isang mapanganib na laro ng damdamin. Habang mas nakikilala nila ang isa't isa, natutuklasan nilang hindi lamang negosyo ang dahilan kung bakit sila pinagtagpo ng kanilang mga pamilya. May isang lihim na koneksyon sa pagitan ng kanilang mga magulang. Isang pagtataksil. Isang trahedya. At isang kasalanang naghintay ng maraming taon upang singilin sila. Habang pilit nilang nilalabanan ang damdaming hindi dapat umusbong, mas lalo silang hinihila ng tadhana palapit sa isa't isa. Ngunit paano kung ang mismong pagmamahalan nila ang bunga ng mga kasinungalingang sumira sa dalawang pamilya? Paano kung ang lalaking unti-unti mong minamahal ay bahagi ng nakaraan na matagal mo nang sinusubukang takasan? At paano kung ang tanging paraan upang maging masaya ay ang piliing mahalin ang taong hindi mo dapat mahalin? Sa pagitan ng galit, paghilom, obligasyon, kalayaan, at ng nakaraan at hinaharap, susubukin nina Cielo at Aelion kung sapat ba ang pag-ibig upang putulin ang siklong matagal nang bumihag sa kanilang mga pamilya. Dahil minsan, ang pinakamalaking trahedya ay hindi ang mawala ang taong mahal mo. Kundi ang matagpuan siya sa panahong hindi mo na dapat siyang mahalin.
もっと見るCielo Arcega POV
Maingay ang construction site, pero para sa akin, ito ang pinakamagandang symphony sa mundo. Ang tunog ng mga welding machine, ang sigaw ng mga foreman, at ang mabigat na huni ng mga dambuhalang yellow cranes sa ere at lahat ng ito ay tila isang musika sa pandinig ko. Nakatayo ako sa gitna ng ginagawang engrandeng lobby ng Solace Residences, ang pinakabagong luxury condominium project ng Arcega Group. Hawak ko ang aking iPad na naglalaman ng 3D rendering ng structural layout, habang suot ang puting hard hat at safety vest. "Engineer Santos, we need to adjust the concrete pouring schedule for the penthouse level," sabi ko habang tinuturo ang section ng screen. "Masyadong mabilis ang semento kung hindi natin i-adjust ang mixture para sa humidity ngayong linggo. Ayokong magkaroon ng hairline cracks sa ceiling pagkatapos ng tatlong buwan." Tumingin si Engineer Santos sa screen, tapos sa akin. Kilala siyang veteran engineer, halos dalawang dekada na sa industriya, habang ako ay nasa mid-twenties pa lang. Pero walang bakas ng pagmamaliit sa mga mata niya. Napatango siya. "You're right, Architect Cielo. I-adjust namin ang retarder mix para sapag-bubuhos bukas. Mabuti na-spot niyo agad." "Thank you. Make sure the subcontractors follow the exact specifications. Ayoko ng shortcut," paalala ko na may kasamang tipid na ngiti. Noong bago pa lang ako sa trabaho, marami ang mga hindi sang-ayon sa akin. Sinasabi nila na nakuha ko lang ang posisyon dahil ako ang nag-iisang tagapagmana ng Arcega Group. Ngunit hindi ko hinayaang maging anino lang ako ng apelyido ko. Nag-aral ako nang mabuti sa ibang bansa, kumuha ng master's degree, at dumaan sa totoong pagod sa field bago ko nakuha ang respeto ng mga contractor, engineer, at mga construction worker. Para sa akin, ang bawat disenyo ay hindi lang basta guhit sa papel; ito ay buhay na istruktura na may kaluluwa. Naglakad pa ako papasok sa may malaking atrium. Inangat ko ang aking paningin sa mataas na ceiling kung saan sumisilip ang sikat ng araw mula sa scaffolding. Ang sarap sa pakiramdam na makita ang isang pangarap na unti-unting nagiging totoo. "Architect, may issue raw po sa delivery ng mga imported marble tiles para sa lobby flooring," tawag sa akin ni Nikki, ang aking junior architect at asistent. Hawak niya ang kaniyang clipboard at halatang nagpapanic. "Naka-hold daw po sa port." Napakunot ang noo ko. Lumapit ako sa kaniya at kinuha ang dokumento. "Bakit naka-hold? Complete naman ang import permits natin, right?" "Yes, Architect. Sabi ng supplier, may delay daw sa clearing process sa port. Mukhang may bagong regulation ang port authority na hindi natin agad nalaman." Nakahinga ako nang malalim. Ang port clearing ay laging sakit sa ulo kapag may heavy shipments. "Call the logistics head right now. Tell them to coordinate with the port officer. Kung kailangang ako mismo ang pumunta roon bukas para kausapin sila, gagawin ko. We cannot afford any delay on the lobby tiles. Ang target opening natin is next quarter." "Sige po, Architect. Gagawin ko po agad," mabilis na sagot ni Nikki bago tumakbo pabalik sa pansamantalang site office. Ibinaba ko muna ang aking hard hat sa gilid at pinunasan ang konting pawis sa noo ko. Kahit mainit at maalikabok dito, mas gusto ko ito kaysa maupo buong araw sa malamig na opisina sa corporate headquarters. Dito, pakiramdam ko ay hawak ko ang sarili kong kapalaran. Walang sumasakal sa akin, walang nagdidikta. Dito, ako ang nasusunod. Naglakad ako palabas ng pansamantalang structural entrance para tignan ang pangkalahatang view ng site. Mula sa kinatatayuan ko, tanaw ko ang buong siyudad. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang skyline. Isa ito sa mga pangarap ko, ang mag-iwan ng marka sa bawat sulok ng lunsod na ito sa pamamagitan ng aking mga disenyo. I wanted to build something that would last forever. Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang mag-vibrate ang phone ko sa bulsa ng jeans ko. Kinuha ko ito at tinignan ang screen. Nawala ang ngiti sa aking mga labi nang makita ko ang pangalang nakasulat sa caller ID. Ramon Arcega. Ang aking ama. Ang chairman at founder ng Arcega Group. Isang tao na bihirang tumawag sa akin maliban na lang kung may mahalagang business matter o kung may kailangan siyang ipagawa na pabor para sa kumpanya. At madalas, ang mga pabor na iyon ay hindi ko gusto. Huminga muna ako ng malalim bago ko sinagot ang tawag. "Yes, Dad?" bati ko sa pormal na tono. "Cielo, where are you?" ang malamig at baritonong boses niya ang sumalubong sa akin. Walang hello, walang kamustahan. Diretsong tanong agad. "I'm at the Solace Residences site, Dad. We are checking the adjustments for the penthouse concrete pouring and the shipment clearing at the port," sagot ko habang naglalakad palayo sa maingay na makinarya para mas marinig ko siya. "Leave the site early today. Let your engineers handle the rest," utos niya na walang puwang para sa pagtanggi. Napakunot ang noo ko sa narinig. "Dad, we have a tight schedule here. I can't just leave. Bakit, may emergency ba sa main office?" "No. But you need to be at the house by seven tonight. We are having an important family dinner," sabi niya. "Family dinner?" I repeated, slightly confused. Halos isang buwan na kaming hindi nag-uusap nang matagal, at bigla siyang magpapatawag ng hapunan nang walang pasabi? "Dad, can we do this some other time? Sobrang busy ko talaga ngayong linggo." "No, Cielo. This is non-negotiable," mariing sabi niya. Ramdam ko ang awtoridad sa boses niya na nakasanayan ko na simula pagkabata. "This dinner is not just about our family. We have very important guests coming tonight." "Guests? Sino?" tanong ko, nakaramdam ako ng konting kaba na hindi ko maipaliwanag. May kung anong kakaiba sa tono ng boses ng ama ko ngayon. Mas seryoso ito kaysa sa normal. "You will find out tonight. Just make sure you look presentable. Wear something formal, Cielo. Wag kang pupunta rito na mukhang galing sa construction site," sabi niya. Gusto ko sanang sumagot at sabihin na proud ako sa amoy ng semento at pawis dahil patunay ito ng pagiging hard working ko, pero alam kong wala akong mapapala kung makikipag-talo pa ako sa kaniya sa telepono. "Fine. I will be there." "Good. Don't be late," huling bilin niya bago tuluyang pinatay ang tawag nang hindi man lang nagpaalam. Ibinalik ko ang phone sa aking bulsa at napabuntong-hininga habang nakatitig sa kawalan. Tumingin ako sa paligid ng construction site, sa mga manggagawang masipag na nagtatrabaho, at sa matatayog na bakal na pilit naming itinataas patungo sa langit. Ang kapayapaan at kalayaan na nararamdaman ko rito tuwing umaga ay tila biglang naglaho dahil sa isang tawag na iyon. May kung anong mabigat na pakiramdam ang lumukob sa akin. Isang pakiramdam na ang dadaluhan kong hapunan mamayang gabi ay hindi lang simpleng pagkikita ng pamilya, kundi isang bagay na magpapabago sa direksyon ng tahimik kong buhay.Cielo Arcega POV Dinala ko ang aking baso ng tubig sa harap ng laptop ko na nakapatong sa dining table. Kahit gabi na at pagod na ako sa buong araw na pag-aasikaso sa construction site at sa matinding sagutan namin ni Dad, hindi ko pa rin magawang matulog. Ang isip ko ay tuluyang nilamon ng imbitasyong natanggap ko. Voss International Annual Charity Gala. At ako ang magiging date ng tinaguriang pinakamabangis na businessman sa bansa. Inilapag ko ang aking baso at mabilis na binuksan ang search browser ng aking laptop. I typed his name on the search bar. Aelion Voss. Sa isang segundo lang, bumaha ang libo-libong search results sa screen ko. Halos lahat ng nangungunang business magazines, financial news websites, at lifestyle blogs ay may artikulo o litrato niya. Mukhang tama nga si Bea tungkol sa kaniya. Hindi lang siya basta mayaman, he is practically a celebrity in the corporate world. I clicked on one of the top results, a digital cover of a prominent business magazine. A
Cielo Arcega POV Pagpasok ko sa loob ng condo unit ko sa BGC, agad kong naramdaman ang kaunting ginhawa. I threw my car keys on the kitchen counter at humiga nang pabalabag sa malambot kong couch. Sobrang sakit ng ulo ko. Ang bigat ng dibdib ko na tila ba may nakadagan doon pagkatapos ng marahas na pag-uusap namin ni Dad kanina. Inalis ko ang aking sapatos at tinitigan ang kisame ng tahimik kong sala. Dito, walang sumisigaw. Dito, ako si Cielo, ang arkitekto, hindi si Cielo na isang piraso ng ari-arian na pwedeng ipamigay para sa isang multi-billion peso contract. Pero kahit anong pilit kong mag-relax, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang banta ni Dad. Kaya ba niyang sirain ang career ko? Yes, he could. Ramon Arcega is powerful enough to pull strings and block my licenses or projects if he wanted to make my life a living hell. Naputol ang malalim kong pag-iisip nang biglang mag-ring ang phone ko. Pagtingin ko, pangalan ng best friend kong si Bea ang nakarehistro sa screen. Bea
Cielo Arcega POVAng tunog ng nabasag na kristal ay umalingawngaw sa buong dining room, ngunit tila mas malakas pa rin ang tibok ng puso ko na parang gustong kumawala sa aking dibdib. Nakatitig lang ako sa mga bubog sa sahig, basang-basa ang mamahaling carpet, bago ko dahan-dahang inangat ang aking tingin kay Dad."You can't be serious," pabulong kong sabi, ramdam ko ang panginginig sa sarili kong boses. "Dad, tell me you're joking. Kasal? In this day and age, magpapakasal ako sa taong hindi ko man lang kilala para lang sa isang port project?""I am never serious when it comes to business, Cielo," walang kagat-gatol na sagot ni Dad habang pinupunasan ang kaniyang bibig gamit ang table napkin. "Aelion Voss is the most eligible bachelor in the country. His family runs the largest shipping line. This marriage is the perfect synergy for our raw land assets and their logistics empire.""Synergy? God, Dad! Ikakasal ako, hindi magmemerge ng dalawang department!" tuluyan nang tumaas ang boses
Cielo Arcega POV Pagpasok ko pa lang sa mansyon ng pamilya ko, agad akong sinalubong ng nakabibinging katahimikan. Kahit gaano karangya ang disenyo ng bahay na ito, laging malamig ang hangin dito. Pinalitan ko ang aking rugged clothes mula sa construction site ng isang simpleng beige color slip dress, bahagyang inayusan ang aking buhok, at bumaba na patungo sa dining area. Nakahain na ang hapunan sa mahabang lamesa na gawa sa solid mahogany. Sa dulo nito, nakaupo si Dad habang seryosong nagbabasa sa kaniyang tablet. Sa kabilang dulo naman ay si Mom. Nakatingin lang si Mom sa kawalan, dahan-dahang pinapaikot ang wine glass sa kaniyang kamay. Wala man lang usapan sa pagitan nilang dalawa. Ang tanging maririnig mo lang ay ang marahang tunog ng mga kubyertos na inaayos ng mga kasambahay sa gilid. This has been their setup for as long as I can remember. Isang kasal na walang pag-ibig, isang malamig na transaksyon na binuo para sa pera at impluwensya. It made me promise myself that I wou






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.