登入SINALUBONG sila ng Head of Production na si Mr. Reynan Santos, pagdating nila sa factory. Nasa mid-forties na ito at sa pagkakaalam niya ay isa ito sa pioneer ng LCS.
“What happened?” hindi ngumingiting tanong ng boss nila rito.
Nakasunod lang si Autumn dito habang hawak ang iPad, kung saan siya nag-r-record ng mga importanteng bagay tungkol sa trabaho. Mas convenient iyon at mas madaling magpasok ng input. Connected na kasi iyon sa computer na nasa opisina at sa laptop na ginagamit niya kapag ganoong wala sila sa main office.
“Nagkaroon po ng electric malfunction. Sumabog po ang tatlo sa main switch natin,” imporma ni Mr. Santos sa boss nila. Isinusulat naman iyon ni Autumn.
“How did it happen? Hindi ba ch-n-eck ng electrician natin ang mga switch? Paano ang production? Hindi ba iyon apektado?” sunod-sunod na tanong ng lalaki.
“Our electrician already checked it last night. Siguro po ay nag-overheat kaya ganoon ang nangyari. Wala po muna tayong production ngayong araw habang inaayos pa ng mga electrician ang damages ng mga switch,” tugon ni Mr. Santos.
Tumuloy sila sa area kung saan nagsusuot ng safety gear bago pumasok sa mismong factory. Iyon ay para maiwasan ang mga malalang aksidente kung saka-sakali man.
Kumuha si Enrico ng isang helmet. Kukuha na rin sana siya, pero nagulat pa siya nang ang kinuha ng lalaki ay sa kaniya pala nito isusuot. Ni hindi niya nagawang magpasalamat dito sa kabiglaan.
Pagkatapos siyang suotan nito ay ang sarili naman nito ang inasikaso. Hindi rin nito nakalimutang bigyan siya ng face mask at gloves. Bukod sa alikabok, may mga dangerous chemicals din na masama sa katawan kapag nalanghap at nahawakan, kaya kinakailangan nila ng pananggalang doon at ibayong pag-iingat na rin.
“Let’s go,” anito nang harapin si Mr. Santos na naghihintay sa kanila.
“This way, Sir.” Iginiya sila nito papasok sa loob ng factory patungo sa mismong electrical room.
Sampung tao ang nadatnan nila roon. Abala ang mga ito sa pagsasaayos ng mga nasirang switch. Hindi rin naman nga basta-basta ang mga equipment sa factory. Isang sira ng mga iyon, katumbas ay milyong piso ng halaga ng kita at danyos.
“Can you fix them today?” her boss asked.
“Negative, Sir. Tomorrow, or the least, tonight,” sagot ng head electrician na bahagya lang silang nilingon.
Time was running. Iyon ang kalaban sa ganoong sitwasyon. The more they wasted time, the more na mas malulugi ang kompanya.
“Do you need more hand?” tanong muli ng boss nila.
Kung hindi siya nagkakamali, pagiging engineer ang tinapos nito. Kumuha lang ng business course sa graduate school, saka nag-masteral.
“Yes, Sir, if you could. Hindi ko na kayo tatanggihan.” Hindi na nahiya ang head electrician dahil kailangan naman talaga nila ng tulong.
Walang pag-aalinlangang tumulong si Enrico sa mga ito. Hinubad muna nito ang suot na long sleeves at ibinigay sa kaniya— sa pagkabigla niya, bago ito nagsuot ng overall. Kipkip ang mabangong damit nito na nanonood si Autumn sa isang tabi. Hindi naman siya puwedeng umalis dahil isa iyon sa patakaran ng lalaki.
Inabot na sila ng gabi pero hindi pa rin tapos ang ginagawa roon. Nakatulog na rin siya kahihintay sa boss niya. Paggising niya, abala pa rin ito.
Tumayo siya sandali at nag-unat. Kanina pa kasi nangangalay ang likuran niya sa kinauupuang plastic na upuan.
Tiningnan niya ang orasan. Mag-a-alas-dose na ng hatinggabi.
“Mukhang hindi talaga kami uuwi ngayong gabi,” aniya sa sarili.
Matagal niyang pinagmasdan ang mga nagkukumpuni roon, partikular na si Enrico. Sandali siyang natulala kasabay ng paglunok.
Wearing a jumpsuit was perfect for her boss, lalo at hindi nito isinuot iyon nang deretso. He just tied the sleeves on his waist, flaunting his perfect six pack abs. Pawis na pawis ito, kaya para itong nagmistulang modelo ng isang shampoo na kalalabas lang sa shower. Nagmistulang maliit na brilyante ang mga pawis nito na kumikinang kapag natatamaan ng liwanag ng ilaw.
Kagat-kagat ang pang-ibabang labing hindi niya inaalis ang tingin dito. Nakasalamin pa rin ito nang makapal na mas lalong nakadagdag sa kaakit-akit nitong anyo.
Bigla itong lumingon sa kinaroroonan niya. Mabilis naman siyang nag-iwas ng tingin at kunwa’y may isinulat sa dala niyang iPad.
Maya-maya pa, tumayo ito. “I think this is enough. Matatapos n’yo na siguro ito ngayon,” anito sa mga kasama.
Tumango ang head electrician. “Yes, Sir. Kami na ho ang bahalang magtuloy nito. Uuwi pa yata ho kayo ng Manila.”
Umiling ito. “I can’t drive at this state. Mag-h-hotel na lang kami.”
“Sige, Sir. Salamat ho sa tulong.”
Nagpaalam na ito sa mga kasama, saka lumapit sa kaniya. “I’ll just change my clothes. Wait for me in the car. Ito ang susi.” Iniabot nito ang itim na susi sa kaniya.
Nahihiyang kinuha niya iyon, bago nagtungo sa labas. Gaya ng sinabi nito, hinintay niya ito sa loob ng kotse.
Hindi rin naman nagtagal ang lalaki. Maya-maya, lumabas na rin ito. Halatang fresh na fresh kahit hindi naman naligo. Bihis na ulit ito ng damit nito kanina. Pagsakay nito sa kotse, walang imik na iniabot niya ang susi rito.
“Hanap muna tayo ng hotel na puwedeng tuluyan,” anito bago nagmaneho paalis doon.
Wala naman siyang imik na tumango. Tahimik lang nilang binaybay ang daan pabalik sa mismong bayan. Bumasag sa kanilang katahimikan ang tunog ng cellphone nito.
Tiningnan nito sa screen na nasa harap ng sasakyan kung sino iyon. Napangiti ito na muntik ng ikapugto ng kaniyang paghinga. Kung guwapo na ang boss niya kahit seryoso ito, mas gumuwapo pa ito kapag ngumingiti nang ganoon. He looked younger. Hindi kaila na excited itong makausap ang tumawag; na may caller ID na Number One. May heart pa iyon na katabi.
Bigla siyang naging alerto nang sagutin nito iyon gamit ang bluetooth speaker ng sasakyan na konektado sa cell phone nito.
“Hi, honey!” malambing na wika nang nasa kabilang linya.
Napailing ang kaniyang boss, pero nakangiti pa rin. “Hi! Missed me?”
Napaunat si Autumn sa kinauupuan nang marinig iyon. May girlfriend pala ang boss niya!
“Gabi na, bakit hindi ka pa natutulog?” tanong pa ng lalaki.
“Well, bukod sa miss na nga kita, itatanong ko lang kung kailan ka ba pupunta rito sa mansyon? Miss ko na ang kakulitan mo,” anang babaeng kausap nito.
“Uhm . . . can I think about it?”
“Why?” Nasa himig ng kausap nito ang matinding pagkadismaya.
Natawa naman nang malakas ang boss niya. “Don’t use that tone on me. Alam mo naman kung gaano ako ka-busy sa trabaho. Naririto ako ngayon sa Pampanga, may inayos ako sa factory. Mabuti na nga lang okay na,” mahabang paliwanag nito.
“Sus! Ayos na naman pala, eh. ’Di puwede ka na this weekend,” giit pa ng babae.
“Ahm . . . pag-iisipan ko pa rin.”
Natahimik ang nasa kabilang linya. Matagal iyon.
Tiningnan ng boss niya ang screen. Napailing ito. “Oh, now you’ll use that trick again. That’s cheating!” palatak nito.
“This is not cheating, Lucio Enrico Lagdameo. This is my only way para mapapayag kita,” sagot ng babae.
“Well, I was just kidding. Talagang naman dadalawin na kita sa mansyon. Alam ko naman na na-m-miss mo na talaga ang kaguwapuhan ko,” anito.
Gustong matawa ni Autumn sa kakulitan ng boss niya, pero bakit may kirot siyang nararamdaman sa puso. Bakit parang nasasaktan siya sa kaalamang may girlfriend na ito?
“Akala ko isusumbong pa kita sa Daddy mo para lamang umuwi.”
“Nasaan nga pala siya? Bakit parang wala kang curfew?” tanong ni Enrico.
Napakunot ang noo ni Autumn. Bakit nito hahanapin sa girlfriend nito ang sariling ama?
“Huwag kang maingay. Tumakas lang ako sa kaniya. Narito ako sa balcony.” Hininaan pa ng babae ang tinig nito.
Natawang muli si Enrico. “Lagot ka na naman sa kaniya. Ang hilig mo talagang tumakas.”
“Heh! Valid naman ang reason ko kaya gising pa ako
Napataltak ang lalaki. “Oo na. Oo na . . . Matulog ka na at baka pareho tayong malintikan sa kaniya.”
“Wait!” kagad na pigil ng babae rito. “Nakausap mo na ba ang mga kapatid mo? Iniiwasan na yata ako ng dalawang iyon,” malungkot na wika nito.
“Paano mo naman nasabi iyan?” Nangunot ang noo ng boss niya.
Siya na nakikinig lang ay mas lalo pang dumami ang gatla sa noo. Sino ba talagang kausap nito? Bakit alam na alam ng babae ang tungkol sa pamilya ng lalaki? May patampo-tampo pang nalamaman. And for God’s sake! Kasama pa nito si Mr. Leandro Lagdameo sa kuwarto?!
Narinig niya ang malalim na pagbuntonghininga ng kausap ni Enrico. “They’re not calling me anymore. I also invited them pero tumanggi pareho,” anito.
“Tsk! Baka naman busy lang ang dalawa, Mom.”
M-mom?
Matagal na tinitigan ni Autumn ang katabing lalaki. Ibig sabihin, si Francesca Lagdameo ang kausap nito?! Geez! Akala naman niya girlfriend na ng lalaki.
Maraming namamatay sa maling akala, Autumn, anang isang tinig sa kaniyang isipan.
Napangiti siya bago tumingin sa labas ng bintana. Iba ang hatid na saya ng kaalamang iyon sa kaniya, may haplos sa kaniyang puso. Iba kasi ang aura ng boss niya habang kausap nito ang ina, para itong isang bata. At para lang silang magbarkada kung mag-usap. Sweet, pero may halong kulitan.
“Ah, basta! Hindi ko sila bati, lalo na si Jacob. Kinalimutan na kaagad niya ako,” hirit pa ni Francesca sa kabilang linya.
Natawa na lang si Enrico. “Busy lang sila, Mom. Alam mo namang nasa expansion ang mga businesses natin ngayon. Malaking kompanya ang hawak ni Alejandro dahil siya na ngayon ang presidente ng LGC. Si Jacob naman, nagpapa-impress pa dahil bago pa lang sa hinahawakan niyang kompanya. At saka, kailan lang kami dumalaw sa mansyon hindi ba?”
“Basta . . . hindi ko na muna sila papansin, para malaman nilang hindi maganda na binabalewala ako,” anang ina nito.
Natatawa si Autumn sa naririnig. Ang kulit pala ni Mrs. Lagdameo.
Si Enrico naman ang napabuntonghinga. “Alright. I’ll call them. Pero huwag kang umasa na darating sila. Sabi ko nga, parehong busy ang dalawa.”
“Yes! Thank you, honey! Maaasahan ko talaga ang panganay ko kahit na kailan. I love you!” Halata ang excitement sa tinig nito.
“I love you too, Mom. Matulog ka na. Ayokong madamay sa galit ni Dad kapag nahuli ka,” taboy ng lalaki rito.
“Oo na.” At end tone na lang ang sunod niyang narinig.
Now she understands why her boss has a complex personality. He was different at work because he needed to. But when it comes to his family, nagiging isang masunurin, mapagmahal, at malambing na anak at kapatid ito.
Such an ideal type of man.
SINALUBONG sila ng Head of Production na si Mr. Reynan Santos, pagdating nila sa factory. Nasa mid-forties na ito at sa pagkakaalam niya ay isa ito sa pioneer ng LCS.“What happened?” hindi ngumingiting tanong ng boss nila rito.Nakasunod lang si Autumn dito habang hawak ang iPad, kung saan siya nag-r-record ng mga importanteng bagay tungkol sa trabaho. Mas convenient iyon at mas madaling magpasok ng input. Connected na kasi iyon sa computer na nasa opisina at sa laptop na ginagamit niya kapag ganoong wala sila sa main office.“Nagkaroon po ng electric malfunction. Sumabog po ang tatlo sa main switch natin,” imporma ni Mr. Santos sa boss nila. Isinusulat naman iyon ni Autumn.“How did it happen? Hindi ba ch-n-eck ng electrician natin ang mga switch? Paano ang production? Hindi ba iyon apektado?” sunod-sunod na tanong ng lalaki.“Our electrician already checked it last night. Siguro po ay nag-overheat kaya ganoon ang nangyari. Wala
“ANONG oras ka umuwi kagabi?” bungad kay Autumn ng kaniyang amain na si Luis, pagpasok niya sa dining nila. Kagaya ng nakagawian nagbabasa ito ng dyaryo, kahit hindi naman na iyon uso sa panahong iyon habang nagkakape.“Alas-dose na ho,” nakayukong tugon niya saka umupo.“Alas-dose? Uwi pa ba iyon ng matinong babae?” anito.Napalingon siya sa ina na nakayuko sa pagkain nito. Napakunot ang noo niya nang makitang namumula ang pisngi nito. Mahigpit na napakuyom ang kaniyang kamao habang hawak ang kutsara. Masama ang tinging sinulyapan niya ang amain na patuloy pa rin sa pagbabasa nito.Sunod-sunod siyang huminga nang malalim. Her stepfather was hitting her mother from time to time. Habit na nito iyon. Habit na labis niyang ikinagagalit hindi lang dito pati na rin sa ina, dahil madalas din siyang nakatitikim ng lupit nito. Hindi niya maintindihan ang ina kung bakit kahit anong pilit niyang kumbinsi rito na iwanan ang asawa ay hindi nito magawa. Her stepfather was so obsessed with her moth
SANDALING nag-unat ng kaniyang katawan si Enrico. Kanina pa siya nagbabasa ng mga bagong proposals na ibinigay sa kaniya ng planning department para sa expansion ng LCS. Marami-rami rin siyang kailangang pag-aralan at tapusin at halos hindi pa siya nakapangangalahati sa ginagawa.Iginalaw-galaw niya ang ulo. He did a bit of head stretching. Minasahe rin niya ang batok na kanina pa nakararamdaman ng ngalay.Babalik na sana siyang muli sa ginagawa nang mapatingin sa glass wall ng kaniyang opisina; kung saan nakikita niya ang kaniyang bagong sekretarya. Nagsalubong ang mga kilay niya nang unti-unting nahuhulog ang ulo nito sa pagkakayuko. Bigla siyang napatayo nang tuluyan ng napasubsob ang ulo nito sa lamesang nasa harapan.Napatingin siya sa labas.“Fuck!” mahinang usal niya. Nakumpirma ang kaniyang hinala nang tingnan niya ang orasan. Pasado alas-onse na pala.Naiiling na kinuha niya ang coat at isinampay iyon sa braso. Binuksan din niya ang drawer na nilalagyan niya ng susi ng kaniya
“SANDALI!” Tumatakbong hinabol ni Autumn ang papasarang pintuan ng elevator. Wala ng gasinong tao noon sa lobby dahil five minutes na siyang late!Hindi yata narinig ng tao sa loob niyon ang sigaw niya, kaya kaagad niyang iniharang ang isang kamay. Napaigik siya sa sakit dahil sa ginawa.Nang bumukas iyong muli, nakayukong pumasok siya roon. Pinindot niya ang twelfth floor saka inayos ang nagusot na damit.Pinagsalikop niya ang kamay sa harapan. Tiningnan niya ang monitor kung saan nag-iindika ng bawat palapag na nilalagpasan ng elevator. Pakiramdam niya bumagal sa pag-akyat iyon. Pinagpapawisan na siya dahil alam niyang makagagalitan na naman siya ni Miss Arah.Nang tumunog ang elevator, kipkip ang mga gamit na madali siyang lumabas doon. Subalit, nakaiilang hakbang pa lamang siya ay masama na ang tingin sa kaniya ng kaniyang superior.Akmang bubuka na ang bibig nito nang sumara iyong muli. Nagsalubong ang mga kilay niya sa ilalim ng malapad na salamin. Bigla kasing natulala ang baba
Enrico ended up in a high-end bar in the Metro. Tinawagan niya ang dalawang kapatid na sina Alejandro at Jacob, pero mukhang parehong busy ang dalawa. Mag-isa tuloy siyang umiinom sa loob ng VIP room na iyon.He was drinking quietly when someone opened the door. Natigil sa ere ang basong hawak niya at napatingin doon. A beautiful sexy woman entered without hesitation, and with a seductive smile on her lips. Dahan-dahan itong naglakad palapit sa kaniya.“Do you want some company?” she asked. Naupo ito isang dipa mula sa kaniya. She crossed her legs exposing almost everything she hid in her tiny shimmering black dress. Kita na ang suot nitong itim ding bikini.Makahulugan siyang napangiti. He’s a male specie. A hot-blooded male specie to be exact. Madalas, inilalabas niya ang init ng katawan sa mga hook ups niya. Sa mga babaeng sila mismo ang kusang lumalapit sa kaniya. No strings attached, just pure hot steamy sex for a night.At hindi iyon lingid sa kaalaman ng kaniyang mga magulang,
“ANO’NG nangyari? Bakit parang pinagsakluban ng langit at lupa si Miss Fuentes?” tanong sa kaniya ni Whinona nang lapitan siya nito.“Hindi ko rin alam, kaya manahimik na lang tayo. Baka mamaya mapagdiskitahan na naman ako,” bulong niya rito. Tinatapos niya sa mga sandaling iyon ang iniwang trabaho kagabi.Wala siyang narinig na kahit ano kanina noong pumasok na ito. Akala niya sesermunan siya nito, pero hindi ganoon ang nangyari. Ngumiti pa ito sa kaniya, kaya lang, halatang peke naman. Hindi niya alam kung ano’ng sinabi rito ng boss nila, pero bigla ay para itong naging maamong tupa. Subalit, hindi naman maikakaila sa mga gawi at kilos nito ang tunay na nararamdaman, gaya sa mga sandaling iyon.“May nangyari kaya?” tanong pa ni Whinona na hindi pa rin pala umaalis sa tabi niya.“Whin, puwede ba? Marami akong ginagawa rito! Ayokong mapagalitan, okay?” pabulong niyang sita rito. Sinilip pa niya sandali si Miss Fuentes. Halatang may malalim itong iniisip base sa pangungunot ng noo nito







