CHAPTER 30 – “The CEO’s Denial.”Tahimik ang opisina ni Knox kinabukasan. Malamig ang hangin mula sa centralized aircon, walang ibang ingay kundi ang malakas na tikatik ng wall clock, ang bahagyang pag-click ng mouse sa kanyang mesa. Nakaupo siya sa swivel chair, nakasandal, hawak ang isang baso ng scotch kahit alas-onse pa lang ng umaga.Sa harap ng laptop screen, sunod-sunod ang emails, contracts, at financial reports na dapat basahin, pero wala siyang ma-absorb. Laging bumabalik ang isip niya sa gabing nagdaan—kung paano nakahiga si Elle sa sofa, pawisan at humihingal, kung paanong nakapikit ito habang binubulong ang pangalan niya.Knox tightened his jaw. Hindi siya pwedeng magpadala.“She’s just… convenient,” bulong niya sa sarili habang iniikot ang scotch sa baso. “That’s all this is.”Pero kahit anong pilit niyang gawing simple, hindi mawala ang imahe ni Elle sa isip niya. The way she looked at him—hindi iyon simpleng tingin ng isang babae na dumaan lang sa kama niya. May kasama
CHAPTER 29 – The Secretary’s HeartTahimik ang buong executive floor kinabukasan. Sa oras ng trabaho, parang walang nangyari kagabi. Si Knox ay malamig at seryoso, nakatutok sa laptop at sunod-sunod na tawag. Si Elle naman, abala sa desk niya, nagta-type ng emails, nag-aayos ng schedules.“Ms. Santos, send this contract to Procurement. Then follow up with Legal by three,” utos ni Knox, hindi man lang tumitingin.“Yes, Sir,” sagot ni Elle, pormal ang tono, steady ang mukha.Para bang normal lang ang lahat. Walang init. Walang apoy. Walang bakas ng gabi kung saan parehong humihingal at pawisan silang dalawa sa mesa at sofa ng opisina.Pero sa loob ni Elle, hindi niya mapigilan ang mabilis na tibok ng puso sa tuwing naririnig ang boses ni Knox. Kahit nakaharap siya sa monitor, ramdam niya ang bigat ng tingin nito kapag minsan ay pasimpleng sumusulyap. At sa mga mata na iyon, alam niyang may lihim silang dalawa.---Lumipas ang maghapon na parang wala lang. Sa harap ng lahat, boss niya it
CHAPTER 28 – “After Hours.”Tahimik na ang buong executive floor pagdating ng alas-otso ng gabi. Ang karamihan sa staff ay naka-uwi na, pati ang mga ilaw sa hallway ay naka-dim na lang. Sa glass walls ng opisina ni Knox, tanging warm light ng desk lamp ang nakabukas, nagbibigay ng malambot na glow sa paligid.Si Elle, nakaupo pa rin sa cubicle niya, nakayuko sa laptop, sinusubukang tapusin ang huling batch ng reports. Wala nang ibang tao sa paligid—kundi siya at si Knox, na naroon sa loob ng private office.Narinig niya ang pagbukas ng pinto. “Elle,” tawag nito, mababa at malamig, pero may halong lambing na alam lang nilang dalawa.Agad siyang tumingin. “Yes, Sir?”Umiling ito. “Knox. Just Knox. Off the clock.”Napalunok siya. Tumayo, hawak ang folder, at saka muling kumabog ang dibdib. “I was about to—”“Leave it,” putol niya. “Come in.”Aandap-andap siyang pumasok. Ang carpeted floor ay halos walang tunog sa bawat hakbang niya. Pagpasok niya, kaagad isinara ni Knox ang pinto. Maraha
CHAPTER 27 – The Backseat HeatMaliwanag pa ang mga gusali sa Makati nang lumabas sina Knox at Elle mula sa private lounge ng hotel. Kaka-end lang ng client dinner—mabigat ang usapan, pero successful. Malumanay ang ambon, basa ang kalsada, at kumikislap ang mga ilaw ng lungsod sa salamin ng itim na sedan na nakaparada sa driveway.Binuksan ni Rodel ang pinto sa likod. “Sir, ma’am.”“Thanks, Rodel,” sabi ni Knox, bahagyang nakakunot ang noo, pero may konting ngiti sa gilid ng labi. Inunahan niya si Elle sa pagpasok, saka marahang inalalayan ang siko nito papasok sa backseat. “Careful.”“Thanks,” mahina lang tugon ni Elle, ramdam ang init ng palad niya kahit maiksi lang ang hawak. Habang sumasara ang pinto, tumama sa kanya ang pamilyar na amoy ng leather, mabangong pabango ni Knox, at lamig ng aircon na tuck-in agad sa balat.Pag-andar ng sasakyan, sinabayan ng wipers ang pino at sunod-sunod na ambon. Sa unahan, nagtanong si Rodel, “Diretso sa BGC, Sir?”Knox sumulyap sa relo, saka tumi
CHAPTER 26.2 — Continuation “Right on time...” Hindi agad nakapagsalita si Elle. Tumikhim lang siya, saka pumasok. Pagkasara ng pintuan, ramdam agad niya ang lamig ng aircon na tumatama sa balat niya, kasabay ng faint na amoy ng woody perfume ni Knox. Walang ibang salita, hinawakan siya nito sa kamay at dinala papasok sa living area. Naka-dim ang mga ilaw, tanging soft lamp lang sa gilid ng sofa ang bukas. “Sit,” utos nito, pero hindi mabigat ang tono—mababa lang at diretso. Umupo si Elle sa leather sofa, marahang inilapag ang bag sa gilid. Nakayuko siya, iniwas ang tingin sa lalaki. “Elle.” Dahan-dahan siyang tumingin. “Do you remember the terms?” tanong ni Knox, diretso, walang pag-aalinlangan. Tumango siya, halos mahina. “Yes.” Naglakad si Knox palapit, mabagal, at huminto sa harap niya. Yumuko ito, inilapit ang mukha. “And you’re not backing out?” Napakagat-labi si Elle. “No.” Umangat ang sulok ng labi ni Knox. “Good.” Inilapit nito ang kamay at marahang hinaplos ang
CHAPTER 26 – “The Deal.«Maagang gumising si Elle kinabukasan, pero kahit ilang oras siyang nakapikit sa kama, hindi pa rin siya nakatulog nang mahimbing. Nakatalikod siya sa malamig na dingding ng maliit na apartment, nakayakap sa unan na parang iyon na lang ang makakapigil sa mabilis na tibok ng puso niya.Ang utak niya’y paulit-ulit na nagbabalik sa mga eksena kagabi—ang desk, ang sofa, ang mga halik ni Knox na parang walang katapusan. At higit sa lahat, ang kasunduan nilang dalawa."We have a deal."Napapikit siya ulit. Hanggang ngayon, hindi niya alam kung matatawag ba niyang tama ang ginawa niyang desisyon. Pero malinaw ang katawan niya kagabi—hindi lang siya pumayag, ginusto niya rin.Humugot siya ng malalim na hininga bago tumayo. Maaga pa, pero kailangan niyang maghanda. Mas magiging mahirap ang araw na ito—dahil kahit anong kasunduan pa ang napag-usapan nila, balik trabaho pa rin siya ngayong araw. At sa opisina, boss niya si Knox.---Pagdating niya sa Evans Corporation, bu