CHAPTER 68 – Lunes ng umaga, ang hangin sa Smith Medical Center ay tila mas malamig kaysa karaniwan. Habang abala ang mga staff sa kani-kanilang rounds, tahimik lang na nakaupo si Eros sa loob ng kanyang opisina, hawak ang cellphone, malalim ang iniisip.Wala pang alas-nuwebe pero ramdam niya na ang bigat ng araw na ito.“Sir,” mahinang katok ni Raven sa pinto.“Pasok,” sagot niya agad.Pagkapasok ng assistant, lumapit ito sa mesa ni Eros at inilapag ang isang clipboard.“As instructed, I’ve already coordinated with the media team. The press conference will be held at the multipurpose conference hall, 2nd floor, south wing. That’s the most secure and accessible spot for both internal and external press.”Tumango si Eros. “Good. Make sure security is tight, and prepare a dedicated media booth. I don’t want unnecessary chaos.”“Yes, sir. Do you want to review your draft speech?”“No need,” maikli niyang sagot. “I’ll speak from the heart.”Pagkaalis ni Raven, tumayo si Eros at tinungo a
CHAPTER 67 — Makalipas ang ilang araw mula sa kanilang romantic getaway sa Batanes, balik-realidad agad sina Eros at Veronica. Pagkababa pa lang nila sa NAIA, ramdam na agad ni Eros ang bigat ng mundong binalikan niya. Hindi pa rin natatapos ang gulo na hatid ng viral video ng operasyon sa loob ng ambulance.At habang sinusubukang maging kalmado, alam niyang hindi na niya ito puwedeng iwasan. Isa itong laban na kailangan na niyang tapusin.———Smith Medical Center, 9:46 AM. Tahimik ang opisina ni Eros habang nakaupo siya sa harap ng desk, nakatitig sa monitor ng laptop. Sa likod niya, unti-unting lumapit si Raven—ang kanyang ever-efficient assistant—dala ang isang brown folder na tila mabigat hindi lang sa laman kundi pati sa implikasyon.“Sir,” mahina pero diretso ang boses ni Raven. “Nakuha na ng cybersecurity team ang source ng breach.”Tumango si Eros, tahimik na kinuha ang folder.“Anong findings?”“Confirmed. Ang nag-hack ng ambulance system ay isang freelance I.T. expert. Tina
CHAPTER 66 – Kinabukasan, maagang gumising si Veronica sa tunog ng mahinang hampas ng mga alon sa dalampasigan. Pagmulat niya ng mata, nakita niyang tulog pa rin si Eros sa tabi niya—bahagyang nakakunot ang noo, pero payapang-payapa ang mukha. Hindi niya maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang nobyo na nakapikit, tila isang batang himbing na himbing sa panaginip.Dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa bintana. Mula roon, tanaw na tanaw niya ang napakagandang dagat ng Batanes—asul at berde ang tubig, kumikinang sa sikat ng araw. Huminga siya nang malalim, nilalasap ang sariwang hangin, bago maramdaman ang mainit na yakap ni Eros mula sa kanyang likuran.“Good morning, hon,” bulong nito habang hinahalikan ang balikat niya.Napangiti si Veronica, ramdam ang kilig mula ulo hanggang paa. “Good morning, sleepyhead.”Humarap siya kay Eros at sinalubong ng nobyo ang labi niya ng isang malambing na halik. Matamis, mabagal, puno ng pagmamahal.“Handa ka na ba sa adventure natin today?” t
CHAPTER 65 – Maagang gumising si Veronica sa tunog ng maliliit na hampas ng alon sa mabatong baybayin. Ang tanawing bumungad sa kanya mula sa sliding glass door ng kanilang suite ay parang isang pintura—langit na asul, dagat na tila salamin, at damuhang sumasayaw sa ihip ng simoy ng Batanes. Kararating lang nila ni Eros kahapon sa lugar na iyon na para sa kaya ay isang munting paraiso.Sa kanyang tabi, naramdaman niyang gumalaw si Eros, marahang bumaling sa kanya habang nakayakap pa rin ang isang braso sa kanyang baywang.“Good morning hon…” bulong nito, paos ang boses. “Gising ka na agad?”“Yeah,” mahinang sagot ni Veronica habang nakatingin sa bintana. “Parang ibang mundo talaga ‘to. Nakakawala ng lahat ng problema.”Pumikit si Eros sandali bago dumilat muli at ngumiti. “Exactly why I brought you here.”Hinila niya ang babae pabalik sa kanyang dibdib, pilit pang idinidikit ang noo sa leeg nito. Mainit ang kanyang hininga, at dama ni Veronica ang kanyang heartbeat. “Three days lang
CHAPTER 64 – Sa loob ng opisina, magkadikit pa rin ang noo nina Eros at Veronica habang marahang bumubulusok ang hininga nilang pareho—parang binubura ng init ng katawan nila ang lahat ng lamig ng nakaraang limang buwan."Alam mo ba," bulong ni Eros habang nanatiling malapit sa kanya, "na iniisip kita gabi-gabi. Tapos pinipilit kong maalala 'yung tunog ng boses mo habang nagke-kape tayo sa lounge dati. I missed that sound, Vee."Napangiti si Veronica, pero bakas sa mga mata niya ang paglalambot. "Alam mo bang na-miss ko ‘yung pag-inom mo ng kape na parang may galit? Yung tipong nagka-crisis ka sa buhay every morning.""Nagka-crisis talaga ako. Kasi wala ka."Napailing si Veronica habang nakangiti, pero hindi rin naitago ang mapungay na tingin niya habang tinititigan ang mukha ni Eros. "Corny mo pa rin.""Pero mahal mo pa rin ako.""Hindi ko naman sinabi na hindi," sabay kagat sa ibabang labi niya, na agad namang napansin ni Eros."God, na-miss ko ‘yang ngiti mong ‘yan," bulong ni Ero
CHAPTER 63 – “Doc Veronica, is that you?!”Isang tinig ng inosenteng sigla ang bumasag sa tensyon sa loob ng lounge. Si Clarisse—isa sa mga batang pasyente ni Veronica na ngayon ay naka-wheelchair at hawak ng nurse—ang masiglang sumigaw mula sa kabilang dulo ng hallway. Kasama niya ang ina nitong agad ding ngumiti nang makita si Veronica.“Doc Veronica, nakabalik na pala kayo!” bati pa ng ginang, sabay kumpas ng kamay.Nanlaki ang mga mata ni Eros. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Kaagad siyang napatingin sa direksyon ni Clarisse— at doon niya nakita ang babae sa trench coat, bahagyang nakatalikod pero hindi maikakaila ang pamilyar na postura.“Veronica?” mahina niyang tawag, halos hindi lumalabas ang boses.Dahan-dahan ding lumingon si Veronica, hindi na makakaila. At sa pag-angat ng kanyang mga mata, tumama ang tingin niya kay Eros—nakatayo, gulat, at may bahid ng kaba sa mga mata.Tahimik ang ilang segundong sumunod. Parang huminto ang lahat ng tao sa paligid. Si Claire