CHAPTER 25 —Pagkatapos ng kasayahan sa rooftop, unti-unti nang nagsi-uwian ang mga bisita. Ang iba’y nagpaalam na may dinner pa raw na kailangang puntahan. Ang iba nama’y napagod na sa maghapong paglalakad at pakikisalamuha. Pero si Veronica, nanatili pa rin sa rooftop lounge. Tahimik siyang nakatayo sa gilid, malapit sa railings, tanaw ang makukutitap na city lights ng lungsod sa ibaba.Hawak niya ang isang baso ng white wine, pero halos hindi niya iyon iniinom. Ang lamig ng hangin ay nagpapakalma sa kanya, at ang jazz music na marahang pinapatugtog sa speakers ay tila musika rin ng mga tanong sa isip niya."Okay ka lang?" tanong ni Eros mula sa likod.Napalingon siya. Bitbit nito ang isang bottled water at isang maliit na box ng chocolate truffles."Yeah. Just needed some air," sagot niya, ngumingiti pero bakas pa rin ang pagod sa mukha.Nilapag ni Eros ang tubig sa mesa malapit sa kanya at inabot ang maliit na box. “Here. Hindi ka kasi halos kumain kanina.”Napatingin si Veronica
CHAPTER 24 —Maagang nagising si Veronica sa araw ng Sabado. Tahimik ang paligid, maririnig lang ang mahinang ugong ng aircon sa condo niya. Pero ang isip niya, gising na gising. May kakaibang excitement sa dibdib niya na hindi niya maipaliwanag.Napadako agad ang tingin niya sa cellphone na nasa bedside table. Hindi niya alam kung bakit, pero may bahagyang kaba sa dibdib niya habang inaabot iyon.May nag-text kaya?Dalawa lang ang inaasahan niyang pangalan na makita — si Ethan, ang nobyo niya, at si Eros… ang lalaking tila unti-unti nang bumabalik sa kanyang mundong dati ay naguluhan.Mabilis niyang binuksan ang screen. Wala. Walang text o kahit tawag man lang mula kay Ethan. Wala ring missed call. Wala ring simpleng "Good morning" na minsan ay kahit papaano, nagpapagaan sa puso niya.Saglit siyang natahimik. Ang kaba sa dibdib ay napalitan ng kaunting kirot. Gusto sana niyang itanggi na nasasaktan siya, pero hindi niya kayang lokohin ang sarili. Ethan, the man she thought who would
CHAPTER 23 —Magaan ang pakiramdam ni Veronica pagkagising kinabukasan. Hindi pa man lubos na naghilom ang sugat sa puso niya, pero ramdam niya na kaya na niyang humarap sa isang bagong araw.Pagkatapos maghanda, nagtungo siya sa ospital at dumiretso sa clinic ng isa sa pinakarespeto niyang senior doctor — si Dr. Miguel Javier, ang reconstructive surgeon na minsang tumulong sa kanya, at ngayon ay siya ring nag-aasikaso kay Clarisse.“Doc Miguel,” bati niya, bahagyang ngumiti.“Veronica!” Nakita niya ang tuwa sa mukha ng doktor. “Buti nagpaabot ka ng oras. Gusto ko na ring makausap ka tungkol kay Clarisse.”Sabay silang naupo at inilatag ni Dr. Miguel ang mga planong procedure.“Multiple staged surgery ang kailangan. Unang goal natin ay i-release ang scar contracture para makagalaw nang maayos ang facial muscles. After that, skin grafting and revisions para mapaganda ang aesthetics. Long process, but we’ll get her there.”Napabuntong-hininga si Veronica pero ramdam ang determinasyon. “
CHAPTER 22 — PAYAPA ang gabi, pero sa dibdib ni Veronica, parang may unos na patuloy na bumubulong ng tanong: Tama ba ang mga naging desisyon ko? Tama ba na pinili kong tumayo para sa prinsipyo kaysa sa katahimikan?Nasa loob na sila ng apartment niya. Tahimik lang si Eros, nakaupo sa sofa habang si Veronica ay naghahanda ng dalawang tasa ng mainit na kape sa maliit niyang kitchen nook. Gusto niyang patigilin ang panginginig ng mga kamay niya. Gusto niyang magpakalakas.“Veronica,” basag ni Eros sa katahimikan, “kung ayaw mong pag-usapan, ayos lang. Pero kung gusto mong ilabas, nandito ako.”Nagpakawala ng mahabang hinga si Veronica. “Alam mo, Eros... minsan iniisip ko kung gaano pa katagal kong kakayanin yung ganito. Yung kailangan kong magpaliwanag sa taong dapat sana’y kasama ko sa laban, hindi kalaban.”Lumapit siya at iniabot ang kape kay Eros. Naupo siya sa tapat nito, sa maliit na center table.“Ethan isn’t your enemy, Veronica. But he’s fighting battles na ikaw ang nadadamay,
CHAPTER 21 — Pagkasara ng pinto ng kanyang opisina, nanatiling nakapikit si Veronica, pilit na inaayos ang nagugulong damdamin. Ang sakit ng pagtatalo nila ni Ethan ay parang paulit-ulit na humihiwa sa loob niya. Gusto niyang umiyak. Gusto niyang sumigaw. Pero sa halip, malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Kinuha niya ang cellphone na kanina pa nakapatong sa mesa. Tinitigan niya iyon, parang umaasa na may text o tawag na magpapagaan ng loob niya. Nag-scroll siya sa contact list, iniisip kung sino ang puwedeng makasama kahit isang gabi lang, para maglabas ng bigat na bumabalot sa puso niya. Puro pangalan ng mga doktor, nurse, at mga kaibigang matagal nang walang komunikasyon. Wala siyang ganang magpaliwanag ng hinanakit niya sa mga taong hindi niya lubos na pinagkakatiwalaan. Hanggang sa mapansin niya ang isang simpleng text message na natanggap niya kanina pa. “Hey. Just finished surgery. How’s your day? — Eros” Napangiti siya, kahit papaano. Ang simpleng mensaheng iy
CHAPTER 20 — SMITH MEDICAL CENTERSabado ng umaga. Mula sa rooftop garden ng Smith Medical Center, tanaw ang silueta ng Makati skyline, nahihilam ng banayad na hamog at sinag ng araw na unti-unting bumabagtas sa mga bintana ng ospital. Ang simoy ng hangin ay malamig, may halong amoy ng bagong linis na floor wax at disinfectant na natural sa isang ospital na bagong bukas. Sa ibaba, abala ang mga nurse at doktor sa kani-kanilang tungkulin. Mula sa glass-walled office sa ikalimang palapag, tahimik na pinagmamasdan ni Eros ang lahat.Nasa loob siya ng kanyang opisina, suot ang puting lab gown na may simpleng burda: Dr. Eros Smith – Director & Chief Surgeon. Sa likod ng kanyang matalim na tingin, mababakas ang pagod ng mga linggo ng pagbuo at pagpapalakad ng ospital, ngunit higit doon, naroon ang tahimik na kasiyahan. Sa loob-loob ni Eros, alam niyang hindi magiging madali ang pagpapatakbo ng ospital na ito. Ang pagkakaloob ng 50% discount sa procedures at medical expenses at libreng gamo