PAKIRAMDAM ni Lalaine ay namanhid ang kanyang mga binti at hindi makakilos matapos ang pag-uusap nila ni Mr. Kennedy Dawson. Nagbalik siya sa wisyo matapos ng mahabang sandali, at saka bumalik na sa kanyang desk at nag-impake ng mga gamit.At dahil wala si Ms. Divine, sa kanyang mga kasamahan sa trabaho na lang nakapagpaalam kay Lalaine. Inisip ng mga itong iyon ang huling internship niya kaya emosyonal ko koang mga ito.Nang makalabas si Lalaine bitbit ang kahon na naglalaman ng mga personal na gamit niya sa Debonair, ay makulimlim ang kalangitan. At mayamaya pa nga, isa-isa nang pumatak ang ulan kaya ang ilan sa mga tao na nakakasalubong niya at nagmamadaling humanap ng masisilungan.Si Lalaine lang ang bukod-tangi na naglalakad sa ulan ng walang payong at hinahayaan ang sarili na mabasa. Hindi niya maipaliwanag, pero kasing bigat ng malakas na pagbuhos ng ulan ang kanyang dibdib. Gusto niyang umiyak ng mga sandaling iyon pero nakakapagtakang walang lumalabas na luha sa kanyang mg
••••••DAHIL lutang, hindi alam ni Lalaine kung paano siya nakarating sa village ng Etheral Estate Apartment. Tumigil na ang malakas na buhos ng ulan ngunit ang dibdib niya ay napakabigat pa rin.Basang-basa siya, magulo ang buhok, at parang kawawang sisiw habang naglalakad sa loob ng village bitbit ang kahon ng mga gamit niya. Habang patuloy na naglalakad si Lalaine, pabigat nang pabigat naman ang kanyang nararamdaman. Hindi niya maipaliwanag kung bakit, ngunit pakiramdam niya ay napakainit niya ng mga sandaling iyon.Eksaktong nasa tapat na si Lalaine ng kanyang apartment building ay nakaramdam siya ng pananakit ng kanyang ulo. Nanlalabo rin ang kanyang mga paningin kaya napahinto siya sa paglalakad. At nang muli sanang ipagpapatuloy ni Lalaine ang paglalakad ay bigla itong natumba at nawalan ng malay.Mabuti na lang, isang pigura ng matangkad na lalaki ang maagap na nakasalo kay Lalaine, dahilan para hindi ito sa sementadong kalsada bumagsak.Nang magising si Lalaine ay naroon na s
“MAGPALIWANAG ka...”Kumuyom ang mga kamao ni Lalaine. Hindi siya nagsalita at mariing itinikom ang bibig.Isang segundo... Dalawang segundo... Tatlong segundo... Nanatiling hindi nagsasalita si Lalaine kaya naman ang pisi ng pasensya ni Knives ay tila naubos na. Humakbang siya papalapit sa babae at saka umangil. “Magsalita ka at magpaliwanag!” asik ni Knives saka mahigpit na hinawakan sa braso si Lalaine. Nanlilisik ang mga mata nito na para bang gusto nitong kainin ng buhay ang babae.Bago pa makasagot si Lalaine ay mabilis namang sumaklolo si Elijah. Hinila niya siya patungo sa kanyang likuran at ikinubli.“Mr. Dawson, sinasaktan mo si Lalaine,” awat ni Elijah na may seryosong anyo.“Get lost. Hindi ikaw ang kinakausap ko,” mariin namang sagot ni Knives saka itinulak si Elijah at muling hinila papalapit sa kan'ya si Lalaine.“Speak!” utos niya kay Lalaine na noon ay mababakas ang matinding takot sa mga mata.Hindi malaman ni Lalaine kung bakit galit na galit sa kan'ya ang lalaki.
“KUYA Elijah, umuwi ka na muna. Gusto kong mapag-isa...”Masuyo namang pinagmasdan ni Elijah si Lalaine saka sinabing, “Okay. Tawagan mo na lang ako kapag may problema,” aniya saka kinuha ang damit na natapunan ng lugaw at lumabas na ng apartment nito.Sa loob-loob ni Elijah, hindi na n'ya pala kailangang maghirap pa kung paano paghiwalayin ang dalawa dahil ang mga ito na mismo ang gumawa ng paraan. Ang tanging gagawin na lang niya ay maghintay kung kailan lalapit sa kan'ya si Lalaine para magawa na niya ang plano.Samantala, nang mag-isa na lang si Lalaine sa kanyang apartment ay doon lang niya napansin ang paper bag na nalaglag sa sahig kanina. Mabilis niyang dinampot iyon dahil nabasa niyang para ito sa kan'ya. Binuksan ni Lalaine ang paper bag para tingnan kung ano ang laman nito at awtomatikong nangilid ang kanyang luha nang makita kung ano ito.Sa loob ng paper bag ay isang pearl necklace na kumikinang at napakaganda. Bigla tuloy niyang naalala nang minsan tanungin siya ni Knive
NANG makalabas sa rehabilitation center, nahulog ang isipan ni Lalaine sa malalim na pag-iisip. Tuloy ay hindi niya namalayang matagal na pala siyang nakaupo at nakatulala lang sa waiting shed ng bus stop.Gabi na nang namalayan ni Lalaine ang oras. Wala sa sariling kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Knives. Gusto niyang itanong sa lalaki kung bakit nito iyon ginawa para sa kanyang kapatid. Gusto niyang tanungin kung substitute nga ba ang turing nito sa kan'ya. Kahit masakit mang marinig ang katotohanan, ay gusto niyang malaman.Habang tumatawag, walang ibang naririnig si Lalaine sa kabilang linya kundi ang operator. Naka-off ang cellphone ng lalaki kaya hindi iyon matawagan. Nakagat ni Lalaine ang pang-ibabang labi, at dahil wala na siyang pagpipilian, si Mr. Miller na lang ang tinawagan niya ng mga sandaling iyon.Hindi na nag-aalinlangan pa si Lalaine na kontakin si Mr. Miller dahil kung mag-aatubili pa siya ay baka tuluyan nang mawala ang lakas ng kanyang loob ng or
♥♥♥♥♥♥“WHY are you here?” malamig na tanong ni Knives kay Gwyneth sabay bawi sa kamay niyang hawak ng babae.Natigilan si Gwyneth sa malamig na pakikitungo ni Knives sa kan'ya ng mga ilang segundo, pero pilit siyang ngumiti pagkatapos. “I haven't seen you all day and I miss you, that's why I'm here.”Hindi sumagot si Knives, sa halip ay marahan niyang hinilot ang kanyang sentido dahil pakiramdam n'ya ay sumakit iyon. Just now, he thought he was dreaming, but when he touched the woman, he forgot everything and couldn't help but punish her with a kiss. Pero no'ng nagbalik na siya sa wisyo, muli niyang naalala ang pangloloko at pagtratdor nito sa kan'ya. Parang gusto niya itong sakalin hanggang sa malagutan na ito ng hininga.Kunot-noong tumayo si Knives at saka pinagmasdan si Gwyneth na noon ay nakatingala naman sa kan'ya. “Si Mr. Miller na ang maghahatod sa'yo pauwi,” aniya sa babae na ikinagulat naman nito.“H-Honey!” pagtawag naman ni Gwyneth nang basta na lang tumalikod si Knives
♥♥♥♥♥♥“GWYNETH, she's not a substitute...”Nanigas si Gwyneth pagkarinig sa sinabi ng nobyo at makalipas ng ilang segundo ay ngumiti siya ng pilit. “Honey...what are you talking about? Don't lie to yourself. Kapag tinitingnan mo ang mga mata n'ya, ako ang nakikita mo 'di ba?”Ang kaninang madilim na anyo ni Knives tila dumoble dahil sa tinuran ng nobyo. She looks like her? Nah. He didn't see any resemblance. All he saw in Lalaine's eyes was stubbornness and nothing else. Every time he looked into her eyes, he couldn't help but want to tame her.“She wasn't a substitute for anyone, and I don't have that kind of feelings for you,” malamig na turan ni Knives. Ayaw n'yang bigyan ng false hope si Gwyneth kaya habang maaga pa ay tinapat na niya ito.Ang maputla namang mukha ni Gwyneth ay lalong tinakasan ng kulay nang marinig iyon mula sa bibig ng nobyo. “H-Honey, do you hate me because I've been in bed for so long and my body has changed? Promise, nagpapagaling ako at ibabalik ko ang dati
♥♥♥♥♥“MS. Aragon, blangko ang booklet mo. Walang kahit anong nakasulat tungkol sa address mo at personal information. Hindi namin ito matatanggap ito.”Namutla si Lalaine nang marinig ang sinabi ng staff, sabay abot ng booklet at nakita niyang wala ngang kahit anong nakasulat doon. Importante pa naman ang booklet na iyon dahil ito ang isa sa mga requirements para sa annulment procedures.Buong pagtatakang inisa-isa ni Lalaine ang pahina ng booklet. Paano nangyari na walang nakasulat doon gayong last time na nagpunta sila ni Knives sa Regional Trial Court ay nag-fill up siya sa booklet na iyon.Ngumisi naman si Knives nang marinig iyon habang nakatayo sa kanyang tabi. “Ano namang kalokohan 'to?” pang-uuyam na tanong ni Knives. Para bang gusto nitong palabasin na sinadya niya iyon nang sa gayon ay hindi matuloy ang kanilang annulment. Pinagtitinginan rin siya ng mga naroon at may palihim na ngiti habang pinanonood siya.Uminit ang pisngi ni Lalaine dahil sa matinding pagpakahiya. Ikin
“BRUHA... Grabe! Hiyang-hiya ako sa katangahang ginawa ko kanina. Kung p'wede lang akong magpalamon sa lupa, ginawa ko na.”Kasalukuyan nasa pool area si Abby at ang best friend niya dahil nagyaya itong mag-night swimming habang umiinom ng wine. Pinaunlakan naman niya ito pero hati pa rin ang isip niya ng mga sandaling iyon dahil sa nangyaring eksena kanina.Hiyang-hiya talaga siya sa nagawa at Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ano na lang ang mukhang ihaharap niya sa lalaki pagkatapos ng kagagahang ginawa niya? Paano niya ito haharapin pagkatapos ng lahat? “Don't mind him. Masungit lang talaga si Kuya Kairi pero mabait naman ang isang 'yun,” nakangiting sagot naman ng kaibigan niya habang tumitipa sa kaharap na laptop.Mangiyak-ngiyak naman si Abby sa narinig. “Paanong 'wag intindihin? Galit na galit s'ya sa'kin, bruh! Sinabihan ko siyang magnanakaw at maniac!” bulalas pa ni Abby napahawak sa kanyang noo na parang stress na stress.“Well kahit ako naman magagalit,” pagbibiro nam
“WHO the hell are you?”Awtomatikong nanigas ang katawan ni Abby nang marinig ang baritonong boses na iyon ng lalaki na nasa ilalim niya. At dahil tanging lampshade lang ang nakabukas na ilaw sa kwartong iyon kaya umahon ang matinding takot sa kanyang dibdib dahil sa pag-iisip na baka masamang tao iyon. “I-Ikaw sino ka?! Bakit ka nandito? Magnanakaw ka ba?!” bulalas ni Abby saka nagpa-panic na tumayo mula sa kandungan ng lalaki pero nanlaki ang kanyang mga mata nang hapitin siya nito sa kanyang baywang. Hindi lang iyon, naramdaman pa niyang ang pagkabuhay ng pagkalalaki nito sa kanyang pang-upo.“This is my fucking house! Who are you? Are you a thief?”sigaw naman nito na hindi pa rin siya pinakakawalan.Ginawa ni Abby ang lahat para makawala sa lalaki pero dahil malakas ito kaya hindi nito ininda ang pagpupumiglas niya. Takot na takot na si Abby kaya dahil sa pagiging desperado, ang tanging naisip niyang gawin ay kagatin ito sa kamay.“What the fuck!” bulalas naman ni Kairi saka wala
“BRUH!”Mangiyak-ngiyak na tumakbo si Abby papalapit sa kanyang best friend na si Keiko. Niyakap niya ito nang mahigpit dahil sa wakas, nagkaroon na rin siya ng kakampi.“Bruh, how are you? Bakit gan'yan ang itsura mo?” nag-aalala namang tanong ng kanyang kaibigan habang kumot nakatingin sa kan'ya.Alam naman ni Abby kung ano ang tinutukoy nito. Malaki na kasi ang ipinagbago niya simula noong naghiwalay sila nito. Bumagsak ang kanyang katawan dahil sa stress at nanlalalim at kanyang mga mata dahil may mga gabing nahihirapan siyang makatulog kapag naiisip niya ang kahayupan ni Henry.Nagbitiw sa pagkakayakap ang dalawa matapos ang ilang sandali. Matagal silang hindi nagkita kaya sobrang na-miss nila ang isa't-isa.Nang hindi sumagot si Abby sa tanong ng best friend niyang si Lalaine ay inakay siya nito paupo sa mahabang sofa at puno ng pag-aalalang pinagmasdan siya. Pero ang isip ni Abby ay kasalukuyang lumilipad sa kabuohan ng opisina ng kanyang kaibigan. Hindi niya akalain na magigi
“I'M sorry, Kairi. I can't marry you...”Naomi returned the ring to Kairi with tears in her eyes. Kairi couldn't understand why her fiancé did that. They were planning to get married but why is she suddenly returning the ring to him now? What the fuck is really happening?“But why? Did I do something wrong, babe?” gulong-gulo na tanong ni Kairi sa nobya saka hinawakan ang kamay at bakas ang matinding pagtatanong sa mga mata.Pero iwinaksi ni Naomi ang kamay na hawak ng nobyo at saka tinakpan ang mukha gamit ang palad at umiyak. “Akiko-san to no o miai ga kimarimashita. Gomen'nasai, Kairi. (My arranged marriage meeting with Akiko has been arranged. I'm so sorry, Kairi.)”Nang marinig iyon ni Kairi ay natigilan siya. Si Akiko ay ang lalaking gusto ng mga pamilya ng kanyang nobya para rito. Kairi thought the man had completely backed out of the agreement, but why would the two get married now? No! Hindi siya makakapayag. Noong una pa lang niyang makita si Naomi, alam niyang ito ang baba
“MASAKIT ba, hija? Pasensya ka na. Wala akong magawa sa t'wing sinasaktan ka ni Sir Henry. Natatakot din kasi akong baka pag-initan n'ya ang pamilya ko.”Mula sa kawalan ay bumaling ang tingin ni Abby kay Manang Ising. Kasalukuyan niyang nilalagyan ng ointment ang sugat niya sa bibig, braso, at binti na katulad ng dati ay tinamo niya mula sa pagmamaltrato ng demonyong si Henry.Her whole body was covered in bruises and scratches, a sign of Henry's sadism. Mas lalo kasi siyang ginagahan kapag nakikita niyang nagmamakaawa ang dalaga sa kan'ya. He feels like he's the lookking and she's his slave. “O-Okay lang po, Manang Ising. Naiintindihan ko po kayo,” saad ni Abby na pilit ngumiti sa matanda.Muling kumuha ng cotton buds si Manang Ising at muling nilagyan ng ointment saka magaang ipinahid sa mga sugat ng kawawang dalaga. Habag na habag siya rito pero wala naman siyang magawa para matulungan ito.“Bakit ba kasi hindi ka na lang umalis? Magpakalayo-layo ka. Magtago ka kahit saan. Basta
ALAS-SINGKO ng hapon ang eksaktong labas ni Abby, at awtomatikong nanginig ang kanyang mga kamay nang makita ang isang itim na Rolls Royce na naka-park sa tapat ng banko kung saan siya nagtatrabaho. Isang bodyguard ang nakatayo sa labas habang hinihintay siya. Habang papalapit ay nanlumo si Abby dahil alam niya na kahit anong gawin niya ay hindi na siya makakatakas pa sa kamay ni Henry Scott. Ni mga pulis ay ayaw tumulong sa kan'ya dahil marinig lang ang pangalan nito ay parang asong nababahag ang buntot.Gustuhin man niyang tumakbo at tumakas kay Henry ng mga sandaling iyon, alam ni Abby na magiging useless lang ang lahat dahil magkikita't makikita din siya nito. Nang minsan ngang sinubukan niyang magtago, sa halip na hanapin siya ay ang kanyang pamilya sa Capiz ang pinuntahan ng mga ito. Sa takot niya na may mangyaring masama sa pamilya ay kusa na siyang lumabas sa pinagtataguan.“Good evening, Ms. Del Rosario,” bati ng bodyguard ni Henry sabay bukas ng pinto ng back seat. Doon, ki
“LET'S break up, Abby. I can't do this anymore...”Tila pinagbagsakan ng langit at lupa si Abby sa narinig. Ang mga salitang iyon ay para bang kutsilyo na paulit-ulit na sumasaksak sa kanyang puso. Maging ang kanyang luha ay biglang bumalong na para bang isang ulan na walang tigil sa pagbuhos.Paano na lang siya kung iiwan siya ni Jake? Si Jake na lang ang tanging kakampi niya pero iiwan pa siya nito. Bakit? Paano nito nagagawang makipaghiwalay sa kan'ya gayong pitong taon na sila nito? Ganoon lang ba talaga kadali para kay Jake na iwan siya pagkatapos ng lahat? Ang akala niya ay tanggap siya nito, tanggap nito ang pagkatao niya. Pero bakit bigla na lang itong makikipaghiwalay sa kan'ya? Did she do something wrong? Aren't they planning to get married? Hinawakan ni Abby ang kamay ng nobyo habang umiiyak. “Jake naman. Seven years na tayo. B-Bakit ngayon ka pa makikipaghiwalay sa'kin? Did she do something wrong? Don't you love me anymore?” umiiyak niyang tanong. Nagulat si Abby nang
•••••“ANAK, sigurado ka na ba? Pwede namang dito ka na lang sa probinsya natin maghanap ng trabaho habang nag-aaral. Bakit kailangang sa Maynila pa? Ang balita ko, maraming masasamang tao doon sa Maynila,” nag-aalalang tanong ni Letisha sa anak na si Abby. Matamis na ngumiti si Abby sa kanyang Nanay Letisha. “Naku nay! Kung kailan naisangla na natin ang lupang sakahan, saka mo pa sasabihin sa'kin 'yan? Paano ko matutubos ang lupa natin kung aatras ako?” pabirong sagot naman ni Abby.Ang totoo, nasasaktan si Abby dahil ang lupang iyon ang tanging alaala ng kanilang tatay na maagang nawala dahil sa pneumonia. Kaya naman bilang panganay, ipinangako niya sa sariling magsisikap siya at magtatrabaho nang sa gayon ay matubos nila iyon sa lalong madaling panahon.“Nag-aalala lang naman ako sa'yo, anak. Mag-isa ka lang doon. Paano ka na lang kapag may sakit ka? Sinong mag-aalaga sa'yo?” Hindi pa rin mapalagay ang puso ni Letisha para sa pag-alis ng panganay na anak, dahil iyon ang unang be
——— Secret Marriage With The Cold-hearted Billionaire Book 2: “SAVE ME, LOVE ME, ATTORNEY.” (Kairi Inoue and Abby del Rosario Story) SYNOPSIS: Bitbit ang pangarap na makapag-aral ng kolehiyo habang nagtatrabaho, mula probinsya ng Capiz ay lumuwas si Abby sa magulong siyudad ng Maynila. Subalit hindi niya akalain na sa halip na pag-asa, bangungot pala ang naghihintay sa kan'ya. Nakaranas siya ng pang-aabuso mula sa mayamang negosyante na sinamantala ang kanyang murang edad at pagiging walang muwang mundo. Wala siyang mapagsabihan ng kahayupang iyon na ginagawa sa kan'ya, kahit sa best friend niyang si Keiko. Ilang taon ang lumipas, naging maalawan ang buhay ng kanyang kaibigan nang makilala nito ang tunay na ama at mangibang-bansa. Naiwan siyang nag-iisa at patuloy na dumaranas ng kalupitan. Ni wala siyang lakas ng loob para sabihin iyon sa kanyang pamilya dahil ayaw niyang mabigo ang mga ito sa kan'ya. Hanggang sa muling magbalik ang kaibigan niyang si Keiko sa Pilip