♥♥♥♥♥♥“WHY are you here?” malamig na tanong ni Knives kay Gwyneth sabay bawi sa kamay niyang hawak ng babae.Natigilan si Gwyneth sa malamig na pakikitungo ni Knives sa kan'ya ng mga ilang segundo, pero pilit siyang ngumiti pagkatapos. “I haven't seen you all day and I miss you, that's why I'm here.”Hindi sumagot si Knives, sa halip ay marahan niyang hinilot ang kanyang sentido dahil pakiramdam n'ya ay sumakit iyon. Just now, he thought he was dreaming, but when he touched the woman, he forgot everything and couldn't help but punish her with a kiss. Pero no'ng nagbalik na siya sa wisyo, muli niyang naalala ang pangloloko at pagtratdor nito sa kan'ya. Parang gusto niya itong sakalin hanggang sa malagutan na ito ng hininga.Kunot-noong tumayo si Knives at saka pinagmasdan si Gwyneth na noon ay nakatingala naman sa kan'ya. “Si Mr. Miller na ang maghahatod sa'yo pauwi,” aniya sa babae na ikinagulat naman nito.“H-Honey!” pagtawag naman ni Gwyneth nang basta na lang tumalikod si Knives
♥♥♥♥♥♥“GWYNETH, she's not a substitute...”Nanigas si Gwyneth pagkarinig sa sinabi ng nobyo at makalipas ng ilang segundo ay ngumiti siya ng pilit. “Honey...what are you talking about? Don't lie to yourself. Kapag tinitingnan mo ang mga mata n'ya, ako ang nakikita mo 'di ba?”Ang kaninang madilim na anyo ni Knives tila dumoble dahil sa tinuran ng nobyo. She looks like her? Nah. He didn't see any resemblance. All he saw in Lalaine's eyes was stubbornness and nothing else. Every time he looked into her eyes, he couldn't help but want to tame her.“She wasn't a substitute for anyone, and I don't have that kind of feelings for you,” malamig na turan ni Knives. Ayaw n'yang bigyan ng false hope si Gwyneth kaya habang maaga pa ay tinapat na niya ito.Ang maputla namang mukha ni Gwyneth ay lalong tinakasan ng kulay nang marinig iyon mula sa bibig ng nobyo. “H-Honey, do you hate me because I've been in bed for so long and my body has changed? Promise, nagpapagaling ako at ibabalik ko ang dati
♥♥♥♥♥“MS. Aragon, blangko ang booklet mo. Walang kahit anong nakasulat tungkol sa address mo at personal information. Hindi namin ito matatanggap ito.”Namutla si Lalaine nang marinig ang sinabi ng staff, sabay abot ng booklet at nakita niyang wala ngang kahit anong nakasulat doon. Importante pa naman ang booklet na iyon dahil ito ang isa sa mga requirements para sa annulment procedures.Buong pagtatakang inisa-isa ni Lalaine ang pahina ng booklet. Paano nangyari na walang nakasulat doon gayong last time na nagpunta sila ni Knives sa Regional Trial Court ay nag-fill up siya sa booklet na iyon.Ngumisi naman si Knives nang marinig iyon habang nakatayo sa kanyang tabi. “Ano namang kalokohan 'to?” pang-uuyam na tanong ni Knives. Para bang gusto nitong palabasin na sinadya niya iyon nang sa gayon ay hindi matuloy ang kanilang annulment. Pinagtitinginan rin siya ng mga naroon at may palihim na ngiti habang pinanonood siya.Uminit ang pisngi ni Lalaine dahil sa matinding pagpakahiya. Ikin
♥♥♥♥♥♥ IKINUYOM ni Lalaine ang mga kamao at kinontrol ang sariling paghinga kahit pakiramdam niya ay kinakapos na siya. Ngunit kahit anong gawin ni Lalaine, hinding-hindi n'ya makakalimutan na ilang beses din n'yang nayakap si Knives ng mas intimate pa roon. Hindi lang 'yon, nagawa rin siya nitong bilhan ng sanitary napkin. At kapag mayroon siyang menstruation ay marahan nitong hinahaplos ang kanyang puson sa t'wing masakit. Kapag mayroon naman siyang sakit, hindi ito pumapasok sa trabaho at inaalagaan lang siya hanggang sa gumaling siya. Lalong-lalo na, sa mga hindi niya inaasahang pagkakataon ay lagi itong dumarating kung kailan kailangan niya ng tulong nito... Hindi niya alam kung paano at kailan siya umibig sa lalaki. Ni hindi niya alam kung may pagtingin ito sa kan'ya o substitute lang talaga ang tingin nito sa kan'ya. Ang tanging alam lang n'ya ay nagmahal siya sa maling tao at sa maling pagkakataon... Pakiramdam ni Lalaine ay may malaking kutsilyo ang bumaon sa kanyan
WALANG nagawa si Lalaine sa pagpupumilit ni Elijah sa ihatid siya sa buss station pauwi sa Bicol. “Thank you, Kuya Elijah,” nahihiyang pasasalamat ni Lalaine sa binata.“Okay, go ahead,” sagot naman ni Elijah. Marahan namang tumango si Lalaine at tumalikod na pero hindi pa siya nakakalayo ay narinig niyang nagsabi ng ’See you soon’ ang lalaki na ipinagtaka ni Lalaine. Lumingon siya sa lalaki ng nagtataka pero inosenteng ngumiti lang sa kan'ya si Elijah. Inisip na lang ni Lalaine na guni-guni lang niya ang narinig kaya binaliwala na lang niya ang narinig ay nagtuloy-tuloy sa paglalakad.Nang makaalis naman si Lalaine ay saka kinuha ni Elijah ang kanyang cellphone at may kinontak. Kitang-kita kung paano naging malamig ang anyo nito na kanina lang ay nakangiti.“Yes, she is...”♥♥♥♥♥Kinabukasan na nakababa si Lalain sa terminal ng bus. Muling nanumbalik kay Lalaine ang masalimuot na karanasan niya sa lugar na iyon— sa Tierra Nevada habang nakatingin sa labas ng bintana.Kahit kailan a
"SIGE, sasamahan lang naman pala kita eh. Pero bago ang lahat, bigyan mo muna ako ng pera...""Nay, nang huli tayong mag-usap, amg sabi mo hindi ka na manggugulo sa aming magkapatid at ibibigay mo ng maayos ang registration booklet. Pero wala kang tinupad sa mga napag-usapan natin. Baka nakakalimutan mo, pumirma ka ng kasunduan. Kapag 'di ka makipag-cooperate, p'wede kitang sampahan ng kaso at bawiin ang perang ibinigay ko sa'yo," galit na saad ni Lalaine sa kanyang Nanay Ursula."Gano'n ba? Sige, magsampa ka ng kaso. Ano pang ginagawa mo rito? Layas!" lakas-loob na bulalas ni Ursula sa kanyang anak. Ilang beses na ba siyang nakulong? Baliwala na sa kan'ya kung makukulong siya o hindi.Naikuyom naman ni Lalaine ang kamao dahil sa galit na nararamdaman. "Alam mo namang wala akong pera, Nay. Two thousand lang ang maibibigay ko sa'yo ngayon.""Dalawang libo? Nagpapatawa ka ba?" tanong ni Ursula na nakangisi. "Nakikita mo bang 'di ako makapagtrabaho dahil hindi pa magaling ang pilay ko? D
“NI HINDI nga ako magkaanak, paanong magiging anak kita?”Matapos marinig iyon ni Lalaine ay awtomatikong pumatak ang kanyang mga luha. Nasagot na ang matagal na niyang katanungan. Kaya pala ganoon na lang ang trato ng kanyang ina sa kanilang magkapatid. Kaya pala...Tuluyan nang nagdilim kay Lalaine ang lahat at wala na siyang alam kung ano sumunod na nangyari. Ang alam lang niya ay ang sakit ng kanyang puso, dulot ng natuklasan tungkol sa tunay na rason kung bakit ganoon kalupit ang kanyang ina.♥♥♥♥♥Nagising si Lalaine na nakatali ang kamay at papa habang nakasalampak sa malamig na semento. Hindi niya alam kung saan siya pero base sa itsura ng lugar ay mukha itong abandonadong bahay. Tuyong-tuyo ang kanyang lalamunan at dry na dry ang kanyang labi, ay kung tatansyahin niya at baka dalawang araw na siyang nakatali lang at natutulog sa lugar na iyon. Marumi na rin ang kanyang damit at bahagyang may punit subalit hindi niya matandaan kung paano niya nakuha ang mga iyon.Mayamaya'y u
“DAPAT kang mag-ingat, Madison! Ang isang 'to ay p'wede nating ipalit sa malaking halaga ng pera. Kapag mapatay mo s'ya, malaki ang mawawala sa'tin...”“Alam mo namang 'yan lang ang libangan ko, Madam Faye,” sagot naman ni Madison sabay Palo ng mahina sa puwitan ng babae.Naningkit ang mga mata ni Faye sa ginawang iyon ni Madison. “Go away, bastard! Pag hawakan mo pa ako ulit, puputulin ko 'yang kamay mo!” angil niya.Sa halip na masindak ay ngumisi pa si Madison sa kaharap. “Madam Faye, alam kong patay na patay ka kay Boss Flynn, pero kamalas-malasan mo. Kahit maghubad ka pa sa harapan n'ya, 'di ka n'ya papansinin. Kaya kapag tigang ka, puntahan mo lang ako,” nang-aasar na wika ni Madison sabay talikod at nagtuloy-tuloy ng labas.Naiwan si Faye at si Lalaine sa kwartong iyon. Nakangising pinagmasdan ni Faye si Lalaine habang kumukuha ng bakal na upuan. Naupo ito sa harap ni Lalaine habang magka-ekis ang mahahabang binti.Umangat ang isang kamay ni Faye upang itingala ang maliit na mu
KINABUKASAN, magkakaharap na dumulog sa dining table para sa breakfast sina Abby, ang best friend niya, si Tito Kenji at ang Kuya Kairi nito. Ang dalawang sobrang cute na anak ng kanyang best friend ay natutulog pa kaya hindi nila kasabay sa almusal na iyon.Hindi magawang tumingin ni Abby sa lalaki dahil hiyang-hiya pa rin siya kaya habang kumakain ay para siyang tangang nakayuko lang at halos dumikit na ang mukha sa plato.“Hija, what's wrong? Ayaw mo ba ng pagkain?” puna ni Kenji sa dalagang si Abby nang makita niyang nakayuko lang ito at tulala.Napilitang nag-angat ng tingin si Abby dahil sa sinabing iyon ng matanda. Ayaw niyang isipin nito na bastos siya o kaya naman ay nag-iinarte sa pagkain. “H-Hindi po, Tito Kenji. May naalala lang po ako,” sagot niya na may pilit na ngiti sa labi.“Tungkol ba kagabi? Don't worry, hindi naman big deal 'yun para kay Kairi. Right, son?” saad naman ni Kenji sabay tingin sa anak na tahimik lang na kumakain.Dahil sa narinig ay wala sa sariling
“BRUHA... Grabe! Hiyang-hiya ako sa katangahang ginawa ko kanina. Kung p'wede lang akong magpalamon sa lupa, ginawa ko na.”Kasalukuyan nasa pool area si Abby at ang best friend niya dahil nagyaya itong mag-night swimming habang umiinom ng wine. Pinaunlakan naman niya ito pero hati pa rin ang isip niya ng mga sandaling iyon dahil sa nangyaring eksena kanina.Hiyang-hiya talaga siya sa nagawa at Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Ano na lang ang mukhang ihaharap niya sa lalaki pagkatapos ng kagagahang ginawa niya? Paano niya ito haharapin pagkatapos ng lahat? “Don't mind him. Masungit lang talaga si Kuya Kairi pero mabait naman ang isang 'yun,” nakangiting sagot naman ng kaibigan niya habang tumitipa sa kaharap na laptop.Mangiyak-ngiyak naman si Abby sa narinig. “Paanong 'wag intindihin? Galit na galit s'ya sa'kin, bruh! Sinabihan ko siyang magnanakaw at maniac!” bulalas pa ni Abby napahawak sa kanyang noo na parang stress na stress.“Well kahit ako naman magagalit,” pagbibiro nam
“WHO the hell are you?”Awtomatikong nanigas ang katawan ni Abby nang marinig ang baritonong boses na iyon ng lalaki na nasa ilalim niya. At dahil tanging lampshade lang ang nakabukas na ilaw sa kwartong iyon kaya umahon ang matinding takot sa kanyang dibdib dahil sa pag-iisip na baka masamang tao iyon. “I-Ikaw sino ka?! Bakit ka nandito? Magnanakaw ka ba?!” bulalas ni Abby saka nagpa-panic na tumayo mula sa kandungan ng lalaki pero nanlaki ang kanyang mga mata nang hapitin siya nito sa kanyang baywang. Hindi lang iyon, naramdaman pa niyang ang pagkabuhay ng pagkalalaki nito sa kanyang pang-upo.“This is my fucking house! Who are you? Are you a thief?”sigaw naman nito na hindi pa rin siya pinakakawalan.Ginawa ni Abby ang lahat para makawala sa lalaki pero dahil malakas ito kaya hindi nito ininda ang pagpupumiglas niya. Takot na takot na si Abby kaya dahil sa pagiging desperado, ang tanging naisip niyang gawin ay kagatin ito sa kamay.“What the fuck!” bulalas naman ni Kairi saka wala
“BRUH!”Mangiyak-ngiyak na tumakbo si Abby papalapit sa kanyang best friend na si Keiko. Niyakap niya ito nang mahigpit dahil sa wakas, nagkaroon na rin siya ng kakampi.“Bruh, how are you? Bakit gan'yan ang itsura mo?” nag-aalala namang tanong ng kanyang kaibigan habang kumot nakatingin sa kan'ya.Alam naman ni Abby kung ano ang tinutukoy nito. Malaki na kasi ang ipinagbago niya simula noong naghiwalay sila nito. Bumagsak ang kanyang katawan dahil sa stress at nanlalalim at kanyang mga mata dahil may mga gabing nahihirapan siyang makatulog kapag naiisip niya ang kahayupan ni Henry.Nagbitiw sa pagkakayakap ang dalawa matapos ang ilang sandali. Matagal silang hindi nagkita kaya sobrang na-miss nila ang isa't-isa.Nang hindi sumagot si Abby sa tanong ng best friend niyang si Lalaine ay inakay siya nito paupo sa mahabang sofa at puno ng pag-aalalang pinagmasdan siya. Pero ang isip ni Abby ay kasalukuyang lumilipad sa kabuohan ng opisina ng kanyang kaibigan. Hindi niya akalain na magigi
“I'M sorry, Kairi. I can't marry you...”Naomi returned the ring to Kairi with tears in her eyes. Kairi couldn't understand why her fiancé did that. They were planning to get married but why is she suddenly returning the ring to him now? What the fuck is really happening?“But why? Did I do something wrong, babe?” gulong-gulo na tanong ni Kairi sa nobya saka hinawakan ang kamay at bakas ang matinding pagtatanong sa mga mata.Pero iwinaksi ni Naomi ang kamay na hawak ng nobyo at saka tinakpan ang mukha gamit ang palad at umiyak. “Akiko-san to no o miai ga kimarimashita. Gomen'nasai, Kairi. (My arranged marriage meeting with Akiko has been arranged. I'm so sorry, Kairi.)”Nang marinig iyon ni Kairi ay natigilan siya. Si Akiko ay ang lalaking gusto ng mga pamilya ng kanyang nobya para rito. Kairi thought the man had completely backed out of the agreement, but why would the two get married now? No! Hindi siya makakapayag. Noong una pa lang niyang makita si Naomi, alam niyang ito ang baba
“MASAKIT ba, hija? Pasensya ka na. Wala akong magawa sa t'wing sinasaktan ka ni Sir Henry. Natatakot din kasi akong baka pag-initan n'ya ang pamilya ko.”Mula sa kawalan ay bumaling ang tingin ni Abby kay Manang Ising. Kasalukuyan niyang nilalagyan ng ointment ang sugat niya sa bibig, braso, at binti na katulad ng dati ay tinamo niya mula sa pagmamaltrato ng demonyong si Henry.Her whole body was covered in bruises and scratches, a sign of Henry's sadism. Mas lalo kasi siyang ginagahan kapag nakikita niyang nagmamakaawa ang dalaga sa kan'ya. He feels like he's the lookking and she's his slave. “O-Okay lang po, Manang Ising. Naiintindihan ko po kayo,” saad ni Abby na pilit ngumiti sa matanda.Muling kumuha ng cotton buds si Manang Ising at muling nilagyan ng ointment saka magaang ipinahid sa mga sugat ng kawawang dalaga. Habag na habag siya rito pero wala naman siyang magawa para matulungan ito.“Bakit ba kasi hindi ka na lang umalis? Magpakalayo-layo ka. Magtago ka kahit saan. Basta
ALAS-SINGKO ng hapon ang eksaktong labas ni Abby, at awtomatikong nanginig ang kanyang mga kamay nang makita ang isang itim na Rolls Royce na naka-park sa tapat ng banko kung saan siya nagtatrabaho. Isang bodyguard ang nakatayo sa labas habang hinihintay siya. Habang papalapit ay nanlumo si Abby dahil alam niya na kahit anong gawin niya ay hindi na siya makakatakas pa sa kamay ni Henry Scott. Ni mga pulis ay ayaw tumulong sa kan'ya dahil marinig lang ang pangalan nito ay parang asong nababahag ang buntot.Gustuhin man niyang tumakbo at tumakas kay Henry ng mga sandaling iyon, alam ni Abby na magiging useless lang ang lahat dahil magkikita't makikita din siya nito. Nang minsan ngang sinubukan niyang magtago, sa halip na hanapin siya ay ang kanyang pamilya sa Capiz ang pinuntahan ng mga ito. Sa takot niya na may mangyaring masama sa pamilya ay kusa na siyang lumabas sa pinagtataguan.“Good evening, Ms. Del Rosario,” bati ng bodyguard ni Henry sabay bukas ng pinto ng back seat. Doon, ki
“LET'S break up, Abby. I can't do this anymore...”Tila pinagbagsakan ng langit at lupa si Abby sa narinig. Ang mga salitang iyon ay para bang kutsilyo na paulit-ulit na sumasaksak sa kanyang puso. Maging ang kanyang luha ay biglang bumalong na para bang isang ulan na walang tigil sa pagbuhos.Paano na lang siya kung iiwan siya ni Jake? Si Jake na lang ang tanging kakampi niya pero iiwan pa siya nito. Bakit? Paano nito nagagawang makipaghiwalay sa kan'ya gayong pitong taon na sila nito? Ganoon lang ba talaga kadali para kay Jake na iwan siya pagkatapos ng lahat? Ang akala niya ay tanggap siya nito, tanggap nito ang pagkatao niya. Pero bakit bigla na lang itong makikipaghiwalay sa kan'ya? Did she do something wrong? Aren't they planning to get married? Hinawakan ni Abby ang kamay ng nobyo habang umiiyak. “Jake naman. Seven years na tayo. B-Bakit ngayon ka pa makikipaghiwalay sa'kin? Did she do something wrong? Don't you love me anymore?” umiiyak niyang tanong. Nagulat si Abby nang
•••••“ANAK, sigurado ka na ba? Pwede namang dito ka na lang sa probinsya natin maghanap ng trabaho habang nag-aaral. Bakit kailangang sa Maynila pa? Ang balita ko, maraming masasamang tao doon sa Maynila,” nag-aalalang tanong ni Letisha sa anak na si Abby. Matamis na ngumiti si Abby sa kanyang Nanay Letisha. “Naku nay! Kung kailan naisangla na natin ang lupang sakahan, saka mo pa sasabihin sa'kin 'yan? Paano ko matutubos ang lupa natin kung aatras ako?” pabirong sagot naman ni Abby.Ang totoo, nasasaktan si Abby dahil ang lupang iyon ang tanging alaala ng kanilang tatay na maagang nawala dahil sa pneumonia. Kaya naman bilang panganay, ipinangako niya sa sariling magsisikap siya at magtatrabaho nang sa gayon ay matubos nila iyon sa lalong madaling panahon.“Nag-aalala lang naman ako sa'yo, anak. Mag-isa ka lang doon. Paano ka na lang kapag may sakit ka? Sinong mag-aalaga sa'yo?” Hindi pa rin mapalagay ang puso ni Letisha para sa pag-alis ng panganay na anak, dahil iyon ang unang be