CHAPTER FOURMALAMIG ang gabi, pero hindi iyon naramdaman ni Eros Smith habang nagmamaneho patungo sa Imperial Palace. Outside his car, the lights of Makati resembled stars brought down to the earth. Towering buildings, billboards vying for attention, and vehicles speeding along the streets - a city that seemed to have no room for emotions such as weariness, sorrow, or yearning.Pero sa loob ng kotse ay kabaliktaran. Tahimik at mabigat ang hangin, na para bang bawat segundo ay nagpapapaalala kay Eros ng mga salitang binitiwan ng kanyang daddy ilang oras lang ang nakalipas."Sayang ka, Eros. We invested in your education so you could become our rightful heir - not to waste your time playing games in some hospital!""Don't you feel any pity for your family? Is this really what you've chosen - to throw your life away patching up the blood and wounds of people who have nothing to do with you?" dagdag pa nito.Hindi na niya mabilang kung ilang beses niya narinig ang ganito. At sa bawat pag
KINABUKASAN, sa maliit na speech therapy room na may malalaking bintana at tanaw ang garden ng ospital, nakaupo si Veronica sa harap ni Dr. Regina Villanueva. Sa gilid, naroon muli si Eros, tahimik na nakaupo, nag-o-observe para matutukan ang progress ng pasyente niya."Veronica, inhale deeply," mahinang utos ni Regina, may himig ng pag-udyok sa tinig. "Ngayon, subukan mong maglabas ng kahit isang tunog. Kahit mahina lang."Sumunod si Veronica, dahan-dahan ang paghinga, ramdam ang paninikip ng dibdib. Pinilit niyang igalaw ang mga vocal folds na matagal nang tahimik. Mula sa lalamunan niya, isang napakahina, halos hindi marinig na ha ang lumabas. Paos, mababa, at halos tunog-hangin lang, pero totoo. Tunog na galing sa matinding pagsisikap.Napahinto si Doc Regina, bakas ang matinding saya. Hindi dahil naawa siya kay Veronica, kundi dahil alam niyang napakalaking hakbang ang nagawa ng dalaga. "That's it, Veronica. Good job," sabi nito, sabay ngiti. Sa gilid, bahagyang ngumiti si Eros,
"EXCUSE me, pero tapos na ang visiting hours. Makakaalis na kayo..."Sabay na nagkatinginan si Sienna ay Kenneth ng dumating ang doktor. Umangat ang gilid ng labi ng babae nang makita na gwapo ang doktor na naka-assign sa kanyang step-sister. "Are you her doctor? May I ask kung maibabalik pa ba sa dati ang mukha ng sister ko?" tanong ni Sienna, bakas sa tinig ang panunuya.Nanatiling pormal si Eros sa harapan ng dalawang bisita ni Veronica kahit pa alam niyang hindi nagpunta ang mga ito doon para mangumusta kundi para pasaringan ang huli. "Too early to tell, Ms. Alcantara. We're doing everything we can," maikling sagot ni Eros na ayaw nang magbigay pa ng kung anong impormasyon sa kaharap."Ah, I see. Well, I guess what matters is she's alive. Looks aren't everything naman, right?" tugon naman ni Sienna na hindi maitago ang kaplastikan habang sinasabi iyon."Sienna, please," awat naman ni Kenneth saka humingi ng apologetic smile sa doktor, saka bumaling kay Veronica na nakayuko lang.
CHAPTER 1---SA BAWAT hakbang ni Doc Eros Vaughn Smith sa mahabang hallway ng ospital, tila ba humihinto ang oras. Puting lab coat na kumikintab sa ilaw ng corridor, fitting sa broad shoulders at matikas na katawan na parang laging handang humarap sa anumang laban ng buhay at kamatayan. Ang kanyang buhok ay makapal at bahagyang nagulo ng pagod sa ilang oras na operasyon, ay nagbibigay ng lalong rugged na appeal. The first thing people noticed about him? Those sharp, steady hazel eyes that caught the light like gold — and a jawline so perfect it looked unreal.Ang boses niya, mababa at kalmado, ay tila awtomatikong nagpapatahimik ng kaba ng mga pasyente at ng mga kasama niya sa trabaho. He wasn’t just a doctor people admired — he was the doctor they trusted. Not just because of his brilliance, but because of the strength and compassion that showed in every look, every word he spoke.———Sa emergency room, kumakaripas ang mga nurse, ang tunog ng monitor nagbabanta ng nalalapit na pagk
BOOK 3: “SCARS OF THE HEART”PROLOGUE:MADILIM ang kalangitan, parang walang bituin habang bumubulusok ang van sa isang kalsadang halos walang dumaraan sa border ng China. Sa loob nito, nakasandal sa upuan ng sasakyan si Veronica Alcantara—isang junior doctor na ilang linggo lang ang nakararaan, ay masigla pang naglilingkod sa isang humanitarian mission. Ngunit ngayon, ang kanyang mga kamay ay namamanhid sa higpit ng pagkakatali, at ang kanyang katawan ay pagod na pagod mula sa paulit-ulit na pananakit.Dinala siya sa isang lugar na walang pangalan. Isang underground research institute na ang tanging laman ay mga duguang mga bihag, mga sugatang miyembro ng sindikato, at mga scientific equipment na tila galing sa impyerno. At sa gitna ng lahat ng iyon, si Veronica—ang doktor na sapilitang pinaggagamot sa mga kriminal na halos wala nang kaluluwa.Araw-araw, pinipilit siyang gamutin ang mga sugatan gamit ang kulang-kulang na kagamitan. Walang anesthesia. Walang tamang gamot. Tanging tako
Hi guys! Gusto ko lang pong magpasalamat sa inyong lahat na sumuporta at nagbasa ng kwento nina Abby at Kairi. Sobrang saya ko na may mga taong na-touch at na-in love din sa journey nila. Sa bawat like, comment, at oras na ginugol n’yo para basahin ang story na ’to — grabe, thank you talaga!Hindi madali magsulat pero dahil sa inyo, mas naging worth it lahat. Sana samahan n’yo pa rin ako sa mga next stories na ilalabas ko. Abangan n’yo pa ang kwento ng pag-ibig ni Eros at Veronica na siguradong mas kikiligin kayo.Mula sa puso, maraming salamat sa suporta! 💕— Genn