CHAPTER 90 – “’Di Inaasahang Tagpo” Kapansin-pansin na ibang-iba na ang aura ni Elle at napapansin iyon ni Nathan. For the past few days, halatang-halata ang pagbabago. Dati, para itong laging may dinadalang mabigat. Ngayon? May something different. Just this morning, sa gitna ng isang meeting, nahuli niya itong nakatulala sa bintana habang may maliit na ngiti sa labi. Tulala while smiling? That’s new. Yung kislap sa mga mata niya, bumalik. Deep inside, alam ni Nathan kung sino—o ano—ang dahilan. Hindi kailangan ng henyo para malaman na nagsimula ang lahat ng ito mula nang bumalik si Knox sa eksena. Nakakainis isipin. Yung lalaking sumira sa rito, ito rin pala ang may kayang bumuo ulit. Life’s ironic like that. “You seem… lighter these days, Elle,” sabi ni Nathan nang magkasabay silang kumuha ng kape sa pantry. “Masaya ako para sa’yo.” Kitang-kita niya ang pagkagulat sa mga mata ni Elle bago ito mabilis na ngumiti. “Ha? Ah, siguro dahil sa sales report. Ganda ng numbers, eh. Nakak
CHAPTER 89 – “Crossroads”Pagkatapos ng gabing iyon, bumalik si Elle sa normal niyang routine sa condo—o kahit pilit niyang gawing normal. Maaga siyang gumising para asikasuhin si Kieran bago pumasok sa opisina. Nakaupo si Kieran sa baby chair habang sumubo ng cereal, habang si Elle ay mabilis na naglalagay ng mga gamit sa maliit nitong backpack.“Mommy, dinosaur,” bulong ni Kieran habang tinuturo ang stuffed toy sa sofa.Ngumiti si Elle kahit mabigat ang dibdib niya. “Of course, sweetheart. Hindi pwedeng maiwan si Dino.”Inilagay niya ito sa bag, saka hinalikan ang pisngi ng anak. Simple moments lang iyon, pero iyon ang nagbabalik ng lakas niya. Kahit anong gulo sa paligid, si Kieran ang dahilan para magpatuloy siya.---Pagdating niya sa Eurydice, sinalubong agad siya ng sunod-sunod na meeting at email. Nagbabalik na rin ang sigla ng kumpanya matapos ang huling motor expo. Habang binabasa niya ang report ng marketing team, nahuli niya si Nathan na nakatingin sa kanya mula sa kabilan
CHAPTER 88 – “Aftermath”Lumabas si Elle ng restaurant na para bang hinigop lahat ng lakas niya sa loob. Ang mga ilaw ng kalye sa Makati ay maliwanag, pero sa pakiramdam niya, lahat ay malabo, lahat ay malayo. Humigpit ang hawak niya sa strap ng bag, parang iyon lang ang tanging kumakapit sa kanya para manatiling matatag.Nang makasakay siya ng kotse, hindi niya mapigilang titigan ang mga palad niya—pawis na pawis, nanginginig pa. She pressed them together, whispering under her breath, “Kailangan kong maging matatag. Para kay Kieran.”Pagdating sa condo, tahimik ang paligid. Si Kieran ay mahimbing na natutulog sa maliit na kama sa tabi ng kwarto niya. Hawak pa rin nito ang paboritong dinosaur plushie, bahagyang nakabuka ang bibig habang mahimbing ang tulog.Elle sat at the edge of her bed, staring blankly at the wall. Her chest rose and fell in uneven breaths. Alam niyang kailangan niyang magpakatatag, pero hindi madaling bitbitin ang bigat ng katotohanan: Knox knew. At hindi lang bas
CHAPTER 87 – “The Truth”---Tahimik ang restaurant booth, para bang mismong mga ilaw ay nag-aalangan ding masilayan silang dalawa. May soft music sa background, ngunit sa pagitan nina Elle at Knox, ang tanging musika ay ang tibok ng puso nilang parehong hindi mapakali.Knox leaned forward, resting his elbows on the table. Hindi niya alam kung saan magsisimula. Kahit ilang rehearsals ang ginawa niya sa isip, ngayon na kaharap na niya si Elle, lahat ng salitang inipon niya ay parang naglaho.Elle’s gaze was steady, calm on the surface pero sa ilalim, may tensyon na parang apoy na kumakain sa loob. She had spent three years building a wall around herself—at ngayon, narito ang taong minsan niyang minahal, at siya ring sumira ng lahat ng iyon.“Why now, Knox?” ulit niya, this time mas direkta, mas mabigat ang boses. “What is it that couldn’t wait?”Knox exhaled sharply. He unclasped his watch, parang hindi makahanap ng lugar ang kanyang mga kamay. At last, his eyes met hers. “Elle… I know
CHAPTER 86 – "The Call"---Mainit ang hapon sa Bonifacio Global City. Sa loob ng opisina ng Eurydice Motors, abala ang lahat—mga staff na nagdadala ng presentations, ilang interns na nagbubura ng whiteboard, at distributors na palabas-pasok sa conference room. Sa gitna ng lahat ng ito, tahimik na nakaupo si Elle sa kanyang desk, hawak ang tablet habang tinitingnan ang schedule ng deliveries. Sa kabilang sofa, mahimbing na natutulog si Kieran, naka-dapa sa maliit na throw pillow, yakap-yakap ang dinosaur plush toy na hindi nito binibitawan kahit isang minuto.Nathan walked in quietly, holding two mugs of coffee. “Break muna,” aniya, inilapag ang isa sa harap ni Elle. “You’ve been working non-stop.”She glanced up and gave him a small smile. “Thanks. I needed this.”“Don’t thank me. You’ll burn out if you keep pushing yourself like that,” he replied, taking a seat opposite her. The tone was light, friendly, but protective in a way only Nathan could manage. They had built a rhythm, a ba
CHAPTER 85 – “The Result”PUNO NG tensyon ang opisina ni Knox ng mga oras na iyon. Sa kanyang mga kamay, mahigpit na nakalapat ang sobre. The paper seal had already been torn, pero hindi pa niya binubuksan ang dokumento.He inhaled deeply, closing his eyes for a second. Parang ang tibok ng puso niya ay nasa tenga na niya—malakas, mabilis, halos mabasag.With trembling fingers, he pulled out the folded sheets. The crisp sound of paper filled the empty room, parang echo na dumidiretso sa dibdib niya.His eyes scanned the top portion, simula sa standard headers, lab details, case number. Pero pagdating sa mismong linya ng resulta, para siyang tinamaan ng kidlat.“Result: Positive. Probability of paternity: 99.99%.”Knox’s throat closed up. Hindi siya makalunok. The letters blurred as his vision stung with unshed tears. Pinikit niya ang mga mata, pero lalo lang bumalik ang imahe ng bata. Ang ngiti, tawanan, mata na parang salamin ng kaluluwa niya mismo.“He’s mine…” bulong niya, halos wal