Hello guys! Mag-ingat po ang lahat! Keep safe and dry saan man po kayo naroroon lalong-lalo na sa Bicol Region. Binabaha man o hindi, mag-iingat pa rin at magdasal na sana huminto na ang ulan. Love, GennWrites ( ◜‿◝ )♡
CHAPTER 66 – “Echoes of Truth”The following day, parang walang nangyari. At least sa labas.Pagpasok ni Elle sa Evans Corporation, maayos ang suot niyang corporate attire—white silk blouse, black pencil skirt, naka-heels at flawless ang makeup. Ang bawat hakbang niya ay maingat, controlled, calculated.Sa loob, durog siya. Pero sa harap ng lahat, she wore the mask of strength.“Good morning, Ma’am Elle,” bati ng ilang staff sa corridor.Ngumiti siya, tipid pero convincing. “Good morning.”Diretso siya sa opisina, agad na nagbukas ng laptop at sinimulan ang trabaho. Nag-check ng emails, nag-review ng reports, nag-approve ng proposals. She kept herself busy para hindi niya maisip ang sakit.Si Knox, on the other hand, dumating din sa building, pero dumiretso sa CEO’s office. Hindi sila nagtagpo. Hindi rin sila nag-usap. At kahit ilang beses silang nagkrus sa hall sa mga meetings, parehong deadpan lang ang mga tingin. Walang acknowledgment, walang interaction.Buong araw, ganoon lang. P
CHAPTER 65 – “Fractured Bonds”The gala night wound down slowly. The laughter of guests echoed faintly through the vast ballroom as people bid their goodbyes. The chandeliers dimmed little by little, the once-bright lights turning softer, signaling the end of the evening. Staff bustled around, guiding guests to their vehicles, while the Evans family stood near the entrance, still exchanging pleasantries with their most important allies.Elle stood quietly beside Knox, her smile faint but controlled. Sa loob niya, unti-unti na siyang nauupos. Parang isang kandilang tinutunaw ng sarili nitong apoy. Kanina pa sumisikip ang dibdib niya. Kanina pa mabigat ang bawat hinga. At kanina pa siya nagpipigil na huwag tuluyang gumuho sa harap ng lahat.Knox’s face remained the same—cold, authoritative, untouchable. Walang bakas ng emosyon. Walang indikasyong naapektuhan siya sa anumang nangyari sa dance floor. He conversed with his grandfather’s contemporaries, shook hands with investors, and stood
CHAPTER 64 – “Shadows Behind the Waltz”Natapos ang musika na para bang pumunit sa katahimikan ng puso ni Elle. Ang paligid ay muling napuno ng palakpakan at tawanan, pero sa loob niya, para siyang nabingi. Hindi niya maramdaman ang saya ng paligid at ang bigat sa dibdib niya ang tanging nangingibabaw.“Excuse me,” mahina niyang sambit kay Nathan matapos silang bumalik mula sa dancefloor. Isang mabilis na ngiti ang pinilit niyang ilabas. “I’ll just go to the restroom.”“Do you want me to—”She shook her head agad, halatang ayaw ng kasama. “No, I’ll be fine. Just… stay here, Nathan.”May halong pag-aalala ang mga mata nito, pero hindi kumibo ang lalaki. Tumango na lang si Nathan at binitawan siya. “Okay. I’ll wait here.”Huminga nang malalim si Elle at mabilis na tumalikod. Hindi na siya tumingin pa sa paligid, hindi na rin siya nagpaalam sa iba. Tuloy-tuloy lang ang lakad niya palabas ng hall.---Mula sa kabilang dulo, natanaw naman ni Knox ang bawat kilos ng asawa. Kita niya kung pa
CHAPTER 63 – ”A Waltz of Masks.”For a split second, the world froze. Dalawang kamay ang nakalahad sa harap ni Elle—si Nathan na may dalang sincerity at ngiti, at si Knox na malamig ang anyo pero nagbabaga ang mga mata.The chandeliers gleamed above, casting golden light, habang ang mga tao sa paligid ay nagbubulungan, halos hindi makahinga sa tensyon ng eksenang nakikita.Pero bago pa makapili si Elle, isang boses mula sa likuran ang pumunit sa bigat ng sandali.“Mr. Evans?”Sabay-sabay na napalingon si Elle, Nathan, at ang ilan pang nakikiusyoso. Mula sa crowd ay lumapit ang isang lalaking nasa late fifties, naka-three-piece suit, halatang may awtoridad. Kasama nito si Ayah, naka-gown na kulay crimson, confident ang tindig at may bahid ng ngisi sa labi.“Mr. Santiago,” maayos na bati ni Knox, kahit naninigas ang panga.Ngumiti ang board member, si Mr. Santiago, isa sa shareholders ng kompanya. “Would you mind dancing with my daughter? It would be an honor for our family, Knox.”Naro
CHAPTER 62 – The Dance of ShadowsThe music shifted. From the steady hum of background classical pieces, biglang nagpalit ang string quartet ng mas mabagal na tugtog—isang timeless waltz na sumakop sa buong banquet hall. The chandeliers glimmered warmer, parang sinadya para maging malamlam ang gabi at gawing mas intimate ang atmosphere.Unang nagsilabasan ang mga pares—department heads with their spouses, ilang investors with elegant dates, at mga empleyado na game na sumayaw sa gitna. The dance floor started to fill, each step choreographed by etiquette, each smile carefully calculated.Pero para kay Elle, parang tumigil ang oras. Nasa mesa pa rin siya, half-empty ang champagne flute sa harapan, habang pinapanood ang mga pares na nagsasayaw. Pero hindi doon nakatuon ang isip niya. Ilang metro ang layo, sa kabilang mesa, nakaupo si Knox at mula pa kanina, hindi inaalis ang tingin sa kanya.Nagtagpo ang kanilang paningin. Walang salita, pero sapat para maramdaman ni Elle na parang may
CHAPTER 61 – The Gala NightPagbukas ng malalaking pinto ng banquet hall, sinalubong si Elle ng malamlam na liwanag ng chandeliers at musika ng live string quartet. Ang venue ay eleganteng inayos—mahahabang mesa na may crystal centerpieces, mga waiter na naka-black and white uniform, at mga bisitang nakasuot ng kanilang pinakamagagarang kasuotan.Halos lahat ng department heads ng Evans Motors ay naroon, pati na rin ang ilang kilalang investors at business partners mula sa ibang bansa. Ang bawat galaw at ngiti ng mga tao ay pormal, pero puno ng pagsusuri at para bang bawat tingin ay may sukatan.Kasabay niyang pumasok si Nathan, na nakaayos sa kanyang navy suit. Magaan ang usapan nila habang naglalakad. Sa simpleng biro nito kanina, kahit paano’y nabawasan ang tensyon na nararamdaman niya.“Looks like a battlefield,” biro ni Nathan, bahagyang yumuko sa kanya habang naglalakad sila papasok.Elle chuckled softly. “You’ll survive. First Gala mo, right?”“Yeah,” sagot nito, halatang kinak