LORELEI“Bakla…grabe ang hot talaga ni fafa Matthias mo. Girl, kapag ako naging jowa niyan naku day–pipikotin ko na agad aba mahirap ng maagaw pa ito ng iba,” parang uod sa sobrang likot na salubong sa akin ng kaibigan kong si Ricky.Inantay ako nito sa parking lot kung saan ay palaging akong doon hinahatid ni Kuya Matthias. Classmate ko itong si Ricky simula noong grade 7 pa ako. At hindi rin kami nalipat ng section palibhasa ay pareho palagi ang grade namin kaya hind kami naghiwalay ng section.“Oi ‘yong tili mo bakla! Handa ka na bang malaman ng madlang pipol na may tinatago ka?” pabulong kong saad sa kaniya.Si Nanay Rina at si mommy ang nakakaalam na bakla si Ricky. Bawal kasi ipagkalat at bibitayin ito patiwarik ng kanyang Daddy na Mayor sa kabilang City. Kung lilitaw nag super sireyna niyang pagkatao.Sometimes I felt sorry for him because he couldn't reveal his true personality to his parents. Kailangan nitong magkunwari na totoong lalaki dahil nga sa iniingatan ang pangalan n
LoreleiDali-dali kong inilabas ang payong ko na laging dala-dala sa loob ng bag ko sa tuwing papasok ako sa eskwelahan. Kaya nga lang sa sobrang lakas ng ulan hindi ‘yon sapat kahit may bubong ang corridor patungo sa guard house. Kaya hindi pa man ako nakakarating doon ay basang-basa na ang buo kong palda. Kung kanina ay sa laylayan lang ang basa ngayon ay halos umabot na sa baywang ko.Mas preno-protektahan ko kasi ang backpack ko dahil mababasa ang mga gamit ko sa loob kung mababasa ‘yon ng ulan.I can't help but be annoyed with my Kuya Matthias dahil sa hindi niya pagsundo sa akin.Hindi lumipas ang thirty minutes dumating si Kuya Mattheus, sakto lang nakarating na ako sa guard house. Subalit basang-basa na ako dahil sa ulan maliban lang sa bag ko. I saw anger on his face subalit ng kausapin ko, kumalma ng kaunti ang sobrang madilim niyang mukha.“Dammit! Masasapak ko talaga ang dumbass na iyon,” naririnig kong bubulong-bulong ni Kuya Mattheus, pagbaba niya ng kanya kotse. Sinulya
Lorelei“Lorelei buksan mo itong pinto ano ba?!” malakas nitong katok sa labas.No way! Pagkatapos mo akong tiisin roon sa waiting shed at nabasa ng malakas na ulan may gana ka pang magpakita. Bulong ko lamang iyon sa akin sarili.Hindi ko iyon kayang sabihin sa kaniya. Lalo naman wala akong karapatan ng sumbatan ito. Sino lang ba ako Isang sampid sa pamilya.“Dammit!” narinig kong sigaw nito sa labas at mukha pa ‘ata tinadyakan ang pinto sa inis siguro nito dahil hindi ko siya binubuksan. Nawala ng ingay sa labas. Buti naman ay umalis na rin ang ugag na iyon. Hirap intindihin ng ugali nito. Nag-antay pa ako ng ilang sandali ng wala naman kumakaluskos nagpasya akong lumabas ng kwarto ko.Gusto ko rin pumunta ng kusina at nauuhaw rin ako. Hindi na ako kakain magtimpla na lang ako ng gatas at muling babalik dito sa k'warto ko.“Kuya Matthias!” tili ko ng nasa pinto pala ito nakaupo habang nakayupyop sa mga hita nito. Ang gago talaga nito.Hmmp bakit hindi ‘ata gumagalaw ang tukmol. Nap
LoreleiMabilis lumipas ang mga araw parating na ngayon sila Mommy at Daddy, galing bakasyon. Sabado ngayon ngunit magka ganun pa man ay maaga pa rin akong gumising upang tumulong sa paghahanda nila Nay Rina ng tanghalian namin. Sabi kasi nila Mommy before lunch nandito na sila.Maraming niluto si Nanay Rina na ulam request ni Mommy kahapon, ng mag-long distance ito sa amin. Almost three weeks silang nawala. Miss ko na silang pareho ni Daddy.Katatapos lang namin gumawa ni Nay Rina ng dessert. Siya ang gumawa ng macaroni salad ako , ay naisip kong gumawa ng ice cream. Avocado flavor at mango. Nang matapos ko iyon kinilig pa ako sa naaamoy kong bango.“Ang sarap niyan sigurado ako,” ani pa ni Nay Rina ng lumapit ito sa akin at ginaya rin ang ginawa kong pagamoy pa sa nagawa kong ice cream."Hmmm amoy pa lang yummy na!" she said with matching pa pikit-pikit ng kaniyang mata.I learned to do this from my father's friend's wife. Sa Misis ni Tito Wyatt. Chef kasi iyon at meron restaurant.
Lorelei“Kuya Raul, kahit balikan n'yo na lang po ako bukas ng hapon,” bilin ko rito ng dumating kami sa resthouse nila Ricky sa Batangas.Mabilis lang kaming nakarating dahil nga walang traffic. Umalis kami sa bahay ng alas dos ng hapon saktong six o'clock nakarating kami rito. Binuhat ko ang binili kong cake sa bestfriend kong si Ricky.“Sige po Senyorita Lorelei,” wika nito.“Kahit po mga alas k'warto na po rito makarating bukas alam naman po nila Mommy at Daddy na ganun oras ako uuwi at kampante naman siya na si Ricky ang kasama ko,” saad ko pa rito.“Sige Senyorita. Paano ako'y tutuloy na ha?”“Yes, yes Mang Raul. Ingat po kayo sa Biyahe,” bilin ko pa.Narito na raw si Ricky at ang apat na kasama niyang babae close namin kahit paano. Hindi ko alam kung niyaya niya ang crush niyang si Darvin at sabi ko ‘wag na dahil lalaki iyon maganda na lang kung puro kami babae rito mas safe. Hindi naman sa overthink ako naninigurado lang.Tinawagan ko si Ricky subalit hindi na pala kailangan k
LoreleiTarantang bumulong sa akin si Ricky, na amino binigyan ng death threat ni Kuya Matthias. "Bakla, kung hindi ko raw siya papasukin ay mag-aakyat bahay raw siya." Niyugyog pa ako nito sa balikat ko.Letse talagang nababaliw na siguro si Kuya Matthias. Kausap ko pa sa sarili ko.“Bakit kasi may number ka noon?!” nagtaka kong tanong kay Ricky.“Hoy! Aba bakit ganyan ka makatingin? Akala mo magka-text kami? Hindi noh! Baka umiyak ka pa kung agawin ko ‘yon sa'yo,” sabay napatakip ito sa bibig niya ng maalala ang kabaklaan nito.“Anong sinasabi mo beks? Issue ka sa akin,” laban ko.“Ewan ko sa'yo Lorelei Martinez. Sige ilakas mo pa,” aniya. Bumungisngis ako dahil ang tinutukoy nito ay ang paglakas ko ng tawag sa kaniya ng beks.“Paano nga iyon nakapunta rito kung wala naman pala kayo number sa isa't isa?” nagduda kong usisa sa kaniya.“Sa Pinsan ko humingi ng number ng fafa Matthias mo.” Nakatikwas pa ang kilay na wika nito sa akin. “S'yempre kinuha niya hiningi ganun at kung a-alami
LoreleiDedma ko lang si Kuya Matthias, kahit halos bumulagta na ang katabi kong si Ricky, dahil kanina pa niyang masamang tinitigan ang kaibigan ko.Kahit anong pakiusap niyang sa kaniya ako sumabay I didn't listen to him. Kahit pa mapanisan ako ng laway hindi ako sumasagot sa kaniya.Maya-maya tumawag si Mang Raul. Nasa labas na raw ito nagpapabukas ng gate. Hindi nga ako nakabihis dahil ayaw kong masundan ni Kuya Matthias sa Cr. Sa sasakyan na lang mamaya pagdating ko roon. Hindi ko muna papasukin Si Mang Raul, ‘tsaka na kapag natapos ako magbihis.Hindi kasi ako umaalis sa tabi ni Ricky dahil nilalapitan ako ni Kuya Matthias. Ayaw ko talaga siyang kausapin dahil matindi ang inis ko sa kaniya simula pa kanina.Kakausapin ko rin si Mommy na si Mang Raul na ang mag hatid sundo sa akin sa Saint Francis. Takot lang nito kay Mommy, kahit na makiusap pa si Daddy, wala iyong magagawa kung gustuhin ni Mom.Kilala ko ang magulang namin. At hindi rin ito makakatangi kay Mommy kung ginusto no
LoreleiMakalipas ng ilang taonNang kami ay makauwi sa mansyon ni Mang Raul, galing ng Batangas. Nagtagumpay ako noon na iwasan si Kuya Matthias.Hindi ko alam kung sumunod ba ito pagkauwi namin or nag-extend ito sa resthouse nila Ricky, dahil wala naman na banggit sa akin ang kaibigan ko sa mga nangyari. Kung sabagay. Ako rin ang unang umiiwas na magkwento ito sa akin dahil nga nangako ako sa sarali ko nakakalimutan ko na si Kuya Matthias dahil mali ang ipagpatuloy ko ang feelings ko sa kaniya.Kinabukasan ay kinausap ko si Mommy. Alam kong nagtaka ito sa pasya ko. Ngunit wala akong narinig galing dito na maraming tanong. Isa lang talaga ang tumatak sa akin. Kung dahil daw ba ay nag-away kami ni Kuya Matthias.Hindi ako makatanggi kay Mommy sinabi ko lahat maliban sa hinalikan niya ako. Mali naman talaga iyon dahil alam ng karamihan magkapatid kami. Ayaw kong mapapahiya ang magulang ko sa mga tao kung hahayaan ko ang kabaliwan ni Kuya Matthias sa gusto niyang mangyari.Nagtaka rin a