Lorelei“Kuya Raul, kahit balikan n'yo na lang po ako bukas ng hapon,” bilin ko rito ng dumating kami sa resthouse nila Ricky sa Batangas.Mabilis lang kaming nakarating dahil nga walang traffic. Umalis kami sa bahay ng alas dos ng hapon saktong six o'clock nakarating kami rito. Binuhat ko ang binili kong cake sa bestfriend kong si Ricky.“Sige po Senyorita Lorelei,” wika nito.“Kahit po mga alas k'warto na po rito makarating bukas alam naman po nila Mommy at Daddy na ganun oras ako uuwi at kampante naman siya na si Ricky ang kasama ko,” saad ko pa rito.“Sige Senyorita. Paano ako'y tutuloy na ha?”“Yes, yes Mang Raul. Ingat po kayo sa Biyahe,” bilin ko pa.Narito na raw si Ricky at ang apat na kasama niyang babae close namin kahit paano. Hindi ko alam kung niyaya niya ang crush niyang si Darvin at sabi ko ‘wag na dahil lalaki iyon maganda na lang kung puro kami babae rito mas safe. Hindi naman sa overthink ako naninigurado lang.Tinawagan ko si Ricky subalit hindi na pala kailangan k
LoreleiTarantang bumulong sa akin si Ricky, na amino binigyan ng death threat ni Kuya Matthias. "Bakla, kung hindi ko raw siya papasukin ay mag-aakyat bahay raw siya." Niyugyog pa ako nito sa balikat ko.Letse talagang nababaliw na siguro si Kuya Matthias. Kausap ko pa sa sarili ko.“Bakit kasi may number ka noon?!” nagtaka kong tanong kay Ricky.“Hoy! Aba bakit ganyan ka makatingin? Akala mo magka-text kami? Hindi noh! Baka umiyak ka pa kung agawin ko ‘yon sa'yo,” sabay napatakip ito sa bibig niya ng maalala ang kabaklaan nito.“Anong sinasabi mo beks? Issue ka sa akin,” laban ko.“Ewan ko sa'yo Lorelei Martinez. Sige ilakas mo pa,” aniya. Bumungisngis ako dahil ang tinutukoy nito ay ang paglakas ko ng tawag sa kaniya ng beks.“Paano nga iyon nakapunta rito kung wala naman pala kayo number sa isa't isa?” nagduda kong usisa sa kaniya.“Sa Pinsan ko humingi ng number ng fafa Matthias mo.” Nakatikwas pa ang kilay na wika nito sa akin. “S'yempre kinuha niya hiningi ganun at kung a-alami
LoreleiDedma ko lang si Kuya Matthias, kahit halos bumulagta na ang katabi kong si Ricky, dahil kanina pa niyang masamang tinitigan ang kaibigan ko.Kahit anong pakiusap niyang sa kaniya ako sumabay I didn't listen to him. Kahit pa mapanisan ako ng laway hindi ako sumasagot sa kaniya.Maya-maya tumawag si Mang Raul. Nasa labas na raw ito nagpapabukas ng gate. Hindi nga ako nakabihis dahil ayaw kong masundan ni Kuya Matthias sa Cr. Sa sasakyan na lang mamaya pagdating ko roon. Hindi ko muna papasukin Si Mang Raul, ‘tsaka na kapag natapos ako magbihis.Hindi kasi ako umaalis sa tabi ni Ricky dahil nilalapitan ako ni Kuya Matthias. Ayaw ko talaga siyang kausapin dahil matindi ang inis ko sa kaniya simula pa kanina.Kakausapin ko rin si Mommy na si Mang Raul na ang mag hatid sundo sa akin sa Saint Francis. Takot lang nito kay Mommy, kahit na makiusap pa si Daddy, wala iyong magagawa kung gustuhin ni Mom.Kilala ko ang magulang namin. At hindi rin ito makakatangi kay Mommy kung ginusto no
LoreleiMakalipas ng ilang taonNang kami ay makauwi sa mansyon ni Mang Raul, galing ng Batangas. Nagtagumpay ako noon na iwasan si Kuya Matthias.Hindi ko alam kung sumunod ba ito pagkauwi namin or nag-extend ito sa resthouse nila Ricky, dahil wala naman na banggit sa akin ang kaibigan ko sa mga nangyari. Kung sabagay. Ako rin ang unang umiiwas na magkwento ito sa akin dahil nga nangako ako sa sarali ko nakakalimutan ko na si Kuya Matthias dahil mali ang ipagpatuloy ko ang feelings ko sa kaniya.Kinabukasan ay kinausap ko si Mommy. Alam kong nagtaka ito sa pasya ko. Ngunit wala akong narinig galing dito na maraming tanong. Isa lang talaga ang tumatak sa akin. Kung dahil daw ba ay nag-away kami ni Kuya Matthias.Hindi ako makatanggi kay Mommy sinabi ko lahat maliban sa hinalikan niya ako. Mali naman talaga iyon dahil alam ng karamihan magkapatid kami. Ayaw kong mapapahiya ang magulang ko sa mga tao kung hahayaan ko ang kabaliwan ni Kuya Matthias sa gusto niyang mangyari.Nagtaka rin a
LORELEI“Hoy bakla ano ang pahatid hatid mo ah? Ano in good terms na ba kayo ni Kuya Matthias mo?” makulit na tanong ni Ricky ng nasa mcdo na kami nag-umpisang kumain. Hindi ako tinigilan agad ‘yon ang sinalubong sa akin dahil nakita nito pinagbuksan ako ng kotse ni Kuya Matthias.Himala nga naman dahil good mood ito kahit ako rin naman hindi pa pa rin makapaniwala na ihahatid nito ngayon araw.“Ano hindi makasagot hmmm naglilihim na ang bestfriend ko ganurn?” muli nitong pangungulit sa akin. I glared at him. Hindi talaga ako nito titigilan hangga't hindi nagsasabi ng totoo.“Walang ganun bakla. Hindi ko alam anong plano niya ‘tsaka kahit naman anung ipakita noon na kabaitan hindi ako maniniwala roon. Kung mangyari man ‘yon medyo bumait ‘yang kapatid ko, maybe nabagok ang ulo nagka-amnesia si Kuya Matthias kaya bumait,”“Paano kaya kung ngayon bumalik na siya eh, nagbago na? Dati kasi talaga sobra ang pagka-possessive noon sa'yo. What if bakla ngayon bumalik siya at ituloy ang dating
Lorelei"Lorelei, sakay," sabi niya sa akin. Umiling ako nakipaglaban ng titig sa kaniya."Ayaw ko! Taxi ang sasakyan ko," wika ko.Nakaharang kasi ito sa dapat hihintuan ng taxi at pumarada ito sa tapat ko. Sarap talaga sapatosin ang Matthias na ito feeling talaga kung umasta."Pinagtitinginan na tayo ng mga tao at meron din nakasunod sa akin kapag hindi ka sasakay hindi ko ito patatakbuhin,""Arghhh!!" Yamot akong nagdabog na sumakay sa tabi niya. Iyan kasi ang binuksan nito.Nahihiya naman ako dahil sa amin nakatingin ang mga tao, tapos naka school uniform ako at ito ay naka tux. Bakit kasi kung ano lang ang maisip nitong gawin ay talaga kailangan masunod.“Kuya kawawa naman iyong ka date mo bakit mo naman hindi hinatid pauwi?” wika ko ng nakasakay na ako sa loob ng kotse nito.Narinig ko lang ang napa ‘tasked’ ito sa pagkastigo ko sa kaniya sunod ay wala na. Seryoso lang nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho. Napakasama talaga ng ugali nitong kapatid ko.Dahil wala naman akong mapa
Lorelei“Bye, Lorelei, salamat dito ha?” inangat nito ang notebook ko na hiniram niya dahil absent ito ng two days dahil sa trangkaso. Ayaw ko naman maging snob maganda naman ang approach niya sa akin ng humiram siya ng notes ko alangan magdamot ako sa nangangailangan.“Ayos lang Justine, sige dito na ako,” senyas ko sa kaniya.Inilabas ko ang cellphone ko sa aking dalang backpack. Bakit kaya wala pa si Mang Raul? Dati before ten minutes namin na labasan nasa parking lot na ito nag tetext sa akin na naroon na siya nag-aantay. What happened kaya? Bago ito ha? Sana man lamang nagpasabi ng hindi ako mag-antay sa wala.Sumubok ako na tawagan ito ring nang ring noong una. Pero kalaunan napangiti ako ng sumagot ito sa kabilang linya.“Hello Mang Raul. Asan na po kayo bakit wala ka pa?” nagmamadali akong nagtanong sa kaniya.Mainit pa naman dahil alas tres pa ng hapon. Bumalik ako sa hallway na may bubong upang sumilong. Masakit sa ulo ang sikat ng araw.“Hello Senorita. Sabi po Senyorito Mat
Lorelei“M-mommy!” pabulong kong sabi ng pagpasok sa gate ng bahay namin ang minamanehong kotse ni Kuya Matthias.Nasa labas si Mommy Marycole, kausap nito si Mang Raul sa driveway. Saan kaya ito galing? At timing naman na dumating kami ay nasa labas ito. Shit! Kabado bente ako. Ano kaya ang reaction nito kapag nakita niyang bumaba ako galing sa kotse loob ng kotse ni Kuya Matthias. Pero mas nag-iisip ako kung anong magandang alibi kung bakit itong tukmol na ito ang kasama ko ngayon.Patay talaga ako nito katakot takot na tanong ang ibabato nito sa akin kapag kami na lang dalawa ang magkasama.Bigla akong sinalakay ng labis na kaba sa aking dibdib. I'm sure hindi pa nito alam na kasama ako ni Kuya Matthias, dahil tented ang salamin ng kotse nito.Parang ipinako ako sa aking kinatatayuan kahit limang minuto ng nakahinto ang kotse ni Kuya Matthias, ng marinig kong tinatawag niya ako. Need ba talaga tawagin niya ako sa endearment n'yang babe? Naiilang kasi ako lalo na kung naiisip ko luma