Share

“BLUSHING AS ALWAYS”

HINDI ko pinansin si Marius sa sinabi niyang iyon. Sa halip, nang makalabas ay isa-isa kong dinampot ang nagkalat kong damit sa sahig saka isinuot ang mga iyon.

“Bakit ka ba nagmamadali? Ni hindi pa tayo kumakain ng agahan?” tanong ni Marius na sinimulan na rin ang pagbibihis.

"Hindi na. Gusto ko nang umuwi at makita ang anak ko,” ang maikli kong tugon.

Dinampot ko ang bag ko saka ko iyon isinukbit sa aking balikat.

“Ihahatid kita. Sandali lang,” ani Marius matapos maisuot ang huling saplot sa kanyang katawan.

Hindi na ako kumibo sa sinabing iyon ni Marius. Nasa elevator na kami nang muli itong magsalita.

“Pwede ko bang malaman kung bakit nag-blush ka kanina?” Naitanong niya sa akin.

Salubong ang mga kilay kong nilingon si Marius. At dahil nga hanggang balikat lang niya ako ay kinailangan ko siyang tingalain.

“Nang iinis ka ba?” ang pasuplada kong tanong saka ko siya inirapan.

Hindi ko naman pwedeng aminin kay Marius na dahil naalala ko ang dahilan kung bakit naiwan sa sala ang mga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status