DALAWANG linggo lang ang lumipas at mabilis na nasimulan ang bagong branch ng Scott’s Café sa Baguio. At dahil nga sa akin ibinigay ni Andrew ang pamamahala ay nauna na akong nagpunta doon.“Sigurado ka ba hindi mo kailangan ng makakasama?” tanong sa akin ni Manang Sela nang umagang iyon at naghahanda na nga ako paalis.Gaya ng inaasahan, nang makabalik sina Andrew at Lana galing sa honeymoon, gaya ko ay nagbalik na rin sa normal ang buhay nilang dalawa.Ang dating bahay nina Lana na nabili ng kapatid ko sa tiyahin namin at dati nitong manager na si Tina Silverio ang tinutuluyan ngayon ng mag-asawa kasama si Andrea. Habang si Mama Cecille ay naiwan naman sa townhouse ng Mercedes Estate.“Okay lang po ako, Manang. Sanay naman akong magluto eh. At isa pa, independent naman ako kaya wala kayong dapat na alalahanin sa akin,” sagot ko habang isinasara ang maleta kung saan nakalagay na ang lahat ng personal na gamit na kakailanganin ko.“Nagbilin ka sana kay Sonia na ipamalengke ka,” aniya
TINAWAGAN ako ni Marius pasado alas siyete kinagabihan. Mas maaga iyon kumpara sa inaasahan ko. Alam naman niya ang address ng bahay ko dahil ibinigay ko na ito sa kanya kanina. Iyon ang dahilan kaya sa mas malapit na hotel sa bahay ko siya nag-check in. Anyway, mas mabuti na rin ang ganoon. Hindi malayo sa mismong project site. Dahil gaya ng nasabi ko na rin sa kanya noon pang una. Katabi lang ng lote ng resthouse ko ang lote ng pagtatayuang branch ng Scott’s Café.“Na-miss kita, alam mo ba?” Iyon ang naging bungad sa akin ni Marius nang magkita na nga kami. Ngumiti lang ako kahit deep inside gusto kong sabihin sa kanyang kung ano ang nararamdaman niya ay ganoon rin ako. Pero gawa ng hindi pa rin naman kami magkasintahan ay nagpigil ako.“Kain tayo? May alam akong masarap na kainan.”Iyon ang sa halip ay isinagot ko sa kanya. Kasabay ng paglapad ng ngiti ni Marius ay ang pagkislap ng mga mata niya. “Talaga? Oh, eh ano pang hinihintay natin? Halika na!” aniyang umakmang hahakbang
NAGISING ako kinabukasan na wala na si Marius sa tabi ko. Pero sa halip na makaramdam ng hindi maganda, mas ininda ko ang kirot sa pagitan ng aking mga hita nang subukan kong gumalaw. Pagkatapos niyon ay matamis at makahulugan ang ngiting pumunit sa aking mga labi.Sa halip na bumangon ay mas pinili kong manatili muna sandali sa pagkakahiga. Kinuha ko ang unan na ginamit ni Marius saka ko iyon mahigpit na niyakap. Sinamyo ko ng husto ang amoy niya na naiwan doon. Nasa ganoong ayos ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Kahit kung tutuusin alam ko na kung sino iyon. Agad pa ring kumabog ang dibdib ko gawa ng matinding kaba na biglang nabuhay doon.“Good morning, Beautiful.”Ang masayang bungad sa akin ni Marius dala ang isang tray ng pagkain.“Good morning,” iyon ang agad kong isinagot.Nakangiti pa rin ako noon nang sambitin ko ang mga salitang iyon kasabay ang paghila ko ng kumot upang itapis iyon sa itaas na bahagi ng aking katawan.“Breakfast in bed?” aniyang nang makitang ok
PERO hindi pa pala sa shower sex na iyon matatapos ang lahat sa pagitan namin ni Marius. Ang ibig kong sabihin, hindi pa pala siya tapos sa pagpapasinaya at sa lahat gusto niyang gawin sa akin at sa buong katawan ko. Dahil nagkaroon pa iyon ng karugtong. Sa pagkakataong ito ay sa rest house ko naman.“God, hindi ka ba napapagod?” tanong ko sa kanya nang matapos niyang maitulak pasara ang main door ay agad niya akong isinandal doon saka mariing siniil ng halik sa aking mga labi.Hindi siya kaagad na sumagot. Sa halip ay hinawakan lang niya ng mahigpit ang mukha ko saka ako muling siniil ng mariing halik sa aking mga labi.Ang masarap na kilabot sa katawan ko ay paulit-ulit na humahaplos sa paraang tila ba walang katapusan. Sa kabila ng tanong na iyon at pati na rin sa nararamdaman kong pananakit pa rin ng ibabang bahagi ng katawan ko ay mas nangingibabaw sa akin ang pag-asam na maramdaman siya sa loob ko. Sa kaisipang iyon ay mariin akong napapikit kasabay ng muli ay nakakakuryente at
“Mmnnn…” ang tanging naibulalas ko kasabay ng mariing pagpikit ng aking mga mata.Napakasarap ng ginagawa ni Marius sa pagkababae ko. Nakakabaliw. Nakakawala ng katinuan sa sarili. At hindi ko siya gustong patigilin. Hindi ko siya gustong huminto.Kinagat ko ang aking lowerlip ilang sandali pagkatapos. Pikit pa rin ang mga mata ko. Mariin ang pagkakapikit. Pahiwatig lamang iyon ng walang katulad na kaligayahang hatid sa akin ni Marius.Hindi ko alam kung anong mayroon sa hiyas ko. Kung bakit para bang paboritong-paborito iyon ni Marius. Dahil kung ang gagawin kong basehan ay ang paraan ng pagsibasib niya. Parang isa iyong pagkaing matagal bago nito muling natikman.“Yes! Oh!” ang muli kong nasambit.Nang sandali pa at nagsimula na akong panginigan ng kalamnan. At iyon ay dahil na rin sa labis at hindi makataong kaligayahan na aking nararamdaman.Ilang sandali pa at napuno na ng malalakas kong ungol at pangsinghap ang kabuuan ng silid ko. Alam kong iyon ang gustong mangyari ni Marius.
“ANONG sinabi mo?”Natawa ako sa na-imagine kong posibleng itsura ng kapatid kong si Andrew matapos ang tanong na iyon. Nasa kabilang linya siya at sinabi ko sa kanya na boyfriend ko na si Marius. Bagay na nauunawaan ko kung bakit mahirap paniwalaan para sa kanya. Aware din naman kasi siya sa tila pagiging man hater ko noon.“Bakit? Hindi mo ba siya gusto para sa akin?” tanong ko habang malapad ang pagkakangiti.Katulad ng sinabi ni Marius kagabi. Alas siyete ng umaga siya bumiyahe paluwas ng Maynila. Pasado alas-onse na noon at ang totoo miss na miss ko na siya.“Hindi naman sa ganoon. Pero hindi ba kailan mo lang naman nakilala si Marius?” sagot ni Andrew mula sa kabilang linya.“Look who’s talking!” iyon ang sa halip ay naibulalas ko.“Hey,” sabi ng kuya ko. Alam kong nakuha niya kung ano ang ibig kong sabihin. At alam ko rin na nakangiti siya nang mga sandaling iyon. “Magkaiba tayo ng sitwasyon, Sam. At isa pa, babae ka at lalaki ako,” giit pa niya.Nagkibit lang muna ako ng balik
“OH, please Marius, take me already. I’m dying here!” utos ko sa kanya sa tonong alam kong mahahalata niya kung gaano ako kabitin.Pero hindi ako pinansin ni Marius sa sinabi ko. Sa halip ay ipinagpatuloy lang niya ang kanyang ginagawa. Hindi rin siya nagsasalita. As in napakatahimik niya. Bagay na hindi naman na bago sa akin kung tutuusin. Kaya lang dahil nga hindi ko na kayang ipaliwanag ang klase at antas ng maerotikong pakiramdam na ipinalalasap sa akin ng aking nobyo nang mga sandaling iyon. Hindi ko talaga maalis sa aking puso ang kaba. At ang kaba na iyon ay para sa nakakatakot na kaligayahang possible kong maranasan anumang sandali mula ngayon. Sa totoo lang, aminado ako na hindi ako handa para doon.“This is so good,” iyon ang narinig kong sinambit ni Marius. Dahilan kaya naputol ang malalim kong iniisip.Napadaing ako nang muli, matapos ang sinabing iyon ni Marius ay binigyan niya ng isang mapanganib na sibasib ang akong hiwa. Napakasarap niyon, to the point na nagawa ko pan
INISIP kong sumaglit sa ospital para sana magpatingin. Gusto ko kasing kumpirmahin ang kutob ko. Pero dahil bumuti na rin naman ang pakiramdam ko ay inisip kong baka mas maganda kung gagawin ko iyon nang kasama ang aking nobyo.“Mas maganda siguro anak kung kasama ko ang Daddy mo kapag nagpa-check ako. Para naman marinig niya mismo ang lahat ng pwedeng sabihin ng doktor,” iyon ang isinatinig ko sabay haplos sa flat ko pa rin tiyan.Napagdesisyonan kong puntahan nalang sa site ang nobyo ko. Gusto ko kasing sabay kaming kumain ng lunch.Mula sa aking pagkakahiga ay kumilos ako saka naligo na. Pants and shirt lang ang isinuot ko. Saka ako nag-rubber shoes. At dahil nga hindi naman malayo ay hindi na rin ako nagdala ng sasakyan.Agad akong binati ng mga empleyado sa site nang makilala nila ako. Malapit nang matapos ang café at hindi ko na mahintay ang finished product nito. Well, syempre hindi ko mapigilan ang maging masyadong proud dahil nga nobyo ko ang kasama sa mga gumawa niyon. Sa k