Share

Chapter 2

"Malaki ang respeto no'n sa atin anak. At saka family friend ang mga magulang niya kaya kampanti akong, ipagkatiwala namin ang aming princess sa kanilang prinsipe," ngiting wika ni mommy.

I pouted.

"Kayo lang naman po ang family friend eh, I even don't know them " kunway tampo kong saad.

I saw mom fold his hand across under her chest. At saka tumaas ang isang kilay. Taray!

"Paano kasi ayaw mong makipaghalubilo sa mga amiga ko. Kahit tapunan lang ng tingin, you didn't bother to do it. Minsan ngang nagpunta dito ang Hill couple, dinaanan mo lang. Your so bad," himig pagtatampong saad ng mommy.

Napangiti ako na parang napahiya. Kapag isang writer ka at nag-i-imagine ka ng mga susunod na scene na isusulat mo, hindi mo talaga mapapansin ang mga nasa paligid mo.

"I'm not interested kasi." At totoo 'yon bukod sa busy ang utak ko. Hindi ako interesado sa mga kung ano-ano at kung sino-sino.

Lalo na pag hindi ko kilala.

"'Yon na nga eh," pagtataray pa nito.

"But anyway, Mom. 'Di ba dapat pumapasyal ang anak ng amiga mo na magiging asawa ko. Bonding kung baga." Pag iiba ko ng paksa.

"Nasa Australia siya, bukas pa raw ang uwi no'n. May tinatapos lang, you know business matters, 10 yrs na 'yon doon nakatira minsan lang umuuwi," mahabang pahayag ito saka tumitig sa akin ng makahulugan.

Saka Sumungaw ang pamang asar niyang ngiti. "Uy, mukhang nagiging interested ka na sa kanya, ah. Kanina ka pa." Pang-aasar nito.

Sinundot-sundot pa niya ang tagiliran ko.

It's tickling me. 'Di ko mapigilang mapatawa.

"Mom, stop it!" awat ko kay mommy sa pagitan ng aking pagtawa.

She stopped, kaya huminga ako ng malalim.

"Kailangan maging interested ako, Mom. Nang sa ganon, makapagdesisyon ako kung itutuloy ko o tatakas ako," pabiro kung saad nang makabawi ako.

Kung puwede lang sanang tumakas na lang.

Nakita ko naman ang pagkabigla sa mukha ni mommy.

Kaya napahagikhik ako.

"Erica Dhana Hermés!" inis na bulalas ni mommy.

Lalo akong napahalakhak saka niyakap ko siya.

"There's nothing to worry about, Mom. Hindi ako tatakas, I swear. Kahit na hindi kasing ganda ng love story ninyo ang kwento ko," I said with a smile to cover my emotions.

"Hija.." bakas sa mukha ni mommy ang pagkaguilty.

Parang may mali yata sa sinabi ko o sadyang nahalata lang ni mommy ang pagbalatay ng emosyon ko ng sabihin ko iyon.

"Anak gusto mo 'wag na lang nating ituloy? Kakausapin ko ang daddy mo," animo nakukunsinsiyang saad nito.

"No mommy. It's okay, it's really is

Ngayon pa ba na pumapayag na nga ako." I gave her my sweetest smile para makampanti siya, 'yung ngiting walang halong pag-aalinlangan. "At saka, business minded ako, Mom. So, what business is business." Pinilit kong pasiglahin ang boses ko, para hindi niya mahalata na talagang gusto ko ng maiyak sa mga binibitawan kong salita. Kasi hindi lang naman ito tungkol sa business. Nakasalalay rin ang magiging buhay ko dito, ang kinabukasan ko.

"Anak, hindi naman tungkol sa business eh, siya lang kasi ang alam namin na mag pi-fit sayo and..."

"Shh..." I cut her words. "Mom, whatever your reason is, it doesn't matter now. Tatanggapin ko, because I know mother knows best." Pagkasabi kong iyon ay hinawakan ko ang magkabila niyang braso.

Sana ma-convince ko si mommy para hindi na siya mag-alala .

"Thats why Mom, set the wedding date ASAP," I smiled. At pinasigla ang boses ko, medyo nagulat pa ako sa sinabi ko pero bahala na.

Ngumiti si mommy. Sarap sanang tanggapin ang offer ni mommy na kausapin na lang si dad. Pero baka magdamdam din siya.

Hay! Pilit kung iwinaksi ang mga isiping iyon. My mind is too tired at this moment

"I love you mom. Mahal na mahal ko kayong dalawa ni daddy," I said.

I hug her tight, gumanti naman siya nang yakap.

"I love you more, honey..."

"Aba! Ang sweet ng dalawang magagandang nilalang sa mansion na 'to, ah. Mukhang ang saya n'yo." Biglang bungad ng isang baretonong boses sa may pintuan.

Sabay pa kaming napalingon ni mommy saka ngumiti. I saw my dad walking toward us. Guwapo pa rin ito kahit 59 years old na ito. Hindi halata sa edad niya. He is tall white, handsome, kasing guwapo niya ang definition ng Goddes. No wonder sobrang inlove si mommy.

Well, bagay lang naman sila. Mom is a goddess too, kahit na 58 years old na ito ay maintain pa rin ang hubog ng katawan nito. Ang kakinisan ng maputing balat. Na siyang minana ko.

Kung goddess ang parent ko papahuli ba ako , ang combination ng dalawang Goddess.

"Pwedeng makisali?" hirit pa ni dad.

"Siyempre naman, matatanggihan ko ba 'tong pinakaguwapong nilalang na nakilala ko." Pagkatapos sabihin ni mommy ang katagang iyon ay kumindat pa ito kay daddy na kinalapad naman ng ngiti ni dad.

Ay! Ang haharot!

"So, iinggitin n'yo ako gano'n?" Pagrereklamo ko pa sa bulahan at harutan nila.

Kaya napatawa sila, nakitawa na rin ako. Masaya ako dahil masaya sila at sasaya pa silang lalo kung magpapakasal ako sa lalaking ipinagkatiwala nila sa akin. Sana nga, sana mapagkakatiwalaan ko siya?

****

And the night has come, the engagement night! Ang besperas ng kalungkutan ko.

*ERICA POV

"Are you ready? " excited na wika ni mommy. Nang makababa na ako. Mula sa ikalawang palapag ng mansion namin.

I nodded wearing my sweet smile. I want to look excited too. Kahit na ang totoo kinakabahan ako.

"Amh, dear before pa maunahan ako ng iba. I just want to say, you look stunning," puri pa ni mommy sa akin.

"Really, huh," Sagot ko.

"You really are. Believe me, sure akong malalaglag ang panga ng mapapangasawa mo if he witness you."

Si mommy talaga ang lakas mambola.

I am wearing a Light blue mermaid dress with detachable train, side split beaded crystal evening gown, na mas lalong ikinalantad ng kagandahan ko.

Hapit na hapit ang mermaid dress ko sa pakurba kong katawan, na mas lalong kina sexy ko. Kahit pa may naka laylay na detachable train na nakakabit sa baywang ko, na sumayad sa lupa.

Simple lang din ang make up ko because simple is beautiful, nakalugay lang rin ang hanggang balikat na kinulot kong buhok.

Pumanik na kami sa sasakyan.

***

AT THE PARTY

Ilang minuto lang ang binyahe ay nakarating na kami sa pagdadausan ng engagement party. Huminto ang sasakyan sa harap ng isang malaking tarangkahan at authomatikong bumukas iyon at pumasok ang sasakyan sa loob ng mataas na tarangkahan.

"This is the Family mansion of your soon to be groom," anang dad ng makababa kami.

I just rolled my eyes, I'm not interested either. Kasing laki at lawak lang naman ito ng mansion namin eh. At saka gabi na 'di ko rin maa-appreciate ang surroundings.

Papasok na kami sa kabahayan ng may lumabas na maid at inalalayan kami. Tumungo kami sa garden area kung saan edadaos ang party. Bumungad sa amin ang napakaraming tao Na nagkukuwentuhan, halatang mga highclass rin ang mga ito base sa mga magagara at mamahaling kasuootan ng mga ito.

I hate crowded area. Kaya nagsimula ng umiinit ang ulo, dahil na rin sa iba't-ibang tunog na naririnig ko. Parang sasabog ang utak ko.

Tinungo namin nila mommy ang isang malaking round table na nasa gitna ng front row sa harap ng stage. Kasya ang anim na upuan na nakahanda roon.

"Anak, Erica sandali lang huh, dito ka muna," anang mommy na hindi man lang umupo muna. Si daddy busy na rin sa pagku-kwentuhan sa mga ilang kakilala nito. Ako na wala masyadong kakilala sa mga taong nandito, na parang magmumukhang tanga ako.

"Mom.." magsasalita pa sana ako. Kaso iniwan na niya ako, kaya napasimangot ako.

Tingin dito tingin do'n. I don't know what to do. Parang nalulula ako sa dami ng taong nakapaligid sa akin. Kaya naisipan kung tumayo at maglakad-lakad o 'di kaya hahanap na lang ako ng sulok na hindi masyadong expose ako. Medyo naka layo na ako ng kunti sa crowd. Nandito ako sa tabi ng swimming pool. Kinuha ko ang cellphone ko sa dala kong light-blue pouch, para tawagan si Angeline na best friend ko at pinsan ko rin sa ama.

"Hello Angie, where are you?" tanong ko sa kabilang linya ng sagutin niya ito.

"I'm on my way, cous. Kasama ko sila, Mommy. Ikaw nad'yan ka na ba?" sagot nito mula sa kabilang linya.

"Yes, bilisan mo naiinis na ako dito eh.." nayayamot kong sabi.

Eh, kasi naman wala man lang akong makausap talagang sasabog na yo'ng ka badripan ko ngayon.

"Bakit naman? Hindi mo pa ba nakikita ang fiancé mo?" narinig kong tanong nito.

"Hindi pa. At I'm not interested na makita s'ya no. Sana nga hindi na s'ya sumipot," sabi ko and then I rolled my eyes.

"Eh, kahihiyan naman sa both family, kung hindi siya sisipot, kaya 'wag ka ng mainis d'yan sisipot yo'n." May panunudyong saad nito. Na animo naiinis ako dahil wala pa ito, like duh!

"Hey, hindi iyon ang dahilan kung bakit ako naiinis no. Iwan ko sayo!" inis kung saad.

Narinig ko pa na humalakhak ang bruha sa kabilang linya.

At bago pa masaniban yo'n ng tuluyan pinatay ko na ang tawag.

Bumuntonghininga muna ako, tapos nagsimula na akong humakbang pabalik sana sa venue ng makabunggo ako ng isang pigura na s'yang dahilan ng pagka-out balance ko.

Napapikit na lang ako ng mga mata at hinintay na bumagsak ako sa swimming pool, dahil sa kawalan ng pag-asang may makakapitan ako.

Ngunit nabigla ako ng ilang secondo lang ay hindi ko man lang nadama ang lamig ng tubig sa katawan ko. Kaya napamulat ako.

May isang lalaking nakahawak sa isa kong braso, agad niya akong hinila para malayo sa swimming pool.

Napatili pa ako pagkahila niya, kung makahila kasi parang basahan ako eh. Naramdaman ko pa na parang nag disaline ang joint ko.

"Muntik ka nang maging serena."

Narinig kong sabi ng lalaking nabunggo ko at siya ring nagligtas sa akin.

Nagtaas ako ng tingin, kahit may kadiliman ang area na iyon ay naaninag ko ang mukha niya dahil may sumilip na ilaw na sakto lang para makita ko ang mukha niya, he look familiar. He's handsome too.

Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ko ang lalaking ito.

"Hey you," turo ko sa kanya.

"Yeah me," he smirk.

This freaking man!

"What are you doing here?" takang tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat siya, saka tumalikod at umalis sa harap ko.

Napanganga lang ako sa inakto niya. Attitude? That man is my mortal enemy since school days. He is a bully! Madalas akung i-bully ng lalaking iyon dati, pinahiya rin niya ako sa mga kaklase ko lalo na no'ng elementary kami.

Ako na lang lage ang pinagtitripan ng h*******k na 'yon hanggang sa mag-high school kami. At ang sabi pa masarap daw akong asarin kasi umiiyak ako agad. Kaya nagtanim talaga ako ng sama ng loob sa kan'ya. Hindi ko makakalimutan 'yon, 'yong nilagyan niya ng mga palaka ang locker ko na kamuntikan ko pang ikinahimatay, dahil sa takot. Pinagtawanan ako ng mga kaklase ko no'n.

Kaya isinusumpa ko talaga ang lalaking iyon.

Nang mag-college ako ay laking pasalamat ko dahil wala na siya, balita ko nag punta ng Canada at do'n nagtapos. At ngayon, for some reason we've meet again.

Mas lalo tuloy nadagdagan ang inis ko ng makita ko ang lalaking iyon. Kaya bumalik na lang ako sa crowded venue. Hindi pa ako nakarating sa mesa namin ay may dumaan na waiter na may dalang white wine kaya agad akong kumuha ng isa at tinunga iyon.

Gusto kung masuka sa lasa niyon, hindi ako sanay sa mga inumin. Naramdaman ko pa ang pagbaba ng likido sa sikmura ko at nag-init doon.

May isa pang dumaan na waiter dala ang isang tray ng baso na may lamang red wine.

Kumuha na naman ako, tutungahin ko na sana ng may biglang nagsalita.

"Anak, kanina pa kita hinahanap." Si mommy iyon.

"Why mom?" baling ko rito.

"Did you see your, fiancé?" seryosong tanong ni mommy.

Napa-smirk ako.

"Seriously mom? You know, that I don't know him," amuse kong saad.

"Hindi ko pa kasi siya nakakausap mula ng dumating ang batang 'yon. E-be-briefing ko sana eh, " sabi ni mommy habang panay ang sulyap sa mga tao sa paligid. Hinanhanap niya marahil ang fiancé ko.

"Briefing? About what, Mom?" takang tanong ko.

"It's none of your business." Pagkasabi niyang iyon ay tumingin siya sa akin.

Napapailing na lang ako sa tinuran ni mommy . May tama talaga minsan si mommy.

"Halika na maupo na tayo," yaya ni mommy sa akin

"Yeah, Mom. Susunod ako go ahead first." Taboy ko kay mommy.

Nawala na si mommy sa paningin ko at tinunga ko na ang kalahati ng red wine na nasa wine glass.

"Let's all welcome the future groom and bride of the billionaires, the newly engage couple," pagbibigay pansin ko sa emcee na kanina pa putak ng putak.

"The awaited moment has come! Please reveal youselves!" Pahabol pa nito.

Masigabong palakpakan naman mula sa mga bisita ang narinig ko.

Kaya nagsimula na akong mag lakad sa gitna ng crowd. Bitbit ko pa ang wine glass na may kunting laman.

Palakpakan ng mga taong dumalo ang naririnig ko kasabay ng isang malamyos na tutugin.

Nagsimula na akong humakbang sa hagdanan na may tatlong palapag.

"Siya pala, she's so beautiful," rinig ko pa mula sa ilang mga taong naroroon.

"How pretty!"

Nakatungtung na ako sa stage at humarap sa crowded na garden na 'yon. Saka Ngumiti sa kanila their attention is on the stage, on me. Lumingon ako sa gilid ko pero wala pala akong katabi. And what if hindi sisipot 'yon?

Naku ako ang mapapahiya nito.

Medyo nakaramdam ako ng excitement sa isiping makikita ko na ang mapapangasawa ko, 'wag lang sana matandang binata baka mamaya ang anak pala ng mga Hill ay 50 na hindi ko pa naman natanong kay mommy.

Biglang hiyawan ng mga tao at palakpakan ang nanaig sa buong Mansion. Animo nakakakita ng artista at alam kong hindi iyon para sa akin.

Nakita ko rin si Angeline na kilig na kilig sa harap na nasa isang round table katabi ng table namin. Nando'n na rin si Tita Helena at Tito Teodoro.

Isa sila sa mga taong naghihiyawan sa crowd. I wonder why, kaya lumingon ako sa likuran ko dahil doon nakatutuk ang mga mata nila, may iniluwang matangkad, maputi makisig, handsome na lalaki sa pintuan ng back stage. Nakatutuk sa kanya ang ilaw kaya maliwanag kong nakikita ang gwapo nitong mukha, ang perfect jaw line at ang well built body structure.

Namilog ang mga mata ko, napanganga ako. Lalo na nang magtama ang mga mata namin, our eyes lock for a moment. Parang nag-slow mo ang paligid ko. Napailang lunok pa ako ng makaramdam ng bara sa lalamunan ko.

He revealed his sweet smile as he look at me na mas lalong nagpalaglag ng panty ko... este ng panga ko. Napako ako sa kinatatayuan at malakas ang tibok ng puso ko. Para akong nabibingi sa lakas ng tibok niyon, parang naririnig ko na siya. I can't believe na ganito mag-react ang system ko sa muli naming pagkikita.

Nakita ko ang unti-unti niyang paglapit sa akin. Saka humalik sa pisngi ko. Hindi man lang ako nakagalaw. Im still in shock...and stock!

"I-ikaw?" halos pabulong kong tanong sa kanya, parang na drained ang energy ko sa isiping siya ang mapapangasawa ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status