Habang nakaupo si Vena sa loob ng opisina ni Andrei ay hindi niya maiwasang mapaisip kung saan kaya siya nito dadalhin para sa date nila. Hindi niya maiwasang ma- excite dahil kapag naiisip niya pa lang ito ay kinikilig na siya. Hindi niya talaga lubos akalain na ma- iinlove siya rito. Doon niya napatunayan na totoo pala talaga ang love at first sight dahil ito ang nangyari sa kaniya.
Unang kita niya pa lang dito ay tumigil na kaagad ang mundo niya na tila ba ito na lamang ang nakikita niya. Akala niya ay sabi- sabi lang noon ang sinasabi nila na kapag nakita mo daw yung taong mahal mo ay mag- islow motion ang galaw ng paligid mo at parang may kung anong mga liwanag ang makikita mo na nakapaligid sa kaniya pero napatuyan niyang totoo nga talaga ang lahat ng iyon at hindi sabi- sabi lang. Akala niya din noon ay wala talagang lalaking makakapagpatibok ng puso niya dahil napakarami ng lalaki ang sumubok na masungkit ang pag- ibig niya, though nakailan na rin naman siya ng boyfriend pero wala siyang naramdamang spark sa mga ito. Isa pa ay kaya niya lang naman naging boyfriend ang mga iyon dahil sa sulsol ng mga kaibigan niya. Ayaw niya sana kasi sanang makipag- boyfriend sa hindi niya type pero dahil nga sa kantiyaw na rin ng mga kaibigan niya ay may ilan din naman siyang sinagot na nanligaw sa kaniya. Well, gwapo namana ang mga ito. Mayaman at sikat lalo na sa university kung saan sila nag- aral ng college. Doon niya naman nakilala ang mga ito pero kahit ilang buwan na sila ay hindi siya nakaramdam ng kahit ano rito. Sadyang ganun siguro talaga kapag hindi mo pa nahahanap ang right person para sayo. Pero ngayon ay masasabi niyang nahanap niya na ang right person para sa kaniya, iyon nga lang ay hindi niya pa napapasagot ito. Napukaw ang kaniyang pag- iisp nang bigla na lamang bumukas ang pinto at na- excite pa siya. Hinid niya rin naitago ang saya sa mukha niya dahil akala niya ay si Andrei na ito pero biglang nabura ang ngiti niya nang makita niyang hindi naman pala ito si Andrei kundi ang sekretarya nitong laging nakasimangot sa kaniya kahit wala naman siyang ginagawang masama. Siguro ay may kukuhanin lamang ito sa loob ng opisina ng boss nito kaya nanatili lang siyang nakaupo at nag- iwas ng tingin rito. Medyo hindi kasi magaan ang loob niya rito dahil nga sa masama nitong tingin sa kaniya. Isa pa ay alam niya namang inis din ito sa kaniya dahil ramdam niya naman. Akala niya may kukunin lang ito doon pero tumigil ito sa harap niya kaya napa- angat ang ulo niya upang tingnan ito. Awtomatikong napataas ang kilay niya rito. Kitang- kita niya tuloy ang pagpipigil ng inis nito sa knaiya, pero sa loob- loob niya ay natutuwa siya. “Umalis si Sir at hindi na siya babalik rito.” sabi nito sa kaniya in a flat tone. Hindi man lang siya nito ginalang samantalang bisita siya ng boss nito. Saan ba napunta ang manners nito? Sayang ang ibinabayad ng kumpanya sa babaeng kagaya nito. Hinidi niya napigilan ang sumimangot sa sinabi nito. Alam niyang sinabi lang nito iyon dahil sa inis nito sa kaniya para umalis na siya doon pero syempre hindi siya magpapatalo rito. Tinaasan niya ng kilay ito. Sino ba ito para magdesisyon isa pa ay may usapan na sila ni Andrei. “Its okay. Hihintayin ko na lang siya.” kaswal na sagot niya pero sa totoo lang ay inis na inis na siya rito. Masyado naman yata itong nakikialam sa personal na buhay ni Andrei at sumusobra naman yata ang ugali nito para sa isang sekretarya. Pagkatapos niyang sabihin iyon ay sumandal siya sa upuan ng kinauupuan niya. Kaihit ilang oras pa ang kailangan niyang hintayin ay wala siyang pakialam. Tutal ay kaya naman niyang maghintay basta pagdating dito. “Ikaw ang bahala. Baka mamuti na yang mata mo ay wala ka pa ring mahintay.” sabi nito sa kaniya sa tinig na tila nang iinis at pagkatapos ay tumalikod na. “Wala kang pakialam kahit pa lumuwa na yung mata ko o ni matuyot pa kakahintay. Its my choice.” sagot niya ritong inis na inis. She is not Vena Silvestre for no reason. Kung matapang ito ay mas matapang siya rito. Walang pwedeng umapi sa kaniya at hindi siya ipinanganak para apihin lang ng kagaya nito. Mataray na siya kung mataray pero nakikiusap siya rito ng maayos at ito lang talaga ang hindi maayos ang pakikipag- usap sa kaniya kaya wala siyang choice kundi ang patulan na ito. “Masyado ka namang hayok sa atensiyon. Ganun ba kababa ang tingin mo sa sarili mo?” tanong nito sa knaiya at pagkatapos ay muling humarap sa kaniya. Kitang- kita niya ang pagtaas ng sulok ng labi nito at ang nakakainis pa ay tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at pakiramdam niya ay sobrang nainsulto siya. Sino ito para insultuhin ang isang kagaya niya? Damn this girl! She cursed silently on her head. Hindi niya kailangang patulan ito ng sobra dahil magiging ka- level niya ito kung gagawin niya iyon kaya nginitian niya lamang ito. Isang matamis na ngiti. “You know what? Wala kang pakialam sa kung ano ang gawin ko sa buhay ko and as I said ITS MY CHOICE.” pinagdiinan niya talaga ang mga huling kataga. Masyado itong pakialamera. Sino ba ito sa buhay ni Andrei para gumanun? Si Andrei nga mismo ay hindi siya pinagsasabihan ng ganun tapos ito ay napakalakas ng loob na gawin iyon. “Pathetic.” sabi nito at pagkatapos ay tumalikod na ito. Hindi na siya sumagot pa dahil ayaw niyang humaba pa ang diskusyon nilang dalawa. Sadyang may tinatago talaga itong pagka- impakta. Nagtatago sa maamo nitong mukha ang tunay nitong ugali. Samantalang kapag naroon si Andrei ay hindi naman ito ganun makitungo sa kaniya. May pangiti- ngiti pa nga ito. Hindi kaya may gusto din ito kay Andrei kaya ito ganun sa kaniya? Nilingon niya kung nasaan ito at pagkatapos ay tumaas ang sulok ng labi niya. Ito pala ang pathetic dahil may feelings dito pero hindi nito masabi- sabi o kaya ay sinabi na nito pero hindi ito tinaggap ni Andrei kaya masyadong bitter ito sa kaniya. Mainggit ka. Bulong niya sa kniyang isip at pagkatapos ay umiraps rito kahit hindi naman ito nakatingin sa kaniya. Hindi niya ugaling magtaray pero kapag inaapi siya at pakiramdam niya ay tinatapakan siya ay talaga namang lumalaban siya. Dapat itong matakot sa kaniya dahil hindi nito kilala ang binabangga nito. Baka akala nito ay is alang siyang simpleng slut na nainlove kay Andrei o kaya baka galit na galit ito sa kaniya baka iniisip nito na isa siyang gold digger. Baka iyon ang dahilan kaya sobrang galit ito. Napailing na lang siya rito. What a shame. Bulong niya at pagkatapos ay napapikit. Ilang oras kaya ang hihintayin niya bago dumating si Andrei. Ito pa naman ang unang beses silang magde- date.ISANG buwan na ang nakalipas simula nang makalabas si Vena mula sa ospital. Nakalabas na rin ang kanyang Kuya Luke at halos naghilom na rin ang sugat sa balikat nito, ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin siyang balita kung nasaan si Andrei.Isang buwan niya na itong hinahanap ngunit hindi niya ito makita. Walang maisagot ang mga kaibigan at mga kapatid niya maging ang Daddy niya kung nasaan ito. Napatigil siya sa kanyang ginagawa nang muli niya itong maalala, isang buwan na itong nawala na parang isang bula.Walang sagot at walang kumpirmasyon kung ano ang tunay na nangyari rito, walang gustong magsabi sa kaniya kung nasaan ito o kung ano ang kalagayan nito para kahit papano naman sana ay maibsan ang pag-aalala niya. Pinuntahan na niya ang bahay ng mga kaibigan nito ngunit wala silang isinagot sa kaniya.Maging ang Daddy ni Andrei ay hindi masabi sa kaniya kung nasaan nga ba talaga ito at halos tuyong-tuyo na ang utak niya sa kakaisip kung nasaan ito. Pilit niya na laman
Nanginginig pa rin ang mga kamay ni Vena habang nakaupo sa isang bench sa labas ng ICU. mabuti na lamang at naisugod kaagad si Andrei sa ospital kaya lamang ay marami ng dugo ang nawala sa kaniya. Doon sa ospital ay naabutan niya ang kanyang Kuya Thirdy kung saan ay mahigpit siyang niyakap nito.Hindi lamang si Andrei ang nasa kritikal na kondisyon kundi maging ang Kuya Luke niya pala ay nabaril ni Ceazar sa balikat at ayon kay Thirdy ay medyo marami rin daw dugong nawala rito. Kanina pa siya nakaupo doon at hinihintay na may lumabas na doktor mula sa loob ngunit halos ilang oras na ang lumipas ay wala pa rin kahit isa ang lumalabas.Dahil rito ay hindi niya maiwasang hindi mag-alala. Napatayo siya mula sa kanyang pagkakaupo at pagkatapos ay nagpalakad-lakad sa harap ng ICU mismo.“Vena umupo ka muna. Huwag kang masyadong mag-alala.” sabi sa kaniya ng Kuya Thirdy niya ngunit hindi niya ito pinakinggan.Hindi niya maiwasang mag-alala at isa pa ay hindi niya maiwasang hindi tanungin ang
Napahawak sa kanyang sugat si Luke at pagkatapos ay napapikit ng mariin. Ramdam na ramdam niya ang paglabas ng dugo mula doon at nararamdaman niya rin na tila ba nag-uumpisa ng mamanhid ang balikat niya. Sa madilim na paligid ay hindi niya maiwasang hindi magtanong kung iyon na nga ba ang magiging katapusan niya.Hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng poot kay CEazar, kaya niya ito hinabol ay dahil gusto niya itong tanungin kung bakit nito ginagawa ang lahat ng iyon. Hindi niya matanggap sa sarili niya na ganun ang ginagawa nito sa kabila ng lahat ng kabaitan na ipinakita nito sa kanilang lahat na kapatid nito.Gusto niyang marinig mismo sa bibig nito ang dahilan dahil pakiramdam niya ay pinaglaruan sila nito, napakalaking betrayal ang ginawa nito. Pinilit niyang bumangon mul sa kanyang kinahihigaan. Hindi siya papayag na doon na siya mamamatay. Hindi siya papayag, marami pa siyang pangarap at higit sa lahat ay kailangan niyang makaharap pang muli si Ceazar kung may pagkakataon pa.
“What? Wala sila sa loob? Walang tao sa loob?” takang-takang tanong ni Finn sa kanila ni Luke.Napakuyom lamang ang mga kamay niya at pagkatapos ay hindi siya nakasagot. “That’s impossible.” dagdag pa nito. Napakaimposible nga naman talaga na wala sila doon at ayon pa kay Luke ay puro pader na raw iyon at wala man lang kabinta-bintana sa loob kaya wala silang posibleng lalabasan.Mas lalo pang napakuyom ang mga kamay dahil sa matinding galit.“Baka wala talaga sila sa loob?” tanong naman ni Thirdy pero napailing siya.“Imposible iyon dahil narinig namin na kausap lang ni CAthy kanina si Ceazar bago kami umatake.” sagot naman niya rito.Ilang sandali na namayani ang katahimikan sa pagitan nila nang bigla na lamang basagin ni Finn iyon.“Kung puro pader na angdalawang kwarto na pinasok mo, wala silang ibang lalabasan kung hindi ang isang hidden door.” sabi nito.“Pero malabo din iyon. Wala akong nakitang kahina-hinalang siwang sa mga pader isa pa ay sementado ang mga iyon.” mabilis nama
“Ano?!” malakas na sigaw ni Ceazar dahil sa isinigaw ng tauhan niya. Magsasalita pa sana siyang muli nang bigla na lamang silang nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril kaya agad niyang binitawan si Cathy na ng mga oras na iyon ay wala ng malay dahil sa sakal niya.Mabilis na isinara ng kanyang mga tauhan ang pinto at siya naman ay kaagad na tumakbo sa kanyang kwarto at upang kuhanin ang baril niya. Shit! Mura niya sa kanyang isip habang nag-aapura. Mabilis niyang hinanap ang susi ng silid ni Vena at pumasok doo at naabutan niya itong tulog sa kama.Hindi na siya nag-aksaya pa ang oras at mabilis na binuhat ito. Mabuti na lamang at hindi ito nagising dahil sa ginawa niyang pagbuhat. Marahil ay dahil sa sakit na nararamdaman nito sa ginawa niya kanina. Nang mga oras na iyon ay nakaramdam siya ng guilt dahil sa ginawa niya rito ngunit wala siyang pagpipilian. Isa pa ay ito naman ang may kasalanan.Mabilis niyang tinungo ang kanyang silid at ini-lock iyon at pagkatapos ay inilapag sa
Halos ala-una na nga ng madaling araw nang makarating sina Andrei kung saan di umano itinago ni Ceazar si Vena. Medyo sa malayo sila pumwesto dahil baka mapansin ng mga tauhan ni Ceazar na may mga tao ngunit ang buong lugar ay pinalibutan na nila.Tanging si Cathy lamang ang lumapit sa mismong lugar dahil nga kilala naman siya ng mga tauhan ni Ceazar. Isa pa ay nakiusap ito na baka pwede raw na kausapin niya muna ito bago sila gumawa ng hakbang at may dala-dala itong maliit na chip para marinig nila ang magiging usapan nila.Kahit papano ay ayaw pa rin nitong masaktan si Ceazar sa kabila ng mga sakit na ibinigay at ang pagtalikod nito sa kanilang dalawa ng nagpanggap na si Vin. Kapag hindi ito pumayag na makipagkooperasyon ito ay tyaka sila gagawa ng hakbang. Sumandal siya sa kanyang kinauupuan at tumitig sa kadiliman na nasa kanilang harapan.…Napalunok si Cathy nang maiparada niya ang kanyang sasakyan sa harap ng pinagtataguan ni Ceazar. Ilang beses siyang humugot ng malalim na hin