Napa- buntung hininga si Vena at pagkatapos ay napamura sa kaniyang sarili. Its been hours since she waiting at hanggang sa mga oras na iyon ay hndi pa rin ito dumarating. Napapikit siya. Sumasakit na rin ang puwet niya ng mga oras na iyon dahil sa sobrang tagal na niyang nakaupo.
Hindi niya tuloy alam kung ano ang iisipin niya nang mga oras na iyon. Ito ang unang beses na naghintay siya para sa isang tao tapos ay hindi ito dumating. Habang nakapikit ay biglang pumasok sa imahe niya ang nakangising mukha ng sekretarya ni Andrei kung saan ay kaagad siyang napamulat. Siguradong pagtatawanan lang siya nito. Dinukot niya ang kaniyang cellphone sa kaniyang bag. Hindi niya hahayaang masayang ang lakad niya at ang porma niya ng mga oras na iyon. Hindi na siguro ito darating. Siguro nga ay may importante itong nilakad dahil kahapon ay medyo mukhang problemado ito. Kaagad niyang idinial ang number ng kaibigan niyang si Maxene. Aayain niya na lamang itong lumabas tutal naman ay ilang linggo na din ang nakakalipas noong huli silang nagkita. Nakailang ring na siya pero hindi pa rin nito sinasagot ang tawag niya. Napkunot pa nga ang kaniyang noo dahil rito. Hindi naman ito ganuon dati dahil isang tawag niya lang dito ay sumasagot na agad ito. Nang hindi nga ito sumagot ay idinial niya naman ang number ni Sam, isang ring lang ay sinagot nito kaagad. “Hey Sam.” bungad niya rito. “Hey…” sagot din naman nito at awtomatikong napakunot ang kaniyang noo dahil sa tinig nito. Bakit parang lasing ito? “Where are you?” tanong niya rito at pagkatapos ay tumayo na mula sa kaniyang kinatatayuan at lumabas ng pinto. Hindi niya na tinapunan pa ng tingin ang sekretarya dahil baka mas lalo lamang masira ang araw niya. Nagtuloy- tuloy siyang maglakad hanggang sa makalabas na siya ng building na iyon. “House.” simpleng sagot nito at pagkatapos ay rinig pa niya mula sa kaniyang cellphone ang paglagok nito ng alak. What the hell is her problem? Ang aga aga ay umiinom ito. Napailing siya. Samantha is not a kind na lasinggera. Sigurado siyang may problema ito. “I’m coming, wait for me.” sabi niya rito at mabilis na isinilid ang kaniyang cellphone sa bag at pagkatapos sumakay siya ng kotse. —--------------------------------- Pagkarating nga niya sa tapat ng bahay ni Sam ay nakita niya din doon ang kotse ni Maxene na kanina pa din niya tinatawagan. Magkasama pala ang dalawa at ni hindi man lang siya tinawagan ng mga ito. Sa mga oras na iyon ay gusto na niyang magtampo sa mga ito pero napabuntung hininga na lamang siya. Hindi niya alam kung may pinagdadaanan ba ang mga ito. Masasagot ang mga tanong niya kapag pumasok na siya sa loob. Itinulak nga lang niya ng bahagya ang gate at bumukas naman na ito kaagad. Nagtuloy- tuloy siya sa pagpasok hanggang sa makarating siya sa loob ng bahay. Well, wala naman siyang ibang inaasahang ibang tao doon dahil Sam is living on her own. Ilang taon na rin ang nakalipas noong umalis ito sa puder ng mga magulang nito dahil gusto niyang maging independent kaya doon sila laging tumatambay sa bahay nito. Pagkapasok nga niya sa loob ay amoy na niya kaagad ang alak na nagmumula sa loob. Bumungad kaagad sa kaniya ang nakapikit na si Sam habang nakaupo sa sofa. Agad namang lumingon sa kaniya si Maxene ng mga oras na iyon na halos hindi niya maipinta ang mukha. Hindi niya alam pero parang kagagaling lang nito sa pag- iyak. Kaagad siyang umupo sa tabi nito at pagkatapos ay tinapik ang nakapikit na si Sam na hindi niya alam kung nakailan na. May ilang bote ng nakatumba sa lamesa at wala ng laman. Nagmulat naman ito ng mata ng makita siya at pagkatapos ay gumuhit ang isang ngiti sa labi. “What the hell is wrong with you Sam? Bakit ka umiinom?” bulalas niya habang magkadikit ang kilay. Napangiti naman ito sa kaniya at pagkatapos ay muling napapikit. Nilingon niya si Maxene na nag- iwas lang sa knaiya ng tingin. Hindi niya tuloy alam kung anong nangyayari sa mga ito. “Mike cheated on me…” kaswal na sabi nito na ikapananlaki niya ng kaniyang mga mata. “He what?” hindi makapaniwalang tanong niya rito. Mike is his boyfriend for the past for years. And sa pagkakaalala niya ay Mike already proposed to her kaya hindi na lamang niya ito boyfriend. It was her fiancee. Nanghihina siyang napaupo sa sofa at pagkatapos ay napatitig sa mga alak na nakatumba na sa lamesa. Broken hearted ang kaibigan niya at hindi niya masisisi ito kung ganito ang magiging reaksiyon nito dahil kung siguro siya din ang ganun ay baka magwala pa siya. “I’m sorry for that Sam…” nakikisimpatyang sabi niya rito. Napatawa naman ito sa kaniya at pagkatapos ay nagmulat ng mata. Umayos ito ng upo at pagkatapos ay tumabi sa kaniya. Amoy na amoy niya ang alak mula rito ng mga oras na iyon. “You don’t have to say sorry Vena. wala ka namang kasalanan.” sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay inabot ang isang basong may lamang alak at inabot ito sa kaniya. Kaagad niya naman iyong tinaggap dahila pakiramdam niya ay kailngan din niyang uminom at syempre kailangan niyang damayan ito. Agad niyang tinungga ang baso na ibinigay niya at pagkatapos ay nilingon si Maxene na nasa tabi niya at pagkatapos ay pilit na inaabutan ng baso pero todo ang pag- iling nito. “Ayaw mo? Ayaw mo bang damayan itong kaibigan natin?” magkaslubong ang kilay niyang tanong rito at pagkatapos ay binawi ang kaniyang kamay. “Makakasama sa baby niya. Hayaan mo na.” Nanlalaki ang mga mata niya na napabaling kay Maxene. “What the hell?” hindi niya napigilang maibulalas. Si Sam ay niloko ng boyfriend nito at si Maxene ay buntis? Parang gustong sumabog ng ulo niya. “E di magpapakasal na kayo ng boyfriend mo?” tanong niya rito. Of course masaya siya para dito. Nakita niya ang pag- iling nito at pagkatapos ay napakagat- labi. “Wa- wala pang nangyari sa amin.” mahinang sabi nito. “What?!” naibaba niya ang hawak niyang baso ng mga oras na iyon. Hindi makapaniwalang napatingin siya kay Maxene. “Tell me more, Max. Huwag mo akong bitinin.” sabi niya rito at pinipilit na pinatuloy ang sinasabi nito. Napapikit muna ito ng mariin at pagkatapos ay napa- buntung hininga. “Naalala mo yung inaya mo kaming mag- bar?” tanong nito sa kaniya. Tumango siya rito dahil sino ba naman siya para makalimutan niya iyong araw na iyon. E iyon yung araw na nakita niya ang lalaking bumuhag ng puso at kaluluwa niya. “Nalasing ako at iniwan ako ng boyfriend ko. I was lost on the dance floor and…” “And?” “And I caught my self in a strangers arms naked.” hindi rin makapaniwalang sabi nito. Wala siyang masabi sa sinabi nito at gusto niyang sisishin ang sarili niya sa nangyari dito dahil sinabi niyang hindi niya ito iiwanan noong gabing iyon pero iniwan niya ito dahil sa kakahabol niya kay Andrei. Narinig niyang napahikbi ito. Kaagad niya naman itong niyakap. Alam niyang mabigat din ang pinagdadaanan nito. “Hindi ko alam ang gagawin ko Vena.” sumisinghot na sabi nito pagkatapos ay napayakap din sa kaniya. “Nag- propose na siya sa akin kagabi at tinaggap ko ang proposal niya. I can’t say no, dahil ang daming tao, ayaw kong mapahiya siya.” dagdag pa nito. Bumitaw siya mula sa pagkakayap rito at pagkatapos ay napa- buntung hininga. Wala siyang alam na ipayo rito dahil kailangan muna nilang mag- isip ng dapat bang gawin. Napadampot na lamang siyang muli sa baso at pagkatapos ay lumagok doon.ISANG buwan na ang nakalipas simula nang makalabas si Vena mula sa ospital. Nakalabas na rin ang kanyang Kuya Luke at halos naghilom na rin ang sugat sa balikat nito, ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin siyang balita kung nasaan si Andrei.Isang buwan niya na itong hinahanap ngunit hindi niya ito makita. Walang maisagot ang mga kaibigan at mga kapatid niya maging ang Daddy niya kung nasaan ito. Napatigil siya sa kanyang ginagawa nang muli niya itong maalala, isang buwan na itong nawala na parang isang bula.Walang sagot at walang kumpirmasyon kung ano ang tunay na nangyari rito, walang gustong magsabi sa kaniya kung nasaan ito o kung ano ang kalagayan nito para kahit papano naman sana ay maibsan ang pag-aalala niya. Pinuntahan na niya ang bahay ng mga kaibigan nito ngunit wala silang isinagot sa kaniya.Maging ang Daddy ni Andrei ay hindi masabi sa kaniya kung nasaan nga ba talaga ito at halos tuyong-tuyo na ang utak niya sa kakaisip kung nasaan ito. Pilit niya na laman
Nanginginig pa rin ang mga kamay ni Vena habang nakaupo sa isang bench sa labas ng ICU. mabuti na lamang at naisugod kaagad si Andrei sa ospital kaya lamang ay marami ng dugo ang nawala sa kaniya. Doon sa ospital ay naabutan niya ang kanyang Kuya Thirdy kung saan ay mahigpit siyang niyakap nito.Hindi lamang si Andrei ang nasa kritikal na kondisyon kundi maging ang Kuya Luke niya pala ay nabaril ni Ceazar sa balikat at ayon kay Thirdy ay medyo marami rin daw dugong nawala rito. Kanina pa siya nakaupo doon at hinihintay na may lumabas na doktor mula sa loob ngunit halos ilang oras na ang lumipas ay wala pa rin kahit isa ang lumalabas.Dahil rito ay hindi niya maiwasang hindi mag-alala. Napatayo siya mula sa kanyang pagkakaupo at pagkatapos ay nagpalakad-lakad sa harap ng ICU mismo.“Vena umupo ka muna. Huwag kang masyadong mag-alala.” sabi sa kaniya ng Kuya Thirdy niya ngunit hindi niya ito pinakinggan.Hindi niya maiwasang mag-alala at isa pa ay hindi niya maiwasang hindi tanungin ang
Napahawak sa kanyang sugat si Luke at pagkatapos ay napapikit ng mariin. Ramdam na ramdam niya ang paglabas ng dugo mula doon at nararamdaman niya rin na tila ba nag-uumpisa ng mamanhid ang balikat niya. Sa madilim na paligid ay hindi niya maiwasang hindi magtanong kung iyon na nga ba ang magiging katapusan niya.Hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng poot kay CEazar, kaya niya ito hinabol ay dahil gusto niya itong tanungin kung bakit nito ginagawa ang lahat ng iyon. Hindi niya matanggap sa sarili niya na ganun ang ginagawa nito sa kabila ng lahat ng kabaitan na ipinakita nito sa kanilang lahat na kapatid nito.Gusto niyang marinig mismo sa bibig nito ang dahilan dahil pakiramdam niya ay pinaglaruan sila nito, napakalaking betrayal ang ginawa nito. Pinilit niyang bumangon mul sa kanyang kinahihigaan. Hindi siya papayag na doon na siya mamamatay. Hindi siya papayag, marami pa siyang pangarap at higit sa lahat ay kailangan niyang makaharap pang muli si Ceazar kung may pagkakataon pa.
“What? Wala sila sa loob? Walang tao sa loob?” takang-takang tanong ni Finn sa kanila ni Luke.Napakuyom lamang ang mga kamay niya at pagkatapos ay hindi siya nakasagot. “That’s impossible.” dagdag pa nito. Napakaimposible nga naman talaga na wala sila doon at ayon pa kay Luke ay puro pader na raw iyon at wala man lang kabinta-bintana sa loob kaya wala silang posibleng lalabasan.Mas lalo pang napakuyom ang mga kamay dahil sa matinding galit.“Baka wala talaga sila sa loob?” tanong naman ni Thirdy pero napailing siya.“Imposible iyon dahil narinig namin na kausap lang ni CAthy kanina si Ceazar bago kami umatake.” sagot naman niya rito.Ilang sandali na namayani ang katahimikan sa pagitan nila nang bigla na lamang basagin ni Finn iyon.“Kung puro pader na angdalawang kwarto na pinasok mo, wala silang ibang lalabasan kung hindi ang isang hidden door.” sabi nito.“Pero malabo din iyon. Wala akong nakitang kahina-hinalang siwang sa mga pader isa pa ay sementado ang mga iyon.” mabilis nama
“Ano?!” malakas na sigaw ni Ceazar dahil sa isinigaw ng tauhan niya. Magsasalita pa sana siyang muli nang bigla na lamang silang nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril kaya agad niyang binitawan si Cathy na ng mga oras na iyon ay wala ng malay dahil sa sakal niya.Mabilis na isinara ng kanyang mga tauhan ang pinto at siya naman ay kaagad na tumakbo sa kanyang kwarto at upang kuhanin ang baril niya. Shit! Mura niya sa kanyang isip habang nag-aapura. Mabilis niyang hinanap ang susi ng silid ni Vena at pumasok doo at naabutan niya itong tulog sa kama.Hindi na siya nag-aksaya pa ang oras at mabilis na binuhat ito. Mabuti na lamang at hindi ito nagising dahil sa ginawa niyang pagbuhat. Marahil ay dahil sa sakit na nararamdaman nito sa ginawa niya kanina. Nang mga oras na iyon ay nakaramdam siya ng guilt dahil sa ginawa niya rito ngunit wala siyang pagpipilian. Isa pa ay ito naman ang may kasalanan.Mabilis niyang tinungo ang kanyang silid at ini-lock iyon at pagkatapos ay inilapag sa
Halos ala-una na nga ng madaling araw nang makarating sina Andrei kung saan di umano itinago ni Ceazar si Vena. Medyo sa malayo sila pumwesto dahil baka mapansin ng mga tauhan ni Ceazar na may mga tao ngunit ang buong lugar ay pinalibutan na nila.Tanging si Cathy lamang ang lumapit sa mismong lugar dahil nga kilala naman siya ng mga tauhan ni Ceazar. Isa pa ay nakiusap ito na baka pwede raw na kausapin niya muna ito bago sila gumawa ng hakbang at may dala-dala itong maliit na chip para marinig nila ang magiging usapan nila.Kahit papano ay ayaw pa rin nitong masaktan si Ceazar sa kabila ng mga sakit na ibinigay at ang pagtalikod nito sa kanilang dalawa ng nagpanggap na si Vin. Kapag hindi ito pumayag na makipagkooperasyon ito ay tyaka sila gagawa ng hakbang. Sumandal siya sa kanyang kinauupuan at tumitig sa kadiliman na nasa kanilang harapan.…Napalunok si Cathy nang maiparada niya ang kanyang sasakyan sa harap ng pinagtataguan ni Ceazar. Ilang beses siyang humugot ng malalim na hin