Nakabihis na nga si Vena ng lumabas siya ng knaiyang silid. Siniguro niyang maganda ang kaniyang itsura at maging ang kaniyang damit. Ewan niya ba, sa dami ng lalaking nagkagusto sa kaniya ay tanging ang lalaking iyon lamang talaga ang bumihag sa puso niya. Kabaliktaran nga lamang iyon ng napakadaming lalaking pumipila para sa atensiyon niya dahil siya naman ang pumipila para sa atensiyon nito.
Kung ibang lalaki lang ito ay siguradong tuwang- tuwa na sa atensiyong ibinibigay niya rito pero ang isang iyon ay matigas talaga. Halos hindi siya nito pansinin at kung hindi pa niya ito kulitin ay hindi pa siya nito tatapunan ng tingin. Hindi niya tuloy alam kung anong kulang sa kaniya para mapansin nito. Matangos naman ang ilong niya, makapal ang pilk- mata niya at maganda ang korte ng labi niya. Maganda rin ang shape ng mukha at masasabi niyang maganda naman siya. Sexy din naman siya dahil maganda ang hubog ng katawan niya. Idagdag pa na may laman naman ang pang- upo niya. Bigla siyang napayuko sa knaiyang sarili at napansing tila may kulang nga sa kaniya. Maliit ang hinaharap niya. Siguro ay iyon ang problema. Kung iyona ang dahilan kung bakit hindi siya nito pinapansin ay handa siyang magpadagdag nito lalo na at madami namans ialng pera. Pero sa oras na iyon ay ang date muna nila ang iintindihin niya. Sisiguruhin niyang hindi na siya nito tatanggihan pa. Pagbaba nga niya ng hagdan ay naroon pa rin sa kanilang sala ang mga kapatid niya ngunit wala na ang kanilang ama. Tanging ang tatlo na lang niyang Kuya ang nandoon dahil nga kanina ay nagpaalam ang Kuya Vince niya na magpapahinga. “Saan ka na naman pupunta?” seryosong tanong sa kaniya ng Kuya Luke niya. Sa lahat ng Kuya niya ay ito talaga ang pinaka mahigpit at istrikto. Daig pa nito ang Daddy nila at ang Kuya Vin niya. Samantalang ang Kuya Vin niya ay hindi naman siya tinatanong ng ganuon dahil ang laging bilin lang nito ay umuwi siya ng bahay nila at huwag niyang hayaan na sa ibang bahay siya matulog. “Malaki na ako para tanungin mo pa kung saan ako pupunta.” sagot niya rito at pagkatapos ay napabuntung- hininga. “Hindi ako mawawala I promise.” sabi niya rito at pagkatapos ay lumapit rito at yumakap. “Whoa. whoa. Bago yata yan Vena? Akala ko si Kuya Vin lang ang niyayakap mo and now pati si Luke na.” kantiyaw naman ni Thirdy sa kaniya. Nang makatayo siya ay inangat niya ang isa niyang kilay at tumingin rito. “Bakit naiinggit ka ba sa kanila?” nakangising tanogn niya at pagkatapos ay dito naman lumapit. Ibinuka niya ang mga kamay niya at pagkatapos ay niyakap ito. “Yuck! Umalis ka nga rito Vena.” pagtataboy nito sa kaniya pero hindi naman siya nito itinulak bagkus ay salita lang ito ng salita. Narinig naman niya ang tawa ni Ceazar ng mga oras na iyon. Nang kumalas siya mula sa pagkakayakap niya kay Thirdy ay tumingin naman siya kay Ceazar na nakatawa pa rin at pagkatapos ay niyakap din ito. “Para walang lugi ay yayakapin ko na lang kayong lahat.” sabi niya at pagkatapos ay ngumisi. Alam niya namang mahal na mahal siya ng mga kapatid niya kahit lagi siyang inaasar ng mga ito. Isa pa ay ganun lang talaga ang mga ito pero madalang ang pagkakataong maglambing siya sa tatlong ito dahil sa Kuya Vin niya lang talaga siya naglalambing at hindi sa mga ito. “Pero Vena seryoso ako. Saan ka nga pupunta?” tanong sa knaiya ng Kuya Luke niya. Hindi pa rin pala siya nito tinitigilan. Akala pa naman niya lisot na siya pagkatapos niyang yakapin ito ngunit hindi pa rin pala. Ilang sandali pa nga ay napabuntung- hininga na lamang siya dahil sa tanong nito. “Makikipagkita lang ako kina Maxene.” sagot niya rito. Alam niya kasing kung sasabihin niyang makikipag- date siya ay malamang na susugurin ng mga ito ang magiging ka- date niya dahil bilang nag- iisang unica hija ng Silvestre ay ingat na ingat ang mga ito sa kaniya. “Okay.” sagot nito at pagkatapos ay humalukipkip. Tiningnan niya ang mga ito at pagkatapos ay napakunot ang noo habang nakatingin sa mga ito. Ilang oras na kasi ang lumipas ngunit nananatili pa rin ang mga ito doon at hindi pa rin tumatayo. Parang ngayon lang niya nakita ang mga itong naka- tambay. Lagi kasing busy ang tatlong ito sa mga business nila. Halos minsan nga ay hindi na rin sila nagkikita- kita kahit pa sa iisang bahay lang sila nakatira dahil sa sobrang busy ng mga ito. Ngayon lang naroon ang mga ito, ngunit bihis na ang mga ito at ready ng pumasok sa kaniya- kaniya nilang mga opisina. “Why are you still here? Wala ba kayong mga pasok?” tanong niya sa mga ito habang nakakunot ang noo. “Now, you are asking us.” sagot naman ni Ceazar. “Who cares anyway.” sabi niya na lamang dahil mukhang wala namang balak sumagot ang mga ito sa kaniya at pagkatapos ay nagmartsa na paalis sa harap ng mga ito. Aalis na lamang siya dahil baka kanina pa siya inaantay ng date niya. Paglabas niya niya ay kaagad niyang kinapa sa kaniyang bag ang susi ng kotse niya. At pagkatapos ay dali- dali na siyang sumakay rito. —------------------ Ilang sandali pa nga ay binabaybay na niya ang exress way kung saan ay malapit na siya sa destinasyon niya. Hanggang sa narating na niya ng lilikuan niya kung saan ay naroon ang nagtatayugang mga building kung saan ang isa doon ay sakanila. Ilang sandali pa nga at tuluyan na nga siyang nakarating sa building na pupuntahan niya kung saan naroon ang lalaking itinitibok ng puso niya. Mabilis siyang bumaba sa kaniyang kotse pagkatapos niyang iparada ito. At pagkatapos ay nagtuloy- tuloy siya sa pagpasok sa loob. Hindi naman na siya hinarang ng guard dahil ilang beses na rin naman siyang pumunta doon. Siguro ay namumukhaan na siya nito. Mabilis niyang napadpad ang lugar kung nasaan ang elevator at mabilis siyang sumakay sa elevator patungo sa palapag kung saan naroon ang opisina ng sinisinta niya. Habang lulan ng elevator ay hindi niya maiwasang ma- excite. Sa dami na ng lalaking naka- date niya ay ngayon pa lamang siya nakaramdam ng excitement at masasabi nga niyang inlove na inlove na talaga siya kay Andrei. Pagkalipas nga lang ng ilang minuto ay tuluyan na nga siyang nakarating sa tapat ng office ni Andrei kung saan ay katulad ng dati ay naroon na naman ang sekretarya nito na nakataas ang kilay sa kaniya. Hindi na lamang niya pinansin ito at nagtuloy- tuloy na sa loob siguradong kanina pa siya hinihinay ni Andrei. Pagpasok niya sa loob ng opisina ay wala siyang naabutang tao doon at hiindi niya tuloy alam kung saan ito nagpunta. Ngunit nakita naman niyang bukas ang computer nito kaya malamang ay naroon na ito. Siguro ay lumabas lang ito sandali at may kinuha. Naupo na lamang siya sa sofa na nasa harap ng desk nito at hihintayin na lamang niya ito. —------------------- Sumilip si Veronica sa loob ng opisina ng boss niya at katulad nga ng inaasahan niya ay naroon ang babaeng iyon at nakaupo sa sofa. Napabuntung- hininga na lamang siya. Mabuti na lamang pala at eksaktong kalalabas lamang ng boss niya ng mga oras na iyon at hindi niya alam kung saan ito nagpunta. Nagpaalam naman ito sa kaniyang pero hindi niya naintindihan ang sinabi nito. Ilang sandali pa nga ay dinampot niya ang knaiyang cellphone at idinial ang numero nito upang tawagan. Ipapaalam niya rito na nanduon na naman sa opisina nito ang babaeng iyon. Ilang ring bago ito sumagot. Sumilip siya ulit sa loob bago siya nagsalita. “Hello sir where are you?” mahinang tanong nya rito. “I’m at the cafeteria. Hindi ba nagpaalam ako?” tanong nito. “Yung babaeng punta ng punta dito sa opisina ninyo ay nandito na naman.” sabi niya rito. Narinig niya ang pagbuntung- hininga nito ng mga oras na iyon at pagkatapos ay nagsalita. “Hindi na ako babalik diyan. Aalis na lang muna ako. Tell her na umalis ako.” rinig niyang sabi nito bago nito pinatay ang tawag pagkatapos ay tumayo upang ipaalam sa babaeng nasa loob ang bilin ng boss niya.ISANG buwan na ang nakalipas simula nang makalabas si Vena mula sa ospital. Nakalabas na rin ang kanyang Kuya Luke at halos naghilom na rin ang sugat sa balikat nito, ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin siyang balita kung nasaan si Andrei.Isang buwan niya na itong hinahanap ngunit hindi niya ito makita. Walang maisagot ang mga kaibigan at mga kapatid niya maging ang Daddy niya kung nasaan ito. Napatigil siya sa kanyang ginagawa nang muli niya itong maalala, isang buwan na itong nawala na parang isang bula.Walang sagot at walang kumpirmasyon kung ano ang tunay na nangyari rito, walang gustong magsabi sa kaniya kung nasaan ito o kung ano ang kalagayan nito para kahit papano naman sana ay maibsan ang pag-aalala niya. Pinuntahan na niya ang bahay ng mga kaibigan nito ngunit wala silang isinagot sa kaniya.Maging ang Daddy ni Andrei ay hindi masabi sa kaniya kung nasaan nga ba talaga ito at halos tuyong-tuyo na ang utak niya sa kakaisip kung nasaan ito. Pilit niya na laman
Nanginginig pa rin ang mga kamay ni Vena habang nakaupo sa isang bench sa labas ng ICU. mabuti na lamang at naisugod kaagad si Andrei sa ospital kaya lamang ay marami ng dugo ang nawala sa kaniya. Doon sa ospital ay naabutan niya ang kanyang Kuya Thirdy kung saan ay mahigpit siyang niyakap nito.Hindi lamang si Andrei ang nasa kritikal na kondisyon kundi maging ang Kuya Luke niya pala ay nabaril ni Ceazar sa balikat at ayon kay Thirdy ay medyo marami rin daw dugong nawala rito. Kanina pa siya nakaupo doon at hinihintay na may lumabas na doktor mula sa loob ngunit halos ilang oras na ang lumipas ay wala pa rin kahit isa ang lumalabas.Dahil rito ay hindi niya maiwasang hindi mag-alala. Napatayo siya mula sa kanyang pagkakaupo at pagkatapos ay nagpalakad-lakad sa harap ng ICU mismo.“Vena umupo ka muna. Huwag kang masyadong mag-alala.” sabi sa kaniya ng Kuya Thirdy niya ngunit hindi niya ito pinakinggan.Hindi niya maiwasang mag-alala at isa pa ay hindi niya maiwasang hindi tanungin ang
Napahawak sa kanyang sugat si Luke at pagkatapos ay napapikit ng mariin. Ramdam na ramdam niya ang paglabas ng dugo mula doon at nararamdaman niya rin na tila ba nag-uumpisa ng mamanhid ang balikat niya. Sa madilim na paligid ay hindi niya maiwasang hindi magtanong kung iyon na nga ba ang magiging katapusan niya.Hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng poot kay CEazar, kaya niya ito hinabol ay dahil gusto niya itong tanungin kung bakit nito ginagawa ang lahat ng iyon. Hindi niya matanggap sa sarili niya na ganun ang ginagawa nito sa kabila ng lahat ng kabaitan na ipinakita nito sa kanilang lahat na kapatid nito.Gusto niyang marinig mismo sa bibig nito ang dahilan dahil pakiramdam niya ay pinaglaruan sila nito, napakalaking betrayal ang ginawa nito. Pinilit niyang bumangon mul sa kanyang kinahihigaan. Hindi siya papayag na doon na siya mamamatay. Hindi siya papayag, marami pa siyang pangarap at higit sa lahat ay kailangan niyang makaharap pang muli si Ceazar kung may pagkakataon pa.
“What? Wala sila sa loob? Walang tao sa loob?” takang-takang tanong ni Finn sa kanila ni Luke.Napakuyom lamang ang mga kamay niya at pagkatapos ay hindi siya nakasagot. “That’s impossible.” dagdag pa nito. Napakaimposible nga naman talaga na wala sila doon at ayon pa kay Luke ay puro pader na raw iyon at wala man lang kabinta-bintana sa loob kaya wala silang posibleng lalabasan.Mas lalo pang napakuyom ang mga kamay dahil sa matinding galit.“Baka wala talaga sila sa loob?” tanong naman ni Thirdy pero napailing siya.“Imposible iyon dahil narinig namin na kausap lang ni CAthy kanina si Ceazar bago kami umatake.” sagot naman niya rito.Ilang sandali na namayani ang katahimikan sa pagitan nila nang bigla na lamang basagin ni Finn iyon.“Kung puro pader na angdalawang kwarto na pinasok mo, wala silang ibang lalabasan kung hindi ang isang hidden door.” sabi nito.“Pero malabo din iyon. Wala akong nakitang kahina-hinalang siwang sa mga pader isa pa ay sementado ang mga iyon.” mabilis nama
“Ano?!” malakas na sigaw ni Ceazar dahil sa isinigaw ng tauhan niya. Magsasalita pa sana siyang muli nang bigla na lamang silang nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril kaya agad niyang binitawan si Cathy na ng mga oras na iyon ay wala ng malay dahil sa sakal niya.Mabilis na isinara ng kanyang mga tauhan ang pinto at siya naman ay kaagad na tumakbo sa kanyang kwarto at upang kuhanin ang baril niya. Shit! Mura niya sa kanyang isip habang nag-aapura. Mabilis niyang hinanap ang susi ng silid ni Vena at pumasok doo at naabutan niya itong tulog sa kama.Hindi na siya nag-aksaya pa ang oras at mabilis na binuhat ito. Mabuti na lamang at hindi ito nagising dahil sa ginawa niyang pagbuhat. Marahil ay dahil sa sakit na nararamdaman nito sa ginawa niya kanina. Nang mga oras na iyon ay nakaramdam siya ng guilt dahil sa ginawa niya rito ngunit wala siyang pagpipilian. Isa pa ay ito naman ang may kasalanan.Mabilis niyang tinungo ang kanyang silid at ini-lock iyon at pagkatapos ay inilapag sa
Halos ala-una na nga ng madaling araw nang makarating sina Andrei kung saan di umano itinago ni Ceazar si Vena. Medyo sa malayo sila pumwesto dahil baka mapansin ng mga tauhan ni Ceazar na may mga tao ngunit ang buong lugar ay pinalibutan na nila.Tanging si Cathy lamang ang lumapit sa mismong lugar dahil nga kilala naman siya ng mga tauhan ni Ceazar. Isa pa ay nakiusap ito na baka pwede raw na kausapin niya muna ito bago sila gumawa ng hakbang at may dala-dala itong maliit na chip para marinig nila ang magiging usapan nila.Kahit papano ay ayaw pa rin nitong masaktan si Ceazar sa kabila ng mga sakit na ibinigay at ang pagtalikod nito sa kanilang dalawa ng nagpanggap na si Vin. Kapag hindi ito pumayag na makipagkooperasyon ito ay tyaka sila gagawa ng hakbang. Sumandal siya sa kanyang kinauupuan at tumitig sa kadiliman na nasa kanilang harapan.…Napalunok si Cathy nang maiparada niya ang kanyang sasakyan sa harap ng pinagtataguan ni Ceazar. Ilang beses siyang humugot ng malalim na hin