Nilalaro niya sa kaniyang kamay ang hawak niyang baso. Habang pinapaikot niya ito sa kaniyang kamay ay hindi naman maiwasang gumana ng utak niya. Nag- iisip siya kung ano nga ba ang dapat gawin ni Maxene. Kailangan niyang tulungan ito na gumawa ng paraan at mag- isip ng solusyon sa problema nito, isa pa ay kasalanan niya ang lahat kung bakit nangyari ito rito.
Siya ang nag- aya sa kanila na mag- bar kaya dapat lang na hindi siya umalis doon na hindi man lang sinisigurado kung maayos ba itong makakauwi sa bahay nito. Nasilaw kasi siya sa kapogian ni Andrei kaya nakalimutan niya ng isipin ang kaibigan niya. Wala na kasi siyang ibang inisip nang gabing iyon kundi kung paano siya mapapalapit sa lalaking iyon. Napa- buntung hininga siya at pagkatapos ay napapikit at muli ding napamulat dahil may pumasok na ideya sa kaniyang isip. Ibinaba niya ang hawak niyang baso at pagkatapos ay nilingon si Maxene na tulala pa rin sa kaniyang tabi. “Max, what if ayain mo siyang mag- date kayo? Romantic date tapos, lasingin mo siya.” sabi niya rito. Hindi ba at napaka- bright ng idea niya. Magiging sucessful iyon kung gagawin nito iyon. Napatitig si Maxene sa kaniya. Siguro ay pinag- iisipan nito kung gagawin nito ang sinasabi niya. Napailing ito kaya biglang nagsalubong ang kilay nito. “Paano kung hindi maging successful? Tapos hindi siya malasing?” magkasalubong din ang kilay nitong tanong sa kaniya. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at pagkatapos ay tinitigan sa mga mata. “Come on Max. Lalaki ang boyfriend mo. Yayain mo siya sa isang hotel at boom…” sabi niya at pagkatapos ay muli niyang dinampot ang alak sa lamesa. “What an idea huh?” komento naman ni Sam na ikinangisi niya. Madami na siyang kilalang mga lalaki at isa pa ay may mga kapatid siyang lalaki. Men are always men after all. Sinisiguro niyang hindi ito makakapagpigil ng sarili kapag sila na lamang dalawa ni Max sa iisang silid lalo pa at nakainom ito ng alak. “Hindi ba cheating na rin iyon?” tanong nito na ikinapikit ng mga mata niya. “Answer her Sam.” sumusukong sabi niya na lamang at pagkatapos ay sinaid ang laman ng baso niya. Inabot niya ang bote ng alak at muling sinalinan ang baso niya. Bakit ba kasi nagkakaroon sila ng mga ganitong problema ngayon at talagang nagsabay pa. “Just tell him the truth Max.” sabi ni Sam rito. Hindi pa naman gaanong lasing ito, medyo pa lang dahil nakakapagsalita pa naman ito ng maayos. “Natatakot ako, what if hindi niya matanggap?” nangangambang tanong nito sa kanilang dalawa ni Sam. Nanatili silang tahimik for a moment. At pagkatapos ay si Sam ang sumagot rito. “You know Max, ang natutunan ko sa pangloloko sakin ni Mike is kapag mas nilihim mo yan at siya mismo ang nakatuklas ay mas magiging masakit yun para sa kaniya. You better tell him the truth, yung ikaw mismo ang magsasabi, yung galing mismo sa bibig mo kaysa sa ibang tao pa manggaling.” sabi nito at pagkatapos ay lumagok ito ng alak. “Kasi, kung mahal ka niya ay tatanggapin niya yan kasi unang- una nanduon siya pero bigla ka nalang niyang iniwan sa bar diba? So, mapapaisip din yun ngayon at mapapasabi na bakit kasi iniwan kita? E ‘di sana ay hindi nangyari yan sayo, ‘diba?” dagdag pa nito. Nanatili silang tahimik ni Max habang nakikinig rito. Kung tutuusin ay may punto naman ang sinasabi nito. “Pero, kapag hindi niya natanggap ay you should face the consequences.” lumingon ito kay Max at pagkatapos ay ngumiti. “Kinakabahan tuloy ako sa sinasabi mo Sam.” emosyonal na sabi nito at pagkatapos ay napahikbi na. Kaagad naman niyang ibinaba sa lamesa ang hawak niyang baso para himasin ang likod nito. Alam niyang hindi ganunkadali ang pinagdadaanan nito. Napaka- stressful siguro nito. At isa pa ay halatang- halata na problemado talaga ito, hindi ganito ang Maxene na kilala niya. “Hindi ko naman akalain na, na mabubuntis ako dahil lang sa isang pagkakamali.” humihikbing sabi nito. Napasapo ito sa mukha habang umiiyak. Samantalang siya ay hindi naman siya tumigil sa paghaplos sa likod nito para kahit papano ay gumaan naman ang loob nito. Isa pa ay dapat hindi ito nai- stress dahil nakakasama sa baby nito. “Kilala mo ba yung guy?” natanong niya bigla. Ang tinutukoy niya ay iyong nakabuntis sa rito. Umiling ito. “Nung nagising ako, I left him without a word.” sabi nitong napapahikbi. Hindi niya maiwasang mapabuntung- hininga muli. Paano ito ngayon? Paano kung hindi tanggapin ito ng boyfriend nito? Saan nila hahagilapin ang lalaking naka one- night stand ng kaibigan nila. Sa luwang ng bayan na kinaroroonan nila ay imposibleng makita pa nila ito. Isa pa ay buti kung namukhaan ito ni Maxene sa sobrang kalasingan nito. “Namukhaan mo ba yung lalaki?” muli niyang tanong rito, kasi kung sakali ay may chance silang mahanp ito kapag namukhaan nito ang lalaking sinamahan nito noong gabi iyon. She nodded as her response. What a relief, may chance silang mahanap ito kung sakali pero syempre dapat alam din nito ang pangalan nito. “But, I can’t recall his name.” sumisinghot na sabi nito. “Hays.” sabi ni Sam at pagkatapos ay napabuga ng hangin. “Masyado mo naman akong ginagaya Max na namomroblema.” sabi na lamang ni Sam pagkatapos ay muling lumagok ng alak. Mabilis niya namang inagaw ang baso ng alak mula rito. Oo, broken hearted ito pero hindi niya naman hahayaang maglasing ito ng sobra dahil baka mamaya ay magwala ito. O kaya baka maisip nitong sugurin si Mike. dito na muna siguro siya mag- istay. Hindi niya pwedeng iwanan ito sa ganuong sitwasyon dahil baka mamaya ay mataulad din ito kay Maxene na ngayon ay namomroblema dahil sa kapabayaan niya. Mabuti na lamang at hindi umangal ito nang kuhanin niya ang baso. Tumayo siya mula sa kaniyang pagkakaupo at binitbit ang bote ng alak at ang baso nito papunta sa kusina. Baka kasi mamaya ay uminom na naman itong muli. Lasing na ito. Pagbalik nga niya sa sala ay sandal na ito sa sofa at ang ulo nito ay nakatingala at pagkatapos ay nakapikit. Nililigpit niya ang mga bote ng alak sa lamesa nang bigla na lamang nila itong narinig na nagsalita. “Paano kaya ako naatim na lokohin ni Mike?” sabi nito. Nagtinginan lamang sila ni Maxene. Akala pa naman niya ay matutulog na ito. “For four years, I gave him all what he want. All.” sabi nito na itinaas pa ang dalawang kamay. “Pero bakit?” gumaralgal ang tinig nito. Hindi niya maiwasang masaktan habang nakatitig rito. Alam niya sa sarili niya na nasasaktan ito. Kanina nang dumating siya at ng sabihin nito sa kaniya na Mike cheated on her ay humanga siya kasi akala niya ay balewala lang rito iyon pero hindi pala. “Hindi ba sapat lahat ng pagmamahal ko sa kaniya?” mahinang sabi nito. At this point ay si Maxene naman ang humawak sa kamay nito dahil ito ang nasa tabi nito ng mga oras na iyon. Napabuntung- hininga siya at pagkatapos ay napakuyom ang mga kamay niya. Kung sakaling makasalubong niya lang talaga ang Mike na iyon ay hindi siya mag dadalawang isip na sampalin ito sa ginawa nito sa kaibigan niya. Sam doesn’t deserve this. Her heart is so pure. “Buti ka pa Vena hindi ka nasasaktan…” sabi nito. Napabuntung hininga naman siya at pagkatapos ay umupo sa harap nito. “Sam its okay to cry. If he cheated on you then ipakita mo sa kaniya na hindi siya kawalan.” sabi niya rito pero napailing lang ito. “It’s not like that easy Vena.” nagmulat ito ng tingin at tumitig sa mga mata niya. “How I wish that na sana ay hindi ka magaya sa akin. Choose a better man.” sabi nito. Bigla namang tila hinaplos ang puso niya dahil sa sinabi nito ng mga oras na iyon. She was so blessed to have a friend like Sam. “Choose properly ha? Or else you end up like this.” she joke at pagkatapos ay ngumiti ito sa kaniya. “Medyo gumagaling mag- advice ngayon si Sam,” teary- eyed naman na biro ni Maxene na nasa tabi nito. Kaagad naman siyang tunayo at pagkatapos ay niyakap si Sam at pagkatapos ay nakiyakap na rin si Maxene. Masasabi niya na nakahanap siya ng mga kapatid niya in the form her best friends. “I promise, hindi ako magkakamali sa pagpili.” sabi niya at pagkatapos ay napapikit at lumitaw sa kaniyang isip ang imaheng pinaka- perfect sa lahat ng perfect. Andrei…ISANG buwan na ang nakalipas simula nang makalabas si Vena mula sa ospital. Nakalabas na rin ang kanyang Kuya Luke at halos naghilom na rin ang sugat sa balikat nito, ngunit hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin siyang balita kung nasaan si Andrei.Isang buwan niya na itong hinahanap ngunit hindi niya ito makita. Walang maisagot ang mga kaibigan at mga kapatid niya maging ang Daddy niya kung nasaan ito. Napatigil siya sa kanyang ginagawa nang muli niya itong maalala, isang buwan na itong nawala na parang isang bula.Walang sagot at walang kumpirmasyon kung ano ang tunay na nangyari rito, walang gustong magsabi sa kaniya kung nasaan ito o kung ano ang kalagayan nito para kahit papano naman sana ay maibsan ang pag-aalala niya. Pinuntahan na niya ang bahay ng mga kaibigan nito ngunit wala silang isinagot sa kaniya.Maging ang Daddy ni Andrei ay hindi masabi sa kaniya kung nasaan nga ba talaga ito at halos tuyong-tuyo na ang utak niya sa kakaisip kung nasaan ito. Pilit niya na laman
Nanginginig pa rin ang mga kamay ni Vena habang nakaupo sa isang bench sa labas ng ICU. mabuti na lamang at naisugod kaagad si Andrei sa ospital kaya lamang ay marami ng dugo ang nawala sa kaniya. Doon sa ospital ay naabutan niya ang kanyang Kuya Thirdy kung saan ay mahigpit siyang niyakap nito.Hindi lamang si Andrei ang nasa kritikal na kondisyon kundi maging ang Kuya Luke niya pala ay nabaril ni Ceazar sa balikat at ayon kay Thirdy ay medyo marami rin daw dugong nawala rito. Kanina pa siya nakaupo doon at hinihintay na may lumabas na doktor mula sa loob ngunit halos ilang oras na ang lumipas ay wala pa rin kahit isa ang lumalabas.Dahil rito ay hindi niya maiwasang hindi mag-alala. Napatayo siya mula sa kanyang pagkakaupo at pagkatapos ay nagpalakad-lakad sa harap ng ICU mismo.“Vena umupo ka muna. Huwag kang masyadong mag-alala.” sabi sa kaniya ng Kuya Thirdy niya ngunit hindi niya ito pinakinggan.Hindi niya maiwasang mag-alala at isa pa ay hindi niya maiwasang hindi tanungin ang
Napahawak sa kanyang sugat si Luke at pagkatapos ay napapikit ng mariin. Ramdam na ramdam niya ang paglabas ng dugo mula doon at nararamdaman niya rin na tila ba nag-uumpisa ng mamanhid ang balikat niya. Sa madilim na paligid ay hindi niya maiwasang hindi magtanong kung iyon na nga ba ang magiging katapusan niya.Hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng poot kay CEazar, kaya niya ito hinabol ay dahil gusto niya itong tanungin kung bakit nito ginagawa ang lahat ng iyon. Hindi niya matanggap sa sarili niya na ganun ang ginagawa nito sa kabila ng lahat ng kabaitan na ipinakita nito sa kanilang lahat na kapatid nito.Gusto niyang marinig mismo sa bibig nito ang dahilan dahil pakiramdam niya ay pinaglaruan sila nito, napakalaking betrayal ang ginawa nito. Pinilit niyang bumangon mul sa kanyang kinahihigaan. Hindi siya papayag na doon na siya mamamatay. Hindi siya papayag, marami pa siyang pangarap at higit sa lahat ay kailangan niyang makaharap pang muli si Ceazar kung may pagkakataon pa.
“What? Wala sila sa loob? Walang tao sa loob?” takang-takang tanong ni Finn sa kanila ni Luke.Napakuyom lamang ang mga kamay niya at pagkatapos ay hindi siya nakasagot. “That’s impossible.” dagdag pa nito. Napakaimposible nga naman talaga na wala sila doon at ayon pa kay Luke ay puro pader na raw iyon at wala man lang kabinta-bintana sa loob kaya wala silang posibleng lalabasan.Mas lalo pang napakuyom ang mga kamay dahil sa matinding galit.“Baka wala talaga sila sa loob?” tanong naman ni Thirdy pero napailing siya.“Imposible iyon dahil narinig namin na kausap lang ni CAthy kanina si Ceazar bago kami umatake.” sagot naman niya rito.Ilang sandali na namayani ang katahimikan sa pagitan nila nang bigla na lamang basagin ni Finn iyon.“Kung puro pader na angdalawang kwarto na pinasok mo, wala silang ibang lalabasan kung hindi ang isang hidden door.” sabi nito.“Pero malabo din iyon. Wala akong nakitang kahina-hinalang siwang sa mga pader isa pa ay sementado ang mga iyon.” mabilis nama
“Ano?!” malakas na sigaw ni Ceazar dahil sa isinigaw ng tauhan niya. Magsasalita pa sana siyang muli nang bigla na lamang silang nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril kaya agad niyang binitawan si Cathy na ng mga oras na iyon ay wala ng malay dahil sa sakal niya.Mabilis na isinara ng kanyang mga tauhan ang pinto at siya naman ay kaagad na tumakbo sa kanyang kwarto at upang kuhanin ang baril niya. Shit! Mura niya sa kanyang isip habang nag-aapura. Mabilis niyang hinanap ang susi ng silid ni Vena at pumasok doo at naabutan niya itong tulog sa kama.Hindi na siya nag-aksaya pa ang oras at mabilis na binuhat ito. Mabuti na lamang at hindi ito nagising dahil sa ginawa niyang pagbuhat. Marahil ay dahil sa sakit na nararamdaman nito sa ginawa niya kanina. Nang mga oras na iyon ay nakaramdam siya ng guilt dahil sa ginawa niya rito ngunit wala siyang pagpipilian. Isa pa ay ito naman ang may kasalanan.Mabilis niyang tinungo ang kanyang silid at ini-lock iyon at pagkatapos ay inilapag sa
Halos ala-una na nga ng madaling araw nang makarating sina Andrei kung saan di umano itinago ni Ceazar si Vena. Medyo sa malayo sila pumwesto dahil baka mapansin ng mga tauhan ni Ceazar na may mga tao ngunit ang buong lugar ay pinalibutan na nila.Tanging si Cathy lamang ang lumapit sa mismong lugar dahil nga kilala naman siya ng mga tauhan ni Ceazar. Isa pa ay nakiusap ito na baka pwede raw na kausapin niya muna ito bago sila gumawa ng hakbang at may dala-dala itong maliit na chip para marinig nila ang magiging usapan nila.Kahit papano ay ayaw pa rin nitong masaktan si Ceazar sa kabila ng mga sakit na ibinigay at ang pagtalikod nito sa kanilang dalawa ng nagpanggap na si Vin. Kapag hindi ito pumayag na makipagkooperasyon ito ay tyaka sila gagawa ng hakbang. Sumandal siya sa kanyang kinauupuan at tumitig sa kadiliman na nasa kanilang harapan.…Napalunok si Cathy nang maiparada niya ang kanyang sasakyan sa harap ng pinagtataguan ni Ceazar. Ilang beses siyang humugot ng malalim na hin